You are on page 1of 19

KONSEPTO NG

KASARIAN AT SEX
ANO PAGKAKAIBA NG SEX AT GENDER?

• ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na


nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Samantalang ang gender
naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na
itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
PANONOOD NG VIDEO CLIP SA TEXTONG TATALAKAYIN GAMIT
ANG ( LINK : HTTPS://WWW.YOUTUBE.COM/WATCH?
V=Q_I3QOHSGXW ) O ANG LARAWAN SA IBABA.
1. ANO ANG MASASABI NYO SA VIDEO O LARAWAN?

2. BATAY SA NAPANOOD/ NA VIDEO O NAKITANG


LARAWAN. ANO ANG DAHILAN NG PAGKAKAKULONG
NI AZIZA AL YOUSEF?
PAGTALAKAY SA SEXUAL ORIENTATION
( ORYENTASYONG SEKSWAL)
- AYON SA GALANG YOGYAKARTA, ANG ORYENTASYONG
SEKSUWAL (SEXUAL ORIENTATION) AY TUMUTUKOY SA
KAKAYAHAN NG ISANG TAO NA MAKARANAS NG
MALALIM NA ATRAKSIYONG APEKSYONAL, EMOSYONAL,
SEKSWAL; AT NG MALALIM NA PAKIKIPAGRELASYON SA
TAONG ANG KASARIAN AY MAAARING KATULAD NG SA
KANYA, IBA SA KANYA, O KASARIANG HIGIT SA ISA.

- SA SIMPLENG PAKAHULUGAN, ITO AY TUMUTUKOY SA


IYONG PAGPILI NG IYONG MAKAKATALIK, KUNG SIYA AY
LALAKI O BABAE
PAGTALAKAY SA GENDER IDENTITY
( PAGKAKAKILANLANG
PANGKASARIAN)
- ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang
malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng
isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya
nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa
sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa
pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa
pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang
ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at
pagkilos.
ANG ORYENTASYONG SEKSWAL
MAAARING MAIURI BILANG
HETEROSEKSWAL, HOMOSEKSWAL, AT
BISEKSWAL.
HETEROSEXUAL – MGA TAONG NAGKAKANASANG SEKSUWAL SA
MIYEMBRO NG KABILANG KASARIAN, MGA LALAKI NA ANG
GUSTONG MAKATALIK AY BABAE AT MGA BABAENG GUSTO
NAMAN AY LALAK
 
I HOMOSEXUAL – MGA NAGKAKAROON NG SEKSUWAL NA
PAGNANASA SA MGA TAONG NABIBILANG SA KATULAD NA
KASARIAN, MGA LALAKING MAS GUSTONG LALAKI ANG
MAKAKATALIK AT MGA BABAENG MAS GUSTO ANG BABAE BILANG
SEKSWAL NA KAPAREHA
- Bukod sa lalaki at babae, may tinatawag tayo sa kasalukuyan na lesbian, gay, bisexual,
at transgender o mas kilala bilang LGBT.

- Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga
babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng
Pilipinas na tibo at tomboy).
 
- Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may
iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi
ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot).
 
1. MAIUURI ANG ORYENTASYONG SEKSWAL NG MGA
SUMUSUNOD. ANO-ANO ANG MGA ITO?

2. BUKOD SA LALAKI AT BABAE, MAY MGA LGBT. ANO ANG


IBIG SABIHIN NG LGBT?

SAGOT :
1. HETEROSEKSWAL, HOMOSEKSWAL, AT BISEKSWAL.
2. LESBIAN, GAY, BISEXUAL, AT TRANSGENDER
- Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.
 
- Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa
anumang kasarian.
 
- Transgender - kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay
sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi
magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katauhan.
“BAWAT TAO AY MAY KALAYAANG
MAGDESISYON SA PAGPILI NG ORYENTASYONG
SEKSWAL AT ITO AY KARAPATAN NA HINDI
IPINAGBIBILI KAILAN MAN.”
1. ANO SA PALAGAY NINYO ANG EPEKTO NG THIRD SEX SA
MGA KABATAAN?

2. ANO ANG IBA'T-IBANG URI NG


ORYENTASYONG SEKSWAL?

SAGOT:
1. (PANSARILING OPINYON)
2. HETEROSEKSWAL, HOMOSEKSWAL, BISEKSWAL.
MGA SAGOT :
1. TUMUTUKOY SA BIYOLOHIKAL AT PISYOLOHIKAL NA
KATANGIAN.
2. TUMUTUKOY SA MGA PANLIPUNANG GAMPANIN,
3. ORYENTASYONG SEKSWAL
4. TUMUTUKOY SA IYONG PAGPILI NG IYONG MAKAKATALIK,
KUNG SIYA AY LALAKI O BABAE.
5. GENDER IDENTITY
KARAGDAGANG GAWAIN PARA SA
TAKDANG-ARALIN AT REMEDIATION

MAGSAGAWA NG ISANG SURVEY AT MANGALAP NG


IMPORMASYON SA PAMAYANAN TUNGKOL SA
KONTRIBUSYON NG MGA BABAE , LALAKI, LGBT SA
LIPUNAN.

You might also like