You are on page 1of 86

Modyul 14: Paninindigan Tungkol sa

Pangangalaga ng Sarili Laban sa Pang-


aabusong Sekswal Tungo sa Maayos na
Pagtingin sa Sarili at Pagtataguyod ng
Dignidad ng Tao
Paunang Pagtataya:

 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang


pinakatamang sagot sa iyong kuwaderno.
 1. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa
 A. pang-aabusong sekswal
 B. pre-marital sex
 C. pornograpiya
 D. prostitusyon
 2. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa mga isyung seksuwal?
 A. Si Jessica ay araw-araw hinihipuan ng kaniyang amain sa maseselang bahagi ng
kaniyang katawan.
 B. Niyaya ni Noli ang matagal na niyang kasintahang si Malyn na magpakasal
sapagkat gusto na nilang magtatag ng pamilya.
 C. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang gabing pagkalimot
sa sarili ni Daisy at ng kaniyang boyfriend na si Ariel.
 D. Maganda ang hubog ng katawan ni Ann kaya nagpasiya siyang magpaguhit nang
nakahubad.
 3. Ang
pang-seksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay
tumutugon sa mga layuning
 A. Magkaroon ng anak at magkaisa
 B. Magkaisa at maipahayag ang pagnanasa
 C. Makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak.
 D. Magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan
 4. Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay masama?
 A. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan
 B. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso
 C. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng
seksuwalidad
 D. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay o
kasangkapan
 5. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik?
 A. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng kasiyahan.
 B. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog at mabuhay
 C. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon ang gagawa nito
 D. Ang pakikipagtalik ay pagsasakatawan ng pagmamahal na ipinapahayag ng mag-
asawa sa bawat isa.
“Kung mahal mo ako,
sumama ka sakin ngayon at
patunayan ito”
Pagsusuring Tanong:

Ano ang naiisip mo kaugnay sa


katagang ito?
May kaugnayan ba ito sa
iyong pagkatao?
Anong bahagi ng pagkatao ang
may kaugnayan dito?
Gawain 1: Isulat sa bawat kahon ang sarili mong pagkaunawa sa
salitang “Seksuwalidad”

SEKSUWALIDAD DIGNIDAD
Pagsusuring Tanong:

Ano-ano ang mga isyu tungkol sa


sekswalidad ang ipanakita sa
larawan?
Ano ang iyong naging damdamin
mula sa mga larawang nakita?
Anong mahahalagang katotohanan ang
naiparating sa iyo ng larawan?
Ano kaya ang maaari mong gawin upang
hindi maranasan at matulad sa mga taong nasa
larawan? Bakit?
Pangkatang Gawain:
 Pamantayan sa malikhaing pagbabahagi/presentasyon

 Pagkamalikhain 10pts.
 Kahandaan 10pts.
 Kooperasyon 10pts.
 May tuwirang ugnayan sa paksa 10pts.
 Nakapukaw ng atensiyon at damdamin 10pts.

Kabuuan: 50 pts.
Pagsusuring Tanong:

Ang mga nabanggit ba na mga isyu


tungkol sa sekswalidad ay may epekto
sa dignidad at sekswalidad?
Bakit itinuturing na ang mga isyung
nabanggit ay nagpapakita ng kawalang
paggalang sa sekswalidad ng tao?
PAGLINANG SA KABIHASAAN

Ano ang naging posisyon mo sa


bawat isyu?
PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-
ARAW NG BUHAY

Bilang isang kabataan, paano mo


maipapakita ang pagpapahalaga at
paggalang sa iyong sekswalidad?
PAGLALAHAT NG ARALIN

Paano nakaaapekto sa tao ang kawalan ng


paggalang sa sekswalidad?
PAGTATAYA NG ARALIN

Panuto:Tukuyin kung TAMA o


MALI ang inilalahad ng
bawat pahayag.
1.Ang sekswalidad ay mabuti
at sagrado.
2. Ang sekswalidad ay may kaugnayan sa
kaisipan, emosyon, at ispiritwal na katangiang
taglay na pagiging babae at lalaki.
3. Ipaglihim ang relasyon sa mga
magulang upang hindi sila magalit
4.Ang hangarin ng Diyos sa babae at
lalaki ay ang pagiging magkatuwang.
5. Hindi dapat pakialaman ang mga
kaibigan na lantaran kung magpakita
ng kanilang relasyon sa paaralan.
Takdang Aralin:

Magsaliksik ng iba pang isyung moral na


may kaugnayan sa kawalan ng paggalang
sa dignidad at seksuwalidad.Gumawa ng
mga hakbangin kung paano ito maiiwasan.
PAGNINILAY

Journal4.3: Sumulat ng isang position paper


na maglalahad ng iyong sariling pananaw sa
mga isyung na may kaugnayan sa kawalan ng
paggalang sa dignidad at seksuwalidad.
THANK YOU……..
Pagsusuri ng mga pahayag:

1. Ang pakikipagtalik ay normal para


sa kabataang nagmamahalan.
2. Ang pagtatalik ng magkasintahan ay
kailangan upang makaranas ng
kasiyahan.
3. Tama lang na maghubad kung
ito ay para sa sining.
4. Ang pagtingin sa mga malalaswang
babasahin o larawan ay walang epekto sa
ikabubuti at ikasasama ng tao.
5. Ang tao na nagiging kasangkapan ng
pornograpiya ay nagiging isang bagay na
may mababang pagpapahalaga.
6. Ang pang-aabusong seksuwal ay
taliwas sa tunay na esensiya ng
seksuwalidad .
7. Ang paggamit ng ating katawan para sa
seksuwal na Gawain ay mabuti ngunit maaari
lamang gawin ng mga taong pinagbuklod ng
kasal.
8. Ang pagbebenta ng sarili ay tama
kung may mabigat na
pangangailangan sa pera.
9. Ang pagkalulong sa prostitusyon
ay nakaaapekto sa dignidad ng tao.
10. Wala naming nawawala sa isang babae na
nagpapakita ng kaniyang hubad na sarili sa
internet. Nakikita lang naman ito at hindi
nahahawakan.
Seksuwalidad/Sekswalidad

 May kaugnayan sa lahat ng mga kaisipan, emosyon, at ispiritwal na


katangiang taglay na lumalarawan sa pagiging babae o lalaki ng isang tao
 Lahatng ating ating pag-iisip, pananaw, damdamin at kilos ay
naaapektuhan ng ating pagkababae o pagkalalaki
 Ito ay may kaugnayan sa pagiging ganap na babae o lalaki
 Bawat isa sa atin ay hinahamon na buuin at linangin ang seksuwalidad
upang maging ganap ang pagiging pagkakababae o pagkakalalaki
Seks/Sex

 Bilang produkto at puwersa ng ebolusyon ay nakatatak na sa ating


katauhan
 Ito ay bahagi ng ating instinktwal na kabuuan
 At dahil instinktwal, mababakas rin sa iba pa nating mga kilos kung paano
natin ituring ito
 Marami tayong mga desisyon sa buhay kung saan ang mga pang-
malayuang bunga (long term consequences) ay isinasakripisyo natin sa
mga pang-malapitang tubo (short term gains)
 Ang anumang pangamba sa hinaharap ay napakabilis malunod sa
panandaliang sarap at aliw na dulot nito
 Dahil nga napaka-instinktwal, pumapaibabaw ito sa ating rasyonal na
kaisipan, na maging ang mga sinasabing matatalino ay nagmimistulang
mga ignorante at napapasailalim na lamang sa bugso ng kamunduhan
 Angmga kamunduhang Gawain at aktibidad ay nagdudulot ng
immoralidad sa isang indibidwal na hindi alam ang salitang MORAL.
Iba’t ibang Isyu na may kinalaman sa Seksuwalidad

 1. Premarital Sex(Fornication) –pagtatalik bago ang kasal


 Ito
ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa
wastong eded o nasa edad na subalit hindi pa kasal
 Hanggang wala siya sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng
sakramento ng kasal, hindi siya kailanman magkakaroon ng
karapatang makipagtalik
Mga pananaw na siyang dahilan kung bakit ang isang tao lalo na ang
mga kabataan ay pumapasok sa maagang pakikipagtalik

1. ito raw ay normal at likas na gampanin ng


katawan ng tao upang maging malusog siya at
matugunan ang pangangailangang katawan. Kapag
hindi raw ito isinagawa hindi mararating ng tao ang
kaganapan ng kaniyang buhay
2.maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing
na tama ang pakikipagtalik lalo na kapag ang mga
gumagawa nito ay may pagsang-ayon. Karapatan
ng tao na makipagtalik at malaya silang gawin ito
3.Naniniwala ang mga
gumagawa ng pre-marital sex na
may karapatan silang makaranas
ng kasiyahan
4. Ang pakikipagtalik ay isang
ekspresyon o pagpapahayag ng
pagmamahal.
 Ang pakikipagtalik nang hindi pa kasal ay nagpapawalang-
galang,komitment,dedikasyon sa katapat na kasarian at nagpapababa sa dignidad at
integridad ng pagkatao ng mga taong kasangkot sa gawaing ito
 Ang tunay na pagmamahal na isinasakatawan sa pagtatalik ay bukas sa katotohanang
dapat itong humantong sa pagbubuo ng pamilya. Kung kaya, bago ito gawin ng lalaki
at babaeng nagmamahalan, kinakailangang ito’y binasbasan ng kasal, Sa konteksto ng
pagbubuklod ng isang babae at isang lalaki, siya ay nangangakong magkaisa at
maging mapanlikha, magkaroon ng anak at bumuo ng pamilya
Ang pakikipagtalik at paggamit ng ating mga
kakayahang sekswal ay mabuti sapagkat ito ay kaloob sa
atin ng Diyos. Ito ay isang regalo o banal na kaloob
ngunit maaari lamang gawin ng mga taong pinagbuklod
ng Sakramento ng Kasal
2.Maagang Pagbubuntis (Teenage Pregnancy

 Isa sa mga pangunahing suliranin para sa kalusugan at kapakanan ng mga kabataan


sa kasalukuyan
 Sa mga kadahilanang kaya pumapasok sila saganitong sitwasyon:
 Maagang pagdating ng buwanang dalaw
 Kakulangan ng paggabay ng magulang
 Pagbabago ng pagpapahalaga
 Pamimilit ng barkada na pumasok sa seksuwal na ugnayan
 Kawalan ng kakayahang matugunan ang mga pagbabagong ito
 Ang pakikipagtalik nang wala sa tamang panahon ay nagbubunsood ng dugtong-
dugtong na suliranin
 Masamang epekto ng maagang pagbubuntis:
 1. malnutrisyon
 2. kakulangan sa tamang pangangalaga
 3. Aborsiyon
 4. paghinto sa pag-aaral
 5. kahirapan
 6. problema sa sanggol
2.Homoseksuwalidad

 Tumutukoy sa pagnanasang seksuwal sa “kabaro” o “kadamit”


o sa kaparehong kasarian
 Kinasasangkutan ito ng pakikipagtalik sa kapwang katulad ng
kasarian
 Kabilang dito ang isang bakla o isang lalaking parang babae
kung kumilos at ang tomboy isang babaeng kumikilos na
parang lalaki
3. Pornograpiya

 Nanggaling sa dalawang salitang Griyego na “porne” na may kahulugang prostitute o


taong nagbebenta ng panandaliang aliw at “graphos” na nangangahulugang pagsulat o
paglalarawan
 Ito ay mahahalay na paglalarawan ( babasahin, larawan, o palabas) na may layuning
pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa
 Ang paglaganap ng pornograpiya ay palatandaan ng pagkawasak ng moralidad at
espiritwalidad ng tao
 Nagdudulot ito ng maling damdamin, pananaw at paniniwala sa tunay na layunin ng
Diyos pakikipagtalik
Epekto ng pornograpiya sa isang tao:

 1.Ang maagang pagkahumaling sa ponograpiya ay nagkakaroon ng kaugnayan sa


pakikibahagi ng tao o paggawa ng mga abnormal na gawaing seksuwal, lalong lalo na
ang panghahalay
 2. May mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa pagkasugapa sa pornograpiya ay
nahihirapang magkaroon ng malusog na pakikipag-ugnayan sa kanilang asawa.
Nakararanas sila ng seksuwal na kasiyahan sa panonood at pagbabasa ng
pornograpiya, at pang-aabuso sa sarili at hindi sa normal na pakikipagtalik
 3. ito rin ay ginagamiit ng mga pedophiles sa internet upang makuha ang kanilang
mga bibiktimahin.
Ano ba ang masama sa ponograpiya:

 Ang tao ay maaaring mag-iba ng asal


 Ang seksuwal na damdamin na ipinagkaloob ng Diyos sa tao na maganda at mabuti ay nagiging
makamundo at mapagnasa
 Nauuwi sa kawalang-dangal o nagpapababa sa kalikasan ng tao ang mga makamundong pagnanasa
 Kapag ang tao ay nagiging kasangkapan sa seksuwal na pangangailangan at pagkahumaling ,lahat ng
mabuting layunin sa pakikipagkapuwa ay maaaring hindi na makamit
 Ang tao na nagiging kasangkapan ng mga pagnanasa ay hindi na nagpapakatao, bagkus tinatrato ang
sarili o ang kapuwa bilang isang bagay o kasangkapan
4. Masturbesyon

 Tumutukoy sa sekswal na pagbibigay-buhay ng isang tao sa maselang bahagi ng ng


katawan
 Karaniwang ito ay ginagawa hanggang sa punto ng orgasm ( climax)
 Ang pagbibigay-buhay ay maaaring isagawa na mano-mano, sa pamamagitan ng
paggamit ng mg abagay o kasangkapan na inilalagay sa mga maseselang bahagi ng
katawan (sex toys)
 Ang iba naman ay gumagamit ng ilang kumbinasyon ng mga pamamaraan na ito
upang mapagbigyan ang sarili o makaraos sa tawag ng sekswal na hilig ng katawan
 Madalas ginagawa ng mga kabataan higit lalo ng mga batang lalaki
5. Prostitusyon

 Pinakamatandang propesyon o gawain(hanapbuhay)


 Ito ay pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera
 Dito binabayaran ang pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama ng kasiyahang seksuwal
 Ito ang madaling paraan ng pagkita ng pera kapalit ng kandungan at katawan sa mga hayok at gutom
sa laman na mga parokyano
 Karamihan sa mga taong nasasangkot ditto ay iyong nakararanas ng hirap, hindi nakapag-aral, walang
muwang kaya’t madali silang makontrol
 Mayroon din naming may maayos na pamumuhay, nakpag-aral ngunit marahil ay naabuso noong bata
pa
 Dahildito nawala ang kanilang paggalang sa sarili at tamang
pagkilala kung kaya’t minabuti na lang nilang ipagpatuloy ang
kanilang masamang karanasan
6. Mga Pang-aabusong seksuwal (sexual harassment)

 Pang-aabuso na isinasagawa ng isang nakatatanda na siyang pumupuwersa sa isang


nakababata upang gawin ang isang gawaing seksuwal
 Ang pang-aabusong seksuwal ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng
sariling katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa
seksuwal na Gawain t sexual harassment
 Maaari rin itong hindi pisikal tulad ng paglalantad ng sarili na gumagawa ng
seksuwal na Gawain at pagkakaroon ng kaligayahang seksuwal sa pamamagitan ng
pagtingin sa mga hubad na katawan, seksuwal na pag-aari o kaya’y panonood ng
pagtatalik na isinasagawa ng iba
 Karamihan sa mga nagiging biktima ng pang-aabusong seksuwal ay mga
bata o kabataang may mahihinang kalooban, madaling madala, may
kapusukan at kadalasan iyong mga nabibiblang sa mahihirap at
pamilyang hiwalay ang mga magulang
 May mga magulang din na sila mismo ang nanghihikayat sa kanilang mga
anak na gawin ito upang magkapera
 Isapang porma ng seksuwal na pang-aabuso sa mga kabataan
ay ang child trafficking
 Ang pagtakas o pagpupuslit ng bata mula sa isang lugar nang
labag sa kagustuhan ng taong nasasangkot kung saan ang
biktima ay karaniwang ginagamit para sa prostitusyon
 Mga dahilan kung bakit hindi naiuulat o itinatago ang mga nararanasang pang-aabuso:
 1. matinding takot lalo na kung gumawa ng pang-aabuso ay mas matanda o mas makapangyarihan sa
mga kabataan at maaari silang maabusong muli
 2. paniniwala na kapag ipinaalam nila ang naranasang pang-aabuso, masisisi sila o kaya ay lalayuan ng
iba
 3. paniniwala na ang ilang kilos ay normal at hindi pang-aabusong seksuwal gaya ng pamimilit ng
kanilang boyfriend para magtalik, panghihipo, o pagpapadala ng mga hubad na larawan
 Pag-aakala na sila ang may kasalanan kung bakit nangyari ang pang-aabuso
7. Extramarital Affair

Nakikita ito sa mga taong may asawa na at


kasal na ay nakikipagtalik pa sa iba sa iba’t
ibang mga kadahilanan
8. Nakakahawang Sakit na Seksuwal
 Isa sa mga resulta ng pagkakaroon ng maagang seksuwal na karanasan ng kaswal na pakikipagtalik at ng
pagpapalit-palit ng seksuwal na kapareha ay ang pagkakaroon ng nakakahawang sakit na seksuwal
 Sexually Transmitted Disease (STD)-walang sintomas kung kaya hindi malalaman ng taong mayroon nito na
nakuha niya ang sakit
 AIDS –isa sa pinakamapanganib sapagkat wala pang lunas dito
 HIV- ay ang virus na siyang nagiging sanhi ng AIDS at sumisira sa kakayahan ng katawan na labanan ang mga
sakit
 Ang mga seksuwal na faculdad o kakayahan ng tao ay
tumutukoy sa dalawang layuning maaari lamang gawin ng
isang babae at lalaki na pinagbuklod ng kasal o pag-iisang
dibdib ang magkaroon ng anak (procreative) at mapag-isa
(unitive)

You might also like