You are on page 1of 7

ARALING PANLIPUNAN EXAMINATION REVIEWER

(THIRD QUARTER)

a) SEX—Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyoholikal na katangiang nagtatakda ng


pagkakaiba ng babae sa lalaki. Ito rin ay tumutukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin
ay reproduksiyon ng tao.

b) GENDER—Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinakda ng


lipunan para sa mga babae at lalaki. Karaniwang batayan nito ay ang gender identity at roles na
mayroon sa lipunan, ito ay ang pagiging masculine o feminine.

KATANGIAN NG SEX
1) Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang mga lalaki ay hindi.
2) Ang mga lalaki ay may penis at testosterone habang ang babae ay may suso at estrogen.

KATANGIAN NG GENDER
1) Ang lalaki ay itinuturing na malakas at matipuno samantalang ang mga babae ay tinitingnan
bilang mahinhin at mahina.
2) Ang mga lalaki ang magtataguyod sa pamilya samantalang ang mga babae ay inaasahang
gagawa ng mga gawaing bahay.

PAGKAKAIBA NG SEXUAL ORIENTATION AT GENDER IDENTITY (SOGI)

a. Oryentasyong Seksuwal (Sexual Orientation)—Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na


makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal, emosyonal, seksuwal, at malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kaniya, iba sa kaniya, o
kasariang higit sa isa.

b. Pagkakakilanlang Pangkasarian (Gender Identity)—Kinikilala bilang malalim na


damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o
hindi nakatugma sa sex niya nang siya ay ipanganak.

Ang oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri bilang heterosexual at homosexual.

a. Heterosexual—Mga taong nagkakaroon ng atraksyon sa miyembro ng kabilang kasarian,


mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
b. Homosexual—Mga taong nagkakaroon ng atraksyon at seksuwal na pagnanasa sa mga
taong nabibilang sa katulad na kasarian
Bukod sa babae at lalaki, sa kasalukuyan ay may tinatawag tayong Lesbian, Gay,
Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual o mas kilala bilang LGBTQIA+.

a. Lesbian (tomboy)—Mga babaeng nakararamdam ng pisikal o romantikong atraksiyon sa


kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas ng tibo at tomboy).
b. Gay (bakla)—Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki. May iilang
bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na
bakla, beki, at bayot.)
c. Bisexual—Mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.
d. Transgender—Ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan,
ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma.
e. Queer—Mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang uri ng pangkasarian,
ngunit maaaring ang kanilang pagkakakilanlan ay wala sa kategorya o kombinasyon ng lalaki o
babae.
f. Intersex—Kilala mas karaniwan bilang hermaphroditism, taong may parehong ari ng lalaki at
babae.
g. Asexual—Mga taong walang nararamdamang atraksyong seksuwal sa anumang kasarian.

You might also like