You are on page 1of 15

IBUOD

 Ang Responsible Parenthood and


Reproductive Health Act of 2012
(Republic Act No.10354) ay isang batas
sa Pilipinas na nagsisigurong
mapapalaganap sa buong bansa ang
mga paraan ng kontrasepsiyon,
edukasyong sekawal, pangangalaga
sa ina.
 Ang pagpapasa ng Reproductive Health
Law ay naging napakakontrobersyal.
Magkaiba ang mga opinion hindi lamang
ng mga mambabatas ngunit pati narin ng
mga guro, mga relihiyosong institusyon,
iba pang mga politiko, at ng mga
mamamayan. Nagkaroon ng maraming
mga demonstrasyon sa iba’t-ibang panig
ng bansa laban sa batas, indikasyong
mga kultura at relihiyon ng maraming
Pilipino ay nananatiling konserbatibo.
 Bagaman nagkakasundo ang lahat
hinggil sa mga probisyon ng Reproductive
Health Bill tungkol sa kalusugan ng ina at
anak, may malalaking debate naman
tungkol sa probisyon nito tungkol sa
pagbibigay-pondo ng pamahalaan at ng
pribadong sector para sa pamamahagi
ng mga uri ng birth control o family
planning devices kagaya ng condom,
pills, at intrauterine devices (IUDs)
 Noong Marso 2013, hinarangan ng
korte suprema ng Pilipinas ang
pagpapatupad ng RH Law bilang
tugon sa mga hamon ditto. Noon
naming Abril 8, 2014 ay idineklara sa
Kataas-taasang Hukuman na ito ay
hindi labag sa Saligang Batas subalit
wala sa mga probisyon nito ang
tinanggal o binago ng korte.
 Malaki ang kaugnayan ng isyu ng
Reproductive Health Law at mga
suliranin ng lipunang Pilipino tulad ng
abortion, pagbubuntis ng mga
kabataan, pre-marital sex,
pagkamatay ng mga ina (maternal
mortality), at maging kahirapan.
Tuklasin

Karaniwang kadugtong ng terminong


prostitusyon angmga salitang “aliw”,
“hostes”, “sexworker”, at “guest relations
officer” (GRO).
Ano nga ba ang
prostitusyon?
Ang Prostitusyon ayon sa Merriam
Webster Dictionary ay ang simpleng
paggamit ng katawan ng isang tao
upang kumita ng pera. Isa ito sa mga
tanggap na negosyo sa mga estado
sa Amerika tulad ng bilang lugar sa
Nevada maging sa mga bansang
tulad ng Japan at nangangailangan
ito ng estriktong regulasyon sa
pamamagitan ng batas para sa mga
taong kasali sa negosyong ito.
Ayon kay Allan Schwartz, Ph. D., ilan sa mga dahilan ay ang
sumusunod:
1. Mabilis kumita ng malalaking pera sa prostitusyon.
- Sa kanyang papel na isinulat na may pamagat na “Why Do Women Become
Prostitutes and Why Do Men Go To Them?” nabanggit ni Schwartz na ang prostitusyon
ay nagiging isang lugar kung saan maaring magbenta ang kababaihan ng katawan
na maaring bilhin ng kalalakihan sa kaya nilang halaga sa loob ng maikling oras.

2. Ito ay isang negosyo.


- Dahil mabilis kumita ng pera sa prostitusyon, ang mga negosyanteng may
kaugnayan ditto ay nagsisikap na ito’y alagaan sa pamamagitan ng paghahanap
ng magagandang babae at mga lalakibg may kakayahang magbayad nang
malaki.
3. Ang ilang kasali sa negosyo ay nasanay sa kultura ng pang-
aabuso.
- Dahil sa kinagisnan na ng ilang kababaihan at kalalakihan ang
pangaabuso na dulot ng prostitusyon, naiisip nila na sanay na silaq
ditto at hiundi na makakaalis pa kaya hindi nanaghahanap ng
ibang trabaho.

4. Ito ay daan palabas sa kahirapan.


- Dahil sa mabilis kumita ng pera sa prostitusyon, iniisip ng mga kasali
ditto na mabilis silang makakluwag sa buhay at magkakaroon ng
oportunidad na makaalis sa kahirapan.
Senaryo ng Prostitusyon sa Buong
Mundo
 Ang
estado ng prostitusyon sa iba’t – ibang bahagi ng
mundo ay magkakaiba.
Percentage of Countries with Legal. Illegal, and
Limitedly Legal Prostitusyon (of the100 countries)

49% Legal
39% Illegal
12% Limited Legality

Legal Illegal Limited legality


Prostitusyon sa Pilipinas
Ayon kay Prof. Rene Ofreneo ng Up Solair,
Sinasabing ang prostitusyon ay bahagi na ng
kasaysayan ng ating bansa. Ang negosyong ito
ay buhay na noon pa mang panahon ng
Espanyol. Noong taong 1898, sa ilalim ng
pmamahalaang pambansa na pinamumunuan ni
Emilio Aguinaldo, ay napagkalooban ng
kalayaang Konstitusyunal ang mga pilipinang
proatitute. Ipinatupad niya ito ng lingguhang
pagsusuri ng mga prostitute upang masiguradong
wala silang nakuhang sakit mula sa pakikipagtalik
sa iba’t-ibang lalaki.
Mga Sanhi ng Paglaki ng
Prostitusyon sa Pilipinas
 Ang mga sumusunod ay ilan sa mga sanhi ng paglaki ng prostitusyon sa
pilipinas ayon sa mga non government organization (NGO) na
nagsusulong ng pagpigil sa prostitusyon:

Ang mga lumitaw na pangunahing dahilan ng mga taong nalugmok sa


protitusyon ay:
 Kahirapan
 Unemloyment o kakulangan ng mga pagkakataong makapagtrabaho
 Karanasan sa pang-aabusong pisikal o sekswal
 Pagkalulong sa pinagbabawal na gamut at iba apng bisyo
 Impluwensya ng mga kaibigan
Ang iba pang mga sanhi ng
pagkakasadlak ng isang indibidwal sa
prostitusyon ay:
 Pagkabilang sa mga dysfunctional na mag-anak o pamilya
 Panloloko ng mga recruiter
 Pornograpiya
 Turismong gumagamit sa kababaihan
 Kawalan ng pakialam ng lipunan at Simbahan sa realidad ng
prostitusyon

You might also like