You are on page 1of 2

MODULE 15: MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA KAWALAN G PAGGALANG SA KATOTOHANAN

Ang Misyon ng Katotohanan

Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman

at layunin niya sa buhay. Ang pagsukat ng kaniyang katapatan ay nangangailangan ng pagsisikap na alamin ang katotohanan

inilarawan ditto ang pahayag ni Fr. Roque Ferriols tungkol sa “tahanan ng mga katoto” ibig sabihin, may kasama ako na makakita o
may katoto ako na makakita sa katotohanan

Ang katotohanan din ang kalagayan o kondisyon ng pagiging totoo. Upang matamo ito, inaasahan na maging mapagpahayag ang
bawat isa sa kung ano ang totoo.

“Magpahayag sa simple at tapat na paraan”

Ang imoralidad ng pagsisinungaling

Mula sa paglawak ng iyong kaalaman sa halaga ng katotohanan at mga kaakibat na pananagutan dito, hindi pa rin maipagkakaila na
ang sinuman ay may kakayahan na makalikha ng isang pagkakamali at maging malinis ang imahe sa mata ng iba.

Ang kasinungalingan ay may tatlong uri:

1. Jocose lies
Isang uri na kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid ng kasiyahan lamang. Ipinapahayag ito upang magbigay-aliw
ngunit hindi sadya ang pagsisinungaling.

2. Offcious lie
Tawag sa iasng nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang sarili o di kaya ay paglikha ng isang usapin kahiya-
hiya upang dito maibaling. Ito ay isang tunay na kasinungalingan.

3. Pernicious lie
ay nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.

Ang Kahulugan ng Lihim, Mental Reservation, at Prinsipyo ng Confidentiality

Ang pagtatago ng lihim ay isang uri na rin ng pagsisinungaling o mabuti upang hindi na lumaki ang isyu at maiwasan ang
eskandalo o anumang hindi mabuting kahihinatnan. Ang lihim ay pagtatago ng impormasyon na hindi pa naibubunyag o
naisisiwalat.

Natural Secrets
Ay mga sikreto na nakaugat sa likas na batas moral. Ang mga katotohanan na nakasulat ditto ay magdudulot sa tao ng
matinding hinagpis at sakit sa isa’t isa.

Promised Secrets
Ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkakatiwalaan nito. Nangyari ang pangako pagkatapos na ang mga lihim ay
nabunyag na.

Committed or Entrusted Secrets


Naging lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman sa isang bagay ay nabunyag. Ang mga kasunduan upang ito ay
mailihim ay maaaring:
Hayag
Kung ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinabi ng pasalita o kahit pasulat

Di Hayag
Ito ay nangyayari kapag walang tiyak na pangakong sinabi ngunit inilihim ng taong may alam dahil sa kanyang
posisyon sa isang kompanya o institusyon.

Pliagrism

Ang pliagrism ay isang paglabag sa intellectual Honesty. Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa
pagpahayag ng katotohanan at katapatan sa mga datos, mga ideya mga pangungusap, buod, at balangks ng isang akda,
programa, hoimig at iba pa. nabuo lamang dahil sa illegal na pangongopya.
intellectual piracy - ang paglabag sa karapatang ari (copyright infringement) ay naipakikita sa paggamit nang walang
pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang taong pinoprotektahan ng law on copyright mula sa intellectual property
code of the philippines 1987.

ang piracy ay isang uri ng pagnanakaw o ilegal na pang-aabuso sa mga barko na naglalayag sa karagatan.

ang theft ay hindi lamang literal na pagnanakaw o pagkuha nang walang pakundangan kundi lubusang pag-angkin sa
pag-aari nang iba na walang paggalang sa karapatang nakapaloob dito.

iba't ibang dahilan:


presyo
kawalan ng mapagkukunan
kahusayan ng produkto
sistema/paraan ng pamimili
anonymity

karapatang-ari at ang prinsipyo ng fair use


1. pagsasapubliko ng anumang likha o gawa
2. paggamit ng mga quotation o pahayag mula sa mga gawang nailimbag
3. paglalangkap ng mga gawa sa paglalathala, pagbabalita, at iba pang uri ng komunikasyon upang isapubliko ito

ang whistleblowing ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng
gobyerno o pribadong organisasyon/korporasyon.

whistleblower naman ang tawag sa taong naging daan sa pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga maling asal, hayagang
pagsisinungaling, mga immoral o ilegal na gawain na naganap sa loob ng isang samahan o organisasyon.

You might also like