You are on page 1of 1

Korupsiyon sa Gobyerno

Ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korupsiyon sa

pamahalaan nito. Kabilang sa mga paraan ng korupsiyon na isinasagawa sa

Pilipinas ang graft, panunuhol, paglustay ng salapi, mga kasunduan sa likurang

pintuan, nepotismo, padrino. Ito ay mula sa mga nakaraang Pangulo ng

Pilipinas hanggang sa mga lokal na unit ng pamahalaan. Ang korupsyon ay

nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas.

Napakatagal na panahon na na kaakibat ng salitang “pulitika” ang

“korapsyon.” At hindi kaila sa atin na kapag naririnig natin ang salitang

“pulitika” at “gobyerno”, pumapasok at pumapasok pa rin ang salitang

“korapsyon.” Ang korapsyon ay wala sa malaking sistema kundi matatagpuan sa

indibidwal na tao. Ang bawat isa sa atin ay may “potency” o kakayahan para

magkaroon ng korapsyon. Lahat tayo ay may pananagutan sa sugat sa sistema

na ito.

Sa likod ng korapsyon may kahirapang magaganap sa ating nasyon.

Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay

mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating

bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan. Isa sa pangunahing dahilan

nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila ang kaban o

pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino,

ngunit napupunta sa sariling bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas

ramdam natin ang krisis.

You might also like