You are on page 1of 4

PAKSA 4.

MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL

4.1. Korapsyon- katiwalian o pangungurakot

tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal


na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa
kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling
kapakinabangan.

Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral na


kawalang puridad at paglihis sa anumang kanais nais na pag-aasal

Ang korapsyon ay likas sa tao, lalu na kung ikaw ay uhaw na uhaw sa mga luho o
kaya sa mga magagandang bagay sa mundo.

Ang Korapsyon o Pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal. Ito ang


pangunahing dahilan Kung bakit hanggang sa ngayon ay naghihirap ang mga Pilipino.

ANG MGA SUMUSUNOD AY ILAN LAMANG SA EPEKTO NG KORAPSYON

Kahirapan

Karamihan sa mga ospital sa bansa ay kulang ng nars, doktor, gamot at makabagong


kagamitan;

Mababa ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng


guro, aklat, silid at pasilidad;

Kakaunti ang pumapasok na negosyo sa bansa na nagiging dahilan ng kakulangan sa


trabaho at pangingibang bansa ng ating mga kababayan.

MGA URI NG KORUPSIYON SA PILIPINAS

1. Pagtakas sa pagbabayad ng buwis

Mayroon daw dalawang bagay sa buhay ng tao na hindi maiiwasan. Una ay ang kamatayan
at pangalawa ay ang pagbabayad ng buwis.

Ang sistemang pagbubuwis ay karugtong ng buhay ng isang pamahalaan. Maaaring sabihin


na hindi makakakilos ang pamahalaan kung wala itong pondo mula sa koleksyon ng buwis.

Ang pagtakas sa pagbabayad ng buwis ay talamak at partikular na sa pribadong sektor


dahil sa pagtanggi ng mga nagnenegosyong pribado na dapat na ideklara ang kanilang
taunang kinita at magbayad ng mga angkop na buwis sa pamahalaan.

2. Mga ghost projects at payroll


Ito ay ginagawa ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kung saan ang mga hindi
umiiral na proyekto ay pinpondohan ng pamahalaan samantalang ang mga hindi umiiral na
tauhan ng pamahalaan o mga pensiyonado ay binabayaran ng mga sahod at allowance.

Ang katiwaliang ito ay talamak sa mga ahensiya ng pamahalaan na nasasangkot sa


pormulasyon at pagpapatupad ng mga programa at proyekto partikular na sa imprastruktura
at sa pagbibigay ng mga sahod, mga allowance at mga benepisyong pensiyon.

3. Pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata

Ang paglisan ng mga opisina ng pamahalaan partikular na ang mga komite ng mga
subasta at pagkakaloob ng mga kontrata sa pamamagitan ng subasta sa publiko o
pagkakaloob ng mga kontrata sa mga pinaborang mga negosyo o kontraktor na
makapagbibigay sa kanila ng mga personal na benepisyo.

Upang legal na maiwasan ang pagsusubasta sa publiko ng mga kontrata, ang mga
ahensiya ng pamahalaan ng bumibili ay magsasagawa ng isang pira-pirasong stratehiya ng
pagbili kung saaan ang maliit na halaga ng mga suplay at materyal ay bibilhin sa isang tuloy
tuloy na proseo.

Sa kasong ito, ang mga kasunduan sa pagitan ng bumibili at suplayer ay ginagawa kung
saan ang isang persentage ng halagang presyo ay ibibigay sa namimili na minsang
nagreresulta sa sobrang presyo at pagbili ng mga mababang uring mga suplay at materyal.

4. Pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor sa isa pa

Sa pagtatayo ng mga proyekto ng imprastruktura, ang mga kontraktor ay may kasanayan


ng pagpasa ng mga trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa isa pa.

Sa pagtatayo ng mga proyekto ng imprastruktura, ang mga kontraktor ay may kasanayan


ng pagpasa ng mga trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa isa pa.

5. Nepotismo at paboritismo

Ang mga matataas na opisyal ay maaaring maglagay o humirang mga kamag-anak at


kaibigan sa mga posisyon ng pamahlaan kahit pa hindi kwalipikado. Ito ay isa sa mga ugat
ng kawalang kaigihan at pagdami ng mga empleyado sa byurokrasya.

6. Pangingikil

Ito ay ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan laban sa kanilang mga kliyente sa


pamamagitan ng paghingi ng salapi, mahahalagang mga bagay o mga serbisyo mula sa
mga ordinaryong mamamayan na nakikipagtransaksiyon sa kanila o sa kanilang opisina.

. Ito ay talamak sa mga ahensiyang nag-iisyu ng mga clearance at ibang mga dokumento,
mga nasasangkot sa pagrerecruit ng mga tauhan o mga nagsasagawa ng mga serbisyon
na direktang pumapabor sa mga ordinaryong mamamayan.

7. Suhol o Lagay

Ang sistemang lagay o suhol na akto na ang mga mamamayan ay nanunuhol o naglalagay
sa mga opisyal ng pamahalaan ay tumatagal dahil sa byurokratikong red tape.
Ang karaniwang paraan nito ang pagaalok ng malaking halaga ng salapi sa isang opisyal
ng pamahalaan na makakatulong sa pag-iisyu ng mga nais na dokumento sa mga
ahensiyang nag-iisyu ng mga lisensiya, permit, mga clearance at mga ahensiyang
nagpapasya sa mga partikular na isyu.

MGA HALIMBAWA NG KORAPSYON

Coco Levy Fund Scam - scam na kinasangkutan ni Ferdinand Marcos at iba pa.

Fertilizer Fund scam - scam na kinasangkutan ni Gloria Macapagal-Arroyo at iba pa

2011 Eskandalong Korupsiyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas - Eskandalong


kinasangkutan ng mga kasapi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas

NBN-ZTE Scandal - eskandalong kinasangkutan ni Gloria Macapagal-Arroyo at asawa


nitong si Mike Arroyo

Pork barrel scam- scam na kinasangkutan ng ilang mga senador at kinatawan ng Pilipinas.
Ito ay nilantad ng whistleblower na si Benhur Luy noong Hulyo 2013. Ito ay tinatawag sa
media na "ina ng lahat ng mga scam".

Pagsusulit

I. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Isang uri ng korupsyon na ginagawa ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kung


saan ang mga hindi umiiral na proyekto ay pinpondohan ng pamahalaan.
A. Suhol o Lagay
B. Pangingikil
C. Mga ghost projects at payroll
D. Nepotismo at paboritismo
2. Ito ay ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan laban sa kanilang mga kliyente sa
pamamagitan ng paghingi ng salapi, mahahalagang mga bagay o mga serbisyo mula sa
mga ordinaryong mamamayan.
A. Pagtakas sa pagbabayad ng buwis
B. Mga ghost projects at payroll
C. Pangingikil
D. Pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor sa isa pa
3. Sa pagtatayo ng mga proyekto ng imprastruktura, ang mga kontraktor ay may
kasanayan ng pagpasa ng mga trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa isa pa.
A. Nepotismo at paboritismo
B. Pagtakas sa pagbabayad ng buwis
C. Pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor sa isa pa
D. Suhol o Lagay
4. Ito ay akto na ang mga mamamayan ay nanunuhol o naglalagay sa mga opisyal ng
pamahalaan ay tumatagal dahil sa byurokratikong red tape.
A. Pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata
B. Suhol o Lagay
C. Pangingikil
D. Pagtakas sa pagbabayad ng buwis
5. Ang mga matataas na opisyal ay maaaring maglagay o humirang mga kamag-anak at
kaibigan sa mga posisyon ng pamahlaan kahit pa hindi kwalipikado.
A. Mga ghost projects at payroll
B. Nepotismo at paboritismo
C. Pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata
D. Pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor sa isa pa

II. Tama o Mali


1. Ang korapsyon ay ang pagnanakaw ng pondo ng bayan para makatulong sa
kaunlaran.
2. Isa sa mga epekto ng korapsiyon ay ang kahirapan.
3. Ang korapsyon ay ang pangunahing dahilan kung bakit patuloy na naghihirap ang
mga Pilipino.
III.
1. Ito ay ang pananakaw ng pondo ng bayan para sa pansariling interest.
2. Magbigay ng isang epekto ng korapsyon.
3-5. Tatlong uri ng korapsiyon.
6-7. Magbigay ng dalawang halimbawa ng korapsyon.

You might also like