You are on page 1of 4

<I>

<G2_OBEL_S04_04>

<A> Magandang umaga Pilipinas.


Ano mang oras sa buong mundo.
Araw po ng Lunes, Mayo bente nyube na dos mil disisyete.
Sa ulo ng ating mga balita.
Umabot-abot na sa isang daan ang casulties sa Marawi nakinabibilangan ng mga
terorista, sundalo at sibilyan
MNLF Fighters aasahan din dawn a magsagawa ng operasyon laban sa maute terror group
doon sa Marawi city matapos tanggapin ang alok nitong si Nur Misuari
Inaabangan naman mamayang hapon diyan sa senado ang briefing para sa Martial
Law Declaration ni Pangulong Rodrigo Duterte
Ilang lider sa Mindanao sang ayon din na baka may lokal na opisyal na protektor
ng Maute Terrorist doon po naman sa Marawi City
Mga gumagwa ng pekeng ID matapos ang ideklarasyon ng Martial Law sa Maguindanao
pinaghahanap din ng NBI
Matatas na uri ng armas na-recover naman sa drug operation sa lalawigan ng
Maguindanao.
Balita sa ibayong dagat ang North Korea muling nag paulan ng missile pangatlong
pagkaksataon na sa tatlong sunod na linggo
Sa sport balita sa boxing etong si Jeff Ho ng Australia ipinagmalaki ang mga
sparring partners habang naghahanda sa kanyang big fight kontra naman kay Senator
Manny Pacquiao
Mga tennis fans dismayado sa pagkatalo nitong si Kerber sa unang round ng US
open
Sa entertainment news naman drama film mula Sweden inuwi ang top price sa
kakatapos ang cannes palme festival
Natitirang pinay sa asias next top model ayaw pakampante kahit nalampasan ang
pambubully ng mga katungali
Live via satellite mula parin sa Bombo News Center Makati inyo paring Anchor
Man, si Bombell Marakol salitain ng ating mga balita.
Mag-iisang linggo na mga kaibigan bukas ang kaguluhan doon sa Marawi City.
Aminado naman ang Armed Forces of the Philippines na minamadali nila ang
sitwasyon para matapos na ang lahat.
Una rito ay maging si Senate President Aquilino Pimentel III ay nanawagan at
kanyang pinawi ang pangamba na ang publiko sa ipapatupad na marshal law sa may
Mindanao.
Ayon kay Pimentel, hanggat hindi lumalagpas, nakasaad naman sa konstitusyon ang
mga kasundaluhan na nasa Mindanao na walang dapat ikatakot na ipagkatupad ng
Martial Law.
Pinapurihan niya ang mga kasundaluhan sa Mindanao dahilan sa itinataya nila ang
kanilang mga buhay at pinoproteksyunan ang buhay ng publiko.
Sinang-ayunan din ng Senate President ang nagging pahayag ni Pangulong Rodrigo
Duterte na isang malaking banta ang Maute Local Terror Group sa bansa na dapat
sila�y pigilan na dahilan sa mga sympathizer sila netong itinataguriang ISIS.
Samantala naniniwala naman ang ilang leader sa Malacanang na ang MNLF Fighters
daw ay asahang magsasagawa narin ng operasyon laban parin sa mga Maute terror group
dun sa Marawi City.
May detalyeng Bombo Raymond Dinasa.
<B> Ngayo�y inaasahan na ang pagasali ng Moro National Liberation Front o MNLF
fighters sa operasyon ng militar laban sa Maute terror group sa Marawi City.
Maliban sa MNLF, inimbitahan din ng Pangulong Duterte ang mga miyembro Moro
Islamic Liberation Front o MILF maging ang mga New People�s Army na sumali rin sa
paglaban sa mga terorista.
Sinabi ng Pangulo mismong si MNLF Founding Chairman Nur Misuari, ang sumunod sa
kanya at inalok ang nasa limang daan hanggang pitong daang fighters na sasali sa
operasyon ng AFP.
Ayon sa Pangulo maganda ang alok ni Misuari at agad itong tanggapin at bibigyan
ng kukulang pasahod gaya ng mga regular na sundalo ng bansa, benepisyo at maging
pabahay ang mga MNLF fighters na maging sundalo na ng Pilipinas.
Sa ngayon hinihintay pa umano ng Pangulong Duterte kung mag-alok din ang MILF
at NPA na handa rin itong tatanggapin.
Samantala simula ngayong araw ay magsimula na yung itinatawag na Mindanao Hour
or Press Conference sa Malacanang tuwing Monday, Wenesday, at saka Biyernes para sa
mga updates kaugnay sa nagaganap ngayon sa Mindanao sa pag iral ng Marshal Law at
inaasahan din na ito�y pangungunahan nina President Spokes Person Ernesto Abella at
Col. Edgar Abalo ng AFP.
Para sa Bombo Network News!
Bombo Raymond Dinasa nag-uulat para sa pambansang radio ng Pilipinas, Basta
Radyo Bombo.
<A> Diyan din ba ihaharap si Pangulong Duterte Bombo Raymond?
Diyan sa Mindanao Hour?
O kanya lamang mga opisyal na nakatalaga Bombo Raymond?
<B> Well, ang advise sa atin, mga opisyal lamang Bombo Elmar, pero ang Pangulo will
expect na sa Mindanao lamang siya mag-iikot at personal na pangasiwaan at
bibisitahin ang mga tropa ng pamahalaan na lumalaban sa terorista Bombo Elmar.
<A> So sa ngayon this week Bombo Raymond hindi parin nakakbalik ng Malacanan ang
Pangulo?
So tutok parin siya diyan sa Mindanao Bombo Raymond?
<B> That�s right, dahil wala pa talaga schedule or plano ang pangulo na bumalik sa
Metro Manila at sa Biyernes ay we expect na dun na siya manggagaling papunta ng
Japan.
Ora sa June 5-7 kasi ang kanyang biyahe papunta ng Japan Bombo Elmar tumutuloy
at dun na siya sa Davao manggagaling Bombo Elmar.
<A> Oo sinasabi ng ilang mga analyst na ito�y tapusin na ng maaga bago pa umalis
ang Pangulong Rodrigo Duterte patungo ng Japan Bombo Raymond, anong mga naulunigan
niyo diyan na mga pahiwatig diyan Bombo Raymond, para mayroong maulat naman ang
Pangulo sa International Scene natapos na yung problema nandiyan particularly sa
local terror group na Maute at lalo na diyan sa kaguluhan sa Marawi city, how is
that Bombo Raymond?
<B> Well tama ka diyan pero meron ding ika nga ibang pahiwatig ang Pangulo na handa
niyang kontrahin or balewalain yung korte suprema dahil sa kanyang pahiwatig ay
baka hindi matapos yan sa loob ng 60 days at balak niyang i-extend at hindi daw
niya kiklalanin kung sakali mang ideklara ng korte suprema na unconstitutional yung
kanyang binabalak na extension sakali na hindi pa sinasabi ng militar at ng PNP na
safe na at talagang natapos na yung banta ng Maute Group Bombo Elmar.
<A> Alright maraming Salamat si Bombo Raymond Dinasa.
Oras sa buong Pilipinas syete minutos na po nakalipas ng alas syete ng umaga.
Patuloy parin na nadaragdagan ang casualties mga kaibigan habang hindi pa
natatapos ang problema ng military diyan po naman sa loca terror group na Maute.
Nadagdagan din ang bilang sa panig ng mga sundalo at maging dito sa mga
terorista lalo na ang nadamay na mga sibilyan at may detalye pa ang Bombo Radyo
Cagayan de Oro.
<C> Umakyat pa sa anim na put isang kasapi ng teroristang Maute ang nasawi ng halos
mag isang lingo ng enkwentro sa pagitan ng militar sa Marawi city Lanao del Sur.
Ito ay batay sa narecover na mga bangkay nang magsagawa ng retrieval operations
ang militar at pulisya sa sentrong bahagi ng trahedya sa Marawi City.
Sa panayam ng Bombo Radyo, ihinayag ni first ID tabak division Philippine Army
spokes person Lt. Col. Al Juar Hererra na maliban sa mga terorista ay narecover ang
mga bangkay ng mga sibilyan sa lugar .
Sabi ni Hererra, naipagpapatuloy ang surgical strike operations sa mga lugar na
patuloy na tinataguan ng mga terorrista.
Naitaka rin nasa labing apat na sundalo ang nasawi habang apat na put lima ang
sugatan sa nasabing enkwentro.
Bagamat iginiit ng AFP na nasa control nila ang sitwasyon habang nagsagawa sila
kasama ang kapulisan sa retrieval operations kung saan pangunahing target nila na
mailigtas ang natitirang mga sibilyan na na-trap sa lugar nang sumiklab ang
enkwentro.
<D> There are numbers or casualties on both sides, the military, the police, and as
well as the men and women, and also the individuals who were caught in the
crossfire.
Again I said that the retrieval process of the dead bodies are within the
control of the PNP & AFP.
<C> Bombo Junel Ucat para sa pambansang radio ng Pilipinas, basta radio bombo!
<A> Sa pinaka-latest na development ngayong umaga inuulat naman ni Armed Forces of
the Philippines Public Affairs Chief si Col. Edgar Arevalo na umakyat pa sa
dalawampu ang patay na ng mga sundalo at labing siyam naman ang mga sibilyan sa
nagpapatuloy parin na clearing operation na mga awtoridad sa may mga bahagin naman
ng Marawi City.
So aabot na iyan ng isang daan mga kaibigan, yun ang nagging numero o bilang sa
panig naman ng tropa ng pamahalaan sa kanilang pagbibigay ng pinaka-latest na
development na tulad ng nabanggit ng Bombo Radyo Cagayan de Oro, at sixty-one na
mga Maute members daw ang napapatay.
Sa ibang balita mga kaibigan, inaabangan naman sa senado mamaya ang ibibigay na
briefing ng Executive Department sa pagpupuna naman ng Pangulong Duterte sa Martial
Law sa may bahagi ng Mindanao at may detalye pa si Bombo Davincent Pacit.
<E> Nakatakdang magsagaw ng briefing sa senado ngayong araw ang mga opsiyal ng
Executive Department kaugnay ng Martial Law declaration ni Pangulong Rodrigo
Duterte sa buong Mindanao.
Posibleng isabay ito sa pagatalakay ng senado sa report ni Pangulong Duterte
hingil sa Martial Law declaration.
Sinabi ni House Majority Leader Rudolfo Farinas, batay sa nagging paguusap nina
Senate Majority Leader Tito Sotto mamayang alas tres ng hapon tatalakayin ng mataas
na kapunuan ng kongreso ang naturang report.
Ayon kay Sotto kabilang sa mga magsasagawa ng briefing sa Senado ay sina
National Security Adviser Hermo Henes Esperon Jr., Defense Secretary Delfin
Lorenzana, at Armed Forces of the Philippines Chief General Eduardo M. Anyo.
Samantala sa darating na miyerkules ng alas-nuebe ng umaga naman nakatakda ang
briefing sa kamara matapos itong mag-convine bilang committee of the whole.
Bombo Davincent Pacit nag-uulat para sa pambansang Radyo ng Pilipinas, basta
radio bombo!
<A> Sang-ayon naman ang ilang mga lider sa Mindanao nab aka may mga lokal na
opisyal sa Marawi ang protektor din ng Maute terror group na dapat umanong
imbistigahang Mabuti at may detalye naman ang Bombo Radyo Coro Nadal.
<F> Malaki umano ang posibilidad na may protektor ang mga Maute terorrists sa
lungsod ng Marawi, kaya�t dumami ang mga ito sa nasabing lungsod at nagpalakas ng
pwersa hanggang sa gumawa ng pang-aatake.
Posible umano isang lokal na opisyal ang may koneksyon sa nasabing grupo kaya�t
nakakalusot ang matataas na kalibre ng baril sa nasabing lugar.
Ayon kay South Cotabato Governor Daisy P. Cervantes, hindi umano dapat bigyan
ng pagkakaton ang mga terorista sa negotiation dahil sa seryosong krimen ang ginawa
ng mga ito sa lungsod ng Marawi kung saan maraming sibilyan ang nadamay at
sundalong nagbuwis ng kanilang buhay, samantala tuloy naman ang pagtutok na
kapulisan sa South Cotabato sa lugar ng probinsya na mga grupo na posibleng
magsagawa ng karahasan o tumulong sa mga Maute sa Marawi lalo na ngayong
nagpapatuloy ang Ramadan.
Yan ang ulat mula Bombo Radyo Coro Nadal para sa Bombo Network News Bombo Bing
Pininyo Inday na nag-uulat para sa pambansang radio ng Pilipinas, basta radio
Bombo!
<A> Muling naglabas ng abiso ang US Embassy sa kanilang mga kababayan sa Pilipinas
na nasa Metro Manila din na umano�y mag-ingat at makipag-ugnay sa mga tinanging na
checkpoints ng mga kapulisan, isinalabas na abiso ng US Embassy sa Manila na dapat
daw ay patuloy na maging mapagmatiyag ang kanilang mga kababayan na nasa Metro
Manila.
Ipinag-utos narin nila sa mga citizens an pag-iwas sa pagpunta sa matataong
lugar para maiwasan daw na maipit sa anumang kaguluhan kung sakali.
Nauna rito ay pinag-iingat pa ng Amerika ang kanilang kababayan na iwasan din
ang pagtungo sa Mindanao matapos ipagpatupad ng Pangulong Rodrigo Duterte ng
Martial Law.
Samantala naman gumagawa narin ng hakbang ang mga awtoridad sa sinasabi daw na
pagkalat ng mga pekeng ID.
Matapos ang deklarasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law at may
detalyadong impormasyon ang Bombo Radyo Davao.
<G> Sinimulan na nga mga personal ng mga National Bureau of Investigation o NBI ang
paghahanap sa mga indibidwal na pinaniniwalaang responsible sa mga pekeng
identification cards, una na nagpalabas ng kautusan si Davao City Mayor De Carpio
na dahil marami na umano nasasangkot sa paggawa ng mga pekeng ID.
Matapos sa isinagawang Oplan Bulabog ng Davao city Police Office o DCPO kung
saan halos dalawang daang indibidwal ang dumayo sa lungsod at pinaniniwalaang
galing ng Marawi City ang una ng inimbitahan ng kapulisan para sa profiling simula
nang ipinatupad ang Martial Law, naniniwalang alkalde ng ipinagawang nasabeng ID sa
isang establisimiyento malapit sa isang unibersidad ng lungsod kung saan marami ang
nasasangkot sa nasabing gawain.
Sinasabing nagpagawa ang ilang individual ng ilang mga pekeng ID para hindi
masita ito kung hihingang ng awtoridad matapos ang deklarasyon ng Martia Law.
Ayon kay DCPO Director Alexander Tagum na aabot sa halos isang libong
individual ang kanilang namonitor na nagpagawa ng mga pekeng ID, partikular na mga
naniniharan sa mga lungsod at mga dayo galing Marawi City at ilang lugar sa
Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
Layuning ng mga kautusan ng Mayor na hindi na maulit pa ang pambobomba sa Roxas
night market sa nakaraang taon kung saan nasa labing lima ang mga indibidwal ang
namatay.

</I>
Balita mula sa radyo. Bombo Radyo (Mayo 05,2017)

You might also like