You are on page 1of 2

Konsepto ng Kasarian

Konsepto ng Gender at Sex


Magkaiba ang konsepto ng gender at sex.

Sex- Tumutukoy sa kasarian ng isang indibiduwal kung lalaki o babae. Maaari ring tumutukoy
sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao.
Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa bayolohikal at pisyolohikal
na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.

Gender- Tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos at gawain na itinakda ng lipunan


para sa mga babae at lalaki.

Katangian ng Sex (Characteristics of Sex)

1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng regla samantalang ang mga lalaki ay hindi.
2. Ang mga lalaki ay may trsticle (bayag) samantalang ang mga babae ay wala.

Katangian ng Gender (Characteristics of Gender)

1. Pagkakakilanlan ng isang tao.


2. Gawain, kilos o gampanin ng isang tao na itinakda ng lipunan.
Hal: Sa bansang Saudi Arabia, ang mga babae ay hindi pinahihintulutan na magmaneho
ng sasakyan.
Iryentasyong Seksuwal (Sexual Orientation)

Ang Sexual Orientation at ang Gender Identity ay magkaiba.

Sexual Orientation- Pagpili ng isang indibiduwal ng makakatalik kung babae o lalaki o


pareho.

Ang Oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri bilang; heterosekswal, homosekswal at


bisekswal.

Heterosekswal- mga taong nagkakanasang sekswal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga


lalaki na ang gustong makatalik ay babae, at mga babae na ang gusto naman ay lalaki.

Homosekswal- mga taong nagkakaroon ng sekswal na pagnanasa sa sa mga taong nabibilang


sa katulad na kasarian, mga lalaking ang mas gusto ay lalaki at mga babaeng amas gusto ay
babae.

Bukod sa lalaki at babae, may tinatawag tayo sa kasalukuyan na Lesbias, Gay, Bisexual at
Transgender (LGBT).

Lesbian (Tomboy)- mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki.


Gay (Bakla)- mga lalaking nakakaramdam ng atraksyon sa kapwa lalaki.
Bisexual- mga taong nakakaramdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.
Transgender- mga taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan. Ang puso
at pagiisip ay salungat o di tugma sa kaniyang pangangatawan.

You might also like