You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
IV – A CALABARZON
Kaylaway National High School

Isang suring basa ng Ang Matanda at Ang Dagat


ni: Ernest Miller Hemingway

Na inihanda ni:
Julianne Rose I. Gunay
Baitang 10 – Mapagkakatiwalaan

Para kay:
Bb. Josefina Ramirez Gener, LPT
Guro II
I. Pamagat: Ang Matanda at Ang Dagat

May akda: Si Ernest Miller Hemingway ay isang Amerikanong manunulat at taga


pamahayag. Siya ay ipinanganak noong Hulyo 21, 1899 sa Oak Park, Illinois, Estados
Unidos. Siya ay nakatanggap ng Gantimpalang Pulitzer noong 1935 para sa akdang
“Ang Matanda at Ang Dagat” o “The Old Man and The Sea”sa wikang Ingles.

Genre: Ang nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” ay isang kathang isip o piksyon.
Na kung saan ginagamit ni Ernest Miller Hemingway ang kaniyang imahinasyon
upang mabuo ang nobelang ito.

I. Buod: Si Santiago ay isang mangingisda na 84 araw nang walang nahuhuling isda. Sa


kanilang paniniwala, napakatinding kamalasan nito para sa kabuhayan na tinatawag
nilang “salao”. Dahil sa kaniyang kamalasan at walang huli sa matagal na panahon,
ang kaniyang kasama, ang nakababatang si Manolin ay hindi na pinasama sa kaniya
ng mga magulang nito. Ipinag-utos nila sa kanilang anak na sumama na lamang si
Manolin sa iba pang mga mangingisda na mas mahusay kaysa kay Santiago.
Gayunman, kahit hindi na sila ang magkasama sa pagpalaot ay naging mabuting
magkaibigan sila at patuloy na dinadalaw ni Manolin si Santiago sa kubo nito.
Kinabukasan ay muling nangisda si Santiago ngunit mag-isa na lamang ito.
Nakabingwit siya nang napakalaking marlin. Dahil sa angking laki nito ay lubha
siyang nahirapan sa pagkuha nito sa pamamagitan ng kaniyang lambat. Hindi niya ito
nahuli at naging duguan lamang ang marlin. Naakit ng dugo ng marlin ang isang
pating na napatay naman ni Santiago sa kaniyang sariling diskarte. Nakabalik si
Santiago sa pampang at dumiretso agad sa kaniyang kubo. Naiwan sa kaniyang
bangka ang kalansay ng malaking isda na nakita ng ilang mangingisda. Nakita ito ni
Manolin at inakalang napahamak na si Santiago sa kaniyang panghuhuli. Laking
luwag sa kaniyang pakiramdam nang makita ang matanda sa kaniyang kubo habang
natutulog.

II. Paksa: Ang paksa ng nobelang ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ni Santiago sa


pangingisda sa laot.Ito ay sumasalamin sa mga problemang kinakaharap ng tao sa
araw-araw at gaya ni Santiago hindi dapat sumuko sa hamon ng buhay at wag
mawawalan ng pag-asa.
III. Bisa: Ang Bisang pang kaisipan ng nobelang ito ay nag iiwan sa mga mambabasa
kung paano ang tamang diskarte upang malampasan ang problema gaya ng ginawa ni
Santiago upang mahuli ang isdang marlin.Ang bisang pandamdamin ng nobelang ito
ay nag-iiwan sa mga mambabasa na patuloy na manampalataya at wag mawawalan
ng pag-asa kahit na maraming suliranin ang kinakaharap sa buhay gaya ng pananalig
ni Santiago na makahuli siya ng isda hindi man sa ngayon ngunit maaring sa susunod
na araw.
IV. Mensahe: Ang mensahe sa “Ang Matanda at Ang Dagat” ay huwag mawawalan ng
pag-asa at wag panghinaan ng loob.Sapagkat ang bawat tao ay may pinagdadaanang
pag subok na kinakaharap sa buhay.Maging positibo sap ag harap sa mga suliranin na
kinakaharap natin kaya’t maging matatag at maging madiskarte nang hamon natin sa
buhay.
V. Teoryang ginamit:Ang Teoryang Realismo sa kwentong ito ay hindi lahat ng tao ay
nasa kanya ang malas o swerte.Na kung pagbubutihin at patuloy na magtitiyaga at
pagsusumikapan ang bawat gagawin mo ay magkakaroon ng magandang resulta at
maari mong makuha ng matiwasay ang iyong ninanais.

You might also like