You are on page 1of 2

I.

Introduksyon
Sa ikatlong markahan ang mga paksa na aming tinalakay ay Mga Isyu sa Karapatang
Pantao, Kasarian at Seksuwalidad, Reproductive Health Law, at Prostitusyon at Pang-
aabuso. At masasabi kong madami akong natutunan sa mga paksang ito.

II. Mga Isyu sa Karapatang Pantao


Sa paksang ito dito naming natutunan ang ibat-ibang karapatang pantao sa Pilipinas at
sa buong bansa. Ang mga karapatan ng mamamayang Pilipino ay nakapaloob sa
Artikulo III (Bill of Rights) mayroon itong 22 seksyon na nagtatala ng ibat-ibang
karapatan ng tao. Sinusunod din ng Pilipinas ang Universal Declaration of Human
Rights o UDHR dahil tayo ay kasapi ng United Nations. Ang UDHR naman ay may 26
na artikulo na kailangan nating sundin. Ang mga batas na tinalakay din namin ay ang
karapatan ng mga bata na makikita sa Artikulo II, seksiyon 13 Child and Youth Welfare
Code, karapatan ng kababaihan o Republic act No. 9710-The Magna Carta of Women,
at karapatan ng mga indigenous people, Republic Act No. 83710 o National Commision
on Indigenous People (NCIP). Bukod sa mga batas na ito marami pa kaming tinalakay
na mga batas ngunit itong mga ito ang mas tumatak sa aking isipan.

III. Kasarian at Seksuwalidad


Sa paksang ito, dito namin natutunan ang kaibahan ng sex at gender at mas napalawak
pa an gaming kaalaman tungkol sa ibat-ibang kasarian. Ito ang ilang impormasyon na
natalakay namin. Ang kasarian o gender ay tumutukoy sa aspektong kultural na
natutunan hinggil sa seksuwalidad, at ang seksuwalidad naman o sex ay tumutukoy sa
natural o biyolohikal na katangian bilang lalaki o babae. Ang third sex o ikatlong
kasarian o homosexual ay ang mga indibidwal na nakararanas ng atraksiyon sa katulad
nilang kasarian. Ang tawag sa pisikal at emosyonal na atraksiyon na nararamdaman ng
isang indibidwal para sa isa pang indibidwal ay sexual orientation at ang tawag naman
sa pinaniniwalaang kasarian ng isang tao ay gender identity. Natutunan din namin sa
paksang ito ang tatlong Yugto ng paglaladlad. Ang unang yugto ay ang pag-alam sa
sarili, ang ikalawang yugto ay ang pag amin sa ibang tao

IV. Reproductive Health Law


Ang Reprooductive health law ay tumutukoy sa mga karapatan ng mga indibidwal at
mag-asawa, na magdesisyon nang malaya at responsable kung magkakaanak o hindi;
ang bilang, spacing at timing ng kanilang mga anak; gumawa ng iba pang mga
desisyon tungkol sa pagpaparami, walang diskriminasyon, pamimilit at karahasan;
upang magkaroon ng impormasyon at paraan upang gawin ito. Sa paksang ito nalaman
naming na ang isyung ito ay napaka kontrebersyal dahil hindi lahat ay sang-ayon sa
batas na ito. Tutol ang simbahan sa ilang parte ng batas na ito kabilang na ang
aborsyon kaya hindi lahat ng aksyon ay napatupad.
V. Prostitusyon at Pang-aabuso

Sa paksang ito tinalakay namin ang prostitusyon sa Pilipinas at sa ibang bansa. Ang
ibig sabihin ng prostitusyon ay ang paggamit ng katawan para kumita ng pera. Ayon sa
aming natalakay, may mga bansa na legal ang prostitusyon at sa iba naman ay illegal,
katulad na lamang dito sa pilipinas. Natalakay din namin kung bakit ang ilan sa
kababaihan ay sumasabak sa trabahong ito kahit ito ay nakakawala ng dignidad. Ang
pinaka ugat sa mga rason ay ang kahirapan, dahil sa kahirapan naeenganyo silang
sumali sa trabahong ito para kumita ng pera. At kadalasan sa mga babaeng sumasali
sa prostitusyon ay inaabuso ng mga lalaki o di kaya pinagsasamantalahan. Ang
prostitusyon din ay isa sa mga rason kung bakit tumaas ang fertility rate ditto sa
pilipinas.

You might also like