You are on page 1of 37

Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-

aaral ay inaasahang:

1.naipapaliwanag ang nilalaman ng Republic Act No.


10354,
2. nasusuri ang mga kahinaan at kalakasan ng RH
Law, at
3. nakapagpapahayag ng sariling saloobin tungkol sa
RH Law.
Reproductive
Health Law

Republic Act No.


10354
Ano ang Reproductive Health?

• Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang


kalusugang pisikal, pangkaisipan, at
panlipunan na may kinalaman sa
reproductive system, paraan at
proseso nito.

• Nakapaloob dito ang karapatan ng


mga tao na magkaroon ng kaalaman
at kakayahang mamili ng nais niyang
paraan ng pagpaplano ng pamilya na
naaayon sa batas, ligtas, epektibo, at
abot-kaya.
Ano ang Reproductive Health Law?

• Ito ay isang batas na may layuning magbigyang


serbisyong pangproduktibo para sa lahat.

• ipinatutupad nito ang family planning o pagpaplano


ng pamilya, para sa mag-asawa lalo na ang walang
kakayanan sa buhay.

• Layunin nito na ipalaganap sa


buong bansa ang mga paraan ng
kontrasepsiyon, edukasyong
seksuwal, at pangangalaga sa ina.
Sinu-sino ang makikinabang sa
RH Law?

Ayon sa bagong batas, ang


mga Pilipinong kababaihan
at mga kabataan ang higit na
makikinabang sa mga
benepisyo ng RH Law, lalo na
ang mga kabilang sa sektor
ng mahihirap.
Sinu-sino ang makikinabang sa
RH Law?

Ayon sa pag-aaral ng United Nations


Population Fund, 21% lamang ng
mga kababaihan ang may sapat na
kaalaman o malayang nakakagamit
ng mga modernong pamamaraan ng
kontrasepsyon
Bakit kailangan ang RH Law?

• Kailangan ito upang siguraduhin


ang sustainable at responsableng
pagbibigay ng serbisyo at
impormasyong
pang reproduktibo sa mga
Pilipino.
Layunin ba ng RH Law na kontrolin
ang populasyon?

• Hindi. Layon ng RH Law na


magkaroon ng population
development o pagpapaunlad
ng populasyon. Ang pagkontrol
sa populasyon ay
nangangahulugan ng paggamit
ng puwersa o sapilitang
paggamit ng mga polisiyang
pampupolasyon na labag sa mga
kagustuhan ng mga tao.
Layunin ba ng RH Law na kontrolin
ang populasyon? (cont.)

• Layunin ng population development na


tulungan ang mga mag-asawa na maabot ang
nais nilang laki ng pamilya habang isinaalang-
alang ang kalusugan ng ina at anak.

• Pinipigilan din nito ang maagang pagbubuntis


ng kabataan at bigyan ng kakayahan ang
pamahalaan na maabot ang isang balanseng
distribusyon ng populasyon.
Isinusulong ba ng RH Law ang pre-marital sex?

Hindi. Ayon sa pag-aaral ng United


Nations Programme on HIV/AIDS
(UNAIDS), ang kabataang naturuan
ukol sa kanilang seksuwalidad ay
nagiging maingat sa mga bagay na
may kinalaman sa pakikipagtalik
ayon sa isang pag-aaral.
Layunin ba ng RH Law na isa-legal ang
aborsyon?

• Hindi. Malinaw na isinasaad ng RH Law


ang pagiging labag sa batas ang
aborsyon.

• Layunin lamang nito na tiyakin na ang


mga kababaihang mangangailangan ng
kalinga para sa komplikasyon na may
kinalaman sa aborsyon ay tratuhing
makatao at hindi mapanghusga.
Layunin ba ng RH Law ang paggamit ng
kontraseptibo para sa aborsyon?

• Ang kontraseptibo ay naglalayong maiwasan ang kaso


ng aborsyon na dulot ng hindi planadong
pagbubuntis.

• Lahat ng kontraseptibo ay magiging epektibo kung


gagamitin ng maayos.

• Kinakailangan na mamili ang mag-asawa ng


pamamaraang angkop at ligtas sa kanilang kalusugan
batay sa kanilang nais na bilang ng anak.
ANU-ANO ANG MGA BENEPISYO NG RH
LAW?
Malaki ang magiging papel ng
batas na ito sa reproductive health
ng mga ina, kabataan at sa pagbuo
ng mga pamilya. Narito ang ilan sa
mga benepisyong hatid ng
Reproductive Health Law sa bawat
pamilyang Pilipino.
1. Mas madaling pagpapaabot ng moderno at ligtas
na kontrasepsyon sa lahat, lalo na sa mahihirap

Sa pamamagitan ng batas na RH Law, mas madaling


maaabot ng mga pamilyang Pilipino ang mga
pamamaraang makatutulong sa pagkontrol ng
panganganak. Ang mga gamot na iniinom (birth control
pills), konsultasyon ukol sa reproductive health, at ilan
pang komplikadong pamamaraan gaya ng pagkakabit ng
IUD ay dadalhin sa mga barangay health center upang
mas mapalapit sa mga pamilya. Ang mga serbisyong ito
ay tinitiyak na makukuha sa mas murang halaga at abot-
kaya ng lahat kahit pa ang mga pamilyang hirap sa
buhay.
2. Pababain ang bilang ng mga kaso ng aborsyon.

Dahil sa kakulangan ng kaalaman tungkol sa


reproductive health, marami ang nakakaranas ng
hindi inaasahang pagbubuntis. At dahil dito,
marami ang humahantong sa desiyon ng
aborsyon o pagpapalaglag ng bata. Layunin ng RH
Law na pababain ang mga kaso ng hindi
inaasahang pagbubuntis, gayundin ang mga kaso
ng aborsyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng
karagdagang kaalaman at mas madaling
pagpapaabot ng ligtas at modernong
kontrasepsyon.
3. Pagpapaigting ng suporta sa mga kumadrona, nars at
doktor na mangangalaga sa kalusugan pamilya.

Dadagdagan ang suporta sa mga taong


kumakalinga sa reproductive health ng
bawat pamilya. Dadalhin din ang kanilang
mga serbisyo sa mga barangay health center
upang mas mapalapit sa mga pamayanan at
siyempre pa, ay abot-kaya ng mga mahihirap
na pamilya.
4. Pangangalaga sa kalusugan at buhay ng
mga ina.
Higit ding binibigyang importansya ang
kalusugan ng mga ina sa batas na ito.
Layunin ng batas na mapababa ang mga kaso
ng komplikasyon ng pagbubuntis at
kamatayan na dahil sa pagbubuntis o
panganganak na maaari naman sanang
maagapan. Matutulungan at mabibigyan ng
tamang kalinga ang mga ina mula sa kanilang
pagbubuntis hanggang sa sila ay manganak.
5. Pagligtas sa buhay ng mga sanggol.

Hatid din ng batas ang kaligtasan at


pagkalinga sa kalusugan ng mga sanggol.
Tumataas ang bilang ng pagkamatay ng mga
sanggol (mortality rate) dahil sa maling
pagpaplano ng mga mga magulang sa
pagbuo ng mga anak. Tutulungan ng batas na
ito na magabayan ang mga mag-asawa sa
tamang pagpaplano ng pag-aanak nang sa
gayon ay mabigyan sila ng mas maayos na
kinabukasan.
6. Kabawasan sa mga kaso ng mga STD.

Tutulungan din ng batas na ito na mapababa


ang mga bilis ng pagkalat ng mga sakit na
nakukuha sa pakikipagtalik. Ang mga sakit
gaya ng HIV/AIDS, genital warts, tulo, at iba
pa, na mataas sa mga mahihirap at mga
kabataan, ay maaaring maiwasan kung
mabibigyang linaw ang kaalaman tungkol sa
ligtas na pakikipagtalik na mas madali
naman maipapahatid ng batas na RH Law.
7. Paggabay sa mga nagnanais ng mas
maliit na pamilya.
Ayon sa mga pag-aaral, mas marami na ngayon
ang nagnanais ng mas maliit na pamilya (2
hanggang 3 anak lamang) ngunti marami ang hirap
na makamit ang pagnanais na ito dahil pa rin sa
kakulangan ng sapat na suporta sa reproductive
health ng mga pamilya. Ang problemang ito ay
higit na mataas sa mga pamilyang kabilang sa
sektor ng mahihirap na lalo pang naghihirap.
Upang maiwasan ang ganitong mga kaso,
binibigyan ng RH Law ng sapat na gabay ang mga
nagnanais ng mas maliit na pamilya.
8. Tiyak at mas malawak na kaalaman tungkol
sa Sex Education para sa mga kabataan.
Maraming kabataan ang maaagang nakabubuo ng
pamilya o nagkakaanak ng wala pa sa hustong edad dahil
pa rin sa kakulangan ng tamang kalinangan sa
reproductive health. At bunga nito, marami ang
nasisirang plano, pangarap, kinabukasan, at karera sa
buhay. Marami rin ang kaso ng mga kababaihang
nanganganib ang buhay dahil sa maagang pagbubuntis.
Ang mga kasong ito ay tiyak na mapapababa kung
mabibigyan lamang ng tama at sapat na kaalaman ang
mga kabataan ukol sa sex education. Ito rin naman
ginagarantiya ng batas na RH Law.
TAMA O MALI
1. ANG RH LAW AY
PINIRMAHAN AT NAGING
BATAS NI PANGULONG
NOYNOY AQUINO NOONG
TAONG 2012.
TAMA O MALI
2. ISINUSULONG NG RH
LAW ANG ABORSYON SA
BANSA.
TAMA O MALI
3. LAYUNIN NG RH LAW NA
MABAWASAN ANG
INSIDENTE NG TEENAGE
PREGNANCY SA BANSA.
TAMA O MALI
4. SA PAMAMAGITAN NG
RH LAW MABABAWASAN
ANG MGA KASO NG STD
SA BANSA
TAMA O MALI
5. IPINAGBIBILI SA MGA
HEALTH CENTER ANG MGA
GAMOT KONTRASEPSYON
SA MGA HEALTH CENTER
AYON SA RH LAW
Ako ay sumasang-ayon/di sumasang-
ayon sa RH Law dahil .

You might also like