You are on page 1of 8

10 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 4: Week 3
Learning Activity Sheets
ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan:________________________________ Ikaapat na Markahan: Ikatlong Linggo


Taon at Pangkat: __________________________ Petsa:_________________________

MGA KARAPATANG PANTAO

Susing Konsepto:

Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng bawat tao sa sandaling
siya ay isilang. Mahalagang malaman natin ang ating mga karapatan upang matamasa natin ang
mga pangunahing pangangailangan natin bilang tao.

Bagamat ang tao mula sa kanyang pagkasilang ay may karapatang dapat na natatamasa
na, mas mainam pa rin kung ito ay nakasulat sa ating batas upang maging legal at magsilbing
sandigan natin kung sakaling hindi natin natatamasa ang ating mga karapatan.

Sa Pilipinas, ang mga pangunahing dokumentong legal na naglalahad ng mga karapatang


pantao ng bawat mamamayan ay ang Saligang-Batas ng Pilipinas at ang Pandaigdigang
Deklarasyon ng Karapatang Pantao.

Ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao


(Universal Declaration of Human Rights o UDHR)

Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR)


ay isang mahalagang dokumento na naglalahad ng mga
karapatang pantao ng bawat indibidwal na may
kaugnayan sa bawat aspeto ng buhay ng tao. Nabuo at
nilagdaan ito noong Disyembre 10, 1948 at binansagan
bilang “International Magna Carta for all Mankind.”

Sa Preamble at Artikulo 1 ng UDHR, nakasaad ang


likas na karapatan ng lahat ng tao tulad ng
pagkakapantay-pantay at pagiging malaya. Binubuo naman ng mga karapatang sibil at politikal
ang Artikulo 3 hanggang Artikulo 21. Sa Artikulo 22 hanggang 27 nakalahad ang mga karapatang
ekonomiko, sosyal, at kultural. Samantalang makikita naman sa tatlong huling artikulo (Artikulo
28 hanggang 30) ang tungkulin ng bawat tao na itaguyod ang mga karapatan ng ibang tao.

Ang mga Sibil na probisyon ng UDHR ay ang mga sumusunod:


 Karapatang mabuhay, maging malaya at maging ligtas ng isang tao
 Kalayaan sa pagiging alipin at puwersahang pagtratrabaho o paninilbihan
 Kalayaan laban sa pananakit at malupit, di-makatao at nakakababang-uri ng pagtrato at
kaparusahan
 Pagkilala sa tao sa harap ng batas
 Pantay na proteksyon sa harap ng batas
 Epektibong paraan panghukuman laban sa paglabag sa karapatang pantao
 Kalayaan sa walang dahilang pag-aaresto, detensyon, at pagpapalayas sa sariling bansa
 Pantay na paglilitis at pagdinig pampubliko ng isang malaya at walang kinikilingang
tribunal
 Pagpapalagay na walang kasalanan ang isang tao hanggat hindi napapatunayang
maysala
 Hindi dapat bigyang kaparusahan sa isang aksyon na hindi pa krimen noong ito ay ginawa
2
 Kalayaan sa pakikiaalam sa pagiging isang pribadong indibidwal, pamilya, bahay at mga
sulat kalayaan sa pagpili ng lugar na titirhan at maging sa pag-alis sa isang lugar
 Mag-asawa at magkaroon ng pamilya
 Magkaroon ng ari-arian

Ang mga Politikal na Karapatan ay:


 Karapatan sa Asylum. Ang Asylum ay ang paghingi ng karapatang maging mamamayan
ng isang bansa kung sakaling ang isang tao ay napaalis sa kanyang bansa dahil sa
pagtutol sa pamahalaan
 Karapatang magkaroon ng nasyonalidad
 Kalayaan sa pag-iisip, konsensiya at relihiyon
 Kalayaan sa sariling opinyon at pagsasalita
 Kalayaan sa tahimik na asembliya at asosasyon
 Pagsali sa pamahalaan ng sariling bansa
 Pagkakaroon ng pantay na serbisyo publiko sa sariling bansa

Ang mga Karapatan sa Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkultura ay ang mga sumusunod:


 Karapatan sa panlipunang seguridad
 Karapatang magkaroon ng hanapbuhay at kalayaan sa pagpili ng empleyo
 Pantay na bayad sa pantay na paggawa
 Karampatang kabayaran sa trabaho na nagbibigay respeto sa pamumuhay na may
dignidad
 Bumuo at sumali sa mga unyong pangkalakal
 Karapatan sa pahinga at paglilibang
 Maayos na pamumuhay upang maging malusog (kasama rito ang karapatan sa pagkain,
pananamit, pabahay at gamot)
 Magkaroon ng seguridad sa panahon na walang hanapbuhay, pagkakasakit, pagkakaroon
ng kapansanan, pagkamatay ng asawa, pagtanda at iba pang pagkakataon na wala sa
kontrol ng tao
 Bigyan ng proteksyon ang mga ina at anak
 Karapatan sa edukasyon
 Karapatan sa partisipasyon sa buhay kultural ng isang pamayanan
 Magkaroon ng proteksyon sa moral at materyal na interes na nagreresulta sa pagiging
may akda ng siyentipiko, literari at artistikong produksyon

Binibigyang-diin ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao na lahat ng tao ay


isinilang na malaya at may pantay-pantay na dignidad. Itinakda rito ang pangunahing prinsipyo
ng pagkakapantay-pantay at pagbabawal sa diskriminasyon upang matamasa ang karapatang
pantao at ang mga pangunahing kalayaan ng tao.

Mga Artikulo sa Saligang-Batas ng Pilipinas na Kumikilala


sa Karapatang Pantao

Sa Pilipinas ang mga karapatan ng bawat Pilipino


ay nakasulat sa Saligang-batas ng 1987 o ang
Konstitusyon ng Pilipinas. Sa dokumentong ito, ang mga
karapatang pantao ay nasa Bill of Rights (Artikulo III);
Pagboto (Artikulo V); Deklarasyon ng mga Prinsipyo at
Patakaran ng mga Estado (Artikulo II); Katarungang
Panlipunan at Karapatang Pantao (Artikulo XIII);
Pambansang Ekonomiya at Patrimonya (Artikulo XII);
Edukasyon, Agham at Teknolohiya, Sining, Kultura at
Isports (Artikulo XIV).
3
Ang mga karapatang pantao na nasusulat sa Deklarasyon ng mga Prinsipyo at patakaran
ng Estado (Artikulo II) ay ang mga sumusunod:
 Papapahalaga sa dignidad ng isang tao at paggarantiya ng buong respeto sa karapatang
pantao;
 Pagkilala sa karapatan ng pamilya at pagpapalakas ng pamilya;
 Pagsulong at pagbigay proteksyon sa pisikal, moral, ispiritwal, intelektwal at panlipunang
kapakanan ng mga kabataan;
 Pantay-pantay na karapatan sa harap ng batas ng mga kababaihan at kalalakihan;
 Proteksyon sa karapatang pangkalusugan at balanse at malinis na kapaligiran ng tao;
 Pagsulong ng kalayaan at pag-unlad ng tao; at
 Pagkilala at pagsulong ng mga karapatan ng mga pamayanang kultural.

Ang mga karapatang sibil at politikal ng mga Pilipino naman ay nasa Artikulo III (Bill of Rights).
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
 Karapatang mabuhay, maging malaya at magkaroon ng mga ari-arian
 Karapatan sa makatarungang proseso at pantay na proteksyon ng batas
 Karapatan ng tao sa tamang pamamahala ng katarungan
Ang katarungang panlipunan at karapatang pantao sa Artikulo XIII ay nagsusulong ng
karapatang panlipunan at pangkabuhayan ng bawat mamamayang Pilipino. Obligasyon ng
pamahalaan na magbigay ng mga panlipunang serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan, at
paglilitis ng kaso upang ang mga taong walang pambayad ay matulungan nang libre ng
pamahalaan. Ito ay batay sa prinsipyo ng panlipunang katarungan na ang mga taong mahihirap
ay dapat magbigyang proteksyon ng ating batas at pamahalaan.

Pamantayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa


pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan.

Mga Layunin:

1. Natutukoy ang mga karapatang pantao na dapat natatamasa ng bawat indibidwal.


2. Natatalakay ang pagsulong at pangangalaga sa karapatang pantao.
3. Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan na nagsusulong ng karapatang pantao bilang
tugon sa mga isyu at hamong panlipunan

Pagsasanay 1
Panuto: Hanapin ang limang salitang may kinalaman sa karapatang pantao na makikita sa word
hunt. Bilugan ang mga ito at pagkatapos ay isulat sa ibaba ang mga salitang iyong nakita
at ipaliwanag kung ano ang koneksyon nito sa karapatang pantao.

P A M A H A L A A N K O
K R A S Q B A P E Y R Z
A K M T U N G K U L I N
R D A I Z H E Y L J M U
A E M L V F C K I T B N
P H A R A S X L E W A G
A Z Y E X Y Z Q Z O T I
T G A K O L A W E B A C
A E N J O M Y A L U S U
N A T A K A R A N N E V

4
Halimbawa:

Karapatan  Ito ay mga prinsipyo ng paggalang sa mga bagay na dapat


tinatamasa ng bawat indibidwal, kabilang dito ang mga karapatang
pantao.

1.

2.

3.

4.

5.

Pagsasanay 2
Panuto: Kilalanin ang tinutukoy ng bawat pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago
ang bawat bilang.

____________1. Ito ay tumutukoy sa mga karapatang dapat ay tinatamasa ng bawat indibidwal.


____________2. Dito nakasaad ang likas na karapatan ng lahat ng tao tulad ng pagkakapantay-
pantay at pagiging malaya ayon sa UDHR.
____________3. Tumutukoy ito sa kalipunan ng mga nasusulat na patakarang dapat sundin ng
mga Pilipino.
____________4. Ito isang mahalagang dokumento na naglalahad ng mga karapatang pantao ng
bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspeto ng buhay ng tao
____________5. Sa artikulong ito ng Saligang Batas ng Pilipinas (Konstitusyon ng 1987) makikita
ang mga karapatang sibil at politikal ng mga Pilipino.

Pagsasanay 3
Panuto: Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagkilala sa mga karapatang
pantao. Tukuyin kung ang karapatang tinutukoy sa bawat bilang ay karapatang Sibil,
Politikal, Pangkabuhayan, Panlipunan o Pangkultural. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bawat bilang.

____________1. Ang bawat batang isinilang sa mundo ay may karapatang magkaroon ng


nasyonalidad o pagkamamamayan.
____________2. Nasa wastong gulang na si Anna para pumasok sa paaralan, kaya naman
ipinatala siya ng kanyang ina sa Mababang Paaralan ng Balete upang pumasok
bilang Kindergarten sa susunod na pasukan.

5
____________3. Si Ellen ay 18 taong gulang na, kaya naman siya ay nagparehistro na upang
makaboto siya sa susunod na eleksyon.
____________4. Si Antonio ay inaakusahan sa salang pagnanakaw, ngunit ayon sa batas, siya
ay mananatiling inosente hangga’t hindi napapatunayang siya ay may sala.
____________5. Nang makatapos sa pag-aaral si Anthony ay nagpasya siyang magtrabaho sa
kumpanyang matagal na niyang gustong pasukan.
____________6. Dahil sa nangyaring gulo sa kanilang barangay, nagpasya ang pamilya ni Win
na lumipat ng tirahan sa mas tahimik na lugar.
____________7. Madalas bilhan ni Chris ng masasarap pagkain ang kanyang buong pamilya
upang sila ay manatiling malusog at malakas.
____________8. Gustong tumulong ni G. Santos sa kanyang mga kabarangay, dahil dito
nagpasiya siyang humabol bilang isang kandidato sa pagka-kapitan sa susunod
na eleksyon.
____________9. Taon-taon ay nakikibahagi ang pamilya Bonifacio sa ginaganap na prosisyon sa
kanilang barangay bilang partisipasyon sa pagsulong ng tradisyon.
___________10. Hindi nagrereklamo ang mga manggagawa sa Tarlac Water Company dahil
umiiral sa kumpanyang ito ang pantay na bayad sa pantay na paggawa sa lahat
ng mga empleyado nito.

Pagsasanay 4
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon at tukuyin kung ito ay nagpapakita ng pagkilala
sa karapatang pantao o hindi. Pangatwiranan ang iyong sagot.

1. Sa kasagsagan ng pandemyang dulot ng


COVID-19 ay nagtatalaga ng mga __________________________________
checkpoint sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas __________________________________
upang maiwasan ang lalong pagkalat ng __________________________________
virus. __________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

2. Kamakailan lamang ay may nangyaring


nakawan sa Brgy. Camias, Tarlac City. Si __________________________________
Gardo ang pinaghihinalaan ng marami na __________________________________
may kagagawan sa naturang krimen. Dahil __________________________________
dito agad siyang hinuli ng mga pulis at __________________________________
ikinulong sa piitan. __________________________________
__________________________________
__________________________________

3. Malaking balita sa Pilipinas ngayon ang


tungkol sa pagsasabatas ng Anti- __________________________________
Terrorism Law, hindi tuloy naiwasan ng __________________________________
ilang mga Pilipino na maglabas ng __________________________________
saloobin at mabigay ng kani-kanilang __________________________________
opinyon tungkol dito. __________________________________
__________________________________
__________________________________

6
4. Si Mang Rolly ay nagtratrabaho sa isang
kumpanya na nagpapasweldo ng mas __________________________________
mababang halaga kumpara sa minimum __________________________________
wage. Kahit alam niya ang tungkol dito, __________________________________
hindi siya makapag-resign sapagkat __________________________________
kailangan niya ang kanyang trabaho. __________________________________
__________________________________
__________________________________

5. Dahil nalalapit na ang eleksyon, at nasa


hustong gulang naman na si Kavin, siya ay __________________________________
nagtungo sa kanilang munisipyo upang __________________________________
magparehistro at maging opisyal nang __________________________________
botante sa kanilang lugar. __________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

Pangwakas na Gawain (Performance Task)


Panuto: Bumuo ng isang tula na binubuo ng 2 hanggang 3 saknong na may mensahe ng
karapatan. Isulat ito sa loob ng kahon sa ibaba.

________________________

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG TULA


PAMANTAYAN PUNTOS Marka ng Guro
Mensahe ng tula 10
Kaugnayan sa paksa 10
Pagkamalikhain (Paggamit ng mga
5
salita)
KABUUAN 25

7
8
Teacher III
LIEZEL C. GATUS
Inihanda ni:
Pagsasanay 1: Ang mga sagot ay ang mga sumusuod:
Kalayaan Pamahalaan
Batas Mamamayan
Tungkulin
* Sa bahaging pagpapaliwanag, maaaring magkakaiba ang sagot ng mag-aaral.
Pagsasanay 2: 1. Karapatang Pantao
2. Preamble at Artikulo 1 ng Universal Declaration of Human Rights
3. Saligang Batas ng Pilipinas
4. Universal Declaration of Human Rights
5. Artikulo III/ Bill of Rights
Pagsasanay 3: 1. Politikal 6. Sibil
2. Panlipunan 7. Panlipunan
3. Politikal 8. Politikal
4. Sibil 9. Pangkultural
5. Pangkabuhayan 10. Pangkabuhayan
Pagsasanay 4: 1. Oo (Karapatang magkaroon ng seguridad sa panahon ng pagkakasakit)
2. Hindi (Pagpapalagay na walang kasalanan ang isang tao hanggat hindi siya
napapatunayang may sala)
3. Oo (Kalayaan sa pagkakaroon ng sariling opinyon at pagsasalita)
4. Hindi (Karampatang kabayaran sa trabaho ng nagbibigay respeto sa pamumuhay na
may dignidad)
5. Oo (Karapatang bumoto)
* Sa bahaging pagpapaliwanag, maaaring magkakaiba ang sagot ng mag-aaral.
Pangwakas na Gawain: Ang pagbibigay ng marka sa gawaing ito ay ibabatay sa pamantayan para sa
gawain.
Susi sa Pagwawasto
W5oaWdoc2Nob29sfGd4OjQyZjY4ZDRlZDA2Yjk2Mzg
https://docs.google.com/viewer?a=v&pid=sites&srcid=ZGVmYXVsdGRvbWFpbnxiYW5ndWl0Y
Project EASE. Araling Panlipunan, Modyul 24 Karapatang Pantao
Education Region III- Central Luzon, 2017
Mga Kontemporaryong Isyu. Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag- aaral, Department of
Sanggunian

You might also like