You are on page 1of 10

San Vicente, Alcala, Pangasinan

Cipriano P. Primicias National High School

RESEARCH
PAPER
SA
ARALING
PANLIPUNAN

Ipinasa ni:

Michelle Prestoza
Janelle Calderon
10 Skype

Ipinasa kay:

Sir Jesus Tadeo


Globalisasyon: Ang mga Inaasam at
mga Pinangangambahan.
I. Ano nga ba ang globalisasyon at sino-sino ang mga nakikinabang rito? Bakit sinasabing
anti-mamamayan at anti-manggagawa ang globalisasyon? Pano ito malalabanan ng mga
manggagawa?

“Ang globalisasyon ang pinakamalaking pangyayari sa ekonomiya sa ating


kapanahunan. . . . Nagbibigay ito ngayon ng walang-kaparis na mga oportunidad
sa bilyun-bilyong tao sa buong mundo.”—MARTIN WOLF, KOLUMNISTA SA
PINANSIYAL

“Kami, ang mga tao sa Lupa, ay isang malaking pamilya. Ang bagong kapanahunan ay
naghaharap ng bagong mga hamon at bagong mga problema sa daigdig, gaya ng mga
kasakunaan sa kapaligiran, pagkaubos ng mga kayamanan, madugong mga labanan at
karukhaan.”—EDUARD SHEVARDNADZE, PRESIDENTE NG GEORGIA.

II. TERMINOLOGIES:

 ASEAN

Association of Southeast Asian Nations ay isang samahang ng 10


nagkakaisang Bansa sa Timog Silangang Asia.

 APEC

Ang Asia-Pacific Economic Cooperation ay isang poro ng mga 21 bansa


na napaligiran ng Karagatang Pasipiko o mga rehiyon (pinamagatang 'kasaping-
ekonomiya') upang talakayin ang ekonomiyang panrehiyon, kooperasyon,
kalakalan at pamumuhunan.

 WHO

World Health Organization o Pandaigdigang Organisyasyon sa kalusugan


ay isang natatanging sangay ng Mga Nagkakaisang Bansa na gumaganap bilang
isang katuwang na kapangyarihan sa pandaigdigang pampublikong kalusugan.
 Cold War

Ang Cold War ay panahon ng tensiyong politikal at tensiyong militar na


naganap pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nangyari ito dahil sa
tensiyon ng kompetensiya sa Ekonomiya.

 Teknolohiya

Ito ay mga makinarya o kagamita na ginagamit upang mapadali ang


produksyon, komunikasyon, at iba pang gawain ng mga katauhan.

 Stock Market

Ito ay ang lugar kung saan ang mga shares ay binebenta at binibili. Kung
halimbawa ang isang kumpanya ay naglabas ng 10,000 shares of stock
outstanding at ikaw ay bumili ng 100 shares, ikaw ay magiging stockholder at
magmamay-ari ka ng 1% ng kumpanyang iyon (100 ay 1% ng 10,000).

 WTO (World Trade Organization)

The World Trade Organization (WTO) helps to facilitate global trade. It is


the major multilateral forum for creating agreements and settling trade
disputes among governments. It has 153 members that collectively account
for more than 97% of world trade.

 Global

Pandaigdigan o kabuuan.

 TNC

Ito ang kompanyang ang operasyon at aktibidad ay sumasaklaw sa


maraming bansa. Ang TNC ay ang mother company na nakahimpil sa baseng
bayan at nagmamay-ari o kumukontrol ng mga subsidiary sa iba’t ibang bansa.

 E-mail o Electronic Mail

Ito ay isang paraan ng paggawa, pagpadala at pagtanggap ng mga


mensahe sa pamamagitan ng mga elektronikong sistemang pangkomunikasyon.

III. RESOURCES/READING

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102002361#h=3

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102002361#h=3
http://wol.jw.org/en/wol/d/r27/lp-tg/102002361.com/

Globalisasyon: Ang mga Inaasam at mga Pinangangambahan. (2002). Kinuha


noongEnero 19, 2014

Aklat hinggil sa Globalisasyon - ni Ka Popoy Lagman

IV. NOONG Disyembre 1999, ang pulong ng WTO na ginanap sa Seattle, E.U.A., ay
ginambala ng isang kaguluhan. Gumamit ang mga pulis ng tear gas, gomang bala,
at pepper spray upang maisauli ang kapayapaan. Sa wakas, naaresto nila ang daan-daang
nagprotesta.

Ano ang nag-udyok sa kaguluhang ito sa Seattle? Ang buong talaan ng mga problema
tungkol sa kasiguruhan sa trabaho, kapaligiran, at kawalang-katarungan sa lipunan.
Gayunman, sa simpleng pananalita, ipinangangamba ng mga nagprotesta
ang globalisasyon—ang epekto nito sa mga tao at sa planeta.

Hindi humupa ang kanilang mga pinangangambahan. Sapol noong 1999, ang mga
protesta laban sa globalisasyon ay lalong lumaki at naging matindi. Sa ilang kaso,
sinisikap ngayon ng mga lider sa daigdig na ganapin ang kanilang mga pulong sa liblib
na mga lugar kung saan mahihirapang guluhin ng mga nagpoprotesta ang mga
kapulungan.

Mangyari pa, hindi naman itinuturing ng lahat na isang banta ang globalisasyon.
Samantalang hinahatulan ito ng ilan bilang ugat ng mga problema sa daigdig,
ipinagbubunyi naman ito ng iba bilang lunas sa karamihan ng mga problema sa daigdig.
Totoo, ang patuloy na debateng ito ay waring walang epekto para sa karamihan sa
sangkatauhan, na marami sa kanila ay may malabong ideya tungkol sa globalisasyon.
Subalit anuman ang iyong pangmalas, nakaaapekto na sa iyo ang globalisasyon, at
malamang na makaapekto pa nga ito sa iyo nang higit sa hinaharap.

Ano ba Talaga ang Globalisasyon?

Ang “globalisasyon” ay katagang ginamit ng ilan upang ilarawan ang lumalawak na


pandaigdig na pagkaumaasa ng mga tao at mga bansa sa isa’t isa. Gayon na lamang
kabilis ang takbo ng prosesong ito sa nakalipas na dekada o higit pa, pangunahin nang
dahil sa malalaking pagsulong sa teknolohiya. Sa panahong ito, ang nagkakasalungatang
mga bansa noong Cold War ay halos naglaho na, nabuwag ang mga hadlang sa
kalakalan, nagsama-sama ang pangunahing mga stock market (pamilihan ng sapi) sa
daigdig, at naging mas mura at madali ang paglalakbay.
Ang lumalawak na pandaigdig na pagsasama-samang ito ay nagdulot ng panlahatan at
kawing-kawing na mga resulta ng pagbabago—sa ekonomiya, pulitika, kultura, at
kapaligiran. Nakalulungkot, ang ilan sa mga resultang ito ay maaaring di-kaayaaya.
Ipinaliwanag ng publikasyon ng United Nations na Human Development Report 1999 ang
ganito: “Lalong lumalim ang ugnayan sa buhay ng mga tao sa palibot ng daigdig, mas
punô ng buhay, mas malapít higit kailanman. Nagbukas ito ng maraming oportunidad,
anupat nagbibigay ng bagong pagkakataon para sa kapaki-pakinabang at
nakasasamang mga pagbabago.” Tulad ng maraming tagumpay na naisagawa ng tao,
ang globalisasyon ay may mabubuti at masasamang aspekto.

Sino ang nakikinabang sa Globalisasyon?


Walang iba kundi ang malalaking kompanyang tinatawag na mga korporasyong
transnasyunal o transnational corporation (TNC).

Umaabot sa 2/3 ng pangangalakal at pamumuhunan sa daigdig ay kontrolado ng mga


TNC. Ibig sabihin, dalawa sa bawat tatlong dolyar na halaga ng kalakal o kapital na
naglipana sa mundo ay pag-aari ng TNC.

Sa 100 pinakamalalaking “ekonomiya” sa daigdig, 49 lang ang mga bansa habang ang
natitirang 51 ay mga TNC. Ang Philip Morris ay isang TNC na may operasyon sa 170
bansa at mas malaki pa sa ekonomiya ng New Zealand. Ang Mitsubishi ay mas malaki pa
sa Indonesia. Ang Ford ay mas malaki pa sa South Africa.

Ang benta ng pinakamalaking 200 TNCs ay 28% ng ekonomikong aktibidad sa daigdig.


Ang kabuuang benta nila ay katumbas na ng ekonomiya ng 182 bansa—sa madaling
salita, ang buong daigdig pwera ang siyam na pinakamauunlad na bayan.

Ganito katindi ang kapangyarihan ng mga TNC. Walang dudang sila ang pwersang
nakikinabang sa globalisasyon. Ang globalisadong mga korporasyong ito ang
nagsusulsol at nagmomotor sa pagtatatag ng globalisadong ekonomiya.
Bakit anti-mamamayan at anti-manggagawa ang
Globalisasyon?

Ang ikinakatwiran nila’y ang pagpapasok ng dayuhang mga imbestor ay dagdag na


negosyong magpapasigla sa ekonomiya at lilikha ng dagdag na trabaho. Ganito nauuwi
ang lohika ng gobyerno—dagdag na negosyo at dagdag na trabaho ang iluluwal ng
globalisasyon.

Ang GDP ang kwenta ng kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nalilikha sa
bansa. Kung gayon, sukat ito ng likhang yaman na maaring paghatian ng bayan.
Ipinagmamayabang ni Ramos na sa kanyang termino lumaki ng 5% ang GDP, patunay ng
matipunong pag-unlad ng ekonomiya sa tulak ng globalisasyon.

Sumigla nga ang negosyo pero umunlad ba ang kabuhayan ng masa? Mula 1994
hanggang 1997, ang parte sa pambansang yaman na nakuha ng pinakamayamang 10%
ay lumaki ng 4.2%. Samantalang kumonti ang napunta sa lahat ng iba pang Pilipino mula
sa panggitnang uri hanggang sa masang maralita. Mula 1988 hanggang 1997,
positibo ang ang netong paglaki ng GDP. Pero ang parte sa pambansang yaman ng
pinakamahirap na 30% ng populasyon ay lumiit mula 9.3% noong 1988 tungong 7.8%
nitong 1997. Ang bahagi naman ng pinakamayamang 10% ng mga Pilipino ay lumaki
mula 35.8% tungong 39.7%. Ibig sabihin, sa kabila ng pagsigla ng ekonomiya—o
mismong bunga nito—lalo lang yumaman ang mayayaman at naghirap ang mahihirap!
Hindi porke’t gumanda ang negosyo ay gumaganda ang buhay ng masa. Katunayan lalo
lang lumalawak ang agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.

Pano lalabanan ng mga manggagawa ang


Globalisasyon?
Sa globalisadong opensiba ng uring kapitalista, pinaaatras ang uring manggagawa ng
kung ilang siglo sa panahong wala ni anumang proteksyon ang paggawa sa pang-
aabuso ng kapital. Binabawi ang mga karapatan at ganansyang naipagtagumpay ng mga
manggagawa sa magiting na pakikipaglabang daantaon na ang nakakalipas. Kung
magtatagumpay ang globalisasyon, darating ang panahong walang unyon, walang
seguridad ng trabaho, walang minimum na sahod, walang limitasyon ang araw ng
paggawa at walang mga benepisyo.

Subalit magaganap lang ito kung hindi lalaban—at lalaban bilang uri—ang mga
manggagawa. Sa tindi at igting ng perwisyo at sakripisyong dinaranas ng uring
manggagawa sa globalisasyon, napupukaw sa pagtutol at paglaban ang masang
manggagawa. Pumuputok ang mga welga at protesta ng manggagawa. Sa ibayong
dagat, pangkalahatang mga welga at higanteng mga demonstrasyon ang sumisiklab.

SANHI

 Malawak at malayang kalakalan sa buong mundo, kung saan nadadala ang


ibang produkto sa kaniya kaniyang bansa.
 Mababang ekonomiya ng isang bansa kung saan kailangan na nito ng tulong
at makipag ugnayan sa ibang bansa.
 Pagtatangkilik sa kultura ng ibang bansa kaysa sa sariling bansa.
 marami ang mga international na kumpanya ang nagtatayo ng kanilang mga
opisina at pabrika dito sa Pilipinas at sa iba't iba pang mga karatig na bansa.
 Ang mga bansa ay nagkakaroon ng kasunduan upang maipababa ang mga
gastusin at buwis na sangkot sa pagkalakal ng mga bagay mula sa kanilang
bansa patungo sa ibang bansa

BUNGA
Globalisasyong Pampulitika
Negatibo
Positibo  Paglaganap ng iba’t ibang uri
 Patuloy na pamamayagpag ng ng terorismo.
demokrasya sa mga  Patuloy na pagdami ng
komunistang bansa. internal armed conflicts o
 Pagkakaisa ng mga bansa sa mga gyerang maliliit sa loob
pamamagitan ng ASEAN, ng isang bansa
APEC, WHO, NU

Globalisasyon sa Ekonomiya

Positibo  Pagkakaroon ng maraming


mapagpipiliang produktong galing
sa ibang bansa.
 Paglaganap ng mga bagong  Global warming at pagkasira ng
pamamaraan sa paggawa at ozone layer dulot ng industriyalismo
kalakalan  Kahirapang dulot ng paglawak ng
Negatibo agwat ng mayayaman at mahihirap

Globalisasyon sa Teknolohiya
Positibo Negatibo
 Pagpapabilis ng komunikasyon at  Paglikha ng mga makabagong
paglalakbay sa pamamagitan ng pamamaraan ng pagpatay katulad
internet, texting at cable media. ng chemical at biologic
 Paglago ng iba’t ibang sangay ng
agham na nakakatulong sa pagtuklas
ng iba’t ibang gamot sa sakit
Mga Inaasam Para sa Mas Maunlad na Daigdig

“Pinagyaman [ng globalisasyon] ang daigdig sa larangan ng siyensiya at kultura at


nagbigay rin ng pakinabang sa maraming tao ukol sa kabuhayan,” ang sabi ng nagwagi
ng Nobel Prize sa ekonomiks na si Amartya Sen. Sinabi rin ng Human Development
Report 1999 na ang globalisasyon ay “naghaharap ng pagkalalaking posibilidad na
maalis ang karukhaan sa ika-21 siglo.” Ang dahilan sa optimismo na ito ay ang
nakagugulat na pag-unlad na idinulot ng globalisasyon. Tatlong ulit na mas malaki ang
kinikita ng pangkaraniwang pamilya sa ngayon kaysa noong nakalipas na 50 taon.*

Isang potensiyal din ang higit na pagtutulungan ng mga tao para sa pagsulong ng
pagkakaisa sa mundo. Napakinabangan ng ilang organisasyon para sa karapatang
pantao ang ilang mapagkukunan ng impormasyon sa Internet upang palaganapin nang
mas mabisa ang kanilang mga adhikain. Halimbawa, ang internasyonal na tratado noong
1997 na nagbabawal sa nakatanim na mga bomba ay bahagyang naisakatuparan dahil sa
paggamit ng e-mail upang pakilusin ang iba’t ibang grupong sumusuporta sa buong
mundo. Ang pamamaraang ito na nagsasangkot ng pangkaraniwang mga tao ay
pinapurihan bilang “isang bagong paraan ng pagsasagawa ng internasyonal na
diplomasya, kung saan magkasamang nagtutulungan ang mga gobyerno at
pangkaraniwang mga mamamayan upang lutasin ang mga krisis ng mga tao sa mundo.”

Pinangangambahan ang Mas Nagkakabaha-bahaging


Daigdig

Marahil ang pinakamalaking ikinababahala tungkol sa globalisasyon ay ang ginawa


nitong pagpapalawak sa agwat ng mayayaman at mahihirap. Bagaman ang kayamanan
sa daigdig ay walang-alinlangang dumami, natipon naman ito sa iilang tao lamang at sa
iilang bansa. Ang neto na halaga ng mga ari-arian ng 200 pinakamayayamang tao sa
lupa ngayon ay nakahihigit nang 40 porsiyento kaysa sa pinagsama-samang kita ng mga
taong nabubuhay sa planeta—humigit-kumulang 2.4 bilyon katao. At habang patuloy na
tumataas ang mga kita sa mayayamang bansa, nasaksihan mismo ng 80 naghihikahos na
mga bansa ang pagbaba ng katamtamang kita sa nakalipas na sampung taon.
Ang isa pang pangunahing ikinababahala ay ang kapaligiran. Ang globalisasyon sa
ekonomiya ay pinasigla ng mga impluwensiya ng pamilihan na mas interesado sa kita
kaysa sa pangangalaga sa planeta. Ipinaliwanag ni Agus Purnomo, pinuno ng World
Wide Fund for Nature sa Indonesia, ang hinggil sa problema: “Tayo’y patuloy na
nagkukumahog sa pagsulong. . . . Nag-aalala ako na sa loob ng isang dekada, tayong
lahat ay magiging palaisip sa kapaligiran, subalit wala nang matitira pa para
pangalagaan.”

Ikinababalisa rin ng mga tao ang tungkol sa kanilang mga trabaho. Kapuwa ang mga
trabaho at kinikita ay lalong nagiging di-tiyak, yamang ginigipit ng pagsasama-sama ng
mga kompanya sa daigdig at matinding kompetisyon ang mga kompanya na gawing
mas simple ang kanilang mga palakad. Ang pag-upa at pagsisante ng mga manggagawa
ayon sa kasalukuyang pangangailangan sa pamilihan ay waring makatuwiran para sa
isang kompanya na nababahala sa paglaki ng kita nito, subalit nagdudulot ito ng labis na
kaligaligan sa buhay ng mga tao.

V. KONKLUSYON

Ang globalisasyon ay ang kaparaanan kung paano nagiging global o


pangbuong mundo ang mga lokal o pampook o kaya pambansang mga gawi o paraan.
Sa madaling salita, ginagawang magkakasama sa buong daigdig. Tungkol ito
sa ekonomiya at kalakalan, teknolohiya, politika, at kalinangan o kultura. Magkakaiba
ang pananaw at damdamin ng mga tao ukol sa globalisasyon: may mga nag-iisip na
nakakatulong ito sa lahat ng mga tao, habang may mga nag-iisip na nakapipinsala ito sa
ilang mga tao dahil narin sa positibo at negatibong epekto nito.

You might also like