You are on page 1of 26

MGA ORGANISASYONG

NAGTATAGUYOD SA
KARAPATANG PANTAO
2

Karaniwan sa matatagumpay na pandaigdigang


samahang nagtataguyod ng mga karapatang pantao
ay nagmula sa mga NGO o non-governmental
organization kung saan pinangungunahan ng mga
karaniwang mamamayan at hindi ng mga opisyal ng
pamahalaan ang mga samahang ito.
ILAN SA TANYAG NA
PANDAIGDIGANG
ORGANISASYONG
NAGBIBIGAY-
PROTEKSIYON SA
KARAPATANG
PANTAO.
4

AMNESTY INTERNATIONAL
• ito ay isang pandaigdigang kilusan na may kasapi at
tagasuportang umaabot sa mahigit pitong milyong katao.
Ang motto nito ay “It is better to light a candle than to
curse the darkness.” Pangunahing adhikain nito ang
magsagawa ng pagsasaliksik at kampanya laban sa pang-
aabuso ng mga karapatang pantao sa buong daigdig.
Gayundin ang mabigyan ng katarungan ang mga biktima
ng paglabag sa karapatang pantao. Aktibo ang
organisasyong ito sa Pilipinas. Ito ay itinatag noong 1961.
5

HUMAN RIGHTS ACTION


CENTER (HRAC
• Itinatag ito ni Jack Healey na isang kilalang human
rights activist. Naging tagapagtaguyod ito ng mga
karapatang pantao sa buong daigdig at nagsilbing-
boses ng mga walang boses at tagapagtaguyod ng
karapatang pantao sa buong daigdig. Nakikipag-
ugnayan din ang HRAC sa mga pinuno ng
pandaigdigang sining tulad sa musika, teatro, pelikula
at maging ng printed material upang maipalaganap ang
kahalagahan ng karapatang pantao.
6

GLOBAL RIGHTS
• Pangunahing layunin ng pandaigdigang samahang ito
na itaguyod at pangalagaan ang karapatan ng mga
taong walang gaanong boses sa lipunan at
pamahalaan. Pinalalakas din nito ang mga aktibong
kalahok ng samahan na itala at ilantad ang mga pang-
aabuso sa karapatang pantao at makapagtaguyod ng
mga repormang patungkol sa karapatang pantao at
makapagbigay ng serbisyong-legal.
7

ASIAN HUMAN RIGHTS


COMMISSION (AHRC)
• Itinatag ito noong 1984 ng mga tanyag na grupong
aktibo sa pakikipaglaban para sa karapatang pantao
sa Asya. Layunin ng samahang ito ang magkaroon
ng higit na kamalayan tungkol sa karapatang pantao
at pagsasakatuparan nito sa buong Asya.
Sa Pilipinas, ang Commission on Human Rights (CHR) ang may 8
pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga
mamamayan. Kinikilala ang CHR bilang “National Human Rights
Institution (NHRI)” ng Pilipinas. Nilikha ito ng Konstitusyon ng Republika
ng Pilipinas alinsunod sa Seksyon 17 (1) ng Artikulo XIII.

Nagkakaloob ang CHR ng mga pangunahing programa at serbisyo upang


maprotektahan ang karapatang pantao ng bawat Pilipino.
❖ pagdodokumento at pangangasiwa ng mga reklamo tungkol sa paglabag
sa karapatang pantao
❖ pagbigay ng tulong at serbisyong legal sa mga biktima
❖ pagsubaybay sa kalagayan ng mga piitan at rehabilitation center kung
may kaso ng paglabag sa karapatang pantao
❖ pagsasagawa ng mga forensic at medico-legal service
❖ binibigyang-tuon ang iba’t ibang programa, estratehiya, at advocacy
campaign upang higit na makapagbigay ng impormasyon at aktibong
makalahok ang mga mamamayan sa pangangalaga ng mga karapatang
pantao sa bansa.
9
10
ANG MGA KARAPATANG
PANTAO AT ANG
PAGKAMAMAMAYAN
12

ANG SALIGANG-BATAS NG PILIPINAS AT ANG PANDAIGDIGANG


DEKLARASYON NG KARAPATANG PANTAO AY ANG MGA
PANGUNAHING BATAYAN NG KARAPATANG PANTAO NG MGA
PILIPINO. ITO AY ANG MGA SUMUSUNOD:

ARTIKULO III

KATIPUNAN NG MGA KARAPATAN

SEKSYON 1. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan,


o ariarian ang sino mang tao nang hindi sa kaparaanan
ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na
pangangalaga ng batas.
13

ANG SALIGANG-BATAS NG PILIPINAS AT ANG PANDAIGDIGANG


DEKLARASYON NG KARAPATANG PANTAO AY ANG MGA
PANGUNAHING BATAYAN NG KARAPATANG PANTAO NG MGA
PILIPINO. ITO AY ANG MGA SUMUSUNOD:

ARTIKULO III

KATIPUNAN NG MGA KARAPATAN

SEKSYON 2. Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa


kanilang sarili, pamamahay, papeles at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang
paghahalughog at pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat
maglagda ng warant sa paghalughog o warant sa pagdakip maliban kung may malinaw na
dahilan na personal na pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang mayhabla at ang
mga testigong maihaharap niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyakang tinutukoy ang
lugar na hahalughugin, at ang mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin.
ANG SALIGANG-BATAS NG PILIPINAS AT ANG PANDAIGDIGANG 14
DEKLARASYON NG KARAPATANG PANTAO AY ANG MGA PANGUNAHING
BATAYAN NG KARAPATANG PANTAO NG MGA PILIPINO. ITO AY ANG MGA
SUMUSUNOD:

SEKSYON 3.
(1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya maliban
sa legal na utos ng hukuman, o kapag hinihingi ang naiiba ng kaligtasan o kaayusan ng
bayan ayon sa itinatakda ng batas.
(2) Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa alin mang hakbangin sa paglilitis
ang ano mang ebidensya na nakuha nang labag dito o sa sinusundang seksyon.

SEKSYON 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa


pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na
mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga
karaingan
ANG SALIGANG-BATAS NG PILIPINAS AT ANG PANDAIGDIGANG 15
DEKLARASYON NG KARAPATANG PANTAO AY ANG MGA PANGUNAHING
BATAYAN NG KARAPATANG PANTAO NG MGA PILIPINO. ITO AY ANG MGA
SUMUSUNOD:

SEKSYON 5. Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihyon, o


nagbabawal sa malayang pagsasagamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman ang
malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng paghahayag ng relihyon at pag-samba nang
walang pagtatangi o pamimili. Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit panrelihyon sa
pagsasagamit ng mga karapatang sibil o pampulitika.

SEKSYON 6. Hindi dapat bawahan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng


tirahan sa saklaw ng mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos ng
hukuman. Ni hindi dapat bawahan ang karapatan sa paglalakbay maliban kung para sa
kapakanan ng kapanatagan ng bansa, kaligtasang pambayan, o kalusugang pambayan
ayon sa maaaring itadhana ng batas.
ANG SALIGANG-BATAS NG PILIPINAS AT ANG PANDAIGDIGANG 16
DEKLARASYON NG KARAPATANG PANTAO AY ANG MGA PANGUNAHING
BATAYAN NG KARAPATANG PANTAO NG MGA PILIPINO. ITO AY ANG MGA
SUMUSUNOD:

SEKSYON 7. Dapat kilalanin ang karapatan ng mga taong-bayan na mapag-


pabatiran hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa tanan. Ang kaalaman sa
mga opisyal na rekord, at sa mga dokumento at papeles tungkol sa mga opisyal na
gawain, transaksyon, o pasya, gayon din sa mga datos sa pananaliksik ng pamahalaan
na pinagbabatayan ng patakaran sa pagpapaunlad ay dapat ibigay sa mamamayan sa
ilalim ng mga katakdaang maaaring itadhana ng batas.

SEKSYON 8. Hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga taong-bayan kabilang


ang mga naglilingkod sa publiko at pribadong sektor na magtatag ng mga asosasyon,
mga unyon, o mga kapisanan sa mga layuning hindi labag sa batas.
ANG SALIGANG-BATAS NG PILIPINAS AT ANG PANDAIGDIGANG 17
DEKLARASYON NG KARAPATANG PANTAO AY ANG MGA PANGUNAHING
BATAYAN NG KARAPATANG PANTAO NG MGA PILIPINO. ITO AY ANG MGA
SUMUSUNOD:

SEKSYON 9. Ang pribadong ariarian ay hindi dapat kunin ukol sa gamit pambayan
nang walang wastong kabayaran.

SEKSYON 10. Hindi dapat magpatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng mga


kontrata.

SEKSYON 11. Hindi dapat ipagkait sa sino mang tao ang malayang pagdulog sa mga
hukuman at sa mga kalupunang mala-panghukuman at sa sapat na tulong pambatas
nang dahil sa karalitaan.
18
19
20
21
ANG SALIGANG-BATAS NG PILIPINAS AT ANG PANDAIGDIGANG 22
DEKLARASYON NG KARAPATANG PANTAO AY ANG MGA PANGUNAHING
BATAYAN NG KARAPATANG PANTAO NG MGA PILIPINO. ITO AY ANG MGA
SUMUSUNOD:

SEKSYON 21. Hindi dapat na ang isang tao ay makalawang


masapanganib ng kaparusahan sa iisang paglabag. Kung
pinarurusahan ng batas at ng ordinansa ang isang kagagawan,
ang pagkaparusa o pagkaabswelto sa ilalim ng alin man dito ay
magiging hadlang sa iba pang pag-uusig sa gayon ding
kagagawan.

SEKSYON 22. Hindi dapat magpatibay ng batas ex post facto


o bill of attainder.
23

UNANG GAWAIN
Tukuyin kung anong organisasyong pantao ang mga sumusunod. Isulat sa patlang kung ito ay PAHRA,
PhilRights, KARAPATAN, FLAG, TFDP, Global Rights, AHRC, CHR, Amnesty International, African
Commission on Human and People’s Rights.

____________ 1. Isang pambansang grupo ng mga human rights lawyer na nagtataguyod at nangangalaga ng
mga karapatang pantao.
____________ 2. Itinatag ang alyansang ito noong 1986.
_____________3. Adhikain ng organisasyong ito na matulungan ang mga political prisoner. ____________ 4.
Organisasyong nakarehistro sa sa SEC simula pa noong 1994.
____________ 5. Adhikain ng alyansang ito ang magkaroon ng mataas na antas ng kamalayan ang mga
mamamayan sa kanilang mga karapatan.
24

UNANG GAWAIN
Tukuyin kung anong organisasyong pantao ang mga sumusunod. Isulat sa patlang kung ito ay PAHRA,
PhilRights, KARAPATAN, FLAG, TFDP, Global Rights, AHRC, CHR, Amnesty International, African
Commission on Human and People’s Rights.
_____________6. Itaguyod at pangalagaan ang karapatan ng mga taong walang gaanong boses sa lipunan at
pamahalaan.
_____________7. Itinatag ito noong 1984 ng mga tanyag na grupong aktibo sa pakikipaglaban para sa
karapatang pantao sa Asya.
_____________8. Ito ay isang quasi-judicial body na pinasinayaan noong 1987 sa Ethiopia.
_____________9. Ang motto nito ay “It is better to light a candle than to curse the darkness.” ____________10.
Nagkakaloob ng mga pangunahing programa at serbisyo upang maprotektahan ang karapatang pantao ng bawat
Pilipino.
25

PANGALAWANG GAWAIN
Matapos basahin ang Artikulo III: Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights). Kumuha ng larawan o artikulo
sa pahayagan tungkol sa mga situwasiyon sa bansa na may paglabag sa karapatang pantao. Isulat ang
hinihinging mga datos sa diyagram at sagutan ang mga pamprosesong tanong.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Bakit nagpapakita ng paglabag sa karapatang pantao ang iyong
nakuhang larawan o artikulo?
2. Paano ito nakaaapekto sa buhay ng taong biktima ng paglabag sa
karapatang pantao at sa lipunang kaniyang kinabibilangan?
3. Ano ang iyong maaaring imungkahi upang maiwasan ang paglubha
ng mga situwasiyong dulot ng paglabag sa mga karapatang pantao?
THANK
YOU

You might also like