You are on page 1of 6

Aralin 3 Ang konsepto ng Kasarian, Gender, at Seksuwalidad: Mga

Pagpapakahulugan, Perspektiba, at Isyu


Gender Inequality at Gender Discrimination Bilang Batayang Isyu sa Kasarian at Gender
Gender - kinakailangang pundasyon para sa isang makatao, makatarungan, mapayapa, masagana, ekwitable at likas-kayang
hinaharap.
Ang gender equality ay nalalabag sa pamamagitan ng diskriminasyon batay sa kasarian.

Gender discrimination - Hindi pantay na pagtrato, kabilang ang pribilehiyo at priyoridad, batay sa gender.

Ayon sa Artikulo 1
ng United Nations Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women (CEDAW)
na pinagtibay noong 1979

Gender discrimination -Anumang pagtatangi o restriksiyon na isinagawa batay sa kasarian o sex na layong hadlangan o
mapawalang-bisa ang pagkilala ng kababaihan.
Gender inequality -Panlipunang kondisyon na kung saan ay hindi magkapantay ang pagtrato sa lalaki at babae.
- Ito ay diskriminasyon batay sa kasarian o gender na kung saan madalas na higit na nakalalamang at nagtatamasa ng mas maraming
pribilehiyo o priyoridad ang isang kasarian o gender.
Ang Konsepto ng Sex o Kasarian: Kahulugan, Pagkakakilanlan, at Kategorya
Sex - Tumutukoy sa biyolohikal na katangian.
- Permanenteng mga katangiang biyolohikal na nakabatay sa anatomiyang pisikal at pisyolohikal na awtomatikong nakukuha ng
isang tao sa kanyang kapanganakan.

Anatomiyang pisikal na ginagamit na batayan sa pagkakategorya bilang babae o lalaki


- Genitalia
- Buhok sa mukha
- Estruktura at komposisyon ng katawan
- Gampanin sa reproduksiyon (reproductive functions)

Ilang halimbawa ng mga katangiang pangkasarian (sex characteristics) ay ang sumusunod:


(1) ang mga babae ay nagreregla samantalang ang mga lalaki ay hindi
(2) ang mga lalaki ay may bayag (testicles) samantalang ang mga babae ay wala
(3) ang mga babae ay lumalaki ang suso at may kakayahang makalikha ng gatas samantalang ang mga lalaki ay hindi
(4) sa pangkalahatan, ang mga lalaki ay may higit na "massive bones" kaysa sa mga babae.

Subalit ayon sa World Health Organization (WHO) ang kahulugan ng sex bilang katangiang biyolohikal na nagtatakda sa
pagiging babae o lalaki ay hindi absolutong katotohanan.

Intersex - Ang kanilang sexual anatomy o genitalia at chromosome patterns ay hindi tugma sa katangian ng lalaki o babae.
Ang Konsepto ng Gender: Kahulugan, Pagkakakilanlan, at Kategorya
Binibigyang-kahulugan ng WHO ang gender bilang:
- Panlipunang konstruksiyon ng mga gampanin na itinuturing ng isang lipunan na naaangkop para sa babae at lalaki."

- Sistema ng klasipikasyon na resulta ng paglikhang panlipunan na nagtatalaga o nagtatakda ng mga katangian ng pagkalalaki at
pagkababae.

Samakatwid, kompara sa sex o kasarian, ang gender ay katangiang kultural sa halip na biyolohikal.

Ang gender ay isang pagkakakilanlang nakamit na natututuhan sa pamamagitan ng socialization, nababago sa paglipas ng panahon,
at magkakaiba sa bawat kultura.
- Binubuo ng mga gampanin pangkasarian, pananagutan, karapatan, at limitasyon ng mga tao na itinatalaga ng mga lipunan at
kultura para sa babae at lalaki.

Sex Categories
- Babae
- Lalaki
- Intersex

Gender Categories.
- Pagkababae
- Pagkalalaki

Kategorya ng gender expression


- Pagkababae
- Pagkalalaki
- Androgynous

Kategorya ng gender identity


- Cis-gender
- Transgender
-Bigender
- Agender

Kategorya ng Sexual orientation


- Heterosexual
- Homosexual
- Bisexual
- Asexual

Maituturing ang mga gender roles at gender identities bilang "culturally prescribed" o ipinagbabawal o nililimitahan ng bawat
kultura.
Mga Kategorya ng Gender Identity at Gender Expression: Kahulugan at Katangian
Gender identity - Pansariling pag-unawa sa pagiging babae o lalaki batay sa kanyang pagkakaugnay sa gender roles na panlalaki o
pambabae

Gender expression - Panlabas na pagpapahayag o pagpapakilala sa lipunan ng babae o lalaki ng kanyang gender identity na
maaaring sa pamamagitan ng pananamit, buhok, kilos, o ng iba pang panlabas na katangian

Ang androgyny - Pagkakaroon ng pinagsamang mga katangian ng pagkalalaki at pagkababae


- Maaaring maihayag sa pamamagitan ng pananamit, gender identity, sexual lifestyle, at maging sa boses sa pagsasalita at pag-awit.
Cis-gender - Biyolohikal na kasarian ay tugma sa kanyang gender identity.
Transgender - Hindi nagtutugma ang gender identity sa biyolohikal na kasarian

Mauuri ang mga transgender bilang:


Transgender man o transman
Transgender woman o transwoman.

Transman - Transgender na ipinanganak na babae subalit may gender identity ng pagkalalaki


Transwoman - Transgender na ipinanganak na lalaki subalit may gender identity ng pagkababae.

Nagiging transsexual ang isang indibidwal kapag nagsagawa siya ng interbensiyong medikal tulad ng
sex reassignment surgery (SRS) o hormone therapy
Walang kaugnayan ang pagiging transgender sa sexual orientation
LGBTQI - Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, at Intersexed.

Bigender - Indibidwal na ang gender identity ay pinagsama o parehong pagkalalaki at pagkababae


Agender - Indibidwal na pakiramdam na sila'y "ungendered" o walang gender identity.

Mga Kategorya at Uri ng Seksuwalidad/Sexual Orientation: Heterosexual, Homosexual, Bisexual, at Asexual


Ang gender at seksuwalidad ay panlipunang pagkakakilanlan.
Seksuwalidad - Kapasidad ng tao para sa pakiramdam na seksuwal (sexual feelings).
Tungkol sa nararamdaman at pagkaakit na seksuwal tungo sa ibang tao, at hindi ito tungkol sa pakikipagtalik lamang.
Ang seksuwalidad ng isang tao ay mauuri ayon sa kanyang sexual orientation.

Sexual orientation - Pagkaakit o atraksiyon ng isang tao sa mga miyembro ng kaparehong kasarian at/o ibang kasarian.
Heterosexuality
- Atraksiyon sa ibang kasarian maliban sa sariling kasarian.
- Atraksiyong seksuwal, emosyonal, o romantiko sa isang kasarian maliban sa sariling kasarian.

Homosexuality
- Atraksiyong seksuwal, emosyonal, o romantiko sa katulad na kasarian

Gay – Same Gender Attraction


Bisexual – May atraksiyong seksuwal, emosyonal, o romantiko sa parehong babae at lalaki
Asexual - Walang anumang nararamdamang atraksiyong seksuwal, emosyonal, o romantiko sa anumang kasarian.
Iba't Ibang Salik na Nagiging Dahilan ng Pagkakaroon ng Diskriminasyon sa kasarian
Cultural norms
- Mga nakasanayang kaugaliang kultural na matagal na panahong umiral sa lipunan.
- Walang batayang empirikal o siyentipiko kundi sanhi lamang ng social constructs
Kaisipan at Sistemang Patriyarka Bilang Saligan ng Gender Discrimination at Gender Inequality
Patriyarka o patriarchy na nangangahulugang "rule of the fathers”
- Panlipunang organisasyon o sistema kung saan ang mga lalaki ay dinodominahan at kinokontrol ang mga babae.
- Sistemang panlipunan kung saan ang mga lalaki ang nagdodomina sa politika, ekonomiya, kultura, ugnayang panlipunan (social
relations), at sa halos lahat ng larang sa loob at labas ng tahanan.
Ang Bahaging Ginagamapanan ng Gender Socialization sa Pagpapanatili ng Gender Discrimination
Nakukuha ng indibidwal ang mga gender norms at gender roles na karaniwang nagiging gender stereotypes sa pamamagitan ng
gender socialization

Apat na agents of socialization.


- Pamilya
- Edukasyon
- Peer groups
- Mass media.

Ayon kay John Macionis sa kanyang aklat na Society: The Basics,


Socialization ay ang "panghabambuhay na karanasang panlipunan na kung saan hinuhubog ng mga indibidwal ang kanilang
potensiyal bilang tao at natututuhan ang kultura.

- Proseso ng pagtatalaga ng isang indibidwal sa social world na kung saan kanyang napag-aaralan sa pamamagitan ng inter-aksiyon
ang mga gaw, aktitud, pagpapahalaga, paniniwala, at pamantayan ng kanyang pangkat panlipunan.
Salik na Biyolohikal: Ang Bahaging Ginagampanan ng "Sex Differences" sa Pagkakaroon ng Diskriminasyon sa Kasarian
Ayon sa essentialism, isinusulong nito ang argumento ng pagkakaroon ng natatanging sa mga babae at lalaki.

Socialization ay ang pamamaraan na natututuhan at natatanggap ng tao ang kanyang mga gampaning pangkasarian.
Ang Socially Constructed Gender Norms and Roles Bilang Salik sa Pagkakaroon ng Gender Discrimination at
Pagpapanatili ng Gender Inequality
Norms - Katanggap-tanggap na pamantayan ng pagkilos at asal na itinakda ng lipunan.
Gender norms - Ideya ukol sa mga pamantayan at inaasahan na ang mga babae at lalaki ay dapat kumilos ayon sa itinatakda ng
lipunan, kultura, at komunidad sa isang partikular na panahon.
Magkaiba ang kahulugan ng gender roles sa sex roles.
Sex roles
- Function o tasks batay sa pagpapasiyang biyolohikal
Gender role
-Inaasahang pagkilos, asal, at pag- uugali ng babae at lalaki.
- Binubuo ng mga gampanin at gawain na itinatakda sa babae at lalaki batay sa inaakalang katangian ng bawat kasarian.
Ang sex roles ay halos walang pagkakaiba sa iba't ibang lipunan,
samantalang ang mga gender roles ay may malaking pagkakaiba.

Halimbawang sex role ang:


- Gampanin ng babae na manganak
- Lalaki na mang buntis ng babae.
Ang Gender Stereotypes Bilang Salik sa Pagkakaroon ng Diskriminasyon sa kasarian
Gender stereotypes
- Labis-labis na paglalahat tungkol sa mga katangian ng isang buong pangkat batay sa kasarian.
- Tumutukoy sa nakasanayan o praktis ng pagtatalaga sa indibidwal na babae o lalaki ng mga espesipikong katangian.
Nagkakaiba ang mga gender stereotypes batay sa apat na dimensiyon na binubuo ng mga:
- traits
- role behaviors
- katangiang pisikal
- hanapbuhay
Bahaging Ginagampanan Sexual Objectification sa Pag-iral ng Gender Disrimination
Sexual objectification - Gawain (act) ng pagtrato sa isang tao bilang kasangkapan lamang sa kaligayahang seksuwal.
- Pagtrato sa isang tao lalo na sa kababaihan bilang kalakal o produkto ng walang pagsasaalang-alang sa kaniyang pagkatao o
dignidad bilang tao
Mga Kaisipan na Nagsisilbing Salik sa Pagkakaroon ng Gender Discrimination: Sexism, Misogyny, at Homophobia
Hinubog din ng mga gender stereotypes ang iba't ibang kaisipan na nagbibigay-katwiran sa gender discrimination at gender
inequality.

sexism at misogyny sa kababaihan


homophobia at biphobia sa mga transgender.

Sexism - Paniniwala na ang isang kasarian o sex ay mas superyor o nangingibabaw kaysa sa iba.

Institutional sexism - Manipulasyon o pagsang-ayon (toleration) sa mga patakarang institusyonal na humahadlang na matamasa ng
isang kasarian ang anumang oportunidad kompara sa ibang kasarian.

Misogyny - Pagkatakot o galit sa mga babae


Homophobia o Transphobia - Pagkatakot, galit, o intolerance sa mga transgender o LGBT
Biphobia - Pagkatakot, galit, o intolerance sa mga bisexual na babae o lalaki.
Ang misogyny ay partikular na tumutukoy sa pagkagalit o hindi pagkagusto sa mga pagkilos at behavior na hindi angkop o takda
para sa mga babae gaya ng pagiging malakas at makapangyarihan, independent, at ambisyoso.

Sexism
- "prejudicial behavior" laban sa kababaihan batay sa kanilang gender.
- Ito ay ang prejudice o bias sa tao batay sa kanilang gender.
- Nakatuon sa kababaihan bilang kabuoan o kategorya at hindi sa kanilang behaviors na siyang pinagtutuonan ng misogyny
Bahaging Ginagampanan ng Kasarian (Gender Roles nder Stereotypes) sa Iba't Ibang Larang nstitusyong Panlipunan

Institusyong panlipunan o social institutions - Complex at integratibong set ng mga pamantayang panlipunan na inorganisa para
sa preserbasyon ng isang batayang pagpapahalagang panlipunan

Nagsisilbing "regulatory agencies" - Institusyong panlipunan, na kung saan ang mga pagkilos ng mga tao sa kanilang pakikipag-
inter-aksiyon sa ibang tao ay kinokontrol ng mga pamantayan (norms), alituntunin (rules), o patterns.
Limang primaryang institusyong panlipunan ay ang
- Pamilya - Edukasyon
- Pamahalaan - Relihiyon
- Ekonomiya

Deviance (Deviants)- Paglabag sa mga pamantayang kultural na itinatakda ng lipunan.

Bahaging Ginagampanan ng Gender Roles Gender Stereotypes sa Relihiyon

Ang batas sa Pilipinas patungkol sa pagtataksil sa asawa ay magkaiba


Concubinage – Kapag lalaki ang nagtaksil
Adultery – Kapag babae ang nagtaksil
Katayuan ng Kababaihan at Transgender sa Iba't Ibang Bansa at Rehiyon sa Daigdig Batay sa Global Gender Gap Report
Ang Gender Gap Report at Iba Pang Batayan sa Pagtasa sa Katayuan ng Kababaihan
Simula 1980's, naging bahagi na ng akademya bilang interdisiplinaryong pag-aaral ang gender studies at subdisiplina sa larang ng
sosyolohiya bilang Sociology of Gender.
Naging bahagi na rin ng pangangalap ng datos at pagbabantay ng mga sangay ng United Nations gaya ng:
- United Nations Development Programme (UNDP) sa pamamagitan ng:
- Human Development Index (HDI)
- Millenium Development Goals (MDG)
- Sustainable Development Goals (SDGs)
Global Gender Gap Report ng World Economic Forum (WEF) taon-taon ay
- Isa sa pangunahing ginagamit na batayan sa pagtasa sa antas ng gender equality ng mga bansa sa daigdig.

Gender gap - Anumang malaking agwat ng di pagkakapantay sa kondisyon o posisyon ng babae at lalaki sa lipunan.
Katayuan ng Kababaihan sa Daigdig Ayon Global Gender Gap Report
Sa 2016 Global Gender Gap Report, napanatili ng Pilipinas ang pampitong puwesto noong 2015 sa overall global index sa
pagtanggal ng gender gap

Sa buong daigdig,

pang-1 ang Pilipinas sa aspekto ng educational attainment at health and survival


pang-17 lamang sa political empowerment
pang-21 sa economic participation and opportunity.
Ayon sa pagsusuri ng World Economic Forum sa mga datos ng Global Gender Gap Index ng 2016, kinakailangan ang 170 taon o
hanggang 2196 upang maisara ang economic gender gap o maabot ang pagkakapantay na ekonomiko (economic parity) sa buong
daigdig, kung pagbabatayan ang nangyaring pagbagal ng pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansa sa nakalipas na taon.

Tinatayang aabutin pa ng 45 taon bago maisara sa mauunlad na bansa ang earning/income gap sa pagitan ng babae at lalaki.
Sa Pilipinas, sa apat na aspekto ng Global Gender Gap Report ng 2016, sa antas din ng political empowerment may
pinakamababang score ang Pilipinas.
Ang Diskriminasyon sa mga LGBTQIA sa Iba't Ibang Bahagi ng Daigdig
Sa katunayan, tanging noon lamang 2011 sa kauna-unahang pagkakataon nagpatibay ng resolusyon ang United Nations ng pagkilala
sa LGBT rights. Kung ikokompara sa kababaihan, noon pang 1979 pinagtibay ng United Nations General Assembly ang isang
pandaigdigang kasunduan at hindi resolusyon na itinuturing na International Bill of Rights for Women, ang Convention on the
Elimination of all Forms of Discrimination Against Women (CEDAW).
Hanggang noong Agosto 2016, nananatiling 72 bansa at sub- national jurisdictions mula sa 92 noong 2006 ang may umiiral na batas
na nagtuturing sa homosexuality, ilang homosexual activity at same-sex marriage bilang krimen.

You might also like