You are on page 1of 3

PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO TUNGO SA

PANANALIKSIK

Tekstong Impomatibo

Pangalan: Raiden Paul L. Narte Baitang at Seksyon: XI – Nehemiah

Guro: Bb. Mary Rose B. Cañete

KORAPSYON

Sa paglipas ng panahon, ang isang nakakaalarma at nagiging sanhi ng malubhang


problema sa lipunan ay ang korapsyon. Isang salot na nagiging sagabal sa pag-unlad at
nagbubunga ng kawalan ng tiwala sa pamahalaan. Sa pagsusuri ng aming magasin, tara
at alamin ang masusing impormasyon tungkol sa korapsyon at kung paano natin ito
maaaring labanan.

Korapsyon

Ang Korapsyon ay katiwalian o


pangugurakot ay tumutukoy sa kawalan ng
integridad at katapatan. Ito ay karaniwang
tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na
nangyayari kapag ang isang indibidwal na
nasa posisyon sa pamahalaan o isang
empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa
kanyang kapasidad bilang opisyal ng
pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan. Sa pilosopikal,
teolohikal o moral na talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral na kawalang
puridad at paglihis sa anumang kanais nais na pag-aasal. Ang korapsyon ay sistemang
pagnanakaw ng indibidwal na nasa posisyon ng pera ng kinasasakupan niya para sa
sariling kapakanan.

Ayon sa www.sanaysay.ph, sa Pilipinas, ang katiwalian ay isang seryosong


problema. Tinatayang bilyun-bilyong piso ang halaga ng bansa sa katiwalian kada taon.
Ang katiwalian ay nakakaapekto sa lahat ng aspeto ng lipunan, mula sa gobyerno
hanggang sa negosyo hanggang sa edukasyon. Maraming anyo ang korapsyon sa
Pilipinas. Pangkaraniwan ang mga pagbabayad ng suhol, at ang mga pampublikong
opisyal, madalas na humihingi ng mga kickback para sa mga serbisyong ibinigay.

Epekto ng Corruption

Isa sa mga itinuturing na dahilan ng hindi pag-unlad ng bansa ay ang kakulangan


ng pondo na magagamit para sa mga pangangailangan nito na kung titignan ang sanhi
ay babalik pa rin tayo sa korapsyon. Ayon mismo sa World Bank, 40% sa pondo ng
gobyerno ay napupunta lamang sa bulsa ng mga tiwaling politiko kaya't patuloy na
naghihikahos ang bansa. Una na rito ay ang kawalan ng trabaho, dahil ang kawalan ng
trabaho ay iniuugnay sa kalagayan ng lokal na ekonomiya. Ayon sa CEIC sa ilalim ng
World Trend Plus’s Country Forecast, patuloy pa rin ang pagtaas ng porsyento ng mga
walang trabaho sa bansa. Mula sa 5.10% noong Oct 2018 ay naging 5.20% na ito sa
simula palamang ng taong 2019.

Dahil sa korapsyon, hindi sapat ang mga proyekto upang dagdagan ang mga
trabaho sa bansa kaya't ang mga kapitalista ang nangunguna sa pagbibigay ng trabaho
sa mga mamamayang Pilipino. Gayun paman, sila rin ang dumudurog sa mga unyon na
tumutulong sakarapatan ng mga manggagawa upang magkaroon ng tamang sahod,
benepisyo at hustisya. Maituturing na isang pang-aalipin o "modern slavery" ang pasahod
sa mga manggagawa, kumpara sakinikita ng mga higanteng korporasyong dayuhan.
Bukod dito, wala ring katiyakan ang kanilang trabaho dahil sa kontraktwalisasyon.

Sanhi ng Korapsyon

Pagiging ganid sa pera at kapangyarihan ng mga namumuno sa pamahalaan at


sa iba't ibang sektor ng lipunan na nagiging ugat sa lahat ng kasamaan. Pagiging
matakaw sa kapangyarihan ng mga namumuno.

Paano maiiwasan ang Korapsyon?

Ayon sa ulat ng Brainly.ph, pagpasa ng mga batas na naglalayong maiwasan at


mapuksa ang korapsyon. Ang pagpasa ng batas na nagbibigay parusa sa mga tiwaling
opisyal ng gobyerno ay maaari ring gawin upang magsilbing panakot sa mga opisyal na
gumawa ng katiwalian tulad ng korapsyon.

Glosari

Korapsyon: Ito ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan, karaniwang


tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na
nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa
kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling
kapakinabangan.

Katiwalian: Ito ay isang seryosong problema sa Pilipinas na nakakaapekto sa lahat ng


aspeto ng lipunan, mula sa gobyerno hanggang sa negosyo hanggang sa edukasyon.

Suhol: Ito ay isang anyo ng korapsyon kung saan ang mga pampublikong opisyal,
madalas na humihingi ng mga kickback para sa mga serbisyong ibinigay.
Kickback: Ito ay tumutukoy sa mga illegal na bayad na ginagawa ng mga negosyante o
mga kontraktor sa mga opisyal ng pamahalaan bilang kapalit ng pagbibigay ng pabor o
kontrata sa kanila.

Kontraktwalisasyon: Ito ay isang sistema kung saan ang mga manggagawa ay kinukuha
lamang para sa isang limitadong panahon ng trabaho, na nagreresulta sa kawalan ng
seguridad sa trabaho at benepisyo.

Modern Slavery: Ito ay isang termino na tumutukoy sa mga kondisyon kung saan ang
mga manggagawa ay hindi nabibigyan ng sapat na sahod at benepisyo, at kung saan
ang kanilang trabaho ay hindi nakakasiguro.

CEIC: ay isang kurador ng ekonomikong, industriya, at pananalapi na datos para sa mga


ekonomista at mga propesyonal sa pamumuhunan upang ma-track at maunawaan ang
mga pangyayari sa global na merkado.

World Trend Plus’s Country Forecast: ay isang bahagi ng CEIC Data, isang database na
naglalaman ng impormasyon tungkol sa iba't ibang aspeto ng pandaigdigang ekonomiya.

You might also like