You are on page 1of 2

Ang lahat ng tao ay ipinanganak nang pantay-pantay.

Lahat tayo
ay tao at lahat tayo ay mayroong pare-parehong mga karapatang
pantao.
KARAPATANG PANTAO:
Ang karapatang pantao ay tumutukoy sa payak na mga karapatan
at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao.
Ang lahat ng mga karapatang pantao ay pantay pantay na
mahalaga at hindi isang pribelihiyo na maaaring alisin ng
sinuman.
Ito ay bahagi na ng pagiging tao at hindi na kinakailangan pang
kilalanin ng estado sapagkat ito ay likas na sa tao.
Ang karapatang pantao ay pag aari ng lahat ng tao, sa lahat ng
panahon, sa lahat ng lugar. Hindi mahalaga kung saan ka
nakatira, kung ano ang kulay ng balat mo, kung ano man ang
iyong lahi, kung ano man ang kasarian mo, mayaman ka man o
mahirap.

Basehang dokumento ng Karapatang pantao:


Artikulo 3 ng Saligang Batas ng 1987 (Bill of Rights)
Upang mas mapagtibay ang mga karapatan, mayroong mga
dokyumento na sinusunod na dapat sundin ng mga mamamayan
upang mapangalagaan at maprotektahan ang mga karapatang
pantao ng bawat isa ito ay ang Artikulo 3 ng Saligang Batas ng
1987 o mas kilala bilang Bill of Rights at ang Universal of Human
Rights.
Universal Declaration of Human Rights:
Ang Universal Declaration of Human Rights ay isa sa mga
mahalagang dokyumentong naglalahad ng mga karapatang
pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspeto
ng buhay ng tao katulad ng:
 Karapatang Sibil
Ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at
mapayapa.
 Karapatang Politikal
Ang mga karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng
pagdedesisyon ng pamayanan.
 Karapatang Ekonomiko
Ang mga karapatan ukol sa pagsusulong ng kabuhayan at
disenteng pamumuhay.
 Karapatang Sosyal
Ang mga karapatan upang mabuhay ang tao sa isang lipunan at
isulong ang kaniyang kapakanan.
 Karapatang Kultural
Ang mga karapatan ng taong lumahok sa buhay kultural ng
pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag unlad ng
pamayanan.

You might also like