You are on page 1of 9

Nagsimula ang lahat sa tangkang pag raid at pag serbe ng warrant of arrest ng mga sundalo sa isang

bahay sa Basak, Malutlut kung saan napag alaman na ito ay kinaroroonan ng teroristang si Isnilon
Hapilon. Doon na nagsimula ang krisis na umabot ng limang buwan.

Libu-libong mga residente ang naapektuhan ng gulo at umalis ng Marawi para sa kanilang kaligtasan. Sa
mga panahon ding iyon ay nagdeklara ang Pangulong Duterte ng martial law sa buong Mindanao.

Pagkatapos ng limang buwang madugong pakikipagbakbakan ng militar sa teroristang grupo ay opisyal


na ideneklara ni Defense Secretary Lorenzana noong Oktubre 16 na ang mga teroristang sina Omar
Maute at Isnilon Hapilon ay napatay ng mga sundalo sa kanilang isinagawang operasyon. Sumunod na
araw, Oktubre 17, ideneklara ng Pangulong Duterte ang liberasyon ng Marawi.

Nag-iwan ng malaking pinsala sa buong Marawi ang nagyaring krisis. Maraming namatay na mga
sundalo, sibilyan at terorista. Umabot sa 163 ang nalagas sa hanay ng ating mga sundalo, habang 847 ang
napatay sa hanay ng mga terorista. 47 mga sibilyan ang naitalang namatay dahil naipit sa gulo at 359,680
naman ang mga lumikas na mga residente at hanggang ngayon ay nasa mga evacuation centers pa rin.

Tinatayang aabot sa 5 bilyong piso ang halaga ng pinsalang tinamo ng bayan ng Marawi at maaaring
aabutin ang rehabilitasyon nito ng 150 bilyong piso.
ro Manila (CNN Philippines, Mayo 26) — Bago sumapit ang dapithapon, ginulantang ang buong bansa ng
mga ulat noong Mayo 23 na sumiklab ang kaguluhan sa lungsod ng Marawi.

Basahin: Gov't forces, Maute group clash in Marawi City

Naglabasan sa social media ang iba't ibang litrato at video na nagpapakita ng mga armadong lalaki na
naghahasik ng terorismo sa mga lugar sa palibot at loob ng siyudad.

Nanawagan ang mga residente ng tulong pati na rin ang lokal na pamahalaan mula sa gobyerno lalong
higit sa militar sa agarang aksyon.

Bago sumapit ang takipsilim, nawalan ng kuryente ang buong lungsod, dahilan upang makadagdag sa
pangamba ng mga residente at ng kanilang mga kamag-anak.

Kinabukasan, nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng batas militar sa Mindanao upang tuluyang
masugpo ang karahasan at manumbalik ang kapayapaan.

Basahin: Duterte declares martial law in Mindanao

Nasa Russia ang Pangulo ng mga sandaling iyon na kung saan din niya pinirmahan ang proklamasyon,
pero minabuti niyang agarang bumalik upang personal na matugunan ang krisis sa Marawi.

Basahin: Duterte: Possible nationwide martial law; could last longer

Pero bago ang mukha ng karahasan, kaguluhan at kawalan ng pag-asa, ano nga ba ang Marawi sa mata
ng mga taong lumaki sa lugar na tinatawag na puso ng relihiyong Islam?

Tagong paraiso
Taong 1907 nang naitatag ang Marawi, una itong pinangalanang "Dansalan" na nangangahulugang
"destinasyon." Binubuo ang lungsod ng 96 na barangay at isa rin itong 4th class city.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, tahanan ng malaking populasyon ng mga Muslim ang Marawi.
Tinatayang nasa 200,000 kasalukuyang populasyon ng siyudad, 90 porsiyento rito ang Muslim.

Matatagpuan din sa Marawi ang ilan sa mga nag-gagandahang mosque ng King Faisal Mosque na nasa
loob ng Mindanao State University. Ang campus sa Marawi ay kilala dahil sa tinatawag na Islamic
activism.

Tinagurian ding Summer Capital of the South ang Marawi dahil na rin angkin nitong malamig na klima?

Sa Marawi rin matatagpuan ang tanyag na Lake Lanao, bukod sa isa sa mga pangunahing pinagkukunan
ng kabuhayan dito rin nagsimula ang unang pamayanan ng Marawi. Ayon pa sa kanilang mga alamat,
nalikha nag naturang ilog sa pamamagitan ng mg angel mula sa langit.

Maranao ang tawag sa mga taong tubong Marawi. Kinilala sila sa larangan ng pagsasaka at pangingisda
pero sa paglipas ng panahon ay nakilala na rin sa larangan ng negosyo, edukasyon at kalakalan.

Ayon sa presidente ng Muslim Society of the Philippines na si Atty. Jamal Latiph, ang Marawi ang
kasalukuyang sentro ng kabuhayan, pananalapi at edukasyon sa buong Lanao del Sur. Ang Marawi nalang
din daw ang kaisa-isang sandigan ng mga Maranao na naghahangad ng de kalidad na edukasyon.

Marawi: Mukha ng pag-asa

Bagamat kasalukuyang sinusubok, nanatili pa ring matatatag ang siyudad ng Marawi. Nasa gitna man ng
kaguluhan, nagpapatuloy man ang bakbakan, namamayani pa rin ang bayanihan at pagtutulungan hindi
lamang ng mga Maranao kundi ng Pilipino sa kapwa Pilipino.

Sa mukha ng digmaan, ang pinakamahalagang sandata — kapayaapaan, pananamplataya at


pagmamalasakit sa isa't isa.
Ang Krisis sa Marawi,[42] tinatawag ring Labanan sa Marawi,[43] o Pagkubkob sa Marawi,[44] ay ang
limang buwang itinagal na bakbakan sa Marawi sa pagitan ng puwersa ng Pamahalaan ng Pilipinas at ang
mga kaakibat na militante ng Islamikong Estado ng Irak at ang Levant, kabilang ang mga pangkat ng
Maute at Abu Sayyaf na nagsimula noong ika-23 ng Mayo, 2017.[45] Ang labanang ito ay naging
pinakamahabang digmaan sa pook na urbano sa makabagong kasaysayan ng Pilipinas.[46]
Karahasan sa Marawi

MAY 24, 2017 · PUBLIC

Ganap na ika-10 n.g. noong 23 Mayo nang magdeklara ang pangulo ng Batas Militar sa Mindanao dulot
ng pamiminsala at kaguluhang dala ng grupong Maute sa Marawi. Taimtim na kaligtasan ang dalangin ng
Matanglawin Ateneo para sa mga mamamayan ng Lungsod Marawi na labis na naaapektuhan ng girian
sa pagitan ng militar at mga terorista.

Isang teroristang grupo na nakabase sa Lanao del Sur ang grupong Maute. Sa pamumuno ni Abdullah
Maute, nagsasagawa sila ng pambobomba at pangingidnap ng mga sibilyan sa Lanao at mga karatig-
bayan. Pinagihinalaang sila ang nagsagawa ng pambobomba sa isang pamilihan sa Davao noong 2
Setyembre 2016 na kumitil ng 14 na tao at nag-iwan ng higit sa 70 na sugatan. Kamakailan lamang,
naghayag ang grupo ng suporta at pakikiisa sa ISIL o Islamic State of Iraq and the Levant.

Ang mga biktima

Sa sagupaan ng militar at ng pangkat ng Maute sa Marawi, ang mga sibilyan ang una sa listahan ng mga
biktima. Ipit sa engkwentro ang libu-libong mga kabahayan, mga negosyo, simbahan, at paaralan habang
patuloy sa pagkontrol ang Maute sa mga pangunahing kalsada ng lungsod. Nakakulong ang libu-libong
mga pamilya sa kanilang mga tahanan, maging ang mga manggagawang naipit sa trabaho at mga guro’t
mag-aaral na nakakubli sa kani-kanilang mga paaralan, habang patuloy ang palitan ng bala at kanyon.
Isinara ang mga negosyo’t paaralan, ngunit ‘di rin nakaligtas nang sunugin ng Maute ang ilan sa mga ito,
kabilang pa ang isang simbahan. Sa kasalukuyan, patuloy ang paglilikas ng mga militar sa mga sibilyang
nakatira sa buong lungsod, una sa mga ito ang mga pamilya. Ngunit hindi tuluyang mawawala ang takot
at pangamba sa mga mamamayan, doble pa marahil sa mga batang mulat na sa ingay ng nagpapalitang
mga bala. Hindi ito malayo sa kuwento ng mga batang naipit sa engkwentro ng militar at MNLF sa
Zamboanga taong 2013, na puno ng takot at pangamba sa digmaan. Hindi malayong maulit ang tagpong
ito sa Marawi, ngunit mayroong magagawa ang lahat upang matulungan ang mga kapatid natin sa
Mindanao.

Tawag ng pagkilos

Bilang mga kabataan at mga mag-aaral, hindi lamang natatapos ang ating pakikisangkot sa simpleng
pakikinig at pagbabasa ng mga balita. Bagkus, tinatawag tayong makibahagi, magtuon ng pansin at
bumuo ng kolektibong tugon ukol sa nangyayaring kaguluhan sa Mindanao.

Una, kailangan nating maging kritikal sa pagbabahagi ng mga ulat ukol sa kaguluhan. Hindi makatutulong
ang pagbabahagi ng mga balita na bumabaluktot sa mga tunay na mga pangyayari. Sa mga plataporma
gaya ng social media, mainam na usisain ang mga retrato o mga pahayag ukol sa kaguluhan. Mayroong
mga insidente pa rin ng fake news na patuloy na lumalaganap sa ganitong mga panahon.
Pangalawa, hindi na lamang ito simpleng pagsusulit na binibigyang pansin lamang ang mga konseptong
ating natututuhan sa kuwadradong espasyo ng mga silid-aralan. Isa na itong pagsubok sa bawat isa
upang magnilay, makisimpatya, at magbigay tulong sa kahit anumang paraan lalong-lalo na sa mga nasa
bingit ng panganib at kaguluhan sa mga panahong ito. Marahil nagmistulang impyerno ang lahat ng
pagsusulit na nangyari sa mga nakaraang linggo, ngunit hindi ito tutumbas sa takot at karahasan na
nararanasan ng mga residente ng Marawi. Tinatawag tayong isapraktika ang mga natututuhan sa silid-
aralan at mag-alay nang buong-puso bilang kapuwa.

Hamon sa lahat

Hinahamon ang mga mamamayan na maging mapagmatiyag sa mga mangyayari sa mga susunod na
araw, linggo o buwan, partikular na sa mga lugar na magiging apektado ng Batas Militar bunga ng
nangyari sa Marawi.

Inaasahan ang responsableng paggamit ng kapangyarihan sa hanay ng pamahalaan. Marapat lamang na


hindi gamitin ang Batas Militar bilang paraan upang pangatuwiranan ang walang pakundangang
pagyurak sa karapatang pantao ng mga pinaghihinalaang mayroong kaugnayan sa mga teroristang grupo;
at mas lalong hindi magiging katanggap-tanggap na Batas Militar ang magiging paraan upang mas lalong
lumala ang gulong kinahaharap ng mga nakatira sa Marawi. Dapat din na isaalang-alang ng armadong
puwersa ng estado ang karapatan ng mga Lumad at iba pang tumututol sa militarisasyon ng gobyerno.
Hindi dapat magsilbing aparato ang Batas Militar para abusuhin ng AFP-PNP ang kanilang kapangyarihan.
Hinahamon ang gobyerno na gawin ang kanilang makakaya upang pagbutihin ang sitwasyon sa loob ng
itinakdang araw (o mas maikli pa) ng Kongreso nang hindi isinasantabi ang karapatan ng mga nakatira
rito.

Muli, maliban sa pagiging mapagmatiyag, inaasahan tayong kumilos sa abot ng makakaya upang
makatulong. Mamulat, magmulat, at makiisa sa kabila ng namamayagpag na kaguluhan.
Panimula

Ilang taon na ang lumipas ng mabuo ang kabihasnan ng Pilipinas. Mula noon, ang mga Pilipino ay may
pagkakaiba na, sa paniniwala, pananalita, at gawi. Ang naging bunga

nito ay ang pagkabuo ng iba’t

-ibang pangkat etniko na sumisimbolo na ang ating bansa ay masagana hindi lamang sa likas na yaman
kundi pati na rin sa kultura. Ngunit sa pagdaan ng panahon, mayroong mga katutubong pangkat na unti-
unti nang nawawala dahil sa mga makabagong paniniwala at teknolohiya na naging dahilan sa paglaho
ng kanilang mga

kinaugalian, tradisyon at iba pa. Bagama’t ganito ang nangyari mayroon

pa ring mga pangkat na nanatili at hanggang ngayon ay buhay pa rin ang kanilang kultura. Isa na rito ang
pinakapopular at pinakamalaking tribo ng mga Muslim, ang mga Maranao. Ang mga Maranao ay
naninirahan nung una sa kabundukan, ngunit ngayon ay mayroon na ring namamahay sa baybayin. Sila
ay karaniwang mga magsasaka at mangingisda. Magaling din silang maghabi ng tela at banig, paglililok ng
kahoy, tanso, pilak, at ginto. Kilala rin sila para sa pagbebenta ng banig na dayami, ibat-ibang gamit sa
bakuran, kumot, at ilang uri ng produktong metal. Subalit maraming mga Maranao ang mahigpit na
tumututol sa isang sentralisadong pang-gobyerno ng Pilipinas na naging dahilan sa pagrebelde ng iba
laban dito.

Kung kaya’t “mga rebelde”, ito ang karaniwang naihahambing

natin sa kanila. Ang

Xavier University Senior High School, bagama’t isa itong Katolikong


Pamantasan, hindi nalilimita ang mga estyudanteng nag- aaral dito sa mga Katoliko lamang. Isa ang
Xavier sa mga paaralang kumopkop sa mga Maranao na estyudante mula Marawi noong nagsimula ang
kaguluhan sa nasabing lungsod. Kaugnay nito, nais mapag-aralan ng mga mananaliksik ang kayamanan at
kalinangan sa kabihasnan ng Maranao noon at paano ito nabubuhay sa kasalukuyang panahon.

Paglalahad ng Suliranin

Naglalahad ang kabanatang ito ng kahalagahan at mga kahulugan sa papel. Layunin ng pag-aaral na
malaman ang impluwensiya ng kultura sa mga estyudanteng Maranao ng Grade 11 ABM sa Xavier
Unversity Senior High School

Mga Tanong: 1.

Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa kanilang: 1.1 Edad 1.2 Kasarian 1.3 Strand 2.

Ano ang mga kultura sa Maranao ayon sa: 1.1 Tradisyon 1.2 Relihiyon 1.3 Wika 3.

Paano nakakaimpluwensiya ang kultura sa kanilang pang araw-araw na gawi batay sa kanilang: 1.1
Pakikipag-ugnayan 1.2 Pag-aaral 1.3 Pananamit

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kayamanan at kalinangan sa kabihasnan ng mga magaaral na


Maranao ng Xavier University- Ateneo de Cagayan Senior High School. Ang saklaw na ito ay nakapaloob
din sa kanilang paniniwala, pananalita, at gawi. Ang mga mananaliksik ay naglalayon na makabuo ng 20
respondanteng babae o lalaki mula sa baitang 11, partikular na yaong nasa STEM. Dito nakabase ang
pagsakatuparan ng pananaliksik na ito.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik tungkol sa mga bagay-bagay ay isang mahalagang tungkulin. Nagdudulot ito ng
pagkakaroon ng malawak na pang-unawa ukol sa isang partikular na paksa para sa kapaki-pakinabang ng
mga mananaliksik, mambabasa at maging ng komunidad. Sa pamamagitan nito, nadadagdagan ang ating
kaalaman na magbubukas ng mga mata sa mga impormasyong nakalap, bagkus magpapabatid ng
kamalayan sa mga mamamayan. Samakatuwid, ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang higit na
maunawaan ang kultura ng mga Maranao na itinuturing na isa sa mga kayamanan ng bansang Pilipinas.
Sa kanilang kultura nakapaloob ang kanilang mga tradisyon, relihiyon at ang wikang ginagamit ng bawat
isa sa paaralan, partikular sa Xavier University Senior High School, at kahit saanman sila naroroon. Sa
pag-aaral na ito, inaasahang lubos na maiintindihan ng mga tao ang kanilang mga kaugalian, pag-uugali,
maging ang kanilang mga araw-araw na gawain.

Sa mga mananaliksik.

Ang papel pananaliksik na ito ay maging silbing gabay ng mga mananaliksik para makahanap at
makakalap ng mga mananaliksik ng mga karagdagang impormasyon at datos sa hinaharap, tungkol sa
kultura ng Maranao. Magamit din ang papel pananaliksik na ito para mapatunayan at magamit ito para
sa paghahambing nga mgs datos.

Sa mga mambabasa.

Nakakatulong ang papel pananaliksik na ito sa mga mambabasa upang maging mas nalalaman ang mga
tao ang iba't ibang mga aspekto at mga salik na nakaapekto sa kultura ng Maranao.

Sa mga kommunidad.

Malaki ang bunsod ng magandang epekto ang papel pananaliksik na ito sa mga komunidad, dahil pag
may alam na ang mga tao tungkol sa kultura ng Maranao, ang mga mamamayan ang silbing
nakaimpluwensya sa mga tradisyon at kultura ng Maranao.

You might also like