You are on page 1of 1

I.

PAMAGAT- Ang Matanda at Ang Dagat

✨ Talagang malalaman mo agad na ang bida sa nobelang ito, ang matanda, ay isang mangingingisda
ngang talaga ngunit hindi mo agad malalaman kung bakit ganito ang pamagat.

MAY-AKDA- Ernest Heminway

✨ Iginagawad ko ang isang palakpak para sa may-akda sapagka talagang naisulat niya ito sa paraang
mapapaisip at mamangha ang kanyang mambabasa.

GENRE- Nobela

II. BUOD- Halos 84 na araw nang naglalayag si Santiago sa laot ngunit wala pa rin siyang nahuhuling isda.
Ang tawag dito ay Salao o sa madaling salita ay malas na naging dahilan upang hindi makasama ang
kanyang aprendis na si Manolin. Sa ika-85 na araw ng kanyang napakamalas na pangingisda, lumayag si
Santiago gamit ang kanyang bangka patungo sa Gulf Stream, inilagay ang kanyang mga linya at, sa
tanghali, ay may nakuha ang kanyang pain na isang malaking isda at nasisiguro niyang ito ay isang
marlin. Hindi magawang maihila ang malaking marlin, si Santiago ay sa halip hinila ng marlin. Dalawang
araw at gabi ang lumipas habang hawak ang linya. Kahit nasugatan sa pakikibaka at sakit, ipinahayag ni
Santiago ang mahabaging pagpapahalaga ni Santiago sa kaniyang mga kaaway, madalas niya itong
tinutukoy bilang isang kapatid. Napagtanto din niya na walang sinuman ang karapat-dapat na kumain sa
marlin, dahil sa matatag na karangalan nito. Kahit pagod na si Santiago sa ikatlong araw ay ginamit niya
parin ang natitirang lakas upang mahuli ang Marlin. Nahuli niya ang Marlin ngunit naakit pa rin ang mga
pating sa dugo ng Marlin na naging dahilan upang kainin nila ito at sa huli'y nag-uwi na lamang si
Santiago ng buto.

III. PAKSA- Ang nobelang ito ay tungkol sa isang matandang mangingisdang naglalayag na ng matagal
ngunit wala pa ring nakukuhang isda.

✨ Totoong sa kahuli-hulihang parte ng nobela ay hindi pa rin nakahuli ang matanda ngunit hindi pa rin
matatawaran ang kanyang determinasyon na kahit sa paulit-ulit na proseso ng paglalayag ay nanatili pa
rin itong matatag.

IV. BISA SA ISIP-✨ Totoo ngang mabisa ang pagkakasulat ng may-akda sa nobelang Ang Matanda at Ang
Dagat sa paraang naiimpluwensiyahan nito ang mga mambabasang huwag sumuko sa buhay. Nakatatak
na sa isip ng mga mambabasa ang bawat mensaheng nais ipahiwatig ng may-akda.

BISA SA DAMDAMIN-✨ Totoong nakakaantig at nagiging isang modelo ang pangunahing tauhan sa
nobelang Ang Matanda at Ang Dagat ngunit kung bibigyan natin ng kahulugan ang bawat pangyayari sa
Nobela ay masasabi kong napasakit ng reyalidad sapagkat pati ang lipunan na sana'y kaagapay mo, sa
huli sila pa ang nagiging kaaway mo.

V. MENSAHE- Ang mensahe ng nobelang ito ay kahit gaano man karami o kahirap ang mga problemang
nararanasan natin bilang isang tao ay huwag na huwag tayong sumuko sapagkat ito'y gabay lamang sa
atin. Ito'y nagtuturo sa atin upang maging isang mas mabuting tao pa.

VI. TEAORYANG GINAMIT- Humanismo, Realismo at Naturalismo.

You might also like