You are on page 1of 26

MODULE 14

Paninindigan sa Tamang
Paggamit ng Kapangyarihan
at Pangangalaga sa
Kapaligiran
Paninindigan sa Tamang Paggamit ng Kapangyarihan

“With great power comes


great responsibility.”
Ang kapangyarihan ay ang kakayahan ng tao na
impluwensiyahan ang ibang tao, at pamahalaan ito para sa
kabutihang panlahat o common good. Ang ganitong uri
ng kapangyarihan ay limitado sa taong may katangian ng
pamumuno at kakayahang gumawa ng makabuluhang
bagay o proyekto para sa kabuhayan, maunlad at maayos
na lipunan.
Sa kasalukuyang panahon, ang ganitong katuturan ay nawawalan ng tamang kahulugan sapagkat
taliwas ang ginagawa ng maraming taong napagkalooban ng kapangyarihan. Madalas ay naaabuso
ito para sa pansariling pakinabang.
Mga katangiang dapat taglay ng isang pinuno:
 Patas
 Matuwid
 Marangal
 Mapagmalasakit
 Marunong
 Makakalikasan
 Makatao
 Makadiyos
Mga Isyung Moral Tungkol sa Paggamit ng Kapangyarihan
1. Nepotismo
2. Graft
3. Corruption
3.1. Tax Evasion
3.2. Ghost Projects and Payrolls
3.3. Evasion of Public Bidding in the Awarding of Contracts
3.4. The Practice of Passing Contracts from one another
3.5. Extortion (Pangingikil)
3.6. “Tong” or Protection Money
3.7. Bribery o Lagay System
Nepotismo
Ito ay ang pagbibigay ng pabor sa isang kamag-anak
kahit hindi ito kwalipikado para sa isang posisyon.
Hango sa salitang Latin na “nepotes” na ang ibig
sabihin ay “nephew” o pamangking lalaki.

Sinasabing ito ay nagmula sa ilang kasaysayan ng mga obispo at pari na sa kabila ng pangakong
mananatiling malinis habang-buhay (vow of chastity) ay nagkaroon ng mga anak na lingid sa
kaalaman ng tao. Upang buhayin, iniluluklok sa pwesto, binigyan ng trabaho at tinagong pamangkin
ang mga ito.
Graft
Ito ay ang paggamit ng pampublikong opisina at lahat
ng kagamitan dito para sa pansariling kapakinabangan.
Bagamat meron ding kaso ng ganito sa mga nasa
pribadong sektor, ito ay higit na tutukoy sa mga
pampublikong gawain sapagkat ang salaping ginugugol sa
pagpapatakbo ng operasyon at pambili ng mga gamit at
kasangkapan dito ay pera ng bayan na kinolekta sa
pamamagitan ng buwis sa mga tao.
Corruption
Ito ay nangangahulugan ding “rotten” o bulok,
samakatuwid, ang “corruption” o korupsyon ay
pagkabulok. Sa pamamahala, ito ay ang pagkabulok ng
sistema o maging ng ahensiya bunga ng labis na paggamit
ng kapangyarihan at pagtalikod sa sinumpaang tungkulin
para sa pansariling layunin at pakinabang.
Ang mga tiwaling pinuno o iba pang kawani ay nagmimistulang mga anay na walang kapaguran
sa pagkamkam ng anumang naisin para sa sarili.
Iba’t ibang uri ng korupsyon
Tax Evasion
Ito ay ang pagtanggi ng mga taong nasa pribadong
negosyo na ideklara ang kanilang taunang kita upang
bayaran ang tamang buwis sa gobyerno.
Iba’t ibang uri ng korupsyon
Ghost Projects & Payrolls
Ito ay isang uri ng korupsyon kung saan ang mga
matataas na opisyal ng gobyerno ay gumugugol at
gumagastos ng maraming salapi upang pondohan ang di
naman umiiral na mga proyekto; pagbabayad ng sweldo o
pensyon ng mga taong hindi naman nagtatrabaho sa
gobyerno. Ang mga taong nabanggit ay maaaring
naglilingkod sa kanilang tahanan, matagal nang patay o
kaya ay mga pangalan lang na idinagdag sa payroll para sa
kanilang dagdag kita.
Iba’t ibang uri ng korupsyon
Evasion of Public Bidding in the Awarding of
Contracts
Ito ay pag-iwas ng mga opisyal ng gobyerno na buksan sa
publiko ang pag-imbita sa mga kwalipikadong kontraktor para sa
isang malaking proyekto. Ang perang ilalaan dito ay pera ng
taong-bayan, mula sa pinakamaliit na manggagawa, kung kaya’t
nararapat ang transparency at pabatid upang sila na nag-ambag
ng perang gagamitin sa proyekto ay may nalalaman sa
kinahihinatnan ng kanilang pinagpaguran. Ang pag-iwas sa public
bidding ay taliwas sa kawastuhan ng tamang sistema sa
pamamahala.
Iba’t ibang uri ng korupsyon
The Practice of Passing Contracts from one another
(Ang Pagpasa ng Proyekto ng Nanalong Kontraktor sa ibang Kontraktor)

Gawain ng ilang nanalong kontraktor sa bidding na ipasa sa


ibang kontraktor ang pagsasagawa ng isang proyekto. Sa
prosesong ito, nagkakaroon ng cut o bawas sa budget dahil sa
naising kumita ng kontraktor na maaaring kukunin sa dapat
pambili ng eksaktong dami ng materyales. Kapag nagkaganito,
nababawasan ang kalidad ng materyales (substandard materials) na
nagreresulta sa mahinang pundasyon at pagkasira ng proyekto
lalung-lalo na sa kaso ng infrastraktura tulad ng kalsada.
Iba’t ibang uri ng korupsyon
Extortion (Pangingikil)
Ito ay pangingikil ng isang opisyal o kawani ng
gobyerno sa kaniyang mga kliyente at mga ordinaryong
mamamayan na may mahalagang transaksyon sa kanilang
opisina sa pamamagitan ng paghingi ng pera,
mahahalagang bagay o maging ng serbisyong pabor sa
kaniya. Ito ay nangyayari din sa ilang tiwaling opisyal o
personalidad na nangingikil kapalit sa paglabag na nagawa
ng isang mamamayan.
Iba’t ibang uri ng korupsyon
“Tong” or Protection Money
Ito ay isang uri ng pabor o proteksyon mula sa mga
mamamayang may illegal na gawain sa komunidad. Batay
sa maraming pag-iimbestiga, ito ay kadalasang ibinibigay
sa mga alagad ng batas, pulitiko, at ilang tiwaling opisyal
na naaakit sa kinang ng pera.
Iba’t ibang uri ng korupsyon
Bribery o Lagay System
Ito ay “padulas” o lagay ng ilang mamamayan na sa
kagustuhang mapabilis ang transaksyon sa isang opisina
ay nagbibigay ng pera o mahahalagang bagay sa mga
opisyal na mayroong sensitibong posisyon sa gobyerno na
siyang dahilan ng maraming katiwalian.
Tandaan:
Ang kakayanang mamuno ay isang prebilehiyo sapagkat hindi lahat ay
nabibigyan ng pagkakataon. Samakatuwid, nararapat na bigyan ito ng
kaukulang pagpapahalaga. Anumang pang-aabuso sa panig ng isang lider ay
matatawag na katiwalian lalo na kung naisasakripisyo ang kabutihang panlahat
para sa sariling pakinabang lamang. Isa pang isyu ay ang maaaring epekto sa
isang murang isipan ng kabataan na hindi maiwasang mag-isip tungkol sa
korupsyon at ang posibilidad na gayahin ito kapag nakapwesto na din sa
pamahalaan. Subalit ang tagubilin ng araling ito sa lahat ay turuan tayo ng
kabutihan at katapatan kahit marami sa lipunan ang gumagawa ng katiwalian.
Huwag maging makasarili at isipin ang kabutihan sa kapwa-tao kahit pa ang
mga taong pinagkatiwalaan ay salungat sa inaasahan.
Pangangalaga sa Kapaligiran
(Mga Batas na Tumatalakay Dito)
Republic Act 7586
(National Integrated Protected Areas System
Act of 1992)

Ang batas na ito ay kumikilala sa kritikal na kahalagahan


ng pangangalaga at pagpapanatili sa mga likas na
bayolohikal at pisikal na pagkakaiba-iba sa kapaligiran.
Republic Act 7942
(Philippine Mining Act of 1995)

Itinatakda ng batas na ito ang pagkilala sa lahat ng


yamang mineral na matatagpuan sa mga lupaing
pampubliko.
Republic Act 9003
(Ecological Solid Waste Management Act of
2003)

Nagtatakda sa mga kinauukulan ng iba't ibang mga


pamamaraan upang makolekta at mapagbuklod-buklod
ang mga solid waste sa bawat barangay.
Republic Act 8749
(Philippine Clean Air Act of 1999)

Sa pamamagitan ng batas na ito, itinataguyod ng


estado ang isang patakaran upang makamit ang balanse
sa pagitan ng kaunlaran at pangangalaga ng kalikasan.
Republic Act 9147
(Wildlife Resource Conservation and
Protection Act)

Ito ay ukol sa konserbasyon at proteksiyon ng maiilap


na hayop at ng kanilang tirahan na mahalaga upang
mapaunlad ang ecological balance at ecological diversity.
Republic Act 9275
(Philippine Clean Water Act of 2004)

Ang batas na ito ay para sa proteksiyon, preserbasyon


at pagpapanumbalik ng kalidad ng malinis na tubig dagat.
Presidential Decree 1067
(Water Code of the Philippines)

Nilalayon ng batas na maitatag ang batayan sa


konserbasyon ng tubig.
Presidential Decree 705
(Revised Forestry Code)

Tungkol sa pagpoprotekta, pagpapaunlad at


rehabilitasyon ng mga lupaing pangkagubatan at
kakahuyan sa bansa.
Batas Pambansa 7838
(Department of Energy Act of 1992)

Upang makasiguro na patuloy at sapat ang suplay ng


enerhiya at makatutugon sa pagpapaunlad ng kabuhayan
ng bansa.

You might also like