You are on page 1of 7

RADIO BROADCASTING SCRIPT

GROUP 3

11-A

Anchors:

Shaira Caunan
Jezryl Genecera

Reporters:

Riana Evangelista

Juliah Pama
Joey Sabaria
Jayzon Pedrosa
Sofia Ilagan
Jerous Cantavieja
Vicente Osorio

Jex: Sa ngalan ng malayang pamamahayag, Sandigan ng Bayan

Shaira: DZBZ, Pumapanig sa Katotohanan, Pumapanig sa Bayan

Jex: Mula sa Lungsod ng Paranaque, Kalakhang Maynila. Miyembro ng


Samahan ng mga Mag-aaral tungo sa Mapagpalayang Pamamahayag.
Patuloy na magu-ulat ng katotohanan para sa sambayanan. Kami ang
inyong mga tagapaghatid-balita. Ako si Jezryl Genecera.

Shaira: At ako si Shaira Caunan. Ito ang

Jex & Shaira: Pilipinas Ngayon!

Shaira: Naghahatid ng mga balitang salamin ng katotohanan at


magiging sandigan ng bayan.

Jerous: Ang oras sa buong kapuluan: _______ minuto makalipas ang


ika-7 ng umaga. Ang oras na ito ay hatid sa inyo ng Rebisco ang
sarap ng feeling mo (pakanta)

Jex: Sa ulo ng mga nagbabagang balita!

Shaira: Para sa balitang lokal: AMLC report sa Bilibid drug trade,


hawak na ng DOJ!

Jex: Para sa balitang pambansa: Estados Unidos, nagkamit ng P320


milyong piso para sa law enforcement ng bansa ; Digong, sinabing 4 na
milyon na ang adik sa Pinas katulad ng Indonesia

Shaira: Para sa balitang pandaigdig: Estados Unidos, hindi nais ang


giyera laban sa Tsina!

Jex: Para sa balitang pampalaksan: Nietes, wagi laban kay Sosa sa


kanyang unang laban sa flyweight division!

Shaira: Para sa ulat panahon: Bagyong Helen, pumasok na sa


Philippine Area of Responsibility, asahan ang mga
katamtamanhanggang malakas na pag-ulan

Jex: Para sa balitang panshowbiz: Pia Wurtzbach, ipinagdiwang ang


ika-27 na kaarawan dito sa Pinas!

Shaira: Ating pakinggan ang mga tampok na balita sa pagbabalik ng

Jex & Shaira: Pilipinas Ngayon!

INFORMERCIAL

Shaira: Nagbabalik ang

Jex and Shaira: Pilipinas Ngayon!

Shaira: Dumako tayo sa mga detalye ng mga balita!

Shaira: AMLC report sa Bilibid drug trade, hawak na ng DOJ! Para sa


detalye, narito si Riana Evangelista!
Riana: Nasa kamay na ng Department of Justice (DOJ) ang report ng
Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaugnay sa mga bank account
transactions ng mga personalidad na isinasangkot sa milyun-milyong
illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, isinumite ng AMLC ang
bank reports matapos na hilingin ito ng National Bureau of
Investigation (NBI).
Sinabi ni Aguirre na ipapasa na rin ng DOJ sa NBI na attached agency
nito ang pagsasagawa ng fact finding probe sa paglaganap ng droga sa
NBP na magiging basehan ng kanilang pagsasampa ng kaso sa mga
indibiduwal. Kabilang si Senator Leila de Lima, ang pinakamataas na
opisyal ng gobyerno na idinadawit sa Bilibid drug trade.
Pinag-aaralan na ng DOJ ang paghahain ng petisyon para naman sa
freeze order ng nasabing mga bank accounts.
Aniya, sasampahan sa lalong madaling panahon ang mga sangkot sa
illegal drug trade sa NBP matapos ang kanilang masusing imbestigasyon.
Ako si Riana Evangelista, Lingkod ng Sambayanan!
Jex: Estados Unidos, nagkamit ng P320 milyong piso para sa law
enforcement ng bansa! Para sa detalye, narito si Vicente Osorio!
Vicente: Nagkamit ang Estados Unidos ng halagang humigit-kumulang
320 Milyong piso para sa pagpapatibay ng law enforcement ng bansa,
ayon sa isang opisyal ng US State Department.
Ipinaliwanag ni William Brownfield, Assistant Secretary for International
narcotics and law enforcement affairs ng US State Department na
inaprubahan ang kontribusyong ito para sa suporta sa rule of law at
law enforcement.
Dagdag pa ni Brownfield, nagpadala na ang Estados Unidos sa bansa
ng isang diplomatic note ukol pagkamit nito sa bansa ng nasabing

halaga. Inaasahan na ang nasabing halaga ay mailaan sa paggasta ng


mga programang may layuning pagtibayin ang rule of law ng bansa,
pagpapatibay ng due process ng justice system ng bansa, at
pagibayuhin ang seguridad ng marina ng bansa.
Ang nasabing galaw ng Estados Unidos ay bunsod pa din sa dalawang
pangunahing isyu ukol sa law enfformencet na kinhaharap ng
Administrasyong Duterte, ang pagpatay sa higit na 3,300 na katao na
iniuugnay sa paglutas ng problema sa droga ng administrasyon, at
mga alitan sa pagitan Pilipinas at Tsina ukol sa West Philippine Sea.
Ako si Vicente Osorio, Lingkod ng Sambayanan!

Juliah: Ang oras: _______ minuto makalipas ang ika-7 ng umaga. Ang
oras na ito ay hatid sa inyo ng McDonalds Pa-para-pa-pa-Love ko to!!

Shaira: Estados Unidos, hindi nais ang giyera laban sa Tsina ayon kay
Lorenzana! Para sa detalye, narito si Juliah Pama!

Juliah: Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi


nanaisin ng Amerika ang giyera laban sa China kaugnay ng isyu ng
pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea (West Philippine Sea) na
ang malaking bahagi ay pag-aari ng Pilipinas.

Sinabi ni Lorenzana na hindi niya nakikita na magkakaroon ng giyera


sa pagitan ng China at ng Amerika bunga ng nasabing isyu sa freedom
of navigation dahil masyado itong magastos at maapektuhan ang
pandaigdigang kalakalan na umaabot sa 5 trilyong dolyares kada taon.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipauubaya na ng
Pilipinas sa Amerika ang pagpapatrulya sa WPS para maiwasan ang
maling kalkulasyon sa loob ng 12 milyang teritoryo ng katubigan ng
bansa.
Bagaman pinadidistansya ng China ang Amerika sa isyu ng agawan ng
teritoryo sa West Philippine Sea ay iginigiit naman ito ng huli upang
bigyang proteksyon ang freedom of navigation kaugnay ng plano ng
mga Intsik na iimplementa sa lugar ang Air Defense Identification Zone
(ADIZ) at kontrolin rin ang paglalayag ng mga dayuhang barko sa
teritoryo.

Nakatakda namang tumulak si Lorenzana sa susunod na linggo sa


Hawaii upang dumalo sa US-ASEAN Defense Ministers Meeting kung
saan pag-uusapan ang West Philippine Sea at pagsugpo sa banta ng
pandaigdigang terorismo.

Ako si Juliah Pama, Lingkod ng Sambayanan!

Shaira: Digong, sinabing 4 na milyon na ang adik sa Pinas katulad ng


Indonesia! Para sa detalye, narito si Jerous cantavieja!

Jerous: Aabot na sa apat na milyon ang mga adik sa Pilipinas sa


katapusan ng buwan, ayon sa pagtaya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa talumpati ni Duterte sa Philippine National Police Regional Office 12


sa General Santos noong Biyernes, muling ipinagtanggol ng Pangulo
ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga at sinabing kung
susumahin, aabot na sa apat na milyon ang mga adik sa bansa.
Una ng ipinaalam sa Pangulo ni dating Philippine Drug Enforcement
Agency (PDEA) director Dionisio Santiago na may tatlong milyong adik
sa bansa at kung isasama pa dito ang karagdagang 700,000 aabot sa
apat na milyon ang mga lulong sa ipinagbabawal na gamot partikular
ang shabu.
Ikinuwento rin ng Pangulo na nag-usap sila ni Indonesian President Joko
Widodo sa nakaraang ASEAN summit kung saan inamin rin nito na
pareho ang problema ng kanilang bansa tungkol sa ilegal na droga.
Pero ayon kay Duterte, bagaman at nasa 4 na milyon din ang mga adik
sa Indonesia, nasa 300 milyon naman ang kanilang populasyon na
masyadong malayo sa Pilipinas na nasa 104 milyon.
Ipinaliwanag pa ni Duterte na masyadong mahirap ang pagpapadala sa
rehabilitasyon ng nasa 4 na milyong adik dahil sa kakulangan ng pondo
lalo pat ang ginagamit na budget ng gobyerno ay yung naiwan ng
nakaraang administrasyon.
Wala rin umano nag-akala noong ipasa ang budget para sa 2016 na
sobrang malaki na ang problema tungkol sa ilegal na droga.

Pinanindigan rin ng Pangulo na karamihan sa mga napapatay sa


kampanya ay sanhi ng mga lehitimong operasyon ng pulisya.

Ako Si Jerous Cantavieja, Lingkod ng Sambayanan!

Jezryl: Nietes, wagi laban kay Sosa sa kanyang unang laban sa


flyweight division! Para sa detalye, narito si Jayzon Pedrosa!

Jayzon: Wagi ang Pilipinong boksingero na si Donnie Ahas Nietes


matapos magwagi sa kanyang unang laban sa flyweight division laban
sa beteranong Mexicano na si Edgar Sosa sa main event ng Pinoy Pride
38 na ginanap noong Sabado ng gabi sa Carson, California.

Pinanatili ni Nietes ang kanyang distansya kay Sosa habang patuloy na


pumupuntos sa kanyang right-straight 1-2 combinations na siyang
tumalo sa boksingero. Inuwi ni Aha sang WBO Intercontinental
flyweight belt sa puntos na 120-108.

Dahil sa pagkapanalong ito, bumuti ang karera ni Nietes sa putos na


39-1-4, at para sa kanya ay ipagpapatuloy niya ang kanyang mga
panalo upang mapabuti ang karera at magdala pa ng karangalan sa
bansa.

Ako si Jayzon Pedrosa, Lingkod ng Sambayanan!

Shaira: Bagyong Helen, pumasok na sa Philippine Area of


Responsibility! Para sa detalye, narito si Joey Sabaria!

Joey: Pumasok na ang Bagyong Helen sa Philippine Area of


Responsibility Sabado ng Hapon, ayon sa ulat ng PAG-ASA o hilippine
Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.
Ang nasabing bagyo, na may internasyonal na pangalang Helen, ay
huling namataan 1,390 kilometers Hilagang-Silangan ng Casiguran,
Aurora sa ganap na ika-apat ng hapon. Dagdag pa ng PAG-ASA, ang
Bagyong Helen ay inaasahang gumalaw Hilagang-Kanluran na may
bilis na Isandaan dalawamput-limang kilometro kada oras. Inaasahang
ang katamtaman hanggang malakas na buhos na ulan sa 600 kiometro
na diameter ng bagyo. Ang bagyong Helen ang ikatlong bagyong
nakapasok sa North Luzon.

Ako si Joey Sabaria , lingkod ng Sambayanan!

Jezryl: Para sa balitang panshowbiz: Pia Wurtzbach, ipinagdiwang ang


ika-27 na kaarawan dito sa Pinas! Para sa detalye, narito si Sofia
Ilagan!

Sofia: Umuwi si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach sa Pilipinas


upang ipagdiwang ang kanyang ika-27 kaarawan noong Setyembre 24,
Sabado. Ipinagdiwang ni Pia ang kanyang kaarawan kasama ang
kanyang trainer na si Joans Gaffud at ang mga Pianatics o ang kanyang
mga tagahanga.

Nag-post siya ng larawan sa kanyang Instagram account upang


magpasalamt sa mga dumalo sa kanyang karawan. Binati rin siya ng
Miss Universe Organization ng kaarawan at pinuri pa ang reyna dahil

kanyang kagandahan, kasipagan, at confidence. Patuloy na umaasa


ang organisasyon sa magandang pagganap ni Pia sa kanyang mga
tungkulin bilang Miss Universe.

Ako si Sofia Ilagan, lingcod ng Sambayanan!

Shaira: Muli kaming magbabalik para sa ilang paalala.

INFORMERCIAL

Jezryl: Muli nating balikan ang ulo ng mga tampok na balita!

Shaira: Para sa balitang lokal: AMLC report sa Bilibid drug trade,


hawak na ng DOJ!

Jex: Para sa balitang pambansa: Estados Unidos, nagkamit ng P320


milyong piso para sa law enforcement ng bansa ; Digong, sinabing 4 na
milyon na ang adik sa Pinas katulad ng Indonesia

Shaira: Para sa balitang pandaigdig: Estados Unidos, hindi nais ang


giyera laban sa Tsina!

Jex: Para sa balitang pampalaksan: Nietes, wagi laban kay Sosa sa


kanyang unang laban sa flyweight division!

Shaira: Para sa ulat panahon: Bagyong Helen, pumasok na sa


Philippine Area of Responsibility, asahan ang mga
katamtamanhanggang malakas na pag-ulan

Jex: Para sa balitang panshowbiz: Pia Wurtzbach, ipinagdiwang ang


ika-27 na kaarawan dito sa Pinas!

Shaira: Inyong napakinggan ang mga maiinit na balita para sa araw


na ito.

Jezryl: Ako si Jezryl Genecera

Shaira: Ako si Shaira Caunan. Ito ang

Jezryl and Shaira: Pilipinas Ngayon!

You might also like