You are on page 1of 16

MGA ISYU SA

K A RAPATANG PANTAO
Ang Karapatang Pantao mula
Pagkabata Hanggang Kamatayan
Sa pagkapanganak pa lamang ay nagtatamasa na ng tiyak, di-
mahihiwalay, buo, at di-maitatangging mga karapatan ang tao na
mananatili sa kanya hanggang sa kanyang libingan.
Pangunahin sa karapatan ng tao ang mabuhay nang malaya –
malaya sa anumang paninikil ng kahit na sino, kapwa man niya tao,
grupo ng tao, o institusyon sa lipunan. Kakabit ng “pagiging buhay”
ang karapatang matugunan ang lahat ng mga pangangailangan upang
“manatiling buhay” at mabuhay nang may dignidad at puno ng
pagpapahalaga sa sariling kapakanan bilang tao.
Uri Ng Karapatan
1. Karapatang Likas o Natural – ang bawat tao ay may karapatang mabuhay. Ang
karapatang ito ay likas at wagas para sa lahat. Halimbawa nito ay ang mabuhay ng
puspos; magkaroon ng sariling pangalan, identidad o pagkakakilanlan, at dignidad;
paunlarin ang iba’t ibang aspekto ng pagiging tao gaya ng pisikal, mental, at espiritwal.
2. Karapatang Ayon sa Batas
a. Constitutional Rights – ito ang mga karapatang kaloob at pinangangalagaan o
binibigyang-proteksiyon ng Konstitusyon ng bansa. Maaaring baguhin, dagdagan, o
alisin ang mga ito sa pamamagitan ng mga susog sa Konstitusyon.
b. Statutory Rights – ito ang mga karapatang kaloob ng mga batas na pinatibay ng
Kongreso o Tagapagbatas. Halimbawa nito ang karapatang tumanggap nang
naaayon sa pinakamababang sahod, karapatang magmana ng pag-aari, at
karapatang makapag-aral nang libre.
Kategorya ng Karapatang ayon sa
Batas
1. Karapatang Sibil o Panlipunan (Civil Liberties/Rights) – nakapaloob dito ang
karapatang magkaroon ng matiwasay at tahimik na pamumuhay, kalayaan sa pagsasalita, pag-
iisip, pag-oorganisa, pamamahayag, malayang pagtitipon, pagpili ng lugar na titirhan, at
karapatan laban sa dikriminasyon. Kabilang din dito ay ang maging malaya at makapaglakbay.
2. Karapatang Pampolitika – kinakatawan nito ang karapatan na makilahok sa pagtatakda at
pagdedesisyon sa pamumuno at proseso ng pamamahala sa bansa gaya ng pagboto,
pagkandidato sa eleksyon, pagwewelga bilang bahagi ng pagrereklamo sa gobyerno, at pagiging
kasapi ng anumang partidong politikal.
3. Karapatang Pang-Ekonomiya o Pangkabuhayan – nagpapatungkol ito sa mga kara[atan
sa pagpili, pagpupursige, at pagsusulong ng kabuhayan, negosyo, hanapbuhay, at disenteng
pamumuhay nang ayon sa nais, nakahilingan, at nagustuhang karera. Naglalaman ito ng
Karapatan na magkaroon ng ari-arian, maging mayaman, at gamitin ang yaman at ari-arian sa
anumang nais basta’t ito’y naayon sa batas.
4. Karapatang Pangkultura – nakapaloob ditto ang karapatan na
makibahagi at lumahok sa pagsasabuhay, pagpapatuloy, at pagpapalawak
ng sariling tradisyon, gawi, at pag-uugali. Karapatan ng tao na ipakita sa
iba ang katangian ng kinalakihang kultura bilang isang bahagi ng grupo,
tribo, o lahi na iniingatan ang mga tradisyong nakagawian hangga’t ang
mga ito ay sakop ng saligang batas.
5. Mga Karapatan ng Akusado/Nasasakdal (Rights of the Acused) –
pinanganglagaan ito ang mga taong akusado o nasasakdal sa anumang
paglabag sa batas. Ang ilan sa mga karapatang ito ay karapatan sa
pagpapalagay na siya ay walang sala hangga’t hindi napapatunayan ang
kasalanan at may karapatan laban sa di-makataong parusa.
Legal na Batayan ng mga
Karapatan
Ang Konstitusyon ng Pilipinas ang sandigan at saligang batas ng
ating bansa. Ang Article III ng ating konstitusyon ay tungkol sa Bill of
Rights o katipunan ng mga karapatan kung saan nakapaloob ang
karapatang pantao na dapat ay tinatamasa ng bawat mamamayan. Ang
mga karapatan ay lalo pang pinagtibay at sinuportahan ng
Pandaigdigang Deklarason ng Karapatang Pantao o UDHR (Universal
Declaration of Human Rights) ng United Nations. Ang lahat ng
panuntunan at batas na nabuo at bubuuin pa ay kinakailangang
nakabatay sa saligang batas.
Ang Pandaigdigang Deklarason ng
Karapatang Pantao (Universal Declaration of
Human Rights o UDHR)
Ang Pilipinas ay kasapi ng United Nations. Ang mga patakaran at batas
na pinaiiral nito ay batas din ng ating bansa. Ang Universal Declaration of Human
Rights ay nabuo at nilagdaan noong Disyembre 10, 1948. Lumagda ang Pilipinas
sa deklarasyong ito kaya’t obligado ang bansa na ipatupad ang pagiging malaya
at pagkakapantay-pantay ng mga bawat tao at pagbabawal sa diskriminasyon.
Karapatan ng mga Bata
Bilang pagtupad sa Artikulo II, Seksyon 13, nilikha ang Child and Youth
Welfare Code upang pangalagaan ang mga karapatan ng mga bata. Nakatala
rin ditto ang mga tungkulin ng mga bata at responsibilidad ng mga magukang
sa pangangalaga sa kanilang mga anak.
Ang Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga Bata ay isang
pandaigdigang tratado na nilagdaan ng mga bansa upang mabigyang-
proteksiyon ang mga batang may gulang 18 pababa sa buong daigdig.
Bilang kasapi ng Nagkakaisang Bansa, ipinatutupad sa Pilipinas ang mga
karapatan ng bata ayon sa United Nations Convention on the Rights of a Child.
Karapatan ng Kababaihan sa Lipunang Pilipino
1. Karapatang makaboto
2. Karapatang manatiling mamamayan ng Pilipinas kahit na nakapag-asawa ng dayuhan maliban
lamang kung kanyang itatakwil ang kanyang pagkamamamayan.
3. Karapatang makapag-trabaho
4. Karapatang makapag-aral
5. Karapatang magplano ng pamilya (Family Planning)
6. Karapatang pangalagaan ang mga anak
Republic Act No. 9710 – The Magna Carta of Women CHAPTER IV
SEC. 8 Human Rights of Women - Karapatan ng mga kababaihang tamasahin ang kanyang buhay
nang walang diskriminasyon.
SEC. 9 Protection from Violence – Dapat tiyakin ng estado na ang lahat ng kababaihan ay protektado
mula sa lahat ng anyo ng karahasan at dapat bigyan ng prayoridad ng mga ahensya ng gobyerno
ang pagtatanggol at proteksyon ng kababaihan laban sa mga pagkakasala na batay sa kasarian at
tulungan ang mga kababaihan na makamit ang hustisya at pagpapagaling.
Pangangalaga sa mga Indigenous
People
Bilang pagtupad sa Artikulo II, Seksyon 22 ng Saligang Batas, nilikha ang
Batas Republika 8371 ang National Commision on Indigenous People (NCIP).
Layunin ng komisyong ito ang igalang at mapanatili ang mga paniniwala,
kaugalian, tradisyon at institusyon ng mga pangkat-etniko. Upang makamit ang
kayuning ito, lumikha ang NCIP ng tanggapang magsasaliksik at magsasagawa ng
mga pag-aaral ukol sa populasyon, mga kaugalian, at paniniwala mga pangkat-
etniko. Bukod ditto, nagtatag din sila ng museo, aklatan, at audio-visual center.
Ilang mga Karapatan ng mga Katutubo Indigenous
People ayon sa Deklarasyon ng Nagkakaisang Bansa
(United Nations )
Bilang pagkilala sa iba’t ibang pangkasaysayan at pangkulturang
karanasan at pagkakaiba-iba ng mga katutubo sa bawat rehiyon at bansa,
pormal na ipinahahayag ang Deklerayon ng United Nations tungkol sa mga
Karapatan ng mga Katutubo o Indigenous People. Ito ay inilahad bilang
pamantayan ng tagumpay na kailangang matamo upang maisulong ang tunay na
pakikipagtulungan at pantay na paggalang sa kanila.
Pagkakaiba ng Karapatan at Pribilehiyo
Ang karapatan ay angking laya ng kaloob sa atin ng Diyos at iba’t
ibang batas upang maging maligaya ang ating pamumuhay. Ang pribilehiyo ay
espesyal na konsiderasyon o advantage na kaloos sa isang tao grupo.
Halimbawa, Karapatan nating makapag-aral habang mabigyan ng scholarship
ay isang pribilehiyo.
Mga Paglabag sa Karapatang Pantao
• Pisikal na Paglabag – ang pananakit at pagsugat sa katawan ng tao ay pisikal na paglabag sa
karapatang pantao. Ang pagdukot, kidnapping, pambubugbog gaya ng hazing, pagputol sa anumang
parte ng katawan o mutilation, lalo na ang pagkitil ng buhay ay mga pisikal na paglabag.
- ang seksuwal na pananakit tulad ng panghahalay o rape, pagsasamantala,
panghihipo, marital rape, at domestic violence ay halimbawa rin ng pisikal na paglabag sa karapatang
pantao.
- ang pagkulong ng mahigit sa 24 oras at torture o pagpapahirap sa mga
napagbibintangang kriminal upang sila ay mapilitang umamin sa ibinibintang na krimen ay isa ring
pisikal na paglabag sa karapatang pantao. Gayundin ang tinatawag na police brutality o ang labis na
pagiging marahas ng mga pulis at militar sa mga napagbibintangang kriminal at kaaway ng batas.
- ang extrajudicial killing at extralegal killing sa mga napagbibintangang
kriminal o kaaway ng pamahalaan ay mga paglabag sa karapatang pamntao. Ang mga biktima ng
nasabing paglabag ay hindi nabigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa korte,
bagkus sila ay agad na hinatulan at ginawaran ng parusang kamatayan.
• Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag
- ang pag-aaway ng mag-asawa, magkamag-anak, o magkaibigan na nauuwi sa
sigawan at pagbibitaw ng masasakit at malulupit na salita ay maituturing na sikolohikal at
emosyonal na paglabag sa karapatang pantao. Gayundin ang panlalait at pang-aalipusta na
nagdudulot ng trauma sa isang tao. Nagiging mababa ang tingin ng isang tao sa kanyang
sarili at nagdudulot ito ng kawalan ng kapayapaan ng loob. Nawawala ang kanyang
kumpiyansa at hindi na makapamuhay nang matiwasay.
- ang simpleng tuksuhan at asaran sa paaralan ay maaaring mauwi sa bullying na
sumusugat at lumalatay sa emosyonal na katatagan ng mga bata. Malimit na ito ay
nagpapatuloy sa mga social networking site o tinatawag na cyber-bullying. May mga kaso na
kung saan ang mag-aaral, dahil sa sobrang kahihiyan, panlulumo, at panliliit sa sarili, ay
nagpapakamatay.
- ang pananakot upang mapilit ang isang tao na gumawa ng isang bagay na labag
sa kanyang kagustuha ay paglabag din sa karapatan. Gayundin ang pamimilit na sumapi sa
samahan.
• Estruktural o Sistematikong Paglabag – ang mga ganitong uri ng paglabag ay
nagaganap dahil sa mga estrukturang umiiral sa ating pamahalaan at sa mga alituntunin
o batas na ipinatutupad dito. Isa pa rito ang pagkakaroon ng mga antas sa lipunan kung
saan ang mga nabibilang sa mataas na antas at ang nakaririwasa ay mabilis na
nabibigyan ng atensyon at preferential treatment samantalang ang ordinaryong
mamamayan ay hindi mabigyan ng kaukulang atensiyon. Kadalasan, kailangan pa nilang
maglagay o mabuhol para lamang mabigyan ng kinakailangang serbisyo.

Sino ang Lumalabag sa Karapatang Pantao


1. Mga magulang at nakatatanda
2. Mga kamag-anak, kaibigan, at ibang tao sa paligid
3. Mga kawani, opisyal, at pinuno
4. Mga kriminal
5. Mga terorista at mga samahang laban sa bansa
Pangangalaga sa mga Karapatan
Sa Artikulo II ng ating Saligang Batas, itinadhana ang mga
patakarang dapat tuparin ng estado. Makikitang ang mga patakarang
ito ay kaugnay ng mga tungkulin ng pamahalaan na mapangalagaan
ang mga karapatan ng mga mamamayan.

You might also like