You are on page 1of 10

MATAAS NA PAARALAN NG SAN JOSE

Lungsod ng Laoag

LAYUNIN:

1. Paano mawawakasan ang pagsakop ng mga terorismo sa Marawi.

2. Epekto ng krisis sa mga tao sa Marawi sa pagsakop ng mga terorismo.


PAGKAKAISA PARA SA MGA NASAWI: PAGBANGON NG MARAWI

Nakabibinging mga putukan. Mga inosenteng buhay, nadadamay nang walang

kalaban-laban. Mga nakahandusay sa daan. Walang katapusang paghingi ng

katahimikan. Ito’y isa na lamang bang paalam sa mga buhay na nasayang? Ngunit,

hanggang kalian ba aking kaibigan?

Nasaksihan na ng marami ang pagtawag nila ng saklolo. Ang mga batang sana’y

naglalaro sa mga kanto, napagkaitan na rin sila ng pagkakataong lasapin ang sarap ng

buhay sa mundo. Sina ate at kuya na sana’y nagtatrabaho na para matulungan ang

kanilang magulang, nagdudurusa na rin sa kalupitan ng mundong ibabaw. Sina nanay

at tatay na sana’y nag-aaruga na lang sa kanilang mga anak, wala na ring magawa

upang tulungan silang malampasan ang mga pagsubok ng buhay. Sina lolo at lola na

sana’y maginhawa na sanang namamahinga ngayon, nagmamakaawa nang wakasan

ang bakbakan sa kanilang kapaligiran.

Hanggang kalian ba papatak ang milyun-milyong luha? Hanggang kalian ba

mamamaos ang mga biktima sa paghingi ng awa? Kailan ba mawawakasan ang

paghihinagpis ng mga taong ang hangad lamang ay katahimikan? Kailan ba matatapos

ang pagbubulag-bulagan ng mga terorismo sa katotohanang walang magandang

maidudulot ang karahasan? Kailan ba nila maririnig ang mga pagmamakaawang kulang

na lamang ay sila na ang mismong mabingi? Nakakasawa na ang magtanong sa mga

tanong na kailanman ay kayhirap sagutin.


Ang terorismo na yata sa Marawi ang pinakamalalang pagkitil ng buhay. Pang-

aabuso ang siyang lumaganap sa mga walang kalaban-labang mga sibilyan. Ang krisis

sa Marawi ay nagdulot ng napakasamang epekto, hindi lamang sa buhay ng mga

biktima kundi pati na sa ekonomiya ng buong bansa. Marami ang nawalan ng

kabuhayan, marami ang nasawi at marami pa rin ang mga hindi pa nakababangon nang

tuluyan.

Kung ating pagmamasdan ang mga larawan at video footage sa kasalukuyang

sitwasyon sa Marawi City, isang trahedya ang maituturing natin sa lugar. Makikita natin

na ang eksena sa Marawi ay parang eksena sa Syria kung saan maraming inosenteng

sibilyan ang nadamay. Nawa’y maging aral ang nangyaring ito sa Marawi para sa iba

pang lugar tulad sa Mindanao na pinagkukutaan ng iba’t ibang grupo ng terorista. Sa

pananaw ng karamihan, walang magandang maidudulot ang terorismo, bagkus,

magdudulot pa ito ng masa maraming problema sapagkat marami ang nadadamay.

Sa mga pangyayaring ito, nararapat lamang na maging mapagbantay at

mapagmatyag tayong lahat sa mga pumapasok na terorista sa ating mga lugar upang

hindi tayo matulad sa Marawi. Kung lalalawak ang grupo ng mga terorista sa isang

lugar, walang magagawa ang gobyerno kundi umaksiyon at supilin ang karahasan. At

sa ganitong kadahilanan, maaring mapilitan ang gobyerno na bombahin ang isang lugar

na pinaghihinalaang kuta ng mga terorista na maaaring ikamatay at ikasira ng buhay ng

maraming sibilyan at ang kanilang mga mga ari-arian.

Ngunit paano nga ba natin mawawakasan ang krisis sa Marawi?


Hindi man natin kayang wakasan nang tuluyan ang terorismo ngaton sa Marawi,

ang pinakamainam na gawin natin ay ang tulungan ang mga biktima sa pamamagitan

ng tulong pinansiyal at ispiritwal. Ang gobyerno, bilang tagapagtanggol ng bawat isa, ay

dapat gumawa ng mga hakbang upang paigtingin pa ang ating lakas military upang

maipagtanggol at mailigtas ang mga sibilyang walang kamalay-malay.

Sa ngayon, napakahirap ang kalagayan ng mga napilitang lumikas sa kanilang

mga tahanan. Mas malupit pa ito sa mga kalamidad gaya ng bagyo o pagbaha, dahil

matapos ang bakbakan, maaaring wala na silang tahanang babalikan. Maging dito sa

Luzon ay kailangan din nating magbantay dahil hindi natin kakayaning lampasan ang

hamon ng terorismo kung ipapaubaya lamang natin sa mga military at pulisya ang lahat.

Kailangan din nating paigtingin ang kooperasyon at tulong ng publiko at ng bawat

mamamayan.

Sa mga nangyayaring kaguluhan, hindi tayo dapat magpa-apekto. Kailangan

lamang nating mamuhay ng normal ngunit kailangan din nating maging alerto upang

mapigilan ang anumang karahasan. Kung ang bawat isa sa atin ay magkakaisa sa sa

pagtulong sa ating pamahalaan, kalianman ay hindi magtatagumpay ang mga terorista

at mamamayani ang kapayapaan sa buong bansa.

Sa ganitong kalagayan na ang Maute Group-Abu Sayyaf sa isang banda at ang

militar sa kabilang banda ay parehong naghahangad ng armadong komprontasyon at

kaguluhan, at gustong makinabang sa ganitong sitwasyon, marapat at kagyat ang

panawagan para iligtas ang mga sibilyan sa Marawi City.


Marami ang namamatay, maraming ari-arian ang nawawasak, at ang buong

bansa ay nasa anino ng mas matinding karahasan. Tiyak ang masinsing pagsusuri sa

sitwasyon ng mga progresibo at pagpapalakas ng iba’t ibang protesta pabor sa

mamamayan, sa independyenteng patakarang panlabas, at tunay na pagbabagong

panlipunan.

Isang bangungot para sa mga mamamayan ng Marawi, ang kaguluhan sa

lungsod ay itinuturing ng matitinong Muslim na “anti-Islamic” o hindi naaayon sa mga

aral ng Islam. Gayunman, nananatili ang katotohananng nilulumpo ng mga pangyayari

sa Marawi ang kakayahan ng ating gobyerno na pigilan ang ganitong trahedya.

Anuman ang kahulugan ng mga pangyayaring ito, sana maibalik agad ang

kapayapaan sa Marawi City para tumindig muli at patuloy itong umunlad. Sa iba pang

bahagi ng Mindanao, wari’y normal na ang lahat.

Maging ang mundo ng social media ay nakipagkaisa upang suportahan ang mga

biktima sa Marawi. Ang mga reaksyon ukol sa pagpapahayag ng batas militar ay halo-

halo sa social media. Bumuhos ang dasal sa social media sa gitna ng mga ulat ng

pagsakop at panununog ng Maute sa mga pampubliko at pampribadong pasilidad sa

Marawi, kasama ang hashtag na #PrayForMarawi (Dasal para sa Marawi) na naging

trending sa social media.

Sa gitna ng mga hindi kumpirmadong ulat ng pagpupugot ng ulo at pandurukot,

ang tagapagsalita ng Pambansang Pulisya ay nakiusap sa mga mamamayan na

limitahan ang "sa kung anong nalalaman nila, nakikita nila" sa paggawa ng mga post na

may kinalaman sa nangyayari ngayon sa Marawi sa social media.


Ilang mga Pilipinong personalidad ang naglahad ng kanilang mga reaksyon sa

nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng mga puwersa ng pamahalaan at Maute sa

Mindanao. Ilang mga sikat rin ang nanawagan ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-

iba sa alyansang politikal. Maging ang ibang mga bansa ay naghatid din ng suporta at

dasal para sa mabilis na pagbangon ng ating mga kababayan sa Marawi.

Ayon sa isang pahayag ng Online Journal, mula noong pumutok ang krisis sa

Marawi, nagkaroon ang gobyerno ng mga plano at hakbang upang matulungan ang

ating mga kababayan, nang sa ganoon ay matulungan natin silang bumangon mula sa

pagkakalugmok sa putik ng karahasan.

Hindi pa ganap na natutuldukan ang karahasan sa Marawi City na dulot ng

teroristang grupong Maute. Ang pagpapatuloy ng karahasang ito ay nagdulot ng

malawak na pinsala sa siyudad.

Ngunit sa kabila ng hindi pa matapus-tapos na kaguluhan ay maagap ang

gobyerno katuwang ang ilang ahensya sa pagpaplano para maipatupad ang

rehabilitasyon sa lungsod ng Marawi.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nagpahayag agad

ng kahandaang kumilos sa sandaling magbigay ng hudyat para sa muling pagtatayo sa

Marawi. Tiyak ding hindi na magiging problema ang pondong gugugulin sa

rehabilitasyon dahil inanunsyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglalaan ito ng

P20 bilyon mula sa national government para maibalik sa normal ang lungsod kung

hindi man kayaning maibalik sa dating ganda ang Marawi.


Ang Department of Education (DepEd) din ay kumilos na rin para matulungan

ang Marawi sa pamamagitan ng paghingi ng donasyon na magagamit sa muling

pagtatayo ng mga napinsalang mga eskwelahan sa siyudad.

Dahil sa nangyayaring kaguluhan sa Marawi ay nasa 15,115 na evacuees na

estudyante ang nagsilipat sa may 93 eskwelahan sa iba’t ibang bahagi ng bansa noong

nakaraang pasukan. Ang nakakalungkot pa, sa kabuuang bilang ay nasa 7,028 na

displaced na mga estudyante ang nakakaawa ang kondisyon sa mga evacuation center

dahil may ilan sa mga ito ang naiulat na nagkakasakit na.

Hindi man natin nakikitang personal sa ngayon ang sitwasyon sa Marawi,

ramdam natin ang paghihirap ng ating kababayan kaya kaisa tayo ng pamahalaang

Duterte at ng bawat mamamayan ng Marawi na naghahangad ng puspusang

pagpaplano para sa rehabilitasyon ng kanilang komunidad.

Isa sa napakahalagang aspeto ng pinaplanong rehabilitasyon ay ang

pagkakaroon ng urban city planning team na siyang mangangasiwa sa zoning sa buong

lungsod. Pinakamainam na gawing pedestrian-friendly ang buong lugar. Mabuti rin kung

gawin itong luntian sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga parke at mga kalyeng may

nakahilerang mga puno.

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, may pagtutuunan ng pansin ang ating

mga mamamayan upang hindi nila masyadong isipin ang mapait na nakaraang kanilang

natikaman.
Tiyakin din na ang sewerage system ay maayos upang walang pagbahang

mangyari at mainam din na ipatupad ang pagre-recycle sa tubig-ulan para

mapakinabangan ng industrial sector at iba pang may malakas na pangangailangan sa

supply ng tubig. Sa pamamagitan nito ay hindi malayong magkaroon ng katuparan ang

pinapangarap ng Department of Tourism na maging tourism hub ang Marawi City.

Sakaling mangyari ito, nakatitiyak tayong muling babangon ang Marawi City,

gayundin ang mga mamamayan ng lungsod mula sa pagkalugmok na hatid ng

panliligalig ng teroristang grupo. Kaya sana pagplanuhang mabuti ng mga kinauukulan

ang ipinupormang muling pagbangon ng lungsod ng Marawi upang hindi masayang

ang ilalaang pondo at para na rin sa kapakinabangan ng mga taga-Marawi.

Angon terorismo o panliligalig ay ang paggamit ng dahas bialng anyo ng pagpilit.

Sa kasalukuyan, walang pinagkakasunduang iisang depinisyon ang salitang ito.

Paano nga ba natin maiiwasan ito?

Ilan lamang sa mga ito ay ang mga sumusunod. Una, kailangan nating paigtingin

ang ating relasyon sa iba’t ibang bansa. Pangalawa, mas gawing aktibo ang lakas

militar. Pangatlo, kailangan nating mas higpitan ang seguridad sa mga airport at barko.

Isa sa mga paraan na inilahad para mapigil ang pagsalakay ng mga terorista ay

ang pagpigil sa pondong pera na dumadaloy para sa terorismo. Isang paraan din ay

ang pagpigil sa mga taong pinaghihinalaang miyembro ng terorista. Hindi raw dapat

hayaang makapasok sa mga bansa ang mga terorista.


Sa taonang pagsasagawa ng APEC summit ay nagging mahalaga na ang naging

pag-uusap ng 21 lider sa APEC summit ukol sa terorismo at kung paano ito mapipigilan

at madudurog. Mahalaga rin naman na maging mapagmatyag ang mamamayan sa

galaw ng mga kahina-hinalang tao at nag-iiwan ng mga bagay na maaaring bomba.

Maging mapagbantay at laging handa upang hindi magkaroon ng pagkakataon ang

mga kampon ng kasamaan.

Ayon sa isang mungkahi ng isang manunulat, nararapat lamang sa mga

information agencies ng gobyerno na magpalabas ng TV-radio plugs kung ano ang mga

dapat gawin sa gitna ng sitwasyong terorismo. Kailangang turuan ang mamamayan

kapag may suspetsosong tao, bagahe, o sasakyan; paano makilatis ang panganib, at

maiwasan masaktan. Maraming pagpupulutang kaalaman sa mga eksperto sa

seguridad, sa ibang bansa, at sa internet. Ipaalam ang agarang pagtawag sa pulis o

bumbero ng emergencies, paggapang papaalis sa sunog, at ang takbo-kubli-laban

kapag may umaatake. Halimbawa ang mga ito:

1) Pakay ng teroristang guluhin ang normal na buhay natin. Huwag sila payagan.

Palihim sila kikilos. Bistuhin sila. Ipakitang hindi tayo takot. 2) Tumuloy pa rin sa ating

mga opisina, eskuwela, malls, sinehan, restoran, stadiums, simbahan, at mosque. Pero

maging mapagmasid sa personal na kaligtasan. Alamin kung nasaan ang security

personnel, fire alarms, at emergency exits. 3) Kapag may tao na kilos suspetsoso, o

bag na iniwan lang, ipaalam agad sa pulis o security guard. Huwag pangahasan

komprontahin ang tao o kutingtingin ang bag; baka mapahamak ka o ang iba.
Sa mga nailathalang hakbang, mas matutulungan pa natin ang ating mga

kababayan sa Marawi upang makabangon nang mabilis at makatayong muli sa

kanilang mga kaniya-kaniyang buhay. Sadyang hindi madali ang ganitong sitwasyon

kaya’t nararapat lamang na tulungan natin sila sa abot n gating makakaya.

Hindi naman natin kailangang idaan sa karahasan upang matamo ang inaasam

na kaunlaran sa Marawi. Mas matatamo pa natin ito sa pamamagitan ng mga

mapayapang pamamaraan.

Ang pagkakaroon ng “Peace Talks” ay isa sa mga mabisang paraan upang

matigil na ang krisis sa Marawi.

You might also like