You are on page 1of 3

: Isa sa pinakamahalagang Gawain ng ating pamahalaan upang mapanatili ang kapayapaan sa

bansa ay ang pagtitiyak ng ating kalayaan mula sa pananakop ng ibang bansa. Ito ay

naisasagawa sa pamamagitan ng ating mga opisyal na patuloy sa nakikipag-ugnayan sa mga

bansang malalaya. Ito rin ay nagagampanan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces

of the Phillipines (AFP) na kinabibilangan ng mga sundalo.

: Ang mga sundalo ang nagtitiyak na mabigyan ng proteksiyon ang ating bansa mula sa banta ng

kaguluhan at terorismo. Sinisiguro nila na napipiligan ang mga rebelde na nagnanais na

mapabagsak Ang ating pamahalaan. Binabantayan din nila ang ating bansa laban sa mga

terorista at pagpasok ng mga kagamitan na labag sa batas.

: Binibigyang proteksiyon ng atingpamahalaan ang buhay at ari-arian ng bawat mamamayan.

May mga batas ito na ipinatutupad sa buong bansa para mapanatili ang katahimikan at

kaayusan sa paligid at matiyak ang kaligtasan ng lahat.

: Ang mga ahensiya tulad ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI)

ay nagtitiyak na mapapatupad ang mga batas na ito. Pinipigilan ng mga ito ang mga gumagawa ng

masama o krimen tulad ng pagnanakaw,pananakit, at pagpatay. Hinuhuli nila at ikinikulung ang mga

gumagawa ng mga

krimen na ito.
: Sinisiguro rin ng pulis na ang mga daan ay maayos at tahimik, inaayos nila ang daloy ng trapiko

sa daan. Tinitiyak nila na ang mga tuntunin sa trapiko say sinusunod ng mga tao. Samantala, ang

bawat probinsya at lungsod sa ating bansa ay may mga bumbero mula sa Bureau of Fire

Protection (BFP). Layunin ng mga bumbero na mapigilan at masugpo ang pagkakaroon ng sunog

sa mga komunidad. Tumutulung din sila sa oras ng kalmidad.

: Nagbibigay rin ang ating pamahalaan ng proteksyion laban sa mga kalamidad. Ang Philippine

Atmospheric Geophysical ang Astonomical Services Administration (PAGASA) ay laging

nakabantay sa lagay ng panahon.

Nagbibigay ito ng mga babala para makaiwas sa pinsalang maaaring idulot ng bagyo at pag-

ulan. Sa oras ng mga kalamidad tulad ng lindol.

: Tinutulungan naman ng PHILVOCS ang mga mamamayan na makapaghanda para sa lidol at sa

pagputok ng bulkan. Ipinaaalam nito kung paano tayo makapaghanda sa mga sakunang ito.

• Magbigay ng 2 Sangay na tumutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan

Sagot: *PNP *BFP *AFP *PAGASA *PHILVOCS


• Paano ng pamahalaan o mga sangay tinitiyak ang ating kaligtasan?

Sagot: *pinipigilan ng mga ito ang mga gumagawa ng masama o krimen

• Paano tinutulungan ng PHILVOCS ang mga mamamayan?

Sagot: * Tinutulungan ng PHILVOCS ang mga mamamayan sa paghanda sa lindol at paputok

ng bulkan.

You might also like