You are on page 1of 3

SURING BASA SA “Ang Matanda at ang Dagat”

Ikalawang pangkat ng Baitang 10(Indarapatra)

I. Pamagat, may-akda, at uri ng panitkan

A. Pamagat: “Ang Matanda at ang Dagat”


i. Ang Matanda at Ang Dagat ay sumisimbolo sa matanda bilang
mamamayan at ang dagat naman ay ang lipunan. Si Santiago ay
gumawa ng paraan kung paano malalampasan ang mga pagsubok na
hatid ng buhay at lipunan. Nais ni Hemingway na si Marlin ay
sumisimbolo sa perpektong mapaghamon sa mga mangingisda.

B. Tungkol sa may akda: Ernest Hemingway


i. Isang Amerikanong nobelista, manunulat ng maikling kuwento, at
mamamahayag.
ii. Pagkatapos ng Sekondarya, siya ay nagsilbing isang reporter sa loob ng
ilang buwan para sa The Kansas City Star bago umalis sa Italian Front
upang magpatala bilang driver ng ambulansya noong Unang Digmaang
Pandaigdig.
iii. Kasama sa pagsulat ni Hemingway ang mga tema ng pag-ibig, digmaan,
paglalakbay, ilang, at pagkawala.
iv. Noong dekada 1920, naging bahagi siya ng pamayanan ng mga taong
umalis sa sariling bansa upang manirahan sa Paris, at isa sa mga
beterano ng Unang Digmaang Pandaigdig na lumaong nakilala bilang
"ang Nawawalang Salinlahi."
v. Noong 1935, natanggap niya ang Gantimpalang Pulitzer para sa Ang
Matandang Lalaki at ang Dagat (o The Old Man and the Sea sa Ingles).
vi. Noong 1954, napagwagian niya ang Gantimpalang Nobel para sa
Panitikan.

C. Uri ng Panitikan: Ang uri ng panitikan na ginamit ay realismo sapagkat ang


paniniwala na ang karaniwan ng kamalayan ay hindi pagkakamali kundi lohikal
ito na mangangatwiran sa tunay ng mundo. Ang pagkatao ni Santiago ay
naaangkop sa mga ilang mamamayan na nakakaranas ng ganoong pagsubok sa
buhay.

II. Buod

Ang Matanda at ang Dagat ay kwento ng isang labanan sa pagitan ng matandang mangingisda
na si Santiago, at isang malaking Marlin.

Si Santiago ay isang mangingisda na 84 araw nang walang nahuhuling isda. Sa kanilang


paniniwala, napakatinding kamalasan nito para sa kabuhayan na tinatawag nilang “Salao.”
Dahil sa kaniyang kamalasan at walang huli sa matagal na panahon, ang kaniyang kasama,
ang nakababatang si Manolin ay hindi na pinasama sa kaniya ng mga magulang nito.

Ipinag-utos nila sa kanilang anak na sumama na lamang si Manolin sa iba pang mga
mangingisda na mas mahusay kaysa kay Santiago.

Gayunman, kahit hindi na sila ang magkasama sa pagpalaot ay naging mabuting magkaibigan
sila at patuloy na dinadalaw ni Manolin si Santiago sa kubo nito. Kinabukasan ay muling
nangisda si Santiago ngunit mag-isa na lamang ito.

Nakabingwit siya nang napakalaking Marlin. Dahil sa angking laki nito ay lubha siyang
nahirapan sa pagkuha nito sa pamamagitan ng kaniyang lambat.

Hindi niya ito nahuli at naging duguan lamang ang marlin. Naakit ng dugo ng marlin ang isang
pating na napatay naman ni Santiago sa kaniyang sariling diskarte.

Nakabalik si Santiago sa pampang at dumiretso agad sa kaniyang kubo. Naiwan sa kaniyang


bangka ang kalansay ng malaking isda na nakita ng ilang mangingisda.

Nakita ito ni Manolin at inakalang napahamak na si Santiago sa kaniyang panghuhuli. Laking


luwag sa kaniyang pakiramdam nang makita ang matanda sa kaniyang kubo habang natutulog.

III. Paksa

Ang paksa ng nobela ay patungkol sa kasalukuyang pagpapatuloy ng tao sa kabila ng mga


pagsubok sa buhay. Isang aral na inilahad ng kwentong ito ay nagpapakita ng matinding
pakikipagsapalaran sa buhay at realidad ng mga mangingisda. Maihahambing ito sa pang-
arawang gawain ng lahat sapagkat naitataguyog ang sarili sa kabila ng labis na pagsubok na
dumating.

IV. Bisa

A. ISIPAN

Ang lubos na epekto nito sa isipan ng tao ay nagbibigay ito ng pag-asa o kaisipang huwag
mawalan ng pag-asa at kaisapang pagtitiwala sa sarili o sa desisyong ginagawa ng isang
indibidwal sa pamumuhay na kung saan nagbibigay ng mga kahihinatnan sa dulo.

B. DAMDAMIN

Ang epekto nito sa mga mambabasa sa damdamin ay makakramdam sila ng lubos na awa at
inspirasyon sa buhay dahil sa mga pinagdaanan niya. Ito ay nagbibigay awa dahil sa mga
kamalasan na kaniyang naranasan na kung saan din nararamdaman ng mga tagapagbasa ang
tunay na realidad at pagkaugnay nila sa tauhan.
V. Mensahe

Ang mensahe ng kwentong "Ang Matanda at Ang Dagat”. Ay huwag mawalan ng pag-asa.
Maging positibo dahil bawat tao ay pinagdadaanan ng pagsubok at huwag sumuko sa mga
pagsubok na dumarating maging matatag at malakas sa pagharap dito.

Ang mensahe ng kwentong "Ang Matanda At Ang Dagat"ay maging matatag at malakas sa mga
pinagdadaanang pagsubok. Huwag nating sukuan ang mga pagsubok na dumarating sa atin.
Sa naging kamalasang nagaganap kay Santiago siya ay hindi nawalan ng pag-asa na siya ay
makakahuli din sa kanyang pangingisda kung kaya siya ay patuloy pa din na pumalaot sa dagat
upang makahuli ng isda. Kung kaya sa huli nakamit din niya ang tagumpay na makahuli ng isda
sa kabila ng mga pangyayari

VI. Pananaw/ Teorya

Ipinapakita ang Realismo na kung saan makikita ang tunay na nangyayari sa buhay
ng mga mangingisda na minsan sila ay walang huli o nahihirapan manghuli kahit
gaano man sila katagal sa karagatan. Ipinapakita rin dito ang pagkamalas ng isang
tao na siyang nangyayari sa totoong buhay.

Ipinapakita rin ang Eksistensyalismo na kung saan pinili parin ni Santiago na


magpatuloy sa pangingidsa at pagpalaot kahit gaano niya kaalam na siya ay malas.
Ipinakita rin niya na kahit gaano na siya kapagod sa 84 na araw niyang pamamalaot
at pagsubok na mahuli ang marlin, pinili parin niyang magpatuloy upang makauwi.

Ipinapakita rin ang Humanismo na kung saan naipakita ni Manolin ang pagaalala sa
amo. Si Manolin ay agarang pumunta sa kubo kung saan nagpapahinga si Santiago
pagkatapos ang kaniyang mahabang pagpalaot na kung saan nakaramdam ng
ginhawa si Manolin dahil ligtas ang kaniyang amo.

MGA MIYEMBRO NG IKALAWANG PANGKAT:

You might also like