You are on page 1of 5

Instructional Planning

(The process of systematically planning, developing, evaluating and


managing the instructional process by using principles
of teaching and learning - D.O. 42, s. 2016)
Detailed Lesson Plan (DLP) Format

DLP Blg.: Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang: 8 Markahan: 4 Oras: Minuto


Mga Kasanayan: Nahihinuha na: Code:
Hango sa Gabay 13.3 Ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad ay mahalaga EsP8IP-Iva-13.3
Pangkurikulum para sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay ng isang nagdadalaga
at nagbibinata at sa pagtupad niya sa kanyang bokasyon na magmahal.

Susi ng Pag-unawa Ang pag-unawa sa mga paglabag sa pakikipagkapwa ay nakatutulong sa paggamit ng kalayaan
na Lilinangin: tungo sa paggalang ng dignidad ng sarili at kapwa.
1. Layunin
Kaalaman Natatalakay ang kahalagahan at wastong pananaw sa sekswalidad
Kasanayan Nakagagawa ng isang Venn Diagram na nagpapakita ng tama at maling pananaw o kilos bilang
responsableng babae at lalaki.
Kaasalan Naipapaliwanag ang positibong pananaw sa sekswalidad at ang pagiging responsableng babae
at responsableng lalaki.
Kahalagahan Naisasabuhay ang tamang pananaw sa sekswalidad
2. Nilalaman EsP 8 Modyul 13: Ang Seksuwalidad Ng Tao
3. Mga Kagamitang LM, CG, SLHT, Laptop
Pampagpatuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang - Pagbati
Gawain - Paglalahad ng mga patakaran:
- Makinig ng Mabuti! Isantabi muna natin ang ibang mga Gawain at mg focus para
(5 minuto) matuto.
- Keep Safe! Siguraduhin na kung kayo ay nanood kasama ang ibang mag-aaral sa
Grade 8 ehh sinusunod niyo ang health protocols gaya ng pagsusuot ng mga mask at
social distancing at panatilinging sanitized ang mga kamay.
- Enjoy! Mag-enjoy habang natuto sa aralin
4.2 Mga Gawain Panuto: Pakinggan niyo ang artikulo na babasahin ko at pagkatapos ay sagutin ang mga
o Estratehiya sumusunod na tanong.

(10 minuto) Teenage Pregnancy Lolobo sa Gitna ng Pandemic


Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon ) - June 18, 2020 - 12:00am
MANILA, Philippines — Nagbabala si Sen. Win Gatchalian na posibleng tuma-as ang mga kaso
ng teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ng mga kabataan sa gitna ng COVID-19
pandemic. Ayon kay Gatchalian, kung pagbabatayan ang mga nagdaang kalamidad at sakuna sa
bansa at ibang bansa, isa sa nakikitang epekto nito ay ang pagtaas ng kasong teenage
pregnancy. Inihalimbawa ng senador ang Eastern Visayas matapos ang bagyong Yolanda noong
2013, lumalabas sa pag-aaral ng Department of Science and Technology- National Research
Council of the Philippines o DOST-NRCP na halos 23.5% ng mga kababaihang teenager ang
nabuntis noong panahong iyon. Samantalang 14.8% naman ng mga batang inang nanganak ang
muling nabuntis nang sumunod na taon. Sa bansang Sierra Leone noong panahon ng Ebola
outbreak, umakyat ng 65% ang mga kaso ng teenage pregnancy sa apektadong mga
komunidad. Sinabi ni Gatchalian, na dapat lalong paigtingin ng mga lokal na pamahalaan ang
pagpapatupad ng kanilang mga programang pang-kalusugan at tutukan ang pagsugpo sa
maagang pagbubuntis.
4.3 Pagsusuri 1. Batay sa artikulo, ano sa tingin ninyo ang maaaring dahilan kung bakit sa panahong ngayon
mas lalong dumarami ang kabataang na nagiging batang ama o ina?
(5 minuto)
2. Sang-ayon ka ba na ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad ay lubos na
makatutulong upang maiwasan ng mga kabataan ang pagiging batang ama o ina? Bakit?
3. Bilang isang mananagutang mag-aaral, paano ka makaiiwas sa pagiging batang ina o ama?
4.4 Ang Sekswalidad ng Tao
Pagtatalakay Bilang nagbibinata at nagdadlaga, ay dapat kumikilos kana ng naayon sa iyong edad at
(15 minuto) kasarian. Sa ganitong panahon ay nagkakaroon na ng pagkalito sa iyong sekswalidad. Mahalaga
na matukoy mo ang iyong pagkatao at tanggapin ito. Dahil ang pagtukoy sa iyong sekswalidad ay
daan upang maging ganap ang iyong pagkatao at matukoy ang iyong gagampanang tungkulin sa
lipunan. Ang mga pagbabago sa iyong katawan, emosyon at kaisipan ay natural na nagaganap
bilang nagbibinata at nagdadalaga. Ito ay dahil nasa proseso kana nang pagiging ganap na
babae at ganap na lalaki. Normal lang ang pagkakaroon ng paghanga sa tapat na kasarian.
Ngunit ang iyong nadarama ang kinakailangan ng mapanagutang pamamahala. Dahil kung hindi
ito mapapamahalaan, ay maari kang makagawa ng isang desisyon na makakaapekto sa iyong
kinabukasan. Sa iyong edad ay maaari kang magkaroon ng pagkalito sa pananaw tungkol sa
pag-ibig. Dahil sa iyong mura’ng kaisipian ay mahalagang matukoy mo ang nadarama, kung ito’y
pagmamahal, paghanga o isang pagnanasa lamang. Maraming kabataan na ngayon ang nalilito
tungkol sa pananaw sa pag-ibig dahil sa impluwensiya ng media. Nagiging mabaw na ang
pananaw sa pag-ibig dahil sa nababasa o napapanood sa makabagong teknolohiya.
Ayon kay Pope John Paul II na “Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao
lamang ang makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal. Ang
kakayahang ito na magmahal – at maghatid ng pagmamahal sa mundo – ang likas na
nagpapadakila sa tao.”
Ayon naman sa kanyang akdang “Love and Responsibility”, upang gawing higit na katangi-
tangi ang pagmamahal, at upang ito ay maging buo at ganap kailangang ito ay magkaroon ng
integrasyon. Ibig sabihin, kailangang mailakip dito ang lahat ng elemento ng tunay na
pagmamahal ayon sa kung alin ang dapat mangibabaw o mauna. Ilan sa mga elementong ito
ang kailangan nating linawin.
Kabilang sa mahahalagang elementong tinutukoy dito ay: ang sex drive o sekswal na
pagnanasa, ang kilos-loob (will), mga pandama at emosyon, pakikipagkaibigan at kalinisang puri.

Ang Sex Drive/ Libido


Sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata, may mga pagbabago sa iyong katawan na
nagiging dahilan ng pagpukaw ng iyong interes sa katapat na kasarian. Sa tamang panahon
lilisanin mo rin ang sariling tahanan at hahanap ng kapares sa katapat na kasarian upang
magsimula ng sariling pamilya. Sa ngayon ang mga pagbabagong ito ay maaaring makalito sa
iyo dahil hindi mo lubos na maunawaan ang mga pagbabagong ito.
Ang sekswal na pagnanasa sa tao ay maaari niyang supilin o hayaang mangibabaw sa
kaniyang pagkatao. Kung hahayaang mangibabaw, maaari itong magbunga ng kakulangan sa
kaniyang pagkatao o maging sanhi ng abnormalidad sa sekswal na oryentasyon. Sa kabilang
banda, kung mapamamahalaan at mabibigyan ng tamang tuon, ay maaaring makatulong sa
paglago niya bilang tao at magbigay ng kaganapan sa kaniya bilang lalaki o babae

Puppy Love
Ang puppy love ay kadalasang pinagkakamalan nating tunay na pagmamahal. Ang totoo
maaari naman talaga itong maging simula o pundasyon ng isang tunay at wagas na
pagmamahalan sa pagdating ng tamang panahon. Kailangan lamang ng tamang integrasyon ang
nararamdamang senswalidad at damdamin.
Ang puppy love ay maaaring bunga ng senswalidad, na pinupukaw ng mga pandama
(senses) at damdamin na tinatawag na sentiment, na bunsod naman ng emosyon. Kapag
nakakilala ka ng isang tao na sa iyong pamantayan ay nakaaakit, natural lamang na an g una
mong naging batayan ng paghuhusga ay ayon sa iyong mga pandama. Maaaring sa una ang
nakapupukaw ng iyong interes sa kaniya ay ang ganda ng kaniyang mukha, katawan, kilos,
pananamit o kaya’y talento at hindi ang kaniyang pagkatao; dahil nga hindi mo pa naman siya
lubos na nakikilala. Katunayan nga minsan dahil hindi naman kayo nagkakaroon ng pagkakataon
na magkasama, at lubos na magkakilala, nawawala rin kaagad ang interes mo sa kaniya. O kaya
naman naroon lang ang interes kapag kasama mo o nakikita siya. O di kaya’y may nakita kang
bagay na hindi mo nagustuhan sa kaniya. Nalaman mo halimbawa na mabaho pala ang hininga
niya.
Ngunit, tulad nga ng nabanggit na, maaari naman itong gawing pundasyon para sa isang
tunay at wagas na pagmamahal. Kaya nga kung nararamdaman mo ito ngayon, tingnan mo ito
sa isang positibong pananaw at hayaan mong maging masaya ka sa ugnayang ito. Gamitin mong
inspirasyon ang hinahangaan upang mapagbuti pa ang iyong mga gawain, pag-aaral at
mapaunlad ang sarili. Ang mahalaga, huwag mong kalilimutan na ikaw ay nasa proseso pa
lamang ng paghahanda para sa tunay at wagas na pagmamahal at ang iyong nararamdaman ay
paghanga lamang at hindi pa tunay na pagmamahal.

Ang Paggamit sa Kapwa at Pagmamahal


Hindi mo madidiktahan ang sinuman na mahalin ka! Hindi ba masakit na para lamang
makuha ang pagmamahal mo ay linlangin ka ng taong itinuturing na kaibigan. Tulad halimbawa
ng kaibigang nagpapanggap o nagsisinungaling na magkatulad kayo ng interes sa isports,
gayong nababagot pala siya rito, dahil lang sa pagnanais na makuha ang simpatiya mo. Kung
tunay kang mahal, ipakikita niya ang tunay niyang pagkatao at bibigyan ka ng pagkakatong
magpasiya kung mamahalin mo siya sa kung ano ang tunay na siya. At dapat gayon ka din
naman sa iyong kaibigan.
Ang pagmamahal ay pagmamahal sa buong pagkatao ng kapwa hindi ang pagmamahal sa
ilang bahagi niya lamang dahil may ilang bagay kang naiibigan sa kaniya
Kung paglalaruan natin ang damdamin ng kapwa ay itinuturing mo siya ng isang bagay at
hindi tao. Ginagamit mo lamang siyang pampuno sa pangangailangan mo na magkaroon ng
kasama upang hindi maiwang nag-iisa. Tandaan mong ang Diyos nga binigyan ka ng laya na
piliin kung Siya’y mamahalin mo o hindi.
Ang pagmamahal ay nagsisimula sa isang pagpapasiyang magmahal. Ang mga
paghangang nararamdaman mo ay maaari ngang mauwi sa pagmamahal kung kapwa kayo
malayang magpapasiya na pagsikapang mahalin ang isa’t isa. May mga mahahalagang
elementong isinasaalang-alang ang tunay na pagmamahal. Una, tinitingnan mo ang minamahal
bilang kapares at kapantay. Ikalawa, iginagalang ninyo kapwa ang dignidad at kalayaan ng bawat
isa

Ang Kalinisang Puri at Pagmamahal


Ang kalinisang puri ay isang pagkilos. Ito ay pag-oo at hindi pag-hindi. Ito ang pag-oo sa
pagkatao ng tao. Kung tinitingnan natin ang tao bilang tao, hindi na kailangan ang mahabang
listahan ng HINDI na ito. Ang birtud na ito ay tumitiyak na kailanman hindi titingnan ang
minamahal bilang isang bagay
Sabi nga ng Banal na Papa Juan Paulo II, ang taong may kalinisang puri lamang ang may
kakayahang magmahal ng tunay.

Ang Pagmamahal ay Mapagbuklod


Ang pagmamahal, dahil malaya ay dapat kapwa nasa mga taong nagmamahalan. Hindi
maaaring isa lamang sa kanila ang nagmamahal. Hindi magkaiba o hiwalay ang pagmamahal ng
bawa’t isa sa isa’t isa. Ang pagmamahal ay nagbubuklod sa dalawang taong nagmamahalan.
Samakatuwid iisang pagmamahal lang ito na pinagsasaluhan ng mga nagmamahalan. Hindi ito
basta pagsusukli lamang sa pagmamahal sa atin kundi pakikibahagi sa iisang karanasan. Sabi
nga ninyo sa wikang Ingles, “the feeling is mutual” o MU, pero mas angkop siguro ang “the
feeling is shared”.

Ang Pagmamahal ay Isang Birtud


“Maraming nagsasabi na ang pagmamahal ay maaaring sukatin sa pamamagitan lamang
ng pagiging tunay na damdamin,’ ngunit ang pagmamahal ay isang birtud at hindi isang
emosyon; at lalong hindi pagpukaw lamang sa diwa at mga pandama.”
Dahil nga ito’y birtud, ang pagmamahal ay nangangailangan ng paglinang at pagkilos upang
mapaunlad ito. Laging ang tuon dito ay ang ikabubuti ng minamahal at ng dalawang taong
ngayon ay pinag-isa. Higit na masusubok ang tunay na pagmamahal sa panahong lumipas na
ang paghanga na bunsod ng mga pandama at ng matinding emosyon. Sa panahong ito
masusukat kung ang minahal mo ay ang pagkatao ng minamahal at hindi ang konsepto lamang
ng inakala mong siya. Matutukoy lamang kung tunay ang pagmamahal kung sa paglipas ng
panahon ay lalo pang napabubuti nito ang mga taong nagmamahalan.
4.5 Paglalapat Panuto: Gumawa ng isang Venn Diagram na nagpapakita ng tama at maling pananaw o kilos sa
(10 minuto) pagdadalaga o pagbibinata sa pagtupad sa bokasyong magmahal.

TAMANG PANANAW/ KILOS MALING PANANAW/ KILOS

1. Pagtataya Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon sa bawat pahayag. Piliin ang titik ng
(6 minuto) napiling sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Si Pablo ay labinlimang gulang na estudyante sa sekondarya. “Magdadalawang
buwan” na sila ng kanyang kasintahan na si Karen. Niyaya ni Pablo na makasama
si Karen ng solo sa isang pribadong lugar. Kung ikaw si Karen, ano ang sasabihin
mo kay Pablo?
A. Mahal kita Pablo, pero unahin muna natin ang nakabubuti sa ating dalawa.
B. Kung matapos ko na ang aking mga takdang aralin pwede tayong magplano
sa oras at lugar
C. Hindi ako sasama sa iyo Pablo dahil mali ang iyong pinaplano
2. Mag-isa sa bahay si Rowena. Wala siyang magawa kaya’t tinawagan niya ang
kanyang nobyo na si Marco na pumunta sa kanila. Kung ikaw si Marco ano
ang gagawin mo?
A. hindi mag-aalinlangan sa pagpunta
B. maliligo at magbibihis muna
C. hindi pupunta, bibisita lamang kung nandoon ang mga magulang
3. Hindi pumusok sa klase ang magkasintahan na sina Direk at Ellen dahil mas pinili
nilang mamasyal sa mall. Kung kaibigan mo sila ano ang maipapayo mo sa kanila?
A. hahayaan nalang sila dahil buhay nila yan
B. pagsasabihan na mali ang kanilang ginawa at dapat bigyan halaga ang pag-
aaral
C. hindi ko na sila kakausapin at kakaibiganin
4. May magkasintahang nagpapakita ng pambulikong apeksyon sa harap ng
kanilang mga kaklase. Para sa iyo, tama ba ang kanilang ginawa?
A. Mali, dahil ang sekswalidad ng tao ay may kamalayan at pagpili nararapat lamang
na piliin ang nakabubuti hindi lang para sa kanilang dalawa kundi para sa lahat.
B. Tama, dahil sila ay nagmamahalan at walang sinumang makapaghadlang sa kanila.
C. Siguro, dahil alam na nila ang kanilang ginawa.
5. Nag-anunsyo ang eskwelahan nina Marlon na wala silang pasok sa hapon kaya
niyaya siya ng kanyang mga kabarkada na manood na lamang ng porn. Kung
ikaw si Marlon, ano ang gagawin mo?
A. sasama ako para masaya
B. hindi ako sasama dahil alam kung wala akong makukuha na kabutihan sa
panonood ng porn
C. hindi ako sasama at hahayaan ko nalang sila sa gusto nila.
2. Takdang-Aralin Panuto: Gamit ang template sa ibaba, gumawa ng isang panayam tungkol sa sekswalidad.
(2 minuto) Maghanap ng taong interbyohin upang magawa ito. Gawin ito saiyong sagutang papel.

PANAYAM HINGGIL SA SEKSWALIDAD

Pangalan o Relasyon mo sa Kinakapanayam:


UNANG PANAYAM
1. Ano ang masasabi mo sa mga napapanahong isyu tungkol sa sekswalidad na kalimitan ay
nasasangkutan naming mga kabataan gaya ng pagkahilig sa pornograpiya, maagang
pagbubuntis,at ugnayan sa katapat na kasarian?
Sagot:

2. Bilang magulang/nakatatandang kapatid/kamag-anak ano ang payo o mga patnubay na nais


mong malaman at matandaan ko?
Sagot:

7. Paglalagom o Ngayon, maaring sabihin mo na napakasalimuot pala nang tunay na pagmamahal! Tila ba
Panapos na napakahirap nitong masumpungan sa mundo na ang nangingibabaw ay labis na materyalismo at
Gawain ang halagang ibinabantog ay ang pagiging makasarili. Ah, huwag mong kalilimutan na ikaw ay
(2 minuto) tao, ang iyong potensyal ay hindi masusukat. Sa tulong ng iyong kapwa tao, mahirap man ito,
masusumpungan mo rin ang tunay na pagmamahal! Sa ngayon, matuto ka sa mga naging
karanasan ng mga dumanas na ng tunay na pagmamahal. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat,
huwag mong kalilimutan na ang pagmamahal ay patuloy na bumubukal mula sa Diyos sa tulong
ng kaniyang grasya.
5.      Remarks
6.      Reflections
A.  No. of learners who C.   Did the remedial lessons
earned 80% in the work? No. of learners who have
evaluation. caught up with the lesson. 
B.   No. of learners who
D.  No. of learners who continue
require additional activities
to require remediation.
for remediation.
E.   Which of my learning
strategies worked well?
Why did these work?
F.   What difficulties did I
encounter which my
principal or supervisor can
help me solve?
G.  What innovation or
localized materials did I
use/discover which I wish to
share with other teachers?

Inihanda ni: JESSA D. TORING


TI-AP
Pangalan: JESSA D. TORING Paaralan: San Remigio National High School
Posisyon/Designasyon: Teacher 1 Sangay: Cebu Province
Contact Number: 0948-235-2238 E-mail Address: jessa.toring001@deped.gov.ph

You might also like