You are on page 1of 39

Korupsiyon sa

Pilipinas

Ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at


malawakang korupsiyon sa pamahalaan
nito. Kabilang sa mga paraan ng
korupsiyon na isinasagawa sa Pilipinas
ang graft, panunuhol, paglustay ng salapi,
mga kasunduan sa likurang pintuan,
nepotismo, padrino. Ito ay mula sa mga
nakaraang Pangulo ng Pilipinas hanggang
sa mga lokal na unit ng pamahalaan. Ayon
sa Ombudsman’s Finance and
Management Information Office, ang
kabuuang 3,852 kaso ay inihain laban sa
mga opisyal ng lokal na pamahalaan
noong 2011. Sa mga ito, ang 633 ay inihain
sa Luzon, 600 sa Visayas at 544 sa
Mindano. Ang Philippine National Police
(PNP) ang ikalawa sa dami ng mga
kasong inihain laban dito sa Ombudsman
noong 2011. Kabilang sa mga kasong
inihain laban sa mga sumusunod na
kagawaran ng pamahalaan noong 2011:
Department of Education (562 kaso),
Philippine Information Agency (490 kaso),
Bureau of Internal Revenue (416 kaso),
Armed Forces of the Philippines (304
kaso), Bureau of Customs (177 kaso),
Department of Environment and Natural
Resources (155 kaso), Department of
Social Welfare and Development (148
kaso), Department of Justice (98 kaso).[1]
Noong 2012, ang Pilipinas ay may
ranggong 105 na may 3.4 CPI sa talaan ng
Transparency International na rumaranggo
ng 176 mga bansa at teritoryo batay sa
kung kaagano silang katiwali ayon sa
publikong sektor. Ang Pilipinas ay
karanggo ng mga bansang Algeria,
Armenia, Bolivia, Gambia, Kosovo, Mali, at
Mexico. Ang mga 30 % ng pambansang
badyet ng Pilipinas ay iniulat na nawawala
dahil sa graft at korupsiyon kada taon.[2]
Ang buod na mapa ng index of perception of corruption, 2012

Mga uri ng korupsiyon sa


Pilipinas
Ang pitong mga korupsiyon na
isinasagawa sa Pilipinas ang pagtakas sa
pagbabayad ng buwis, mga ghost projects
at payroll, pagtakas o pag-iwas sa subasta
sa publiko ng pagkakaloob ng mga
kontrata, pagpasa ng mga kontrata,
nepotismo at paboritismo, pangingikli,
salaping proteksiyon at panunuhol.

Pagtakas sa pagbabayad ng buwis

Ito ay talamak partikular na sa pribadong


sektor dahil sa pagtanggi ng mga
nagnenegosyong pribado na dapat na
ideklara ang kanilang taunang kinita at
magbayad ng mga angkop na buwis sa
pamahalaan.

Mga ghost project at pasahod

Ito ay ginagawa ng mga matataas na


opisyal ng pamahalaan kung saan ang
mga hindi umiiral na proyekto ay
pinpondohan ng pamahalaan samantalang
ang mga hindi umiiral na tauhan ng
pamahalaan o mga pensiyonado ay
binabayaran ng mga sahod at allowance.
Ang katiwaliang ito ay talamak sa mga
ahensiya ng pamahalaan na nasasangkot
sa pormulasyon at pagpapatupad ng mga
programa at proyekto partikular na sa
imprastruktura at sa pagbibigay ng mga
sahod, mga allowance at mga
benepisyong pensiyon.
Pag-iwas sa pagsusubasta sa publiko
sa pagkakaloob ng mga kontrata

Ang paglisan ng mga mga opisina ng


pamahalaan partikular na ang mga komite
ng mga subasta at pagkakaloob ng mga
kontrata sa pamamagitan ng subasta sa
publiko o pagkakaloob ng mga kontrata sa
mga pinaborang mga negosyo o
kontraktor na makapagbibigay sa kanila ng
mga personal na benepisyo. Upang legal
na maiwasan ang pagsusubasta sa
publiko ng mga kontrata, ang mga
ahensiya ng pamahalaan ng bumibili ay
magsasagawa ng isang pira-pirasong
stratehiya ng pagbili kung saan ang maliit
na halaga ng mga suplay at materyal ay
bibilhin sa isang tuloy tuloy na proseo. Sa
kasong ito, ang mga kasunduan sa pagitan
ng bumibili at suplayer ay ginagawa kung
saan ang isang persentage ng halagang
presyo ay ibibigay sa namimili na minsang
nagreresulta sa sobrang presyo at pagbili
ng mga mababang uring mga suplay at
materyal.

Pagpasa ng mga kontrata mula sa


isang kontraktor sa isa pa

Sa pagtatayo ng mga proyekto ng


imprastruktura, ang mga kontraktor ay may
kasanayan ng pagpasa ng mga trabaho
mula sa isang kontraktor tungo sa isa pa.
Sa prosesong ito, ang isang persentahe ng
halaga ng proyekto ay napapanatili ng
bawat kontraktor at subkontraktor na
nagreresulta sa paggamit ng mga
mababang uring materyal o hindi natapos
na proyekto.

Nepotismo at paboritismo

Ang mga matataas na opisyal ay maaaring


maglagay o humirang mga kamag-anak at
kaibigan sa mga posisyon ng pamahlaan
kahit pa hindi kwalipikado. Ito ay isa sa
mga ugat ng kawalang kaigihan at
pagdami ng mga empleyado sa
byurokrasya.

Pangingikil

Ito ay ginagawa ng mga opisyal ng


pamahalaan laban sa kanilang mga
kliyente sa pamamagitan ng paghingi ng
salapi, mahahalagang mga bagay o mga
serbisyo mula sa mga ordinaryong
mamamayan na nakikipagtransaksiyon sa
kanila o sa kanilang opisina. Ito ay talamak
sa mga ahensiyang nag-iisyu ng mga
clearance at ibang mga dokumento, mga
nasasangkot sa pagrerecruit ng mga
tauhan o mga nagsasagawa ng mga
serbisyon na direktang pumapabor sa mga
ordinaryong mamamayan.

Suhol o Lagay

Ang sistemang lagay o suhol na akto na


ang mga mamamayan ay nanunuhol o
naglalagay sa mga opisyal ng pamahalaan
ay tumatagal dahil sa byurokratikong red
tape. Ang labis na mga kailangang
papeles, matagal na pagpoproseso ng
mga dokumento, hindi epektibo at hindi
maiging pangangasiwa ng mga tauhan at
kawalan ng propesyonalismo sa
paglilingkod sa publiko ay nagtutulak sa
mga ordinaryong mamamayan na
maglagay para sa mabilis na
pagpoproseso at pag-iisyu ng mga
personal na dokumento. Ang karaniwang
paraan nito ang pagaalok ng malaking
halaga ng salapi sa isang opisyal ng
pamahalaan na makakatulong sa pag-iisyu
ng mga nais na dokumento sa mga
ahensiyang nag-iisyu ng mga lisensiya,
permit, mga clearance at mga ahensiyang
nagpapasya sa mga partikular na isyu. Ang
isa pang paraan nito ang paggamit ng mga
fixer kung saan ang mga tao ay
nagbabayad sa ilang mga indbidwal na
maaari o hindi maaaring mga empleyado
ng pamahalaan na magproseso o
magtamo ng mga kinakailangang
dokumento para sa kanila.

Mga pampolitika na
dinastiya
Ang mga dinastiyang pampolitika sa
Pilipinas ay naglilimita sa pantay na
oportunidad para sa lahat ng mamamayan
at naglilimita rin sa pagbabago sa palpak
na sistema sa bansa dahil napapanatili ng
mga pamilyang ito ang sistema na
nagbibigay pakinabang sa kanila. May mga
panukalang batas na anti-Dinastiya sa
Kongreso ng Pilipinas ngunit wala pa ring
naipapasa hanggang ngayon at hindi alam
kung may maipapasa sa hinaharap dahil
ang karamihan ng mga kasapi ng
Kongreso ng Pilipinas sa parehong
kapulungan ay kasapi ng dinastiyang
pampolitika. Dahil may kaunting tsansa na
maipasa ang isang panukalang batas anti-
Dinastiya sa Kongreso ng Pilipinas, ang
paraan lamang na magkaroon ng batas na
ito ay sa pamamagitan ng isang
reperendum at upang maisagawa ang
reperendum ay kailangang lumikom ng
mga lagda na hindi bababa sa 10
porsiyento ng lahat ng mga rehistradong
botante at hindi bababa sa 3 porsiyento sa
bawat distritong lehislatibo gaya ng
inaatas ng Republic Act 6735 o Initiative
and Referendum Act. May tinatayang mga
250 pamilyang pampolitika sa Pilipinas na
nasa mga posisyon sa lahat ng mga lebel
ng byurokrasya. Ang mga pamilyang ito ay
kabilang sa mga nakaaangat at ang ilan ay
umaasal bilang mga tagapaggawa ng
patakaran o mga patron ng mga politikong
nagsasabwatan upang magkamit ng mas
malaking kapangyarihang ekonomika.
Bukod sa nalilikhang korupsiyon ng mga
dinastiyang pampolitika sa Pilipinas, ang
isang pamilya na nasa kapangyarihan ay
maaaring hindi magpondo ng mga
proyekto ng pamahalaan sa mga lugar na
kinokontrol ng mga katunggali nito. Sa
maraming mga kaso, ang mga nasa
kapangyarihan ay kumikilos lamang tuwing
may halalan. Sinisiguro ng mga nasa
kapangyarihan na alam ng mga botante
kung sino ang nasa likod ng pagpapagawa
ng mga imprastruktura at iba pang
serbisyo ng pamahalaan.[3]

Mga batas na ipinasa upang


sugpuin ang korupsiyon sa
Pilipinas
Ang Artikulo XI ng 1987 Saligang Batas
ng Pilipinas na pinamagatang
Pagpapanagot ng mga Opiser na
Pampubliko ay nagsasaad sa Seksiyon 1
na ang opisinang pampubliko ay isang
pagtitiwalang pampubliko. Ang mga
opiser at empleyadong pampubliko ay
dapat managot sa lahat ng mga panahon
sa mga tao, magsilbi sa kanila ng may
sukdulang responsibilidad, integridad,
katapatan, kaigihan, akto ng patriotismo
at hustisya at mamuhay ng mga
katamtamang pamumuhay.
Ang Seksiyon II ng parehong Artikulo ay
nagsasaad na ang Pangulo,
Pangalawang-Pangulo, mga kasapi ng
mag komisyong konstitusyonal at
ombudsman ay maaaring alisin sa
opisina nito sa impeachment para sa
panunuhol at graft at korupsiyon.
Ang Republic Act No. 3019 na kilala rin
bilang Anti-Graft and Corrupt Practices
Act of 1960 ay nagtatala ng lahat ng
mga kasanayang tiwali ng anumang
opiser na pampubliko, nagdedeklarang
sa mga ito na hindi naayon sa batas at
nagbibigay ng mga kaukulang parusa ng
pagkabilanggo (sa pagitan ng 6
hanggang 15 taon), walang katapusang
diskwalipikasyon mula sa pagtakbo sa
opisinang pampubliko, at pagsamsam
ng hindi maipaliwanag ng kayamanan ng
pabor sa pamahalaan.
Ang Artikulo XI Seksiyon 17 ng Saligang
Batas ng Pilipinas ng 1987 at Seksiyon
8 ng Republic Act No. 6713 na "Kodigo
ng Pag-aasal at mga Pamantayang
Etikal para sa mga Opisyal at
Empleyadong Pampubliko" ay nag-aatas
na magsumite ng Statement of Assets,
Liabilities and Net Worth (SALN) kada
taon.
Ang Executive Order No. 292 o
Administrative Code of 1987 ay umuulit
sa mga probinsiyon na nasa Seksiyon I,
Artikulo XI ng 1987 Saligang Batas ng
Pilipinas. Ito ay nagbibigay rin ng
kapangyarihan sa Pangulo ng
kapangyarihan na magpasimula ng mga
paglilitis upang mabawi ang mga ari-
arian ng mga opisyal at empleyadong
pampubliko na nakamit ng mga ito nang
hindi naayon sa batas .
Ang Republic Act No. 6713 na kilala rin
bilang Code of Conduct and Ethical
Standards for Public Officials and
Employees of 1989 ay nagtataguyod ng
isang mataas na pamantayan ng etika at
nag-aatas sa lahat ng mga tauhan ng
pamahalaan na gumawa ng isang
tumpak na mga pahayag ng ari-arian at
liabilidad, ibunyag ang kanilang net
worth at mga ugnayang pang salapi. Ito
ay nag-aatas rin sa mga bagong opisyal
na pampubliko na magbawas ng pag-
aari ng anumang mga pribadong
negosyo sa loob ng 30 araw mula sa
pag-upo sa opisina upang maiwasan
ang alitan ng interes.
Ang Republic Act No. 6770 na kilala rin
bilang Ombudsman Act of 1989 ay
nagbibigay ng organisasyong
pangtungkulin at pang-istruktura ng
Opisina ng Ombudsman.
Ang Republic Act No. 7055 na kilala rin
bilang An Act Strengthening Civilian
Supremacy over the Military ay lumilikha
ng dalawang mga pakikitungo sa
paglilitis ng mga nagkakasalang mga
kasapi ng Sandatahang Lakas ng
Pilipinas at ibang mga kasaping nasa
ilalim ng mga batas militar. Ang mga
krimeng pinaparusan ng Revised Penal
Code at ibang mga special na batas ng
kaparusahan at mga ordinansa ng lokal
na pamahalaan ay lilitisin sa mga
hukumang sibil. Ang mga korteng militar
ay dapat kumilala lamang sa mga
nakatuon sa serbisyong krimen.
Ang Republic Act No. 7080 na kilala rin
bilang Act Defining and Penalizing the
Crime of Plunder ay nagpaparusa sa
sinumang opiser na pampubliko na sa
kanyang sarili o pakikipagsabwatan sa
mga kasapi ng kanyang pamilya, mga
kamag-anak sa ugnayan o kadugo, mga
ka-negosyo ay lumilikom o nagkakamit
ng masamang nakuhang kayamanan sa
pamamagitan ng isang pagsasama ng
sunod sunod na mga pangyayari ng
aktong kriminal na may kabuuang
halaga ng hindi bababa sa 50 milyong
piso (P50,000,000).
Ang Republic Act No. 8249 na kilala rin
bilang Act Further Defining the
Jurisdiction of the Sandiganbayan ay
umuuri sa Sandiganbayan bilang isang
espesyal na hukuman at naglalagay rito
na katumbas ng Hukuman ng Apela.

Mga katawan o ahensiyang


nilikha upang sugpuin ang
korupsiyon sa Pilipinas
Ang 1987 Saligang Batas ng Pilipinas ay
lumikha ng mga katawan na
konstitusyonal upang sugpuin ang graft at
korupsiyon at epektibong maipatupad ang
mga probinsiyan ng pagpapanagot na
pampubliko. Ang mga katawang ito ay
pinagkalooban ng kapangyarihang piskal
upang masiguro ang kanilang kalayaan at
ang kanilang mga aksiyon ay maapela
lamang sa Kataas-taasang hukuman.

Ang Office of the Ombudsman (OMB) na


nag-iimbestiga at kumikilos sa mga
reklamong inihain laban sa mga opisyal
at empleyadong pampubliko at
nagisislbi bilang mga “people’s
watchdog” ng pamahalaan. Ang
Ombudsman at mga diputado nito
(Overall Deputy Ombudsman, Deputy
Ombudsman for the Military, One Deputy
Ombudsman each for Luzon, Visayas
and Mindanao) ang mga "protektor ng
mga tao". Ang opisinang ito ay
nangangasiwa sa pangkalahatan at
spesipikong pagganap ng mga
katungkulang opisyal upang ang mga
batas ay angkop na mailapat. Ito ay
sumisiguro sa patuloy at maiging
paghahatid ng mga serbisyong
pampubliko. Ito ay nagpapasimula ng
mga pagpipino ng mga pamamaraan at
kasanayang pampubliko at nag-aatas ng
mga sanksiyong administratibo sa mga
nagkakasalang opisyal at empleyado ng
pamahalaan at naglilitis sa kanila para
sa mga paglabag ng batas
kaparusahan. Ang nakaraang
Ombudsman na si Merceditas Gutierrez
ay na-impeach dahil sa kawalang
pagkilos sa mga kasong inihain laban sa
korupsiyon.
Ang Civil Service Commission (CSC) ang
sentral na ahensiya ng tauhan ng
pamahalaan na inatasang magtatag ng
isang serbisyong karera at magtaguyod
ng moral, kaigihan, integridad, pagtugon,
pagsulong at kagandahang loob sa
serbisyong sibil. Ito ay nagpapalakas rin
ng sistemang merito at mga gantimpala,
pagpapaunlad ng mapagkukunang
pantao at pananagot na pampubliko. Ito
ay may hurisdiksiyon sa mga kasong
administratibo kabilang ang graft at
korupsiyon na inihain dito sa apela.
Ang Commission on Audit (COA) ang
bantay ng mga operasyong pangsalapi
ng pamahalaan. Ito ay binigyang
kapangyarihan upang siyasatin, tasahin
o iaduit at bayaran ang lahat ng mga
account na nauukol sa kinita o nalikom
na buwis, mga resibo at mga gastos o
paggamit ng mga pondo at ari-arian sa
ilalim ng kustodiya ng mga ahensiya ng
pamahalaan at mga instrumentalidad.
Ito ay magpapalaganap ng mga
patakarang accounting at auditing at
mga regulasyon para sa pagpipigil at
hindi pagpayag sa mga iregular, hindi
kinakailangan, malabis, maluho o hindi
makatwirang mga gastusin o paggamit
ng mga pondo at ari-arian ng
pamahalaan.
Ang Sandiganbayan ay isang hukumang
anti-graft sa Pilipinas. Ito ay may
hurisdiksiyon sa mga kasong sibil at
kriminal na kinasasangkutan ng mga
kasanayang graft at corrupt at ibang
gayong mga paglabag na ginawa ng
mga opiser at empleyadong
pampubliko. Ito ay nangangasiwa sa
pagpapanatili ng moralidad, integridad
at kaigihan sa serbisyong pampubliko.

Mga sagabal sa pagsugpo ng


korupsiyon sa Pilipinas
Ang mga sagabal sa pagsugpo ng
korupsiyon sa Pilipinas ay itinuturo sa mga
sumusunod na paktor:

Ang spesipikong kultura ng mga Pilipino


nagpapalakas ng paglaganap ng graft at
korupsiyon. Ang mga malalakas na
ugnayang pampamilya ay nagbibigay
dahilan o katwiran sa pagbibigay ng
mga benepisyo sa mga hindi
kwalipikadong tumatanggap nito na
napaka-ebidente sa pagbibigay trabaho
at pagkakaloob ng mga kontrata. Ang
phenomenon na ito sa lipunan ng
Pilipinas ay mapanganib na umaapekto
sa propesyonalismo, kaigihan at
pagiging epektibo ng serbisyo sa
pamahalaan gayundin sa
pagpapapatayo ng mga publiong
imprastruktura at pagkakamit ng mga
suplay at materyal ng pamahalaan na
minsang mababang uri at labis na
mataas ang presyo.
Ang kulturang Pilipino ng pagbibigay
regalo ay nagbibigay katwiran sa
paglalagay o panunuhol at pangingikil na
gumagawang mahirap para sa
pagpapatupad ng batas at mga
ahensiyang anti-korupsiyon na sugpuin
ang problema. Ang kasanayang
panlipunang ito ay gumagawang inutil sa
batas na nagbabawal sa pagbibigay
regalo at kaya ay karagdagang
nagpapalakas ng kasanayang
korupsiyong ito.
Ang mga ahensiya sa Pilipinas na
inatasan na labanan ang graft at
korupsiyon ay hindi mahusay na
pinopondohan ng pamahalaan. May
kawalan rin ng pagkilala, mga merito,
mga gantimpala at mga pabuya na
ibinibigay ang pamahalaan ng Pilipinas
para sa mga pagsisikap ng mga
ahensiyang anti-korupsiyon. Ang mga
tauhan ng mga ahensiyang anti-
korupsiyon na ito ay marupok sa mga
panunuhol dahil sa kawalan ng
suportang pangsalapi, integridad at
propesyonalismo. Ang mga patakaran
ay dapat ipakilala sa pagrerecruit ng
mga tauhang anti-korupsiyon upang
masiguro na ang mga ito ay nag-aangkin
ng moralidad, katapatan, integridad at
dedikasyon sa tungkuling ito.
Ang transparency o pagiging bukas ay
hindi sinusunod partikular na sa mga
transaksiyon ng pamahalaan. Ang
publiko ay tinatanggihan na magkaroon
ng kaalaman sa mga aktibidad ng mga
opisyal ng pamahalaan. Hindi
pinapaalam sa mga mamamayan ang
detalye ng bahagi sa pambansang
badyet ng mga kagawarang ehekutibo
(pangulo), lehislatura (kongreso) o
hudikatura (korte) at kung paanong
ginugugol ng mga kagawarang ito ang
kanilang mga pondo.
Ang epektibong pagmomonitor ng mga
programa at proyekto ng pamahalaan
gayundin ang mga gastusin ay hind
seryosong isinasagawa ng mga
ahensiya o tauhan na inatasang
magmonitor ng mga ito. Ang mga ito ay
marupok rin sa panunuhol at hindi
aktuwal na nagsasagawa ng buong
inspeksiyon ng mga ito ngunit umaasa
lamang sa mga impormasyong nakalap.
Ang mga Statement of Assets, Liabilities
and Net Worth o SALN na mekanismo
sa pagsugpo ng graft at korupsiyon ay
isinusumite ng lahat ng mga opisyal
pampubliko. Gayunpaman, walang
ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas na
inatasan na siyasatin ang pagiging totoo
ng mga datos na ipinasok dito. Ang mga
tiwaling opisyal ng pamahalaan ay
maaaring magtago ng kanilang nalikom
na hindi maipaliwanag na kayamanan
habang nasa panunungkulan sa
pamahalaan sa pamamagitan ng hindi
tapat na pagdedeklara nito sa kanilang
SALN.

Mga pananaw
Ayon sa isang akademikong pag-aaral,
nais ng nakararaming mga Pilipino na
ipatupad ang parusang kamatayan sa mga
kurakot na opisyal ng pamahalaan. Bukod
sa parusang kamatayan, ang mga Pilipino
ay nagmungkahi rin na ang mga
whistleblower o naglalantad ng
korupsiyon, ay bigyan ng bahagi ng
salaping kinukurakot ng mga opisyal bilang
pabuya sa mga ito. [4]

Mga halimbawa
Coco Levy Fund Scam - scam na
kinasangkutan ni Ferdinand Marcos at
iba pa.
Fertilizer Fund scam - scam na
kinasangkutan ni Gloria Macapagal-
Arroyo at iba pa
2011 Eskandalong Korupsiyon sa
Sandatahang Lakas ng Pilipinas -
Eskandalong kinasangkutan ng mga
kasapi ng Sandatahang Lakas ng
Pilipinas
NBN-ZTE Scandal - eskandalong
kinasangkutan ni Gloria Macapagal-
Arroyo at asawa nitong si Mike Arroyo
Pork barrel scam- scam na
kinasangkutan ng ilang mga senador at
kinatawan ng Pilipinas. Ito ay nilantad ng
whistleblower na si Benhur Luy noong
Hulyo 2013. Ito ay tinatawag sa media
na "ina ng lahat ng mga scam".

Tingnan din
Merceditas Gutierrez
Mga sanggunian
1. http://www.gmanetwork.com/news/story/2
58940/news/nation/ombudsman-most-
cases-in-2011-filed-vs-local-govt-execs
2. "Archive copy" (https://web.archive.org/we
b/20141023033859/http://www.pctc.gov.p
h/papers/graft.htm) . Tinago mula sa
orihinal (http://www.pctc.gov.ph/papers/gr
aft.htm) noong 2014-10-23. Nakuha noong
2013-03-31.
3. http://www.nytimes.com/2007/05/11/worl
d/asia/11iht-phils.1.5665416.html?
pagewanted=all&_r=0
4. "Archive copy" (https://web.archive.org/we
b/20111003160729/http://ph.news.yahoo.
com/impose-death-penalty-vs--corruption--
pinoys-suggest.html) . Tinago mula sa
orihinal (http://ph.news.yahoo.com/impose
-death-penalty-vs--corruption--pinoys-sugge
st.html) noong 2011-10-03. Nakuha noong
2013-03-31.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Korupsiyon_sa_Pilipinas&oldid=1994161"

Huling pagbabago: 05:19, 12 Enero 2023. •


Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC
BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.

You might also like