You are on page 1of 3

HETEROSEXUAL

Ang Heteroseksuwalidad (pinagsamang mga salitang hetero at seksuwalidad, na may


literal na kahulugang "tuwid [o tama] ang seksuwalidad") ay ang katayuan ng pagkaakit
na romantiko o seksuwal, o kaya ugaling pangpagtatalik sa pagitan ng dalawang mga
kasapi ng magkaibang kasarian o organong pangkasarian

HOMOSEXUAL
Ang homoseksuwalidad o homosekswalidad ay romantikong atraksiyon, atraksiyong
seksuwal o gawaing seksuwal sa mga kasapi ng magkatulad na kasarian. Ito ay bahagi
ng katangian o katauhan ng isang tao.

LESBIAN
Ang isang lesbiana, lesbiyana o tibo (Ingles: lesbian) ay isang babaeng homoseksuwal.
Nangangahulugan ito na ang isang babae ay sekswal na naaakit sa kapwa mga babae
at hindi sa kalalakihan. Kung minsan ang isang lesbiana ay tinatawag din bilang
tomboy, tibo, babaeng bakla, at binalaki.

GAY
Ang isang “gay” ay baklâ na ibig sabihin ay isang laláking nagkakagusto, umiibig, at
nakikipagtalik sa kapuwa laláki. Karaniwan ang isang lalaki at isang babae ang
nagkakagusto, umiibig, at nakikipagtalik sa isa't isa. Ang mga “gay” mas gusto sa
kapareho nilang kasarian.

BISEXUAL
Ang Biseksuwalidad (literal na "pang- o para sa dalawang kasarian" at karaniwan ding
tinatawag na silahis) ay isang ugaling pangkasarian ng tao o isang oryentasyong
pangkasarian na kinasasangkutan ng pangkatawan o maromantikong pagkabighani ng
tao sa kapwa mga lalaki at pati sa mga babae.

ASEXUAL
Ang aseksuwalidad o walang seksuwalidad ay ang kawalan ng seksuwal na atraksiyon
kaninoman o mababa o kaya naman ay walang interes sa mga kilos seksuwal. Maaari
rin sabihin na ito ay kawalan ng oryentasyong seksuwal, o isa sa apat na uri nito,
kasama ng heteroseksuwalidad, homoseksuwalidad, at biseksuwalidad.
TRANSGENDER
Ang transekswalismo ay isang medikal na diyagnosis kung saan ang isang indibidwal
ay may pagkakakilanlang kasarian (gender identity o kasariang sikolohiyal) na
kabaliktaran ng kanilang pisikal na kasarian.

SEX
Ito ay tumutukoy sa kasarian, kung lalaki o babae. Ito rin ay maaring tumukoy sa
Gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao. Ayon sa World
Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na
katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae at lalaki. Sa madaling salita, ang sex
ay isang biyolohikal na katangian ng isang tao simula ng siya at pinaganak at maari
lamang ito mabago kung dadaan sa isang operasyon ang tao na ito para baguhin ang
kaniyang kasarian.

GENDER
Ang gender, hindi tulad ng sex, ay di lamang mahahati sa dalawang kategorya. Ang
Gender ay isang spectrum. Ibig sabihin, ito ay binubuo ng iba’t ibang uri ng gender o
kombinasyon ng mga uri nito. Ang gender ay naghuhubog ng personal na pananaw ng
isang tao at ang mga gawi ng lipunan na nakapalibot sa kanya.

Ang karaniwang batayan ng Gender ay ang gender identity at roles na mayroon sa


lipunan: ito ay pagiging MASCULINE o FEMININE.

SEXUAL ORIENTATION
Ang sexual orientation naman ay tumutukoy sa ating pisikal, emosyonal at sekswal na
atraksyon sa ibang tao. Ang normal na inaasahan ng lipunan ay ang lalaki ay bumubuo
ng romantikong relasyon sa mga babae at ang mga babae sa lalaki naman, ito ang
tinuturing na heterosexuality. Ngunit may mga tao na nagkakaramdam ng atraksyon sa
mga tao ng kaparehong kasarian at ito ang tinatawag na homosexuality.

GENDER ORIENTATION

Ang gender identity ay isang personal na karanasan. Ito ay kung paano natin nakikita
ang ating sarili batay sa ating kasarian, kung tayo ba ay lalaki, babae o wala sa dalawa.
Karaniwan na magkatugma ang gender identity at ang kanilang gender
expression( kung paano nila ipakita ang kanilang kasarian sa pamamagitan pananamit,
kilos at iba pa) batay sa sex na taglay nila noong sila ay pinanganak.
LGBT
Ang LGBT ay inisyal na nagsasamang tumutukoy sa mga taong "lesbiyana, gay,
biseksuwal, at mga transgender" (tomboy, bakla, dalawang kasarian, at mga nagpalit
ng kasarian).

GENDER EQUALITY
Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian (kilala rin bilang gender
equity, gender egalitarianism, o sekswal na pagkakapantay-pantay) ay ang layunin ng
pagkakapantay-pantay ng mga kasarian o ng mga seks, na nagmumula sa paniniwala
sa kawalan ng katarungan na may iba't ibang anyo ng hindi pagkakapantay-pantay sa
kasarian.

GENDER SENSITIVITY
Gender Sensitivity ay ang pagkakaroon ng sensitibo pagtingin o paraan ng pagtingin sa
kasarian ng bawat indibidwal o tao. Ang pagbago sa maling pagtingin ng tao sa papel
na dapat ay kanya lamang ginagampanan. Pumapasok dito ang pagkakaroon ng
pantay pantay na pagtingin sa bawat indibidwal maging ito ay lalaki, babae, bakla o ito
ay isang tomboy.

GENDER ROLE
Ito ang nagtatakda kung paano mag-isip, magsalita at makipag-ugnayan ang isang
indibidwal. Ito ay isang konsepto ng lipunan ukol sa pag-uugali at pagkilos ng mga
kasarian.

You might also like