You are on page 1of 1

DE LARA, ALLEN GLENN, G.

SURING BASA 10-SYMPATHY

I. PAMAGAT, MAY-AKDA, GENRE

Ang Matanda at ang Dagat

-Isinulat ni Ernest Hemingway, isinalin sa wikang Filipino ni Jesus Manuel Santiago.

-Ipinanganak si Hemingway noong Hulyo 21,1899. Si Ernest Hemingway ay isang nobelista,


mamamahayag at manunulat na amerikano. Ang maikli ngunit maliwanag na ipamamaraan ng
pagsusulat nito ay ang nagbigay sa kaniya ng malakas na impluwensiya sa kathang amerikano at
british sa 20th century. Ang akda na aking sinusuri ngayon ay nanalo ng Nobel Prize noong taong
1954.

-Ang genre ng akdang ito ay tinatawag na “Literary fiction”

II. BUOD
Mangingisda sa bansang Cuba ang matandang lalaki na nagngangalang Santiago. Habang nasa kalagitnaan
ito ng kaniyang pangingisda ay nakita nito ang isang pating na lumalangoy papunta sa kaniyang bangka.
Kasabay ng paglapit ng pating sa bangka ng mangingisda ay sinaksak ito ni Santiago gamit ang kanang
salapang. Pating ang napatay ng matandang mangingisda kaya naging masaya ito dahil maibebenta niya ito
sa palengke sa malaking halaga. Dalawang oras na ang nakaraan nang makakita muli siya ng dalawang
pating. Nataranta si Santiago at sa ikalawang pagkakataon ay inihanda niya ang mga gamit para mapatay ang
mga pating. Matapos pa ang ilan pang mga sandali ay nagtagumpay si Santiago mula sa naging hamon kaya
umuwi na ito upang makapag-pahinga.

III. PAKSA

Ang nasabing nobela ay tungkol sa isang matandang mangingisda na si Santiago na humarap sa mga hamon
habang ito ay nangingisda.

IV. BISA

Bisa sa isip- ang nobelang “Ang Mangingisda at ang Dagat” ay naipakita ang pagiging positibo at pagiging
matapang na tao sa gitna ng mga pagsubok. Maaring mapapa-isip ang mga mambabasa sa nobelang ito dahil
hindi malayong nangyayari ito sa totoong buhay.

Bisa sa damdamin- Takot, pagsuko at paga-alala ang marahil ang mararamdaman ng mga mambabasa sa
nobelang ito dahil na rin sa mga naging hamon kay Santiago habang siya ay nasa kalagitnaan ng pangingisda.

V. MENSAHE

Hindi natin maiiwasan ang mga problema o hamong dadating sa ating mga buhay ngunit kailangan
nating maging matapang at matalino sa hakbang na ating gagawin upang harapin ang mga suliranin.

You might also like