You are on page 1of 1

PAMAGAT, MAY AKDA, GENRE

-ANG MATANDA AT ANG DAGAT


-Ernert Hemmingway ang awtor ng nobelang ito na isinalin ni Jesus Manula Santiago sa Filipino. Isinulat
ito ni Hemmingway sa Cuba noong 1951 at inilabas noong taong 1952. Ang nobelang ito ay isang
produksyon hango sa mga naging karanasan ni Hemmingway bilang isang awtor sa loob ng 16 taong.
Nang matapos gawin ang nobelang ito, ninanais nyang ipahiwatig sa mga kritiko na hindi pa nagtatapos
ang kanyang pagiging manunulat sa pamamagitan ng pagpublish ng nobelang ito.
-Literary Fiction

BUOD
Pumalaot si Santiago sa dagat upang mangisda sa pagnanais na makahuli ng maraming isda para sa
kanyang pangkabuhayan. Hindi niya naisama ang kanyang kasa-kasamang binatilyo kaya mag-isa lamang
itong nung umalis. Subalit ilang araw na siang nasa dagat at wala paring siyang mahuling isda. Inabutan
pa siya ng bagyo habang nasa laot at naubos na ang baon niyang pagkain.
Gusto na sanang umuwi ni Santiago subalit hindi siya sumuko at nagpatuloy hanggang sa makahuli siya
ng isang malaking isdang Marlin. Subalit maraming pating ang nagtatakang kunin ang Marlin. Nagtagisan
sila ng lakas at sa huli kahit halos malaki ang nakain ng mga pating, naiuwi pari ni Santiago ang isang
Marlin sa kanyang tahanan.

PAKSA
Ang tema ng nobela ay naangkop rin sa kasalukuyang pamumuhay ng tao. Isang aral na inilahad ng
kwentong ito ay nagpapakita ng pakikipagsapalaran sa buhay. Maihahambing ito sa pang-arawang
gawain ng lahat sapagkat naitaguyog ang sarili sa kabila ng labis na pagsubok na dumating

TUNGALIAN
Nagsimula ang tunggalian sa kwentong ito ng makahuli ang matandang mangingisda na si Santiago ng
isang Marlin, Ipinagtanggol niya ang isda sa mga pating na gustong kumain sa mga ito. Ang unang pating
na napatay niya sa pamamagitan ng pagsalaksak niya ng salapang sa ulo nito at ang natamaan ay ang
parte ng utak nito na siyang ikinamatay ng pating. At ang dalawang pating na sumalakay sa kanila para
sagpangin ulit ang marlin ay napatay niya sa pag ulos niya ng lanseta na itinali niya sa sagwan. Bagamat
sa kabila ng katandaan ni Santiago ay nagawa parin niyang magapi ang mga pating na sumalakay sa
kanila. Dahil siya ay isang matandang matatag at laging handa sa mga pagsubok na maari pang dumating
sa kanya.

BISA(DAMDAMIN)
Ipinapakita dito na, sa kabila ng paghihirap ni Santiago, hindi pa siya nawalan ng pananalig na gawin ang
ginagawa ng ibang mga mangingisda. Bagaman naharap niya ang mga pagsubok o hamon, hindi hadlang
para sa kanya na ipakita sa iba na kaya niya at kakayanin din ng mga kasama nya.

MENSAHE
Ang mensahe sa nobelang Ang Matanda at ang Dagat ay pagharap sa realidad ng buhay. Sa buhay
marami tayong desisyon na dapat gawin para sa ating pansariling kaligayahan o para din sa ikabubuti ng
nakararami. Ngunit ang pagkamit nito ay hindi madali. Maaari tayong maharap sa suliraning maaari
lamang malutas sa hindi magandang paraan.

You might also like