You are on page 1of 12

KASARIAN SA IBA’T IBANG

LIPUNAN
LAYUNIN

• Naipapahayag ang sariling


pakahulugan sa kasarian(gender) at
sex

• Nasusuri ang mga uri ng


kasarian(gender) at sex
Konsepto ng Kasarian: Konsepto ng
Gender at Sex
Ang gender at sex ay magkaibang konsepto.
Ang sex ay tumutukoy sa kasarian ng tao kung siya ay babae o
lalaki. Ito rin ay tumutukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang
layunin ay produksyon ng tao.
Ayon sa World Health Organization (WHO) (2004), ang sex
tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.

Ang gender naman at tumutukoy sa mga panlipunang


gampanin, kilos, at gawain na itinakda ng lipunan para sa mga
babae at lalaki
Babae - ♀ Lalaki - ♂
Ang mga aspektong may kaugnayan sa sex ay hindi mag iiba
paghambingin man ang mga lipunan, ngunit ang aspekto ng gender ay
malaki ang pagkakaiba sa lipunan

KATANGIAN NG SEX
1. Ang babae ay nagkakaroon ng buwanang dalaw samantalang ang lalaki
ay hindi.
2. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag) samantalang ang babae ay wala
nito

KATANGIAN NG GENDER
Ang gender naman ay mas komplikado dahil ito ay nakabatay sa
mga social factors. Ito ay ang panlipunang gampanin, pagkilos at
gawain na batay sa lugar, panahon o lipunang ginagalawan ng mga
babae at lalaki.
1. Maaaring palitan sa pamamagitan ng social factors.
2. Ito ay nakadepende sa uri ng pagkakakilanlan ng tao
SEXUAL ORIENTATION AT GENDER IDENTITY
Ang oryentasyong sekswal (sexual orientation) ay tumutukoy sa
kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa
taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o
kasariang higit sa isa. Samantalang…
Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kilala bilang
malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang
tao, na maaaring magkatugma o hindi na katugma sa sex niya nang siya’y
ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan
(na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o
kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapa opera,
gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama
na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
Ito ay ayon sa GALANG Yogyakarta. Sa simpleng kahulugan, ang salitang
oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong
makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho. Ang oryentasyong
sekswal ay maaaring maiuri bilang heteroseksual, homosekswal, at
biseksual.
• Heterosexual – mga taong nagkakaisa na sekswal sa
miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang
gustong makipagtalik ay babae at mga babaeng
gusto naman ay lalaki
• Homosexual –mga nagkakaroon ng sekswal na
pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na
kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang
makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae
bilang sekswal na kapareha.
Maliban sa lalaki at babae, may tinatawag tayo sa
kasalukuyan na
• Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender o mas kilala
bilang LGBT.
• Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos
at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may
pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae (tinatawag
sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy.
• Gay (bakla) - mga lalaking nakakaramdam ng
atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla
ang nagdadamit at kumikilos na parang babae
(tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla,
beki, at bayot)
• Bisexual - mga taong nakaramdam ng atraksyon sa
dalawang kasarian.

• Asexual – mga taong walang nararamdaman


atraksyon sekswal sa anumang kasarian
• Transgender -kung ang isang tao ay nakaramdam na
siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kanyang
pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi
magkatugma, siya ay maaaring may transgender na
katauhan
• Transexual - mga taong binago ang kanilang
katawan o bahagi ng kanilang katawan sa
pamamagitan ng pag pa opera o pag inom ng mga
gamot.

• Crossdresser - mga taong nagbibihis gamit ng damit


ng kabilang kasarian. Hindi binago ang kanilang
katawan.

• Gender queers - mga taong itinatakwil ang gender


binary o ang konsepto na dalawa lang ang kasarian

You might also like