You are on page 1of 17

10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Bill of Rights, Karapatan ng mga
Bata, Karapatang Pagkatao at ang
Pagkamamamayan

Kagawaran ng Edukasyon  Republika ng Pilipinas


Aralin 1 Bill of Rights

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Ito ay listahan ng mga pinagsama-samang kaapatan ng bawat tao mula


sa dating Konstitusyon at karagdagang karapatan n gmga indibidwal.
A. Bill of Rights C. Cyrus Cylinder I ng England
B. Petition of Rights D. Universal Declaration of Human Rights
2. Batay sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987, Artikulo III sa
anong seksyon nakapaloob ang karapatang hindi dapat alisan ng
buhay o ari-arian ang isang mamamayan nang hindi kaparaanan ng batas?
A. Seksyon 1 B. Seksyon 2 C. Seksyon 3 D. Seksyon 4
3. Ang sumusunod ay mga karapatan na nakapaloob sa Sekyon 2,
maliban sa isa.
A. Karapatan sa pagkakaroon ng kapanatagan sa
pamamamahay
B. Karapatan sa pagkakaroon ng kapanatagan sa
papeles
C. Karapatan sa pagkakaroon ng kapanatagan sa
sarili
D. Pagkakaroon ng karapatan na hindi dapat labagin ang
pagiging lihim ng komunikasyon
4. Bawat mamamayan ay mayroong karapatan sa kalayaan sa pananalita,
pagpapahayag, o ng pamamahayag, ito ay nakapaloob sa anong
Sekyong ng Bill of Rights?
A. Seksyon 1 B. Seksyon 2 C. Seksyon 3 D. Seksyon 4
5. Karapatan ng bawat isa na hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang
criminal nang hindi sa kaparaanan ng batas. Ito ay nakapaloob sa
anong seksyon?
A. Seksyon 5 B. Seksyon 6 C. Seksyon 7 D. Seksyon 8
6. Si Juan bilang isang akusado ay nanatiling tahimik at hindi tumestigo
laban sa kanyang sarili. Ito ay kanyang karapatan na nakapaloob sa
anong seksyon?
A. Seksyon 15 B. Seksyon 16 C. Seksyon 17 D. Seksyon 18
7. Anong seksyon ang nagsasaad na hindi dapat detenihin ang sino mang
tao dahil lamang sa kanyang paniniwala at hangaring pampulitika?
A. Seksyon 15 B. Seksyon 16 C. Seksyon 17 D.Seksyon 18
8. Ang karapatang magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili,
pamamahay at papeles ay nakapaloob sa anong seksyon?
A. Seksyon 1 B. Seksyon 2 C. Seksyon 3 D. Seksyon 4

2
9. Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit panrelihiyon sa
pagsasagamit ng mga karapatang sibil o pampulitika, ay
karapatang makikita sa anong seksyon ng Bill of Rights?
A. Seksyon 3 B. Seksyon 4 C. Seksyon D. Seksyon 6
10. Ang sumusunod na karapatang pantao ay nakapaloob sa
Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 na makikita rin sa
anong artikulo?
A. Artikulo I B. Artikulo II C. Artikulo III D. Artikulo IV

Balikan

Sa pagsisimula ng talakayan sa mga paksa sa modyul na ito seguradong ikaw ay


masisisyahan at malilinawan sa mga katanungan na tumatakbo sa iyong isipan. Dahil sa
modyul na ito mas makikilala mo ang iyong sarili bilang isang mamamayan. Kaya ihanda
ang sarili upang masagot ang iyong sarili sa mga katanungang- “ano- ano ang aking mga
karapatan”? “paano ko mapangangalagaan ang aking mga karapatan?
Panuto: Isulat sa isang-kapat na papel ang mga karapatang pantao na
iyong alam at ipaliwanag ang kahalagahan nito sa iyo bilang
isang tao.
Bill of Rights
Ang pagkamamayan ay hindi lamang nangangahulugan bilang kasapi ng isang
estado o lipunan, bagaman ito ay mayroong kaakibat na mga karapatan na dapat makamtan
at mapangalagaan. Halimbawa na lamang ng mga isyung panlipunan na napapanahon o
mga isyung pangkasalukuyan. Sa kasalukuyan, ating makikita sa mga balita at pahayagan
ang lantarang paglabag sa mga karapatang pantao, nandiyan ang walang habas na
pagpatay, panggagahasa at pati narin diskriminasyon. Ating alalahanin na kaya nating
gumawa ng mga hakbang na ikabubuti ng lahat kahit na tayo ay walang posisyon o
kapangyarihan sa pamahalaan sapagkat bilang miyembro ng isang estado nasa ating
kamay rin ang susi upang ating makamit ang isang mapayapa at matiwasay na bansa at
pamumuhay tungo sa magandang pananaw ng kaispan ng Bill of Rights.

Tuklasin

.
Kaisa ang pamahalaan ng Pilipinas sa maraming bansang nagbigay ng
maigting na pagpapahalaga sa dignidad at mga karapatan ng tao sa iba’t ibang
panig ng daigdig. Ayon sa Seksyon 11 ng Artikulo II ng Konstitusyon ng Republika
ng Pilipinas, 1987 ay pinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at
ginagarantiyahan ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao. Binigyang-
diin ng Estado ang pahayag na ito sa Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights)
na nakapaloob sa Seksyon 1 - 22 ng Artikulo III.
Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating
bansa ay listahan ng mga pinagsama-samang karapatan ng bawat tao mula sa
dating

3
konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga indibiduwal na nakapaloob sa
Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19.
Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 Artikulo III
SEKSYON 1. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ariarian ang sino mang tao
nang hindi sa kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na
pangangalaga ng batas.
SEK. 2. Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa
kanilang sarili, pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi
makatwirang paghahaluglog at pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat
labagin, at hindi dapat maglagda ng warrant sa paghalughog o warrant sa pagdakip
maliban kung may malinaw na dahilan na personal na pagpapasyahan ng hukom
matapos masitasat ang mayhabla at ang mga testigong maihaharap niya sa ilalim ng
panunumpa o patotoo, at tiyaking tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at ang mga
taong darakpin o mga bagay na sasamsamin.
SEK. 3. (1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at
korespondensya maliban sa legal n autos ng hukuman, o kapag hinihingi ang naiiba
ng kaligtasan o kaayusan ng bayan ayon sa itinatakda ng batas.
(2) Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa alin mang hakbangin sa
paglilitis ang ano mang ebidensya na nakuha nang labag dito sa sinusundang
seksyon.
SEK. 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa
pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan
na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang
kanilang mga karaingan.
SEK. 5. Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o
nagbabawal sa malayang pagsasa-gamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman
ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng pagpapahayag ng relihiyon at
pagsamba nang walang pagtatangi o pamimili. Hindi dapat kailanganin ang
pagsusulit panrelihiyon sa pagsasagamit ng mga karapatang sibil o pampulitika.
SEK. 6. Hindi dapat bawahan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng
tirahan sa saklaw ng mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal n
autos ng hukuman. Ni hindi dapat bawahan ang karapatan sa paglalakbay maliban
kung para sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa, kaligtasang pambayan, o
kalusugang pambayan ayon sa maaaring itadhana ng batas.
SEK. 7. Dapat kilalanin ang karapatan ng mga taong-bayan na mapagpabatiran
hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa tanan. Ang kaalaman sa mga
opisyal na record, at sa mga dokumento at papeles tugkol sa mga opisyal na
Gawain, transaksyon, o pasya, gayon din sa mga datos sa pananaliksik ng
pamahalaan na pinagbabatayan ng patakaran sa pagpapaunlad ay dapat ibigay sa
mamamayan sa ilalim ng mga katakdaang maaaring itadhana ng batas.
SEK. 8. Hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga taong-bayan kabilang ang
mga 380
SEK. 14. (1) Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang criminal ang sino mang tao
nang hindi sa kaparaanan ng batas.
(2) Sa lahat ng mga pag-uusig criminal, ang nasasakdal ay dapat ituring na walang
sala hangga’t hindi napapatunayan ang naiiba, at dapat magtamasa ng karapatang
magmatwid sa pamamagitan ng sarili at ng abogado, mapatalastasan ng uri at
dahilan ng sakdal laban sa kanya, magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan, at
hayagang
paglilitis, makaharap ang mga testigo at magkaroon ng sapilitang kaparaanan upang
matiyak ang pagharap ng mga testigo at paglitaw ng ebidensya para sa kanyang
kapakanan. Gayon man, matapos mabasa ang sakdal, maaaring ituloy ang paglilitis
kahit wala ang nasasakdal sa pasubaling marapat na napatalastasan siya at di
makatwiran ang kanyang kabiguang humarap.
SEK. 15. Hindi dapat suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus maliban
kung may pananalakay o paghihimagsik, kapag kinakailangan ng kaligtasang
pambayan.
SEK. 16. Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaliang
paglutas ng kanilang mga usapin sa lahat ng mga kalupunang panghukuman,
malapanghukuman, o pampangasiwaan.
SEK. 17. Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili.
SEK. 18. (1) Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa kanyang
paniniwala at hangaring pampulitika.
(2) Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod, maliban kung
ang kaparusahang pataw ng hatol ng pagkakasala.
SEK. 19. (1) Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang malupit, imbi o
di- makataong parusa, o ang parusang kamatayan, matangi kung magtadhana ang
Kongreso ng parusang kamatayan sa mga kadahilanang bunsod ng mga buktot na
krimen. Dapat ibaba sa reclusion perpetua ang naipataw nang parusang kamatayan.
Sanggunian: Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987
mantayan ng iskor)

Pagyamanin

Panuto: Balikan ang mga sekyon na tinalakay. Ibigay ang hinihingi sa


bawat sekyon. Gumamit ng isang buong papel sa pagsagot nito. Sundin ang
pormat sa ibaba.

Seksyon Mga Nakapaloob na


katipunan ng
Karapatang Pantao
1. Seksyon 1

2. Seksyon 2

3. Seksyon 3

4. Seksyon 4
5. Seksyon 5

Isaisip

Panuto: Pumili ng isang seksyong natalakay at ipaliwanag


kung paano nito nababago ang iyong pananaw sa
pagtatanggol sa mga karapatang pantao at ang
pagbibigay respeto at galang sa kapwa. Isulat ang iyong sagot
sa kahong nakalaan sa ibaba.

(Ang guro ay gagawa ng rubrics bilang pamantayan ng iskor)


Aralin Mga Karapatan ng Bata
2

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa mga karapatan ng mga bata sa mga karapatang pantao ng


indibidwal na may gulang 17 at pababa.
A. Childre’s Act B. Childre’s Rights
B. Petition of Childre’s Rights D. Universal Declaration of Human Rights
2. Sa anong artikulo ng UNCRC nakapaloob ang pagbibigay-diin sa
pagkakapantay-pantay ng bawat bata anuman ang kaniyang lahi, kultura,
relihiyon, kakayahan, o kalagayan sa buhay?
A. Artikulo 1 B. Artikulo 2 C. Artikulo 3 D. Artikulo 4
3.Anong artikulo ang nagtatakda sa pamahalaan ng tungkulin nito na tiyakin ang
paggalang, pangangalaga, at pagpapatupad ng mga karapatan ng mga bata?
A. Artikulo 1 B. Artikulo 2 C. Artikulo D. Artikulo 4
4. Nakapaloob sa artikulong ito ang paggalang ng pamahalaan sa karapatan at
tungkulin ng pamilya sa paggabay sa mga bata.
A. Artikulo 2 B. Artikulo C. Artikulo 4 D.Artikulo 5
5. Ang sumusunod ay mga karapatan ng bata na inilahad sa artikulo 6
hanggang 40 maliban sa isa.
A. Karapatan sa edukasyon
B. Karapatang magpahayag ng kanilang saloobin
C. Karapatang proteksyonan laban sa pang-aabuso
D. Karapatang pumili ng magulang
6. Sa anong artikulo nakapaloob ang pangunahing pagbibigay pansin sa nararapat
na kalagayan at kapakanan ng mga bata sa pagtakda ng mga batas at
polisiyang makaaapekto sa kanila?
A. Artikulo 1 B. Artikulo 2 C. Artikulo 3 D. Artikulo 4
7. Sa anong artikulo nakalahad ang pagpapakahulugan sa salitang bata?
A. Artikulo 1 B. Artikulo 2 C.Artikulo 3 D. Artikulo 4
8.Ang sumusunod ay mga pang-aabuso na nararanasan ng mga bata
maliban sa isa.
A. Pagtatapos ng pag-aaral B. Pang-aabusong mental
B. Pang-aabusong pisikal D. Pang-aabusong sekswal
9. Si Maria ay lumaking matibay at malusog ang pangangatawan. Ito
ay naaayon sa anong karapatan ng isang bata?
A. Karapatan sa edukasyon
B. Karapatang sa mabuting pangangalagang pangkalusugan
C. Karapatang proteksyonan laban sa pang-aabuso
D. Karapatang pumiling magulang
7
10. Si Mario at kanyang mga kapatid ay maswerte sapagkat sila ay nakakakain
ng tatlong beses sa isang araw. Ito ay naaayon sa anong karapatan?
A. Karapatan sa edukasyon
B. Karapatang magpahayag ng kanilang saloobin
C. Karapatang proteksyonan laban sa pang-aabuso
D. Karapatang sa standard of living

Balikan

Panuto: Bago natin sisimulan ang bagong paksa sa araw na ito ay balikan
muna natin ang naging paksa hinggil sa Bill of Rights. Isulat ang
iyong ideya sa isang-kapat na papel.

Tuklasin
Karapatan ng Bata
Nakatuon din ang maraming pamahalaan sa iba’t ibang panig ng daigdig at maging
ang mga Non-Government Organizations (NGOs) para sa maigting na pagbuo at
pagpapatupad ng mga hakbang upang mapangalagaan ang mga karapatan ng mga bata.
Ayon sa United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC), tumutukoy
ang children’s rights o mga karapatan ng mga bata sa mga karapatang pantao ng mga
indibiduwal na may gulang na 17 at pababa, maliban sa mga bansang may sariling batas sa
pagtukoy ng “legal age” ng mamamayan nito. Ang mga karapatang ito ay kailangan ng mga
bata upang magkaroon ng mabuti at ligtas na buhay, at mahubog ang kanilang kakayahan
upang magtagumpay sa buhay at maging yaman ng bansa sa hinaharap. Dagdag pa rito,
bawat bata, anuman ang kasarian at katayuan sa buhay ay nararapat na taglay ang mga
karapatang ito.

Nasa talahanayan ang buod ng mga


karapatan ng mga bata batay sa
UNCRC.

Artikulo 1 Paglalahad sa kahulugan ng bata

Artikulo 2 Pagbibigay-diin sa pagkakapantay-


pantay ng bawat bata anuman ang
kaniyang lahi, kultura, relihiyon,
kakayahan, o kalagayan sa buhay
Artikulo 3 Pangunahing pagbibigay ng pansin sa
nararapat na kalagayan at kapakanan
ng mga bata sa pagtakda
ng mga batas at polisiyang
makaaapekto sa kanila
Artikulo 4 Pagtatakda sa pamahalaan ng
tungkulin nito na tiyakin ang paggalang,
pangangalaga, at pagpapatupad ng
mga karapatan ng mga bata
8
Artikulo 5 Paggalang ng pamahalaan sa mga
karapatan at tungkulin ng mga pamilya
na turuan at gabayan ang kanilang mga
anak na matutuhan ang wastong
pagganap sa kanilang mga karapatan
Ang sumusunod na mga karapatan ng mga bata ay inilahad sa Artikulo 6 hanggang 40
Magkaroon ng ligtas at malusog na buhay, at legal at rehistradong pangalan, nasyonalidad,
manirahan at maalagaan ng kanilang magulang.
 Magkaroon ng karapatang magpahayag ng kanilang
saloobin at magkaroon ng tinig sa mga pagpapasyang
makaaapekto sa kanilang buhay.
 Magkaroon ng karapatan sa pag-alam ng impormasyong
makabubuti sa kanilang kalusugan at pagkatao, kalayaan
sa pag-iisip, pananampalataya, pribadong pamumuhay, at
paglahok sa mga organisasyon.
 Magkaroon ng proteksiyon laban sa lahat ng pang-
aabusong pisikal, seksuwal, at mental. Gayundin ang child
labor, drug abuse, kidnapping, sale, at trafficking.
 Magkaroon ng espesyal na karapatan sa pangangalaga
sa mga ampon, refugee, biktima ng digmaan o kaguluhan,
may mga kapansanan, at naakusahan ng paglabag sa
batas.
 Magkaroon ng mabuting pangangalagang pangkalusugan,
standard of living, edukasyon, libangan at paglalaro.

Panuto: Batay sa paksang tinalakay, pumili ng isang artikulo at ipaliwanag


ang iyong naintindihan dito. Isulat sa kahon sa ang iyong sagot.
(Ang guro ay gagawa ay gagawa ng rubrics bilang pamantayan ng iskor)

9
Suriin

Hindi na nabago sa atin ang makabasa sa pahayagan at makarinig sa radyo ng mga


balita tungkol sa mga pang-aabuso sa mga kabataan. Kung saan ang mga bata ay
binubugbog at inaabandona ng kanilang sariling mga magulang. Mayroon ding mga bata na
nanlilimos sa lansangan para lamang mayroong makain at mapunan ang gutom na iniinda.
Ang paksang tinalakay ay tungkol sa mga karapatan ng bata. Sapagkat, bilang isang tao at
kabilang sa estado ang karapatan din nila na magkaroon ng maganda at maayos na
pamumuhay.
Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ay ang isa lamang sa mga tugon upang
makamit ng bawat bata ang karapatang kanilang ninanais. Higit sa lahat, ang mga batas at
karapatan na natalakay ay siyang maaring makatulong sa mga kabataan na naaabuso
upang maipatanggol ang kanilang sarili at makamit ang hustisya na kanilang ninanais.

Pagyamanin
Panuto: Pumili ng isang halimbawa ng karapatan ng bata mula sa tinalakay
na paksa at ipaliwanag ang iyong ideya hinggil dito at ang kahalagahan nito sa isang
bata. (Ang guro ay gagawa ng rubrics bilang pamantayan ng iskor)

10
Isaisip

Panuto: Kompletuhin ang talahanayan na nasa ibaba sa pamamagitan


ng paglagay ng mga tamang detalye sa bawat kahon.

Artikulo Karapatang nakapaloob

Artikulo 1

Artikulo 2

Artikulo 3

Artikulo 4

Artikulo 5
Aralin Ang mga Karapatang Pantao at
3 ang Pagkamamamayan

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang kaakibat ng pagiging mamamayan ng isang indibidwal?
A. Kalayaan B. Kakayahan C. Karangalan D. Karapatan
2. Anong antas ng kamalayan nakapaloob ang kawalan ng pagkilos at
interes?
A. Antas 1 B. Antas 2 C. Antas 3 D. Antas 4
3. Ang limitadong pagkukusa ay makikita sa anong antas ng kamalayan sa pag-
unawa?
A. Antas 1 B. Antas 2 C. Antas D. Antas 4
4. Ito ang antas kung saan mayroong kamalayan, aktibo, at malayang
pagtatanggol sa mga karapatang pantao sa pamamagitan ng matatag at
sama-samang pagsisikap.
A. Antas B. Antas 2 C. Antas 3 D. Antas 4
5. Ano ang nakapaloob sa unang antas ng kamalayan sa pag-unawa?
A. Kawalan ng pagkilos at interes B. Limitadong Pagkukusa
B. Militance, Pagsasarili, at Pagkukusa C. Pagpapaubaya at Pagkakaila
6. Sino ang nagpahayag na maliban sa pagiging malaya, pinalalawak pa ng iba
pang nakapaloob na karapatang pantao ang perspektibo ng tao na maging
aktibong mamamayan?
A. Alex Lacson B. Eleanor Roosevelt C. M.S. Diokno D. Randy David
7. Ang mga karapatan ng mamamayang Pilipino ay nakasaad sa anong
Saligang-batas ng Pilipinas?
A. Saligang-batas ng 1984 B. Saligang-batas ng 1985
B. Saligang-batas ng 1986 C. Saligang-batas ng 1987
8. Ang sumusunod ay mga tungkulin ng pamahalaan sa mga mamamayan
bilang pagkilala sa karapatang pantao maliban sa isa.
A. Ipagkaloob ang paggalang sa bawat indibiduwal
B. Magbigay ng pagkain
C. Pagsagawa ng mga positibong aksiyon
D. Proteksiyon laban sa pang-aabuso ng mga karapatan
9. Saan nakabatay ang antas ng kamalayan sa pag-unawa?
A. Facilitator’s Manual on Human Rights Education
B. Magna Carta
C. Petition of Rights
D. Universal Declaration of Human Rights
10. Ang sumusunod ay mga karapatan na dapat itaguyod ng pamahalaan para
sa mga mamamayan maliban sa isa.
A. Karapatang ekonomiko B. Karapatang legal
B. Karapatang politikal D. Karapatang sibil
Tuklasin

Kaakibat ng pagkamamamayan ang mga taglay nitong karapatang pantao. Inilahad


sa Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas ang mahahalagang karapatang sibil, politikal,
ekonomiko, sosyal, at kultural na nararapat na itaguyod ng pamahalaan para sa
mamamayan nito. Ang katipunan ng mga karapatang ito ay nagsisilbing pundasyon ng
estado sa paggawa ng mga batas at polisiya upang palakasin at mapangalagaan ang
pagkamamamayan ng mga Pilipino.
Sa pagkilala ng pamahalaan ng mga karapatang pantao ng mamamayan, naging
tungkulin nito na ipagkaloob ang paggalang sa bawat indibiduwal, proteksiyon laban sa
pang-aabuso ng mga karapatang ito, at pagsagawa ng mga positibong aksiyon upang lubos
na matamasa ng mamamayan ang ginhawang dulot ng mga karapatang pantaong ito.
Ang mamamayan ay may iba’t ibang antas ng kamalayan sa pag-unawa at
pagsasakatuparan ng kanilang mga karapatang pantao. Makikita ang mga antas na ito sa
sumusunod na talahanayan batay sa Facilitator’s Manual on Human Rights Education
(2003).
Antas 1 – Pagpapaubaya at Pagkakaila – walang pasubaling pagpapaubaya sa mga
paglabag ng karapatang pantao
Antas 2 – Kawalan ng pagkilos at interes – may limitadong kaalaman tungkol sa mga
karapatang pantao ngunit may pagtanggi o kawalan ng interes na igiit ang mga karapatang
ito dahil sa takot, panganib, o kakulangan sa pag-unawa ng mga kondisyong panlipunan,
ekonomiko, at politikal ng bansa
Antas 3 – Limitadong Pagkukusa – kakikitaan ng pagtaguyod ng karapatang pantao,
paghanap ng mga solusyong gamit ang karaniwang pamamaraan tulad ng paglalahad ng
reklamo.
Antas 4 – Militance, Pagsasarili, at Pagkukusa – may kamalayan, aktibo, at malayang
pagtatanggol sa mga karapatang pantao sa pamamagitan ng matatag at sama- samang
pagsisikap
Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao ng mamamayan ay hindi
dapat nagwawakas o tumitigil sa pagtukoy lamang ng mga karapatang ito. Tungkulin din ng
mamamayan na isa-alang-alang at isakatuparan ang mga ito upang maging aktibo ang
mamamayan at matutong makiisa at makialam sa mga nangyayari sa kanilang lipunan.
Ayon kay M.S. Diokno (1997), maliban sa pagiging malaya, pinalalawak pa ng iba pang
nakapaloob na karapatang pantao ang perspektiba ng tao na maging aktibong mamamayan.
Hindi lamang mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao kundi
ang aktuwal na paggiit at pagsasakatuparan ng mga karapatang ito ang nararapat na
mangibabaw. Ito ang tunay na pagpapakita ng pakikilahok ng tao bilang mamamayan ng
isang bansa.
Sa kasalukuyan, nahaharap ang mamamayang Pilipino sa samu’t saring suliranin at
isyung panlipunan. Batay sa mga paksang iyong tinalakay sa mga nakaraang modyul,
ipinakita ang seryosong kalagayan ng mamamayan na tunay na nakaaapekto sa
pagkakaroon ng mas mabuti at matiwasay na pamumuhay.
Bilang mga aktibong mamamayang mulat sa mga nangyayari sa kanilang paligid,
tungkulin nating tugunan ang mga ito para sa kapakanan ng lahat, at ang paggiit ng mga
karapatang pantao ay isang p araan nito.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
isang kapat na papel.
(Ang guro ay gagawa ng rubrics bilang pamantayan ng iskor)
1. Ano ang tungkulin ng pamahalaan sa pagkilala nito ng mga
karapatang pantao ng mamamayan?

2. Magbigay ng isang patunay na ginagampanan ng pamahalaan ang tungkulin nito sa


pagkilala ng mga karapatang pantao ng mamamayan.

Suriin

Bilang isang mamamayan at kabilang sa isang estado, kaakibat na nito ang mga
karapatan na dapat taglayin ng bawat isa. Ang mga karapatan na ito ay pinangangalagaan
ng pamahalaan bilang patunay na kanilang ginagawa ang kanilang tungkulin.
Sa pagkilala ng pamahalaan ng mga karapatang pantao ng mamamayan, naging
tungkulin nito na ipagkaloob ang paggalang sa bawat indibiduwal, proteksiyon laban sa
pang-aabuso ng mga karapatang ito, at pagsagawa ng mga positibong aksiyon upang lubos
na matamasa ng mamamayan ang ginhawang dulot ng mga karapatang pantaong ito.

Pagyamanin

Panuto: Pumili ng isang antas ng kamalayan ng mamamayan sa kanyang


mga karapatan at ipaliwanag ito ayon sa iyong natutunan. Isulat ang iyong sa kahon
sa ibaba. (Ang guro ay gagawa ng rubrics bilang pamantayan ng iskor)
Isaisip

Panuto: Bigyang pagpapaliwanag ang mga sumusunod na tanong.


Gumamit ng isang-kalahating papel sa pagsagot nito.
(Ang guro ay gagawa ng rubrics bilang pamantayan ng iskor)

1. Sa mga antas ng kamalayan sa pag-unawa at pagsasakatuparan


ng karapatang pantaong mga mamamayan, alin ang pinaka-mahalaga
sa mga ito? Bakit?
2. Ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang aktibong mamamayang
mulat sa mga taglay niyang karapatan?

Isagawa

Panuto: Kompletuhin ang diyagram sa pamamagitan ng pagbigay ng mga


detalying hinihingi sa talahayanan. Isulat ang sagot sa isang buong
papel at sundin ang pormat sa pagsagot.

Antas Nakapaloob na kamalayan


1.

2.

3.

4.
SUSI SA PAGWAWASTO

ARALIN 1 ARALIN 2 ARALIN 3


SUBUKIN SUBUKIN SUBUKIN
1. A 6. C 1. B 6. C 1. D 6. C
2. A 7. D 2. B 7. A 2. B 7. D
3. D 8. B 3. D 8. A 3. C 8. B
4. D 9. C 4. D 9. B 4. D 9. A
5. D 10. 5. D 10.D 5. D 10. B

Sanggunian:

Araling Panlipunan 10 Teacher’s guide


Araling Panlipunan 10 Learner’s guide
Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas
UNICEF (United Nations International Children's Emergency Fund). (2014).
UNICEF. Retrieved March 26, 2014, from Rights Overview:
http://www.unicef.org/crc/files/Rights_overview.pdf
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor,

Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054;

8631-4985
Email Address: *

You might also like