You are on page 1of 21

COMPREHENSIVE SEXUALITY EDUCATION

INTEGRATION

Lesson Plan in Health 5 - Quarter 2

I. Learning Competency:
Discusses the importance of seeking the advice of professionals/

trusted and reliable adults in managing puberty related health

issues and concerns (H5GD-Ii-11)

Objective(s)
1. Naipamamalas ang tamang pamamahala ng mga isyung pangkalusugan
dulot ng puberty
2. Naisasagawa ng tamang pangangalaga sa sarili at kalusugan
3. Natatalakay ang kahalagahan ng paghingi ng payo at tulong sa mga
propesyonal at mga nakatatandang mapagkakatiwalaan

CSE Integration
Identify parents, teachers and other adults who can help stop
and prevent sex harassment and rape ( S6A4b)

II. Content/Topic: Self-care and Management of Puberty-related Health


Issues and Concerns

III. Learning Resources:


● Masigla at Malusog na katawan at Isipan 5, Manwal ng Guro

● Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5, Batayang Aklat3/

● CSE Curriculum Guide

● https://www.google.com/search?
source=univ&tbm=isch&q=pictures+of+filipino+children&fir
https://www.google.com/search?
q=pictures+of+health+issues+and+concerns+during+puberty
● https://www.google.com/search?
source=univ&tbm=isch&q=Pictures+of+a+filipino+elementary+learner+i
n+guidance+office
● https://www.google.com/search?
source=univ&tbm=isch&q=Pictures+of+a+filipino+elementary+learner+i
n+guidance+office
● https://www.google.com/search?
q=Pictures+of+a+filipino+nurse+with+filipino+school+children
● https://www.google.com/search?
q=Pictures+of+a+filipino+school+children+playing
● https://www.google.com/search?
q=Pictures+of+a+filipino+school+children+eating

IV. Procedures:
A. Motivation
Ipabasa ang kuwento ni Fatima at pasagutan ang mga
tanong ukol dito.
,
Ang Kuwento ni Fatima
Lita
Si Fatima ay isang mag-aaral sa ika-limang baitang sa Dao
Elementary School sa Lungsod ng Tuburan.Siya ay may sampung taong
gulang at nakararanas ng sexual harassment sa kanyang kaklase sa
paaralan sa pamamagitan ng pagtingin nito ng masama o may
intension.Pagkatapos ay hinarangan siya sa kanyang dinaanan gamit ang
kanyang paa.Takot na takot si Fatima kaya isinumbong niya ito sa
kanyang guro ang buong pangyayari.Ipinatawag ng guro ang kanyang
kaklase na lalaki at dinala sa guidance office para mapayuhan ang
kanyang ginawang sexual harassment na di-verbal.

Itanong:
1. Sino ang babaeng mag-aaral sa kuwento?
2. Ano ang ginawa ng kanyang kaklaseng lalaki?
3.Ano ang kanyang nararanasan at nararamdaman?
4. Dapat ba siyang magsumbong sa kanyang guro?
5. Sinu-sino pa ang dapat pagkakatiwalaan kung may mga
pangyayaring naranasan na di karapatdapat para sa karapat
at dignidad ng isang tao?

B. Activity
Task 1

Tingnang mabuti ang nasa larawan at sagutin ang mga tanong :

Mga Tanong:

1.Ano ang ginagawa ng mga kabataan?


2.Bakit kaya sila ng ehersisyo?
3.Mahalaga ba sa mga kabataan ang pag ehersisyo?
4.Bukod sa pag-ehersisyo, anu-ano pa kaya ang mga mabuting
gawain upang mapanatiling malakas at maganda ang katawan ?
5.Anong yugto ng buhay ng tao kung saan napakabilis ng
pagbabago sa katawang pisikal,mental, emosyonal, at sosyal?

Task 2 Ibat-ibang Pagkakatiwalaan na maaaring makatulong at tagapayo ng


gabay
Mga tanong:
1. Anu-ano ang ginagampanan ng bawat isa sa ating lipunan?
2. Saan kayo dapat lumalapit kung mayroong mga alalahanin tungkol sa
pagbabago ng katawan?
3.Sino ang dapat nating hingan ng tulong o payo sa paaralan kapag tayo ay
magkaroon ng matinding problema na mapagkatiwalaan?
4.Mahalaga ba ang paghingi ng payo sa mga taong mapagkatiwalaan sa ating
lipunan?
5. Ano ang iyong gagawin kung ang isang pinagkakatiwalaang nakatatanda ay
pinakikitaan ka ng seksuwal na motibo?

C. Analysis
Based on the activity, let the students answer the questions that
follow.
a. Anu-anong mga paraan ang dapat gawin upang maiwasan ang
mga suliranin sa nutrisyon?
b. Bakit mas madalas makararanas ng pagiging sensitibo ang
mga kababaihan?
c. Ilang oras ang wastong pagtulog ng isang nagdadalaga at
nagbibinata?
d. Paano maiiwasan ang mga sekswal na motibo ?
e. Anu-ano ang tatlong uri ng sekswal na motibo ?

D. Abstraction
Self –care and Management of Puberty –related Health Issues and
Concerns
Sa karamihan ng mga pamilya ang mga magulang ay nagtuturo at
nagpapakita ng kanilang pagpapahalaga sa kanilang mga anak. Ang
kanilang pagpapahalaga at pag uugali ng pamilya at komunidadtungkol
sa kasarian, relasyon, pag iibigan, sekswalidad at pagpaparami ay ang
pinagmulan ng sekswal nap ag-aaral at nakakaimpluwensya sa
personal nap ag-uugali at paggawa ng desisyon.
Pinakamainam na lapitan ang mga taong pinagkakatiwalaan nila
kung mayroon silang mga alalahanin tungkol sa pagbabago ng kanilang
katawan.Maaaring matulungan sila ng mga magulang , mga tagapayo
ng gabay, mga nars sa paaralan at iba pang tagapagbigay ng serbisyong
pangkalusugan.

1. Mga isyung may kinalaman sap ag-aalaga ng katawan


a. . Amoy sa katawan –ang pagkakaroon ng amoy sa katawan
ay hindi lamang sa kilikili ,ay pinagsisimulan ng mga tuksuhan
na nagdudulot sa pagiging mahiyain at ayaw makahalubilo sa
ibang tao ng isang bata.
Ang sumusunod ay maaaring sundin upang mapigilan ang
magkaroon ng anghit:
 Maligo araw-araw
 Gumamit nga tawas ,baking soda o deodorant sa kilikili
b. Tigyawat- ito ay isa sa mga epekto ng pagiging aktibo ng
mga glandula na gumagawa ng pawis at langis sa katawan
lalo na sa mukha, leeg, batok, dibdib at balikat .

Ang mga sumusunod ay maaaring sundin upang mapigilan


ang pagdami ng tigyawat:
 Laging maghugas ng kamay bago hawakan ang mukha
 Huwag galawin ang tigyawat
 Pag-iwas sa stress
 Tamang pag-aalaga sa katawan
 Pagkonsulta sa doctor at paghingi ng payo sa dermatologist
na eksperto sa sakit ng balat

2. Mga isyu tungkol sa kakulangan o pagkakaroon ng hindi


sapat na tulog
Ang pagbibinata at pagdadalaga ang pinakamahalagang
bahagi para sa mga pagbabagong nagaganap sa kanilang katawan
kung kaya’t nangangailangan sila ng siyam na oras ng pagtulog sa
gabi upang maging alerto at handa sa pang araw-
araw na gawain.Mga dahilan kung bakit hindi nagkaroon ng
sapat na tulog ang mga nagbibinata at nagdadalaga.

 Mabilis na pagbabagong nagaganap sa kanilang katawan


 Maraming pinagkakaabahang mga gawain at libangan
 Aktibong paglilibang kasama ang mga kaibigan na kadalasang sa
gabi ginaganap
 Pagbabago ng body clock

3. Mga isyu tungkol sa maaga at di – inaasahang pagbubuntis


Isa sa mga nakaaalarmang nangyayari sa mga kabataan
ngayon ay ang maagang pagbubuntis o teenage pregnancy.Ang
pagbubuntis nang maaga ay maaaring magdala ng
komplikasyon sa kalusugan ng batang ina na pwedeng humantong sa
iba pang medical na kondisyon at pagkamatay ng ina at kaniyang
sanggol.

Bukod sa mga masamang epekto sa kalusugan tulad ng


maaaring pagkakaroon ng sakit o impeksiyon. Ang pakikipagtalik ng
isang nagdadalaga sa isang nakatatanda (18 taon at pataas) ay labag sa
batas at may karampatang parusa para sa nakatatanda.

4. Mga isyu tungkol sa sexual harassment

Isa pang dapat malaman ng mga kabataan ay ang maaaring


pagiging biktima nila ng mga nanghaharas particular na ang sexual
harassment.Ang sexual harassment ay ang pangliligalig sa isang tao o
pangkat ng tao particular sa tahanan, paaralan, trabaho, at iba pang
lugar kung saan ang biktima o mga biktima ay pinakikitaan ng mga
sekswal na motibo.Ang mga seksuwal na motibo ay maaaring sa
pamamagitan ng salita o verbal,di-verbal,at pisikal. Ang mga
sumusunod ay halimbawa ng sexual harassment:

A. Salita o Verbal

 Pagsipol o pagsitsit sa karaniwang babae


 Pagbanggit na mga seksuwal na komento
 Paulit-ulit na pagsabi tungkol sa hubog ng tao o kasuotan ng tao
 Pagtawag sa tao bilang sweetheart,honey,baby o anumang tawag tulad
nito
 Pagkukuwento ng mga seksuwal na paksa
 Mga seksuwal na biro
 Pagbubukas ng mga paksa tungkol sa seksuwal na pantasya,
pangarap, at iba pa
 Pagtatanong ng mga pribadong bagay
 Pagtsitsismis tungkol sa personal na seksuwal na buhay ng tao

B. Di-verbal
 Pagtingin nang masama o may intensiyon sa tao
 Pagharang sa dadaanan ng tao gamit ang anumang bagay o bahagi ng
katawan
 Pagsunod sa tao
 Pagbibigay ng mga regalo
 Paghalik sa hangin o pagmuwestra ng pahalik
 Pagkindat at kahalintulad na ekspresyon
D. Pisikal
 Paghaplos ng katawan kagaya ng buhok,balikat at kamay gamit ang
sariling katawan
 Paghalik, pagyakap,pag- akbay at paghaplos o hawak ng kamay
 Pagmasahe sa balikat, braso, binti, paa, at iba pang bahagi ng katawan
Magandang malaman ng isang kabataan kung paano siya makaiiwas sa sexual
harassment upang maging ligtas. Narito ang ilan sa mga paraan:
Alamin:
 Alamin ang mga batas tungkol sa sexual harassment at mga karapatan mo
bilang bata o tao
 Alamin ang mga paraan upang makaiwas sa pagiging biktima
 Alamin ang mga kontak ng mga ahensya at tao na maaaring makatulong sa
iyo
Magmasid :
 Tingnan ang mga lugar o tao na mukhang kahina-hinala ang hitsura o galaw
 Iwasan ang mga lugar na madidilim o nahaharangan ng mga sasakyan o
ibang malalaking bagay
 Maging sensitibo sa mga usapan,kwentuhan at gawain na may halong
sexual harassment

Gawin :
 Pagsabihan ang mga kasamahan tungkol sa masamang epekto ng sexual
harassment
 Pagpayuhan ang mga kasama na iwasan ang mga kuwento, usapan,at
gawain na makasasama sa ibang tao
 Huwag makisama sa mga usapin at gawain na nakasasama sa personal na
buhay ng iba
 Kung ikaw ay nabiktima, huwag tumahimik o ngumiti na parang walang
nangyari.Bagkus sabihin kaagad sa tao na hindi mo nagustuhan ang
kaniyang seksuwal na komento, at hindi na niya dapat na ulitin iyon.
 Sumulat sa taong nang-harass at kumuha /gumawa ng kopya ng sulat para
sa sariling pag-iingat.
 Idokumento ang lahat ng detalye kagaya ng pangalan ng tao ,petsa,at oras,
lugar ng pangyayari. Mga taong nasa paligid.
 Kung mayroong naging biktima ng seksuwal harassment ay huwag
magdalawang isip na tumulong upang magkaroon ng kalinawan sa tao na
siya ay may karapatan at dignidad na dapat ingatan.
 Ipagbigay alam ito sa mga kinauukulan

Mga Propesyonal at Mapagkakatiwalaang mga Tao ng mga


Kabataan:
 Magulang
 Mga Nakatatandang Kapatid
 Guro
 Guidance Counselor
 Doktor
 Barangay Health Worker
 Pulis , Tanod

Note to teachers:
Ang guro ay maaaring magbigay ng higit pang mga halimbawa
sa mga taong makakatulong sa mga kabataan para maiwasan
ang sexual harassment.
E. Application:
Task 3:
Directions: Lagyan ng check / kung ang pangungusap ay Tama
at ekis X kung mali.
_______1. Ang seksuwal na kaharasan ay dapat na pinipigilan upang
maging ligtas ang lahat lalo na ang mga kababaihan.
_______2. Ang kamag-aral ang dapat lapitan kung nakaranas ng sexual
Harassment sa paaralan’
________3. Ang pagsipol sa tao ay isa sa maituturing na sexual
harassment.
_______ 4. Ang isang nagbibinata at nagdadalaga ay nakararanas ng
maraming mga isyung pangkalusugan.

________5. Kumain ng pagkaing matatamis para magkaroon ng ng


maraming enerhiya.

_________6. Ang puberty o pagbibinata at pagdadalaga ay mahalagang


yugto ng buhay ng tao kung saan maraming pagbabago ang
magaganap sa katawan.
_________7. Ang mga seksuwal na motibo ay maaaring sa pamamagitan
ng salita o verbal , di-verbal at pisikal.
_________8. Ang pagtsitsismis tungkol sa personal na seksuwal na
buhay ng tao ay isa sa mga halimbawa ng salita o verbal na
sexual harassment.
________9. Ang guro ay isa sa mapagkakatiwalaang tao ng mga
kabataan.
________10. Iwasan ang mga lugar na madidilim o nahaharangan ng
mga sasakyan o ibang malalaking bagay.

F. Closure
“Health is a state of complete harmony of the body, mind and spirit. When
one is free from physical disabilities and mental distractions, the gates of the
soul open.” – B.K.S. Iyengar

V. Reflection

VI. Remarks
Prepared by:
ALMA D. DIAZ
Master Teacher 2
Marmol Elementary School, District of Tuburan 2
Cebu Province, Region VII
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI -CENTRAL VISAYAS

COPYRIGHT PAGE
Health

Learning Activity Sheets


(Grade 5 )

Copyright © 2021

DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 07 (Central Visayas)
Sudlon, Lahug, Cebu City, 6000

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum and Learning
Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational purposes and the source must be acknowledged.
Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement of supplementary work are permitted provided all
original works are acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial
purposes and profit.

Consultants:

Schools Division Superintendent : Dr. Marilyn S. Andales

Asst. Schools Div. Superintendents : Dr. Fay C. Luarez


Chief Education Supervisor, CID : Dr. Mary Ann P. Flores

Development
Team Writers:

ALMA D. DIAZ
Content Editor:

Language Editor:

Layout Artists:

Printed by: Curriculum and Learning Management Division DepEd, Cebu


Province, Cebu City
Table of Contents

Parts of LAS Page number

Background Information of Learners 1


Learners Competencies with code 2
Exercises 3-4
Reflections 5
References 5
Key to Corrections 6

1
HEALTH 5
Name of Learner: Grade Level:
Section: Date:

LEARNING ACTIVITY SHEET

Self-care and Management of Puberty-related Health Issues and Concerns

Background Information for Learners

Ang pagdadalaga at pagbibinata ay may kinakaharap na isyu at problema at


kinatatakutan ng mga kabataan sa panahong ito.Lalong mapatindi ng suliranin ang mga
maling desisyon na tumahimik at itago na lamamng sa sarili ang problem.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga isyu at suliranin na maaaring maranasan ng


mga nagbibinata at nagdadalaga.

1. Mga isyung may kinalaman sa nutrisyon.

Ang nutrisyon ay isa sa mga madalas na kinakaharap na isyu ng mga kabataan lalo
na sa mga kababaihan na magiging sensitibo sa hugis ng kanilang katawan.

2.Mga isyung may kinalaman sa pabago-bago ng pag-iisip at damdamin.

Ito ay normal sa kabataan at epekto ng mabilis na daloy ng mga hormones na


nakakaapekto sa ating pag-iisip at damdamin.Ito ay dulot ng PMS o Pre-Menstrual Syndrome
na biglaang makapagbabago ng emosyon /damdamin.Ito ay maaaring humantong sa kawalan
ng kontrol sa pag-iisip at damdamin at maaaring mapunta sa pagkakaroon ng problema sa
kaisipan.

3. Mga isyung may kinalaman sa sa pag-aalaga ng katawan

2
Ang pangangamoy ng katawan kasama ang paglabas ng pawis at langis ng
katawan ay nagdudulot ng mabilis na pagdami ng mikrobyo sa katawan. Aaang paglabas ng
tigyawat ay isa sa epekto ng pagiging aktibo ng mga glandula na gumagawa ng pawis at
langis sa katawan.Sa panahon na mabilis ang paglaki ng katawan at buto ng mga kabataan sa
oras ng pagbibinata at pagdadalaga ay hindi maiwasan na magkaroon ng mga suliranin tunkol
sa postura nga katawan.

4. Mga isyung may kinalaman sa kabuwanan.

Ang dysmenorrhea ay mararamdaman tuwing dumarating ang kabuwanan.


Maraming dahilan ang pagkakaroon nito ngunit ang pangunahing dahilan ay ang pagliit at
pagkaskas ng linya ng matres dahil sa hindi balanseng kemikal sa katawan.Ang iba pang
dahilan ay ang pagkakaroon ng madikal na prblema na kinakailangan ng payo at pagsusuri ng
doktor.

5. Mga isyu tungkol sa mga alalahanin sa ngipin.

Ang Pag-aalaga sa ngipin ay nakakaligtaan at wala ng panahon sa wastong


pangangalaga ng kanilang ngipin.Pagsisigarilyo.at madalas na pag-inom ng mga inuming
may kemikal ang ang mga pangunahing dahilan sa pagkakasira ng ngipin.

6. Mga isyu tungkol sa kakulangan o pagkakaroon ng hindi sapat na tulog.

Ang pagbibinata at pagdadalaga ang pinakamahalagang bahagi para sa mga


pagbabagong nagaganap sa kanilang katawan kung kaya’t nangangailangan sila ng siyam na
oras ng pagtulog sa gabi upang maging alerto at handa sa pang-araw-araw na gawain.

7. Mga isyu tungkol sa maaga at di-inaasahang pagbubuntis

Isa sa mga nakaalarmang nangyayari sa mga kabataan ngayon ay ang


maagang pagbubuntis o teenage pregnancy.Ang pagbubuntis nang maaga ay maaaring
magdala ng komplikasyon sa kalusugan ng batang ina na pwedeng humantong sa iba pang
medical na kondisyon at pagkamatay ng ina at kaniyang sanggol.Bukod sa masamang epekto
sa kalusugan tulad ng maaaring pagkakaroon ng sakit o impeksiyon, ang pakikipagtalik ng
isang nagdadalaga sa isang nakatatanda (18 taon at pataas) ay labag sa batas at may
karampatang parusa para sa nakatatanda.

8. Mga isyu tungkol sa sexual harassment.

Ito ay ang pangliligalig sa iang tao o pangkat ng tao partikular sa tahanan,


paaralan, trabaho at iba pang lugar kung saan ang biktima ay pinakikitaan ng seksuwal na
motibo na maaaring sa pamamagitan ng salita o verbal, di-verbal at pisikal.

3
Learning Competency with Code:

Discuss the importance of seeking the advice of professionals/ trusted and


reliable adults in managing puberty related health issues.

Exercise 1

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at sagutin ng Tama o Mali.

1. Ang bawat tao ay dumadaan sa tinatawag na puberty.

2. Dapat ay nasa bahay lamang ang isang nagbibinata at nagdadalaga.

3. Ang Pre-mentrual Syndrome (PMS) ay nararanasan ng isang babae pagkatapos ng


kabuwanan.

4. Kapag dumami ang tiyawat sa mukha ng lalaki o babae ,ito ay dapat ipakonsulta sa
dentista.

5. Ang pagsipol o pagsitsit sa tao ay halimbawa ng di-verbal na sexual harassment.

6. Tuwing may regla ang isang babae ay pwedeng maligo.

7. Dapat iwasan ang pagkaing mataas sa caffeine,matatamis at alkohol dalawang linggo bago
ang kabuwanan.

8. Mag-ehersisyo para mapabuti ang pakiramdam.

9. Ipakonsulta sa doktor lalo na kung dumadami ang tigyawat.

10. Ang pagbibinata at pagdadalaga ay nakararanas ng mga isyung pangkalusugan.

Exercise 2

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
napiling sagot sa sagutang papel.

1. Ang puberty ay tungkol sa

A. pagbabago ng katawan kabilang ang isipan at emosyon

4
B. pagiging mas matured ang pag-iisip

C. pagkakaroon ng crush o paghanga

D. lahat ng nabanggit

2. Sino ang unang dapat lapitan tungkol sa mga suliraning pangkabataan?

A. Doktor C. Kaibigan

B. Guro D. Magulang

3. Ano ang dapat gawin ng isang babaeng may dysmenorrhea ?

A. kumain ng maasim na prutas

B. Maglagay ng hot compress sa puson

C. maligo sa dagat

D. magpagupit

4. Bakit kailangang humingi ng tulong at payo ang isang kabataan kung siya ay may
matinding suliranin?

A. upang mabigyang linaw ang kanyang nararanasan

B. upang magkaroon ng kaibigan

C. upang magkamali ulit

D. upang hindi umiyak

5. Alin ang senyales ng sexual harassment?

A. pagngiti at pagtingin sa katawan

B. pagpito o pagsitsit sa karaniwang babae

C. pagkukuwento ng mga seksuwal na usapin

D. lahat ng mga nabanggit

6. Ano ang wastong paraan upang maging malakas at masigla ang isang kabataan?

A. Kumain ng karne lamang C. Matulog ng sapat na oras

B. Manood ng palabas sa telebisyon D. Uminom ng alak at magsigarilyo

7. Sinu-sino ang nararapat na hingan ng payo sa mga isyung pangkalusugan?

A. magulang, nakatatandang kapatid at mga taong mapagkakatiwalaan

B. kapitbahay, kaibigan at kaklase

C. kahit sinong kakilala

5
D. lahat na nabanggit

8. Ang mga isyung pangkalusugan ay maaaring maiwasan at mapigilan kung

A. susundin ang mga wastong pangkalusugang-gawi upang maging malakas , masigla

at masaya.

B. makipag –away sa mga kalaro

C. makipagpagkuwentuhan sa mga taong hindi kilala

D. hindi makinig sa payo ng mga nakatatanda

E. kumain ng mga junk foods at iba pang maaalat na pagkain

9. Magandang malaman ng isang kabataan kung paano siya makaiiwas sa sexual

harassment upang maging ligtas.Alin sa ibaba ang wasstong paraan?

A. Huwag makialam sa mga nangyayari

B. Alamin ang batas tungkol sa sexual harassment at mga karapatan mo bilang bata

C. Ipaalam kaagad sa kaibigan upang malaman ng buong barangay

D. Hayaang malimutan na lng ang mga nangyayari

10. Alin dito ang halimbawa sa salita o verbal na harassment?

A. paghaplos ng katawan kagaya ng buhok,balikat at kamay

B. paghalik, pag-akbay at at paghawak ng kamay

C. pagtingin ng masama o may intensiyon sa tao

D. pagkukuwento ng mga sexual na paksa , pagsipol sa mga babae

Reflections:
Complete the statements:
1. What I have learned in this activity

6
.

2. I enjoyed most on

References: Masigla at Malusog na Katawan at Isipan - Manwal ng Guro at Batayang Aklat

Answer Key:

Exercise I

1 Tama

7
2.Mali
3. Mali
4. Maali
5. Tama
6. Tama
7. Tama
8. Tama
9. Tama
10. Tama

Exercise II
1.D
2. D
3. B
4. A
5. C
6. C
7. A
8. A
9. B
10. D

Prepared by:

ALMA D. DIAZ
MT 2
__________________
(Name & Position)

8
9
10
11

You might also like