You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 10

KWARTER 3
ARALIN 1
Kasarian at Sex

Biyolohikal – mga katangian na taglay simula noong ipinanganak ang isang tao

Sekswalidad – ang pagkakilanlan ng kasarian ng isang tao tungkol sa kanyang sarili

Ang sex ay isang biyolohikal na konsepto na nakabatay sa biyolohikal na katangian ng isang tao,
halimbawa ang pagkakaiba ng genitalia (ari) ng mga lalaki at babae. Ibig sabihin nito, mula ng siya ay
ipinanganak taglay na niya ito at maaari lamang niya ito mabago kung dadaan sa isang operasyon para
baguhin .

Ang gender ay ginagamit upang tukuyin kung babae o lalaki ang isang tao ngunit ang ginagamit na
batayan ay ang mga panlipunan at pang-kulturang pagkakaiba ng dalawang kasarian. Minsan ay
ginagamit din ang gender upang tukuyin ang pagkakilanlan ng isang tao na hindi pasok sa karaniwang
kahulugan ng lalaki at babae.

Ang karaniwang batayan ng gender ay ang gender identity at roles na mayroon sa lipunan: ito ay pagiging
masculine o feminine. Sila ay inaasahan na susunod sa mga katangian o gawain na itinakda at kinikilala
ng lipunan. Halimbawa, ang isang lalaki, ayon sa paniniwala ng ating mga ninuno, ay ang haligi ng
tahanan at ang mga kababaihan naman ang ilaw ng tahanan.

Isa sa mga halimbawa ay ang mga non-binary o mga tao na hindi sumusunod sa tradisyonal na male-
female binary ng lipunan. Maaari itong mailarawan ng mga taong nagsusuot ng damit na ginawa para sa
kabilang kasarian at kumikilos na tulad sa kabilang kasarian. Halimbawa nito ay ang pagsuot ng hikaw ng
mga kalalakihan at ang pagsuot ng maong pants ng mga kababaihan.

Mayroon din na bigender kung saan ang isang tao ay gumaganap sa gender role ng parehong lalaki at
babae. Hindi rin nawawala ang mga agender, mga tao na hindi tinuturing ang kanilang sarili na bahagi ng
kahit anong kasarian.

Oryentasyong Sekswal
Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity (SOGI)?
Ayon sa GALANG Yogyakarta, isang internasyonal na pagpupulong ng mga grupong nagsusulong ng
karapatan ng tao na ginanap sa Yogyakarta, Indonesia noong Nobyembre 2006, ang oryentasyong sekswal
(sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makararanas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, sekswal, at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring
katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.

Samantalang, ang pagkakakilanlang pangkasarian (personal identity) ay kinikilala bilang malalim na


damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi
nakatugma sa sex nang siya’y ipinanganak; kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan
(na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan
sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama
na ang pananamit, pagsasalita, at pagkikilos.

*Heterosekswal mga taong may malalim na atraksyong sekswal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga
lalaki ng gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki
*Homosekswal mga nagkakaroon ng malalim na atraksyong ekswal sa mga taong nabibilang sa katulad na
kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang
sekswal na kapareha

*Lesbian (tomboy) sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong
lalaki at umiibig sa kapuwa babae (sa ibang bahagi ng Pilipinas, sila ay tinatawag na tibo at tomboy)

*Gay (bakla) mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapuwa lalaki; may iilang bakla na
nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at
bayot).

*Bisexual mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian

*Asexual mga taong walang nararamdamang atraksyong sekswal sa anumang kasarian

*Transgender kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang
kaniang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may transgender na
katauhan.

Pansexuality is the romantic, emotional, and/or sexual attraction to people regardless of their gender. Like
everyone else, pansexual people may be attracted to some people and not others, but the gender of the
person does not matter. OMNISEXUALITY

Tandaan!
• Ang gender identity ay makikita sa paraan kung manamit, kumilos, at kung paano mo nakikita ang
iyong sarili kung ikaw ba ay lalaki, babae o wala sa nabanggit.
• Ang sexual orientation naman ay nalalaman sa pamamagitan sa kung kanino ka nagkakagusto at
nakakaramdam ng romantikong atraksyon
• Ang heterosexuality at homosexuality ang pangunahing oryentasyong seksuwal sa lipunan ngayon.

You might also like