You are on page 1of 2

FILIPINO

SURING BASA
PAKSA
 Ang matatag at porsigido na matandang nagngangalang Santiago.
MAY AKDA
 Ernest Hemingway Jesus Manuel Santiago (Nagsalin sa tagalog)
BUOD
 Si Santiago ay isang mangingisda na 84 araw nang walang nahuhuling isda.
Sa kanilang paniniwala, napakatinding kamalasan nito para sa kabuhayan
na tinatawag nilang “Salao.” Dahil sa kaniyang kamalasan at walang huli sa
matagal na panahon, ang kaniyang kasama, ang nakababatang si Manolin
ay hindi na pinasama sa kaniya ng mga magulang nito. Ipinag-utos nila sa
kanilang anak na sumama na lamang si Manolin sa iba pang mga
mangingisda na mas mahusay kaysa kay Santiago. Gayunman, kahit hindi na
sila ang magkasama sa pagpalaot ay naging mabuting magkaibigan sila at
patuloy na dinadalaw ni Manolin si Santiago sa kubo nito. Kinabukasan ay
muling nangisda si Santiago ngunit mag-isa na lamang ito. Nakabingwit siya
nang napakalaking marlin. Dahil sa angking laki nito ay lubha siyang
nahirapan sa pagkuha nito sa pamamagitan ng kaniyang lambat. Hindi niya
ito nahuli at naging duguan lamang ang marlin. Naakit ng dugo ng marlin
ang isang pating na napatay naman ni Santiago sa kaniyang sariling
diskarte. Nakabalik si Santiago sa pampang at dumiretso agad sa kaniyang
kubo. Naiwan sa kaniyang bangka ang kalansay ng malaking isda na nakita
ng ilang mangingisda. Nakita ito ni Manolin at inakalang napahamak na si
Santiago sa kaniyang panghuhuli. Laking luwag sa kaniyang pakiramdam
nang makita ang matanda sa kaniyang kubo habang natutulog.

BISA
 Ako'y natuwa sa katatagan ni Santiago. Pagkatapos ko mabasa ang
nobelang ito mas ginanahan ako na maging matatag at magsipag sa aking
pangarap.

MENSAHE
 Kahit maraming tao ang hindi naniniwala sayo at sinasabing hindi ka mag
tatagumpay sa pangarap mo kung determinado, matatag at porsigido ka
makakamit mo at magtatagumpay ka sa iyong pangarap. Teoryang
Pampanitikan - Realismo, Kagaya lamang sa totoong buhay may mga taong
hindi maniniwala sayo at mamaliitin ka at meron din ang patuloy na
susuportahan ka.

TEORYANG PAMPANITIKAN
 Realismo, Kagaya lamang sa totoong buhay may mga taong hindi
maniniwala sayo at mamaliitin ka at meron din ang patuloy na
susuportahan ka.

You might also like