You are on page 1of 3

Konsepto ng Seks, Kasarian at Sekswalidad

SEKS ( SEX ) KASARIAN ( GENDER )


- Ayon sa World Health Organization, ang sex ay - Ayon sa World Health Organization, ang gender
tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin,
katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae kilos at gawain na itinakda ng lipunan o ng kultura
sa lalaki. para sa mga babae at lalaki.
- Katangiang pisikal ng isang tao ng simula ng siya - Ito ay produkto o impluwensiya ng lipunang
ay ipinanganak. ginagalawan o ng kultura.
- Binubuo ng ari ng babae o lalaki at iba pang organ - Tumutukoy sa kung ano ang ugali, kilos, o asal na
na may kaugnayan sa reproduksyon o pagbuo ng dapat sa isang lalaki o babae.
sanggol.
- Tumutukoy sa pagiging baba o lalaki - Tumutukoy sa pagkalalaki o pagkababae
( male o female ) ( masculine o feminine )
KONSEPTO NG SEKSWALIDAD
- Ang sekswalidad ay ang behikulo upang maging ganap na tao—lalaki o babae- na ninanais mong maging. Hindi
ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan.
- Ang sekswalidad ay ang pagpapahayag ng sarili ng isang tao bilang sekswal na nilalang.
Ang sekswalidad ay ang pinili mong maging ganap na tao- lalaki o babae.

GAANO KAPANGANIB

NO RISK- walang panganib na dulot kung gagawin ito ng kabataan.


LOW RISK - hindi gaanong mapanganib ang dulot nito kung gagawin ito ng kabataan.
HIGH RISK - malaki ang panganib ang dulot kung gagawin ito ng kabataan.

MGA DAPAT AT HINDI DAPAT GAWIN

• Pagiging responsable sa pag-aaral bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.


• Pagtuklas at paglinang ng mga kakayahan at talento sa sarili (gaya ng pagawit, pag-sayaw, pagluluto, pagdidisenyo at iba
pa).
• Pagtamo ng ganap o mature na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad (pakikiisa sa mga programa ng paaralan o
pamayanan kasama ang ibang mga kabataan).
• Pagiging responsable sa pagsunod sa alituntunin ng mga magulang, paaralan at pamahalaan.
Ayon kay Lawlor at Setaysha (2021), ang mga sumusunod ay mga tamang kilos na dapat maisagawa ng mga nagdadalaga
at nagbibinata sa aspekto ng pakikipagkapwa at magbuo ng maingat na pagpapasiya.
Pakikipagkapwa
• Pagiging magalang sa pakikipag-usap at pagkakaroon ng kabutihang asal.
• Pagiging malaya at malawak ng pag-iisip na may paggalang sa pananaw ng iba.
• Pagiging sensitibo sa sekswalidad ng tao batay sa pagkakakilanlang sekswal o sekswal na oryentasyon nito.
• Handang tumulong sa kapwa at pakikiisa sa mga gawaing panlipunan.
• Pakikipag-ugnayan sa kasing edad.
Maingat na pagpapasiya
• Pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
• Pagiging mabuti at mapanagutan o responsableng indibidwal.
• Pagiging handa sa paghahanap-buhay para sa pamilya o paglilingkod sa kapwa.
• Pagpapakita ng makabuluhang mga kilos at gawi.
Upang magkaroon ng epektibong pangangasiwa at pagsasabuhay ng mga tamang kilos at gawin sa yugto ng pagbibinata
at pagdadalaga, narito ang ilang mga gabay.
• Gumamit ng mga angkop na salita sa pakikipag-usap.
• Maglaan ng oras at panahon upang mapag-usapan ng masinsinan kung ano ang seksuwalidad at mga pagbabago sa
bayolohikal sa perspektiba at pananaw ng isang kabataang nagdadalaga at nagbibinata.
• Kapag ang kabataan ay nagdadalaga o nagbibinata mas mainam na mapag-usapan ang isyung seksuwalidad at kung
paano malilinang ang tamang gawi upang maisakatuparan ang bokasyon pagdating sa pagmamahal.
• Kung nasa isang ugnayan, pag-usapan ang mga dapat at di-dapat gawin. Ipaalalang “Maghintay para sa tamang tao" at
"Magsanay ng mabuting kalusugang sekswal.”
• Maging simple ngunit maging totoo. • Gamitin ang social media sa mabuting gawain bilang pagtugon upang maihanda
ang kabataan sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata.
• Ipaalala ang napakalaking gampanin ng pag-ibig sa paghubog ng bokasyong magmahal sa mga nagdadalaga at
nagbibinata.
Ang tao ay tinawag upang magmahal. Ito ang natatanging bokasyon ng tao. Hindi lamang sa pag-aasawa at pagpaparami
ng sangkatauhan ang paraan upang maisakatuparan ang bokasyong ito. Ang pagsisilbi sa kapwa ay isa ring tanda ng
pagmamahal na maaring magpasakatuparan ng bokasyong magmahal na kayang gawin ninoman kahit walang asawa o
kapareha. Gaano man kalaki ang hamon ng pagdadalaga at pagbibinata, kailangan harapin at gampanan nang maayos
ang mga ito. Dapat maging handa at taglayin ang mga kaalaman na makatutulong upang maging matatag sa pagharap ng
hamon.

PAMBUBULAS
Unang Karahasan : Ang pambubulas o bullying ay isang pagtatangka na naglalayong saktan ang emosyonal at pisikal na aspeto ng tao.
Madalas na pinapahiya at ginagawang katatawanan ang mga biktima ng ganitong karahasan.
BULLY- tawag sa taong nagtatangka na saktan ang emosyonal at pisikal na aspeto ng tao.
Ur ng Pambubulas ( Bullying ) Mga Halimbawa
1.Piskal na Pambubulas- pananakit ng katawan at kawalan ng pambubugbog, paninipa, pananampal, pamamatid, pagtago at
paggalang sa kagamitan ng kapwa paninira ng kagamitan
2. Pasalitang Pambubulas -paggamit ng masasakit na salita at pagmumura, pagbabansag, diskriminasyon, pagbabanta
mga hindi pasalitang mensahe
3. Panlipunan/ Sosyal na Pambubulas- pamamahiya at tahasang paninirang puri, pag-iwas at paglayo, pamimintang,
pagbibintang sa harap ng maraming tao.
4. Cyber o Electronic na Pambubulas- paggamit ng makabagong paninirang puri sa social media, pagpost ng mga maselang bahagi
teknolohiya sa anumang uri ng pambubulas ng katawan ng iba, pamimintang at pagbabanta sa social media
MGA DAHILAN NG PAMBUBULAS MGA EPEKTO NG PAMBUBULAS
1.Pagtutulad sa mga napapanood sa mga bayolenteng palabas o 1.Pag-away ng mga mag-aaral/ kaguluhan sa paaralan.
mga larong bayolente (computer games )
2. Hindi maayos na relasyon sa pamilya kaya kulang ng paggabay 2. Pag-hinto sa pag-aaral
ng magulang.
3. Kakulangan mg pag-aaral at talakayan tungkol sa mga 3. Matinding kalungkutan o depresyon
isyung ito sa loob ng paaralan.
4. Kagustuhang maging sikat o kilala o katakutan sila sa 4. Matinding trauma
paaralan o maging “astig” sa paaralan.
5. Ang pagkaiinggit o paninibugho 5. Pagpapakamatay
6.Sila rin ay biktima ng bullying
7. Pananahimik ng mga mag-aaral at pamunuan sa mga
pangyayari sa bullying sa paaralan
Ikalawang Karahasan: Fraternity o Gang
Ang fraternity ay isang samahan o kapatiran na binuo ng mga indibidwal na nagnanais na mapansin o maging bahagi sa iba.
Ang gang ay grupo ng magkakaibigan na kadalasang nag-aangkin ng control sa isang teritoryo sa komunidad o maging sa
paaralan. Kadalasan itong nasasangkot sa kaguluhan krimen at eskandalo.
Ikatlong Karahasan: Sexual Harassment/ Panliligalig sa Sekswal
Ang ganitong karahasan ay ang pagpupumilit ng isang tao sa isang bagay na hindi gusto ng biktima.
Ang mga sumusunod ay ilang lamang sa mga halimbawa ng sexual harassment:
• Panghihipo sa maselang bahagi ng katawan
• Pagtitig na may halong malisya
• pagtatanong kung ano ang kanyang sinusuot habang nasa ibang linya ng telepono
• pagsipol
Ikaapat na Karahasan: Bandalismo
Ang bandalismo o vandalism ay ang krimen ng sinasadyang makapinsala sa pag-aari ng ibang tao tulad ng paninira o
pagsusulat ng hindi kanais-nais sa mga mesa, upuan at pader sa istraktura ng pampublikong lugar.
Ikalimang Karahasan: Pagnanakaw/ Extortion
Ang extortion ay ang pamimilit na paghingi ng pera, pagkuha ng kagamitan ng ibang tao at ipatubos sa kanila ito sa
pamamagitan ng pera o kapalit na bagay.

You might also like