You are on page 1of 5

CAMARIN HIGH SCHOOL

SDO- CALOOCAN

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
IKA-APAT NA MARKAHAN
LEARNING ACTIVITY SHEET
T.P. 2021-2022

PANGALAN: ____________________________________________PANGKAT: ________________

ARALIN 12:

ANG SEKSWALIDAD NG TAO


(WEEK 3&4)

PANIMULA (SUSING KONSEPTO)


Noong ikaw ay nasa baitang 7, pinag-aralan ninyo sa klase ang mga inaasahang kakayahan at
kilos na dapat linangin ng isang nagdadalaga o nagbibinata. Ngayong may sapat ka ng kaalaman sa
pagkatao ng tao, mahalagang pag-usapan nating muli ang tatlo sa mga kakayahan at kilos na ito: ang
pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing-edad, ang
pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki at ang paghahanda para sa pag-aasawa
at pagpapamilya. Ang mga inaasahang kakayahan at kilos na ito ay may kaugnayan at
nangangailangan ng tamang pag-unawa sa mahalagang sangkap ng pagkatao ng tao – ang
seksuwalidad.
Marami ang mga pagbabagong dumarating sa isang nagbibinata at nagdadalaga. Isa na rito ay
ang pagkapukaw ng iyong seksuwal na interes. Ang lahat ng mga pagbabagong ito ay bahagi lamang
ng isang proseso upang maging isang ganap na lalaki o babae. Ikaw ngayon ay nasa proseso ng
paghahanda sa pagdating ng tamang panahon upang hanapin ang iyong kapares sa buhay na kung
saan ikaw ay tutugon sa tawag ng pagmamahal. Ang tamang babae o lalaki ay matatagpuan mo lamang
kung ikaw ay handa na at kaya mo nang magmahal ng lubos. Kung kaya’t sa ngayon ay masusi mong
pag-aaralan ang tamang pananaw ng seksuwalidad at ang paglinang ng isang mahalagang birtud-ang
pagmamahal.
Ang sekswalidad ay ang behikulo upang maging isang ganap na tao - lalaki o babae - na
ninanais mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan. Hindi ka magiging ganap na tao
maliban sa iyong ganap na pagiging babae o lalaki. May kamalayan at kalayaan ang sekswalidad sa
tao. Ito ay bunga ng pagpili, may tuon, at nag-uugat sa pagmamahal. Kailangang linawin natin ang
integrasyon ng seksuwalidad at ng pagmamahal upang mapag-isa natin ito. Kabilang sa mahahalagang
elementong tinutukoy dito ay:
1. Sex drive o sekswal na pagnanasa - Ito ay isang udyok ng damdamin na napupukaw ang
interes sa katapat na kasarian – Ito ay maaaring supilin o hayaang mangibabaw sa kaniyang
pagkatao. Ang hamon sa atin ay gamitin ito upang mapaglingkuran ang tunay at tapat na
pagmamahal.
2. Kilos-loob (will) - Ang pagmamahal ay nagsisimula sa isang pagpapasiyang magmahal.
Pagdating ng tamang panahon at nagpasiya ka nang bumuo ng sarili mong pamilya katuwang
ang iyong minamahal, dapat din na handa kayo para sa mga magiging responsibilidad dito.
3. Mga pandama at emosyon – Isang natural na katangian ng isang tao ang magkaroon ng
paghanga “crush”. Ang puppy love ay maaaring bunga ng senswalidad, na pinupukaw ng
mga pandama (senses) at damdamin na tinatawag na sentiment, na bunsod naman ng
emosyon. Ito ay kadalasang pinagkakamalan nating tunay na pagmamahal. Ito ay maaaring
maging simula o pundasyon ng isang tunay at wagas na pagmamahalan sa pagdating ng
tamang panahon.
4. Pakikipagkaibigan - Ito ay isang paraan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa at higit sa katapat
na kasarian hanggang mauwi sa paghanga. Gamiting inspirasyon ang hinahangaan upang
mapagbuti pa ang iyong mga gawain, pag-aaral at mapaunlad ang sarili. Ito ay bahagi ng
paghahanda para sa tunay at wagas na pagmamahal.
5. Kalinisang puri - Ito ay isang birtud na may kinalaman sa kaasalang sekswal, di lamang ng
mga babae, kundi pati na rin ng mga lalaki. Saklaw din ng birtud na ito ang katiyakang
kailanman, hindi ituturing na isang bagay lamang ang kapareha o minamahal. Ika nga ni St.
Pope John Paul II, "ang taong may kalinisang puri lamang ang may kakayahang magmahal
ng tunay." Ang pinakamahalagang palatandaan ng paghahandog na ito ay ang
pagpapakasal.
Lubhang masalimuot ang tunay na pagmamahal. Tila ba napakahirap nitong masumpungan sa
mundo na nangingibabaw ang labis na materyalismo at pagiging makasarili. Mahirap man ngunit sa
tulong ng iyong kapwa, masusumpungan mo rin ang tunay na pagmamahal. Sa ngayon, matuto tayo
sa mga karanasan ng mga taong dumanas na ng tunay na pagmamahal. Huwag nating kalimutan na
ang pagmamahal ay patuloy na bumubukal mula sa Diyos sa tulong ng kanyang biyaya.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA
1. Natutukoy ang tamang pagpapakahulugan sa sekswalidad.
2. Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa sekswalidad.
3. Nahihinuha na ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad ay mahalaga para sa
paghahanda sa susunod na yugto ng buhay ng isang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad
niya sa kanyang bokasyon na magmahal.
4. Naisasagawa ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang
nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal.

GAWAIN 1: PAGSUSURI NG PAHAYAG


Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Ibigay ang iyong matapat na sagot ukol dito.
1. “Madalas akong inaaya ng aking kaibigan na manood sa kanila ng malaswang panoorin. Wala
naman daw magiging epekto ito sakin. Dapat ko ba itong paniwalaan?”
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. “Habang tumatagal mas ninanais kong makita araw-araw at makausap ang aking kaibigan.
Nalulungkot ako kung hindi siya sumasagot sa chat at text ko. Ano ba itong nararamdaman ko?”
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. “Lingid sa kaalaman ng aking mga magulang, lihim kong sinagot ang aking manliligaw na si Aldo.
Nang kami’y minsang magkita, hinawakan niya ang aking kamay at humalik sa aking pisngi na
aking ikinagulat. Nailang ako sa kanyang ikinilos. Dapat ko bang sabihin ito sa kanya o hahayaan
ko na lamang na gawin niya ito sa akin?”
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang inilalahad ng bawat pahayag?


_______________________________________________________________________________

2. Magkatugma ba ang alam mo at ang ginagawa mo tungkol sa usapin? Bakit?


_______________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang natuklasan mo sa iyong sarili matapos ang ginawang pagsusuri? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________

GAWAIN 2: PAGSUSURI NG SITWASYON


Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon at sagutin ang mga pamprosesong tanong.
1. Si Ray at si Iza ay magkasintahan. Habang tumatagal ay tumitindi ang pagnanais ni Ray na sila ay
magkasarilinan. Madalas din na hilingin ni Ray na tuluyan na silang magsama upang maipahayag
ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa ngunit nagdadalawang isip si Iza.
2. May kasintahan din si Ken – si Ann. Si Ann ay mahilig sa mga kasuotang maiikli at masisikip at
hindi rin nahihiyang magpakita ng kaniyang damdamin sa pisikal na paraan. Si Ken ay busog sa
pangaral ng magulang tungkol sa halaga ng edukasyon at mga paghihirap sa maagang pag-
aasawa. Ayaw ni Ken na mapariwara si Ann o humantong sila sa maagang pag-aasawa, ngunit
sadyang naiibigan niya ang ugnayan niya kay Ann. Madalas siya’y nalilito,

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong masasabi sa sitwasyong kinalalagyan ni Iza sa pakikipagrelasyon kay Ray?
_______________________________________________________________________________
Sa sitwasyon na kinalalagyan ni Ken? ________________________________________________.

2. Sa iyong palagay, tunay bang mahal ni Ray si Iza? Bakit? _________________________________


Tunay bang mahal ni Ken si Ann? Bakit? ______________________________________________

3. Kung pumayag si Iza sa hiling ni Ray, ibig ba nitong sabihin ay mahal niya si Ray? Bakit?
_______________________________________________________________________________
4. Kung papayag si Iza, ano ang mga maaaring maging kahahantungan nito? Bakit?
_______________________________________________________________________________

5. Bakit dapat tumanggi siIza sa hiling ni Ray? ____________________________________________


Bakit dapat pigilan ni Ken ang simbuyo ng damdamin? ___________________________________
_______________________________________________________________________________

6. Kung ikaw si Iza, paano ka tatanggi sa bawat pahayag sa ibaba?


a. “Kung mahal mo ako ayos lang ang gagawin natin.”
_____________________________________________________________________________
b. “Wala ka bang tiwala sa akin?”
_____________________________________________________________________________
c. “Sa panahon ngayon, hindi na uso ang pagpapakasal.”
_____________________________________________________________________________
d. “Lahat naman ay ginagawa iyon.”
_____________________________________________________________________________
e. “Kung talagang mahal mo ako, papayag ka sa hinihiling ko.”
_____________________________________________________________________________
f. “Abnormal ka ba o ano?”
_____________________________________________________________________________

7. Kung ikaw si Ken, paano ka tatanggi sa bawat pahayag sa ibaba? Ipaliwanag.


a. “Patunayan mong lalaki ka.”
_____________________________________________________________________________
b. “Bakla ka ba?”
_____________________________________________________________________________

GAWAIN 3:
Panuto: Magtala ng mga gawain na maaari mong isagawa bilang iyong paghahanda sa pagganap sa
bokasyon sa pagmamahal kapag ikaw ay ganap na binata o dalaga na. Gamitin ang DIY na desk
calendar para sa gawaing ito.
Halimbawa:
1. Ang pagsasakilos ng mga pangunahing responsibilidad sa tahanan, sa paaralan at komunidad
a. Sa tahanan - paghuhugas ng pinggan
b. Sa paaralan – paggawa ng homework o proyekto nang maaga
c. Sa komunidad - pagtawid sa tamang tawiran

PAGNINILAY:
Panuto: Basahin ang sumusunod na babasahin mula sa Pro-Life Philippines (Pilar et. al., 2005).

Ako ay isang responsableng babae… Ako ay isang responsableng lalaki…

1. Ang aking mga halik ay di hamak na mas 1. Pinagkakatiwalaan ako ng mga magulang ng
matimbang kaysa anomang party o sine. aking kasintahan at ng aking mga magulang.
2. Ang aking katawan ay templo ng Diyos at Hindi ko ito sisirain.
hindi isang laruan. 2. Igagalang ko ang aking nobya katulad ng pag-
3. Ang unang “AYAW KO” ay mahirap ngunit asa kong igagalang ng ibang lalaki ang aking
ang mga susunod ay madali na. kapatid na babae.

4. Ang pagkabirhen ay isang kanais-nais na 3. Igagalang ko ang pagkababae niya dahil ang
katangian at halaga pa rin. Ang kahalayan ay aking ina ay isang babae. Hindi ko hihilingin
malaking paglabag sa batas moral. sa aking nobya na gumawa ng mga bagay na
ikahihiya kong malaman ng aking ina.
5. Ang aking pananamit, pagkilos, at pananalita
ay maaaring magsilbing tukso sa aking 4. Ikinararangal at ikinalulugod kong makasama
kasintahan. Ako ay magiging mabini para sa ang aking nobya. Isang pagkakamali ang
aming proteksyon. umasa nang higit pa bilang kabayaran sa
pagtatagpong ito.
6. Malaki na ang nagawa ng aking mga 5. Balang araw, magiging isang ina at asawa
magulang para sa akin, nais kong lagi nila ang aking nobya. Dapat siyang magsilbing
akong ikapuri. halimbawa sa kaniyang mga anak at
maipagmalaki ng kaniyang asawa. Tutulungan
ko siyang maging malinis ang puso at maging
7. Ang nobyo ko ay magiging asawa at ama disente tulad ng gusto ko sa mapapangasawa
balang araw. Kailangan siyang maging bayani ko.
sa mata ng kaniyang asawa at mga anak.
Hindi ako gagawa ng anumang bagay sa 6. Ang pagkalalaki ay nangangahulugan ng
aming pagtatagpo na hahadlang sa lakas ng karakter gayon din ng katawan. Isang
katuparang niyon. kahinaan ang kakulangan ng pagpipigil sa
sarili. Gusto kong malaman ng aking
8. Gusto kong maging isang ina at asawa. kasintahan na ako ay tunay na lalaki.
Ilalaan ko ang aking puri at damdamin para sa
aking magiging asawa at anak. 7. Ang Panginoong Diyos ay nasa lahat ng
lugar, nakikita ang lahat, at alam ang lahat.
Maaaring itago ako ng kadiliman ngunit hindi
ako maitatago nito sa Diyos.

Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel:


1. Ano-anong positibong pananaw sa pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian ang isinasaad ng
babasahin? Maglista ng lima at ipaliwanag ang mga ito.
_______________________________________________________________________________

2. Batay sa babasahing ito, ano ang kahulugan ng pagiging responsable, kaugnay ng sekswalidad?
_______________________________________________________________________________

3. Ayon sa babasahin, ano ang ibig sabihin ng pagiging tunay na lalaki? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________

4. Maglista ng sariling pangako bilang responsableng babae/ lalaki kaugnay ng pakikipag-ugnayan sa


katapat na kasarian. ______________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Sanggunian:
Regina Mignon C. Bognot et al (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Modyul para sa Mag-aaral.
Manila: Vibal Publishing House, Inc. (pahina 335-366)

You might also like