Professional Documents
Culture Documents
Pantao
Ikaapat na Markahan–Modyul 2
Layunin
Seksyon 1: Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ari-arian ang sino mang tao nang hindi
kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.
Seksyon 9: Ang mga pribadong ari-arian ay hindi dapat kunin ukol sa gamit pambayan nang
walang wastong kabayaran.
Suriin: Mga Uri ng Karapatan
Natural Constitutional Statutory
Mga karapatang taglay Mga Karapatang Mga karapatang kaloob
ng bawat tao kahit hindi pinangangalagaan at ng binuong batas at
ipagkaloob ng Estado. ipanagkakaloob ng Estado, maaaring alisin sa
tulad ng: pamamagitan ng
Halimbawa: Karapatang panibagong batas.
mabuhay, maging • Karapatang Politikal
Malaya at magkaroon • Karapatang Sibil Halimbawa: Karapatang
ng ari-arian. • Karapatang Sosyo- makatanggap ng
ekonomik minimum wage.
• Karapatan ng Akusado
Suriin: Dalawang partidong sangkot sa realisasyon at
katuparan ng mga karapatang pantao.
Rights Holders Duty Bearers
• Ito ang lahat ng mamamayan, anuman • Ito ang mga taong may
ang edad, lahi, kasarian, at relihiyon. responsibilidad at pananagutang
Lahat ng tao ay rights holders. ipagtanggol, isulong at isakatuparan
• Mayroong espesyal na pagtutok at ang karapatang pantao ng mga
pagtatanggol sa mga indibiduwal na mamamayan.
vulnerable, mga mas madalas maging • Obligasyon ng Estado na I-RESPETO
biktima ng pang-aabuso ang karapatang pantao,
(disadvantaged), at mga taong nasa PROTEKSYUNAN ang mga
laylayan ng lipunan (marginalized). mamamayan mula sa mga pang-
aabuso, at TUPARIN ang karapatang
pantao ng mga mamamayan.
Suriin:
Lahat ng tao ay may mga karapatang pantao na may garantiya sa batas. Ito
ay pagkilala na bilang tao, lahat ay may halaga at dignidad. Sa Pilipinas,
ang Commission on Human Rights (CHR) ang may pangunahing tungkulin na
pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan. Nilikha ito
ng Saligang Batas ng 1987 alinsunod sa Seksyon 17 (1) ng Artikulo XIII. Ang
CHR ay itinatag bilang tugon sa laganap na pang-aabuso sa karapatang
pantao noong panahon ng Martial Law
Batay sa Saligang Batas, ang CHR ay may mandato na imbestigahan lahat
ng kaso o uri ng human right violations. Kaakibat sa tungkulin nito ay ang
layuning palakasin ang kapasidad ng lahat ng nanunungkulan sa
pamahalaan at pribadong sektor upang mas magampanan ng Estado ang
obligasyon nitong igalang, isakatuparan, at proteksiyunan ang karapatan ng
lahat.
Suriin: Kanino ka magrereklamo kapag may mga paglabag
sa iyong mga karapatan?
Kapag bahagi ng gobyerno (pulis, militar, korte, at
iba pa) ang nagabuso ng tao, ito ay isang human
rights violation. Maari itong i-report sa CHR.
Kapag sibilyan o pribadong tao ang nang-rape,
pumatay at iba pa, ito ay krimen. Sa pulis ka dapat
pumunta.
Kapag ang biktima ay kabilang sa marginalized,
disadvantaged o vulnerable sector, ito ay isang
krimen at human rights violation. Sa pulis ka
pumunta at sa CHR ka dapat mag-report.
Pagyamanin
Panuto: Batay sa mga konseptong iyong pinag-aralan ukol sa Pandaigdigang Deklarasyon ng
Karapatang Pantao, ibigay ang mga hinihinging impormasyon ng graphic organizer sa ibaba.
Magbigay ng hindi bababa sa limang kasagutan bawat hanay. Isulat ang sagot sa papel