You are on page 1of 34

WIZLY VON L.

TANDUYAN
TEACHER
Panuntunan

1. Maghanap ng tahimik na lugar para manood ng iyong


video lesson.

2. Dapat pokus ka sa iyong pakikinig.

3. Gawin ang pinapagawa ng iyong guro.

4. Humingi ng tulong sa magulang o nakakatandang


kapatid kung nahihirapan.

5. Maging positibo sa pagsagot sa mga gawain.


Quote of the Day
Ang Universal Declaration of Human Rights
Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mahalagang
dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na
may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang
karapatang:
1. Sibil
2. Politikal
3. Ekonomiko
4. Sosyal
5. Kultural.
Hulaan ang
Paksa natin
ngayon
Article 3 – Bill of Rights
(1987 Constitution)
1. Nasusuri ang kahalagahan ng
pagsusulong at pangangalaga sa karapatang
pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong
panlipunan.

Mga 2. Maunawaan ang kahulugan ng bill of


rights.
Layunin
3. Naipapaliwanag ang ibat ibang
karapatang pantao na naayon sa
konstitusyon.
Bill of Rights
(Katipunan ng mga Karapatan)

Ay ang kalipunan, talaan, o buod ng mga karapatang naaayon sa batas. Maaari


itong isang pahayag ng mga karapatan ng isang klase o uri ng mga tao.
• SEKSYON 1. Hindi dapat alisan ng
buhay, kalayaan, o ariarian ang sino
mang tao nang hindi sa kaparaanan ng
batas, ni pagkaitan ang sino mang tao
ng pantay na pangangalaga ng batas.
• SEK. 2. Ang karapatan ng mga taong-bayan
na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang
sarili, pamamahay, papeles, at mga bagay-
bagay laban sa hindi makatwirang
paghahaluglog at pagsamsam sa ano mang
layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat
maglagda ng warrant sa paghalughog o
warrant sa pagdakip maliban kung may
malinaw na dahilan na personal na
pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat
ang mayhabla at ang mga testigong
maihaharap niya sa ilalim ng panunumpa o
patotoo, at tiyaking tinutukoy ang lugar na
hahalughugin, at ang mga taong darakpin o
mga bagay na sasamsamin.
• SEK. 3. (1) Hindi dapat labagin ang
pagiging lihim ng komunikasyon at
korespondensya maliban sa legal
na utos ng hukuman, o kapag
hinihingi ang naiibang kaligtasan o
kaayusan ng bayan ayon sa
itinatakda ng batas.
(2) Hindi dapat tanggapin para sa
ano mang layunin sa alin mang
hakbangin sa paglilitis ang ano
mang ebidensya na nakuha nang
labag dito sa sinusundang
seksyon.
• SEK. 4. Hindi dapat magpatibay ng
batas na nagbabawas sa kalayaan
sa pananalita, pagpapahayag, o ng
pamahayagan, o sa karapatan ng
mga taong-bayan na mapayapang
magkatipon at magpetisyon sa
pamahalaan upang ilahad ang
kanilang mga karaingan.
• SEK. 5. Hindi dapat magbalangkas ng
batas para sa pagtatatag ng relihiyon,
o nagbabawal sa malayang pagsasa-
gamit nito. Dapat ipahintulot
magpakailanman ang malayang
pagsasagamit at pagtatamasa ng
pagpapahayag ng relihiyon at
pagsamba nang walang pagtatangi o
pamimili. Hindi dapat kailanganin ang
pagsusulit panrelihiyon sa
pagsasagamit ng mga karapatang sibil
o pampulitika.
• SEK. 6. Hindi dapat bawalan ang
kalayaan sa paninirahan at ang
pagbabago ng tirahan sa saklaw ng
mga katakdaang itinatadhana ng
batas maliban sa legal na utos ng
hukuman. Ni hindi dapat bawalan
ang karapatan sa paglalakbay
maliban kung para sa kapakanan ng
kapanatagan ng bansa, kaligtasang
pambayan, o kalusugang pambayan
ayon sa maaaring itadhana ng batas.
• SEK. 7. Dapat kilalanin ang karapatan
ng mga taong-bayan na
mapagpabatiran hinggil sa mga bagay-
bagay na may kinalaman sa tanan. Ang
kaalaman sa mga opisyal na record, at
sa mga dokumento at papeles tugkol
sa mga opisyal na Gawain,
transaksyon, o pasya, gayon din sa
mga datos sa pananaliksik ng
pamahalaan na pinagbabatayan ng
patakaran sa pagpapaunlad ay dapat
ibigay sa mamamayan sa ilalim ng mga
katakdaang maaaring itadhana ng
batas.
GAWAIN - 1
Ito ay listahan ng mga pinagsama-samang kaapatan
ng bawat tao mula sa dating Konstitusyon
at karagdagang karapatan ng mga indibidwal.

A. Bill of Rights
B. Cyrus Cylinder I ng England
C. Petition of Rights
D. Universal Declaration of Human Rights
A. Bill of Rights
Batay sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987, Artikulo III
sa anong seksyon nakapaloob ang karapatang hindi dapat alisan
ng buhay o ari-arian ang isang mamamayan nang hindi kaparaanan
ng batas?

A. Seksyon 1
B. Seksyon 2
C. Seksyon 3
D. Seksyon 4
A. Seksyon 1
Ang sumusunod ay mga karapatan na nakapaloob sa Sekyon 2, maliban sa isa.

A. Karapatan sa pagkakaroon ng kapanatagan sa pamamamahay


B. Karapatan sa pagkakaroon ng kapanatagan sa papeles
C. Karapatan sa pagkakaroon ng kapanatagan sa sarili
D. Pagkakaroon ng karapatan na hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon
D. Pagkakaroon ng karapatan na
hindi dapat labagin ang pagiging
lihim ng komunikasyon
GAWAIN - 2
Panuto: Gumuhit ng isang larawan na
nagpapakita ng pagsusulong sa karapatang
pantao.
RUBRIK
PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at sagutan ang
mga katanungan.

1. Batay sa natalakay na paksa, pumili ng isang seksyon tungkol sa karapatang


pantao o Bill of Rights at ipaliwanag ang iyong ideya hinggil dito.

2. Pumili ng isang katipunan ng karapatang pantao o Bill of Rights na nakapaloob


sa alinmang seksyong tinalakay na dokumento. Magbigay ng halimbawa,
sitwasiyon o pangyayari sa iyong komunidad na nagpapatunay na nagaganap o
ipinatutupad ito sa kasalukuyan.
TAKDANG ARALIN
Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagbuto.

You might also like