You are on page 1of 28

Ang Gender at Sexuality

GROUP 2
Gender
 A N G G END E R AY TU MUT U K O Y S A M G A K ATA NG I A N,
G A M PA N I N, AT PA G - U UG A L I N A K A A K I B AT N G
PA G I G I N G I S A N G L A L A K I O B A B A E .
 I T O AY N AT U T UH A N , NA K UK UH A , N A PA G - A A R A L A N ,
AT NAHUHIBOG NG K ULT U R A AT MG A
PA N L I P U N A NG I N S T I TU S YO N T U L A D N G PA MI LYA ,
G O B Y E R NO , PA A R A L A N , R E L I H I YO N , AT MG A
MEDIA.
 I T O AY M AY MA L A K I N G K AU G N AYA N AT M A L I M I T
N A PA M PA L I T S A T E R M I N O N G K A S A R I A N ( S E X ) .
- K A S A R I A N – TU M U T UK O Y S A B AYO LO H IK A L
NA K A I B A H A N N G L A L A K I AT B A B A E
Sexuality (SEKSWALIDAD)
TUMUTUKOY SA SEKSUWAL NA ORYENTASYON NG ISANG TAO
O SA KANIYANG SEKSUWAL NA ATRAKSYON SA IBA AT SA
KANIYANG KAPASIDAD NA TUMUGON DITO.

MAY SINASABING HINDI AWTOMATIKONG ITINAKDA ANG MGA


ITO.

ANG ILAN SA MGA SALIK SA PAGKAKAROON NG ISANG URI NG


SEKSUWALIDAD AY ANG KULTURA, PAGPAPALAKI,
(UPBRINGING), IMPLUWENSIYA NG MGA KAIBIGAN AT MEDIA
MAY MGA DEBATE NGAYON SA ETIKA,
TEOLOHIYA, AT RELIHIYON NA MAY
KAUGANAYAN SA MGA ISYU NG
SEXUALITY. ANG PAKSANG GENDER AT
SEKSUWALIDAD AY MAY KAUGANAYAN
DIN SA IBA PANG KONTEMPORARYONG
ISYU, GAYA NG REPRODUCTIVE
HEALTH LAW, SAME –SEX MARRIAGE,
AT PROSTITUSYON AT PANG-AABUSO .
MGA PANGUNAHING URI NG
SEXUALITY

• Kung ang sex o kasarian ay mauuri sa dalawa- lalaki at babae,


ang sexuality ay sinasabing komplikado at may maraming uri.
1. ATRAKSIYON SA ISANG URI NG KASARIAN
• Ang HETEROSEXUALITY ay ang atraksiyong seksuwal sa
miyembro ng opposite sex (hindi kabaro). Ang pangkaraniwang
halimbawa nito ay ang atraksiyon sa isang tuwid (straight) na
lalaki sa tuwid (straight) na babae at vice- versa

• Ang HOMOSEXUALITY naman ay ang atraksiyong seksuwal


sa miyembro ng kaparehong kasarian (same-sex).
2. ATRAKSIYON SA IBA’T IBANG URI NG KASARIAN

• BISEXUALITY- ang atraksiyong seksuwal sa kaparehong


kasarian at miyembro ng opposite sex (hindi kabaro).
- BISEXUAL- ay tumutukoy sa naakit sa babae o lalaki. O
sumasali sa heterosexual at homosexual na gawain.

• Ang PANSEXUALITY o OMNISEXUALITY ay yaong


atraksiyong seksuwal sa ano mang kasarian. Nagpapakilalang
pansexual na sila ay gender-blind at hindi raw mahalaga ang
gender at kasarian sa atraksiyong seksuwal.
3. WALANG SEKSUWAL NA ATRAKSIYON SA
KANIMO MAN

• ASEXUALITY o ang kawalan ng atraksiyong seksuwal kanino


man. Ang mga ASEXUAL ay hindi aktibo sa gawaing seksuwal
(sexually inactive) o walang seksuwal na pagnanasa.
ANG KARAPATAN SA PAGPILI
NG KASARIAN AT
SEKSUWALIDAD
1. PAGSUSULONG SA LEGALISASYON NG SAME-SEX
MARRIAGE SA PILIPINAS
• May mga grupong nagsusulong na maging legal ang kasal sa
pagitan ng parehong kasarian (same-sex) dito sa ating bansa,
ayon sa grupong iyon, isang uri ng diskriminasyon sa minorya
(minority discrimination) ang hindi pagpapahintulot dito. Kung
magiging legal ito ay malaki daw ang maitutulong nito sa mga
bahay- ampunan sapagkat kaakibat nito ang legalisasyon ang
pagkakaroon ng Gay Couple ng karapatang mag- ampon ng
anak.
• Ayon naman sa mga kontra sa panukala, ang pagsasalegal ng
same-sex marriage ay magpapahina sa mismong depinasyon at
kasagraduhan ng pag-aasawa o kasal nilang institusyon.
Makakasira din daw ito sa mga tradisyonal na
pagpapahalagang moral na importante sa kulturang pilipino.
Ang pag-aampon ng gay couple ay hindi din daw makakabuti
bagkus magbibigay lang ito ng kalituhan o maling oryentasyon
sa mga batang aampunin.
2. ANG LADLAD LGBT PARTY LIST AT CHR MEMORANDA

• Inaprubahan ng Korte Suprema ng Pilipinas ang LADLAD


LGBT na lumahok sa halalan bilang isang party list. Kaugnay
nito ang Commission on Human Rights (CHR) naman ay
naglagda ng mga memorandom noong 2010 ukol sa mga
organisasyong sibil na magiging responsable sa mga programang
mangangalaga at magsasanggalang sa karapatang pantao ukol a
oryentasyong seksuwal at gender identity.
3.REPUBLIC ACT 9710- MAGNA CARTA OF WOMEN (MCW)

• Ito ay binubuo ng mga batas para sa karapatang pantao ng


kababaihan. Ito ay naglalayong maibsan ang diskriminasyon sa
mga kababaihan sa pamamagitan ng pagkilala at pagprotekta
sa kanilang karapatan. Ito ay nakabatay sa internasyonal na
batas. Ang isa sa mga programa sa ilalim nito ay ang pagtatag
ng Convention of the Elimination of All Forms of Descrimination
against Women’s (CEDAW) Committee noong 2006
4. PHILIPPINES UDF-PHI-07-184-4005- PROMOTING GENDER
RESPONSIVE GOVERNANCE FOR RURAL, INDIGENOUS, AND
MUSLIM WOMEN IN THE PHILIPPINES

• Ang proyektong ito ay isinakatuparan sa Pilipinas mula noong


Nobyemre 2008 hanggang 2011. Ito ay may layong itaguyod ang
karapatag pantao ng kababaihan sa pamamagitan ng pagharap
sa mga isyu ukol sa marginalisasyon, diskriminasyon sa
kasarian, at paglabag sa karapatang pantao ng mga katutubong
(indigenous) kababaihan at kababaihang Muslim sa Autonomous
Region of Muslim Mindanao (ARMM).
5. REPUBLIC ACT NO. 10354 – THE RESPONSIBLE PARENTHOOD
AND REPRODUCTIVE HEALTH ACT OF 2012

• Ang batas na ito na lalong kilalang sa tawag na Reproductive


Health Law o RH Law ay naglalayong magkaloob ng kabatiran
at access sa mga mamayan ng mga metodong ukol sa pagpipigil
sa pagbubuntis (contraception), fertility contol, sexual education,
at material care. May mga probisyon ito ukol sa pangangalaga
sa kalusugan ng isang ina at kaniyang anak at may mandato sa
pamahalaan at sa mga pribadong sektor na pondohan at
isagawa ang malawakang pamamahagi ng mga gamit ukol sa
pagpaplano ng pamilya gaya ng mga condom, birth control, pill,
at IUD (intrauterine device).
6. UN WOMEN
• Ang UN women ay isang organisasyon sa ilalim ng United
Nations na nagsusulong sa pagkakapantay-pantay ng kasarian
(gender equality) at pagapapalakas sa kababaihan (women
empowerment). Ang mga pangunahing gampanin ng UN Women
ay ang gabayanang mga inter-governmental body, gaya
Commission on the Status of Women (CSW), sa pagbalangkas ng
mga patakaran at pandaigdigang pamantayan, sa pagpapatupad
ng mga ito (kasama rito ang pagkakaloob ng pinansiyal na
suporta).
MGA SALIK NA NAGIGING DAHILAN NG
PAGKAKAROON NG DISKRIMINASYON
SA KASARIAN
1. Relihiyon at Kultura
• Maraming mga kultura ang naglalagay sa mga babae sa ilalim
ng mga lalaki. Maging ang mga Banal na Kasulatan ng
maraming relihiyon ay nagpapahiwatig ng higit na katayuan.
Halimbawa: Ang ama ang itinuturing na dapat mamuno sa
pamilya at ang ina ay dapat magpasakop o sumunod sa kaniya.
Ito rin marahil ang dahilan kung bakit sa maraming banse,
walang karapatan ang mga babae na bumuto o kumandidato sa
halalan.
• Ang tradisyonal na paniniwala sa maraming kultura na
sinasang-ayunan ng mga Banal na Aklat ay dalawa lamang ang
tanggap na kasarian (gender)- ang ukol sa lalaki at babae. Ang
ganitong paniniwala ay natural na nagbubunga ng
diskriminasyon sa mga taong llihis sa kategoryang lalaki at
babae.
2. Pisikal na Kaanyuan
• Ang pisikal na kaanyuan ay madalas na maging salik sa
diskriminasyon ukol sa gender. Ang mga babae ay
pangkaraniwan naging nakikita bilang mas maliliit at mas
mahihina. Kung ang pagiging brusko ay tanggap na katangian
na lalaki, ang mga babae naman ay inaasahan na mahihinhin.
Ang ganitong mga konsepto ay sinasabing nagbubunga rin ng
diskriminasyon at maging pang-aabuso sa mga babae.
3. Trabaho
• Ang trabaho ay nagsisilbi ring salik ng diskriminasyon sapagkat
may mga uri ng hanapbuhat o propesyon na parang nilikha
lamang sa “mas malakas” na kasarian –lalaki. May mga
hanapbuhay halimbawang nangangailangan ng pisikal na lakas
ng kalakihan kaya’t madalas na ang ganitong uri ng trabaho ay
hindi ibinibigay sa mga babae o sa mga kabilang pa sa iba pang
gender. Sa maraming bansa, ang pagiging abogado at inhinyero
ay nakalaan lamang sa mga lalaki. Ang ganitong sitwasyon ay
itinuturing na diskriminasyon sapagkat lumalabas na mas
malaki ang oportinidad ng mga lalaki na makahanap ng
hanapbuhay.
4. Edukasyon
• Lalo na sa nakaraang panahon, may mga kursong
pinaniniwalng dapat kuhanin ng mga lalaki lamang o kaya ay
ng babae lamang. Nabanggit ang mga abogasya at pag-
iinhinyero ay dating para sa mga lalaki lamang. Ang nursing
naman ay dating iniaalok lamang sa mga kababaihan. Ang
ganitong patakaran ay lalong nagpapaigting sa mga
paniniwalang ang mga gender ay hindi magkakapantay.
1. ISYU SA KARAPATAN NG
KABABAIHAN
2. ISYU SA KARAPATAN NG
KABABAIHAN

ILANG ISYUNG MAY


KINALAMAN SA GENDER
AT KASARIAN
GENDER ROLES: BAHAGING
GINAGAMPANAN NG KASARIAN SA MGA
INSTITUSYONG PANLIPUNAN
• Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakikilala ang mahahalagang
papel na ginagampanan ng bawat kasarian sa iba’t ibang
larangan. May mga gampanin (role) na dating eksklusibo
lamang sa isang kasarian ngunit ngayon ay maaari na ring
gampanan ng iba. Narito ang mga papel o bahaging
ginagampanan ng kasarian (gender roles) sa iba’t ibang
larangan at institusyong panlipunan(trabaho, edukasyon,
pamilya, pamahalaan, at relihiyon).
1. TRABAHO
• Ang gampanin ng kababaihan sa larangan ng hanapbuhay ay yaong
hindi mabibigat na gawain. Ang mga babae ay inaasahang makakapasok
sa mga trabaho gaya ng pananahi, pagna-nurse, pagguguro,
pagdedentista, pagluluto, magagaan na gawain sa opisina at iba pang
hindi gaanong nangangailangan ng pisikal na lakas.
• Ang kalalakihan naman ang karaniwang nakapapasok sa mga
hanapbuhay gaya ng pagsusundalo, pagpupulis, pagsasaka,
pangingisda, pagmemekaniko, pagiging security guard, kargador,
karpentero, at mga kauri nito.
• Ang ibang kasarian ay nagtatagumpay sa larangan ng pagiging may
mahalagang kontribusyon sa pelikula, fashon design, pagpapaganda
(beauty treatment and cosmetic) at teatro.
• Maraming kalakihan ang nag nu- nurse, chef, cook, at sastre at parami
naman nang parami ang babaeng pumapasok sa kapulisan at militar.
2. PAMILYA
• Ang gampanin ng asawang lalaki (husband) ay inaasahang
magsusustento sa kaniyang pamilya o magbibigay ng mga pinansiyal
na pangangailangan at proteksiyon para sa pamilya.
• Ang gampanin ng asawang babae (wife) ay ang pagpapanatili ng
kalinisan ng kanilang tahanan, paggawa ng mga gawaing-bahay, at
pangangalaga sa buong pamilya.

• Sa ngayon, hindi na ganoong kalinaw ang hatian ng gampanin sa


pamilya. May mag-asawa ngayon na parehong naghahanapbuhay.
Mayroon pa ngang mag-asawa na masasabing nagpalit ng mga
gampanin. May mga pamilya na ang mga babae na ang
naghahanapbuhay at ang mga lalaki naman ang naiiwan upang
magsinop sa tahanan at mangalaga sa pamilya. Dumarami kung
ganoon ag mga tintawag na CAREER WOMAN at HOUSE HUSBAND.
3. EDUKASYON
• Sa, edukasyon, ang karaniwang kinukuhang kurso ng kababaihan at
kalalakihan ay ang mga kursong itinuturing ng kultura na naaayon sa
kanilang kasarian. Subalit gaya sa trabho, ang gampanin sa edukasyon
ay nagbago na. Ang mga kursong dati-rati ay itinuturing na angkop
lamang sa isang kasarian ay iniaalok na rin sa mga miyembro ng ibang
kasarian. Ang pagkapiloto ay halimbawa, na dati-rati ay para lamang
sa mga lalaki, ay maaari na ring kunin ng mga babae at sino man o ano
man ang kaniyang seksuwalidad. Noong 1995 naman, nagtapos ang
unang batch ng kababaihang pumasok sa Philippine Military Academy
(PMA). Dumarami rin ngayon ang demand sa mga babaeng welder
kung kaya’t ang kursong teknikal na welding ay iniaalok na rin sa mga
babae
4. PAMAHALAAN
• Sa maraming bansa, ang nakagawiang pinipili bilang mamuno ay
puro kalakihan lamang
• Bago nahalal ang unang- babaeng presidente ng Pilipinas na sa
Corazon Aquino ay sunod sunod ang mga presidente na puro lalaki
• Subalit ngayon ay marami na ring kababaihan ang pumasok sa
mundo ng politiko, mula sa pinakamataas na posisyon na
pagkapangulo hanggan sa pagiging kapitan ng barangay.
• Ang pagkakaroon ng kababaihan sa karaatang bumoto at
kumandidato ay nagbigay sa kanila ng karapatng humatol at ang
pagkakataong makapapaglingkod sa bayan.
5. RELIHIYON
• Sa sekta ng Relihiyon, may mga bahaging ginagampanan ang
parehong kasarian. Sa Katolismo, nananatiling kalakihan lamang ang
pinapayagang mag pari at kababaihan lamang ang nagmamadre.
• Sa Iglesia ni Cristo, ang kalakihan lamang ang pinapayagang maging
ministro, ang mga babae ang pinapayagang maging diakonesa, mang-
aawit, kalihim at iba pa.
• Sa Seventh Day Adventist, Born-again Christian, at iba pang sektang
Protestante, maaring maging tagapangaral maging ang mga babae
nilang kaanib.

You might also like