You are on page 1of 14

Aralin 12:

Reproductive Health
Law
Sa araling ito, inaasahang
magagawa mo ang sumusunod;
Una: maipaliliwanag ang
mahahalagang probisyon ng
Reproductive Health Law; at
Pangalawa: maipahahayag ang sariling
saloobin tungkol sa reproductive Health
Law


Ang Reproductive Health Law
ay isinabatas noong taong
2012. Mula noon hanggang
ngayon, patuloy ito sa
pagiging isang malaking isyu.
Alam mo ba kung bakit?
Ano nga ba ang Reproductive
Health Law?
 Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang kalusugang
pisikal, pangkaisipan, at panlipunan na may
kinalaman sa reproductive system, paraan at
proseso nito.
 • Nakapaloob dito ang karapatan ng mga tao na
magkaroon ng kaalaman at kakayahang mamili ng
nais niyang paraan ng pagpaplano ng pamilya na
naaayon sa batas, ligtas, epektibo, at abot-kaya.
Ano nga ba ang Reproductive
Health Law?
 Ito ay isang batas na may layuning magbigay ng
serbisyong pangproduktibo para sa lahat.
 • ipinatutupad nito ang family planning o
pagpaplano ng pamilya, para sa mag-asawa lalo
na ang walang kakayanan sa buhay.
 • Layunin nito na ipalaganap sa buong bansa ang
mga paraan ng kontrasepsiyon, edukasyong
seksuwal, at pangangalaga sa ina.
Sinu-sino ang makikinabang sa RH
Law?
Bakit kailangan ang RH Law?
•Kailangan ito upang siguraduhin ang
sustainable at responsableng
pagbibigay ng serbisyo at
impormasyong pang reproduktibo sa
mga Pilipino.
Layunin ba ng RH Law na kontrolin ang
populasyon?
Layunin ba ng RH Law na kontrolin ang
populasyon?
• Layunin ng population development na
tulungan ang mga mag-asawa na maabot ang
nais nilang laki ng pamilya habang
isinaalangalang ang kalusugan ng ina at anak.
 • Pinipigilan din nito ang maagang pagbubuntis
ng kabataan at bigyan ng kakayahan ang
pamahalaan na maabot ang isang balanseng
distribusyon ng populasyon.
Isinusulong ba ng RH Law ang pre-marital
sex?
Hindi.Ayon sa pag-aaral ng United
Nations Programme on HIV/AIDS
(UNAIDS), ang kabataang naturuan ukol
sa kanilang seksuwalidad ay nagiging
maingat sa mga bagay na may
kinalaman sa pakikipagtalik ayon sa
isang pag-aaral.
Layunin ba ng RH Law na isa-legal ang
aborsyon?
Hindi.Malinaw na isinasaad ng RH Law ang
pagiging labag sa batas ang aborsyon. •
Layunin lamang nito na tiyakin na ang mga
kababaihang mangangailangan ng kalinga
para sa komplikasyon na may kinalaman sa
aborsyon ay tratuhing makatao at hindi
mapanghusga.
Layunin ba ng RH Law ang paggamit ng
kontraseptibo para sa aborsyon?
 Ang kontraseptibo ay naglalayong maiwasan ang
kaso ng aborsyon na dulot ng hindi planadong
pagbubuntis.
 • Lahat ng kontraseptibo ay magiging epektibo
kung gagamitin ng maayos.
 • Kinakailangan na mamili ang mag-asawa ng
pamamaraang angkop at ligtas sa kanilang
kalusugan batay sa kanilang nais na bilang ng
anak.
Ako ay sumasang-ayon/di
sumasangayon sa RH Law
dahil _________ .

You might also like