You are on page 1of 8

PAGDULOG ROMANTISISMO SA PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTO

I- Pamagat : “Kampilan”

Ang pamagat ay “Kampilan” na sumisimbolo sa katapangan. Ipinakita na


kahit pa buhay ay iaalay huwag lamang muling maapakan ang kanilang pagkatao
at upang maitaas rin ang kanilang uri na kung minsan ay tinitingnan silang mababa
dahil sa tribung kinabibilangan nila.Ipinapakita rin na di maaring hamakin ang mga
katulad ng Tribung Tangguian sapagkat gaya ng ibang pilipino o ibanglahi sila rin
ay mga tao na sa mata mg manlilikha at pantay-pantay.

II- May-akda: Reynaldo A. Duque

Si Reynaldo A. Duque ay isang manunutat ng maikling


kuwento, tula, nobela, sanaysay, iskrip sa radyo, telebisyon, pelikulaat komiks.

Isinilang siya sa Candon, Ilocos Sur. Nakapaglathala ng humigit-kumulang


sa 300 maiikling kuwento sa Banawag, Liwayway,Pambata, Parent's Digest, Asia
Magazine, Observer, Sagisag, Focus Philippines at Giliw Magazine.

Isa siyang premyadong manunulat na tumanggap ng gantimpala mula sa


Palanca Memorial Awards for Literature at GUMIL. Ang Gamugamo sa Lampara
ni Julio Madarang ay mula sa kanyang panulat. Una itong nasulat sa wikang
Ilokano at pagkatapos ay isinalin sa Tagalog. Nailathala ito sa Liwayway noong 29
Disyembre 1986 at 5 Enero 1987. Nanalo ito ng Unang Gantimpala sa Sentrong
Pangkultura ng Pilipinas (Cultural Center of the Philippines), Gawad
sa Panitikan sa Maikling Kuwento noong 1987.

III- Buod:

Nagsimula ang kwento, alas dyes ng umaga, nakatayo ni Balawed sa burol


na kinatitirikan ng kanilang kubo. Tanaw niya ang mga malalaking trak na
nagpuprusisyon sa silangang bahagi ng Asilang. Panot na ang mga bundok doon,
simula ng magkonsesyoin si Senyor Carlos Magallanes, supling ng lahing
kumamkan sa halos ng lupain sa Asilang dahil dito inanod ng ilog ang halos
ikasampung bahagi ng Asilang at kumitil rin ng pitong buhay ng kanyang mga
katribu. Ang kanilang tribung Tingguian ang unang nangahas ng luminang sa pook
na iyon.

Hawak niya ang puluhan ng kampilan sa kanyang baywang . Ang kampilang


ito ay mula pa sa kanyang mga ninuno. Ibinigay ito sa kanya ni Apong Tangeden
kagabi, pati ang upit na naglalaman ng titulo ng kanilang lupa at ang bahag na
kanyang suot.

Kahapon ay kinausap ni Senyor Carlos ang kanyang lolo, gusto nitong


ipasukat muli ang lupa nito sa Asilang. Nagalit si Balawed pagkat alam niyang
mayroong panibagong plano si Senyor Carlos.

Kinausap siya kagabi ng kanyang lolong si Apong Tangaden. Siya ang


inutusan na pumunta kina Senyor Carlos. Doon ibinigay sa kanya ang kampilan,
bahag at upit. Sinabi rin ng matanda na alam ni Senyor Carlos na siya ang pupunta
sa villa nito. Naalala niya ang pagkamatay ng kanyang ama at mga kapatid na sa
panahon ng kanyang paglaki ay natuklasan nila ang dahilan.

Pumayagpag ang manok na dala niya. Bumaba siya.Naglakad patungo sa


nayon. Nasa harap na siya ng villa. Pinapasok siya ng isang lalaking patpatin na
siya ring nagturo kung nasaan ang kaniyang senyorito.

Sa likod ng villa doon niya natagpuan si Senyor Carlos kasama sina Anton
Gallego, ang katiwala nito sa konsesyon at si Atty. Salacnib Agcamcam, isa nilang
kababayang abogado. Nag-iinuman ang tatlo, si Atty. Agcamcam ang unang
nakapansin sa kanya. Nilait siya at pinagtawanan minaliit at nilait pa siya ng tatlo
dahil sa kanyang suot na bahag.Kinuha sa kanya ng Don ang manok na dala at
saka pinakain sa alaga nitong buwaya.

Inalok si Balawed na uminom ni Anton Gallego ngunit tumganggi


siya.Tinanong din siya kung kapatid ba niya si Cabugao at sinabi pang ang
pagiging matigas ang ulo at pagdudunong-dunongan ay walang mararating na
gaya ng nangyari sa kanyang kapatid. Binuksan ni Atty. Agcamcam ang isang
portfolio. Inilabas ang ilang mga papeles at pinapipirmahan sa kanya.
Tumangging pumirma si Balawed ng malaman niyang waiver ito at dahil
dito’y nagalit si Senyor Carlos. Sinabi niyang hindi niya ito pipirmahan sapagkat
alam niyang aangkinin lamang ni Senyor Carlos ang Kanilang solar at
kagubatan.hinanapan siya ng katibayan. Agad niyang inilabas mula sa upit ang
titolo ng kanilang lupa. Nang makitang totoong titolo ito ay mas lalo pang nagalit
ang Senyor.Pinipilit siyang pamirmahin sa waiver at kung hindi ito susunod ay
papatayin siya.

Hindi na napigilan ni Balawed ang kanyang galit. Mabilis niyang binunot ang
kampilan at tinaga si Senyor Carlos na bago pa makailag ay bumaon na sa balikat
nito ang Kampilan , ngunit tumaas muli ito, pugot ang ulo ng Senyor na gumulong
sa lawa-lawaan na sinakwal naman ng alaga nitong buwaya.

Sunod niyang hinarap si Atty. Agcamcam, tumakbo ito ngunit hinabol niya
at nang mahabol ay kanyang tinaga mula sa likod. Bumagsak ang
abogado.Bumunot ng baril si Anton Gallego, binaril siya natamaan sa dibdib
bamagan ay nanatili pa rin siyang nakatayo at nang akmang tatakbo na naman
ito at kanya itong hinabol at nang maabutan ay tinaga niya ito sa tagiliran,
bumagsak ito. Doon pa lamang niya naramdaman ang panghihina. Nalugmok siya
. mula doon ay nakita niya ang mga pirapirasong papel. Ito ang titulo ng kanilang
lupa na pinunit ni Senyor Carlos Magallanes. Gusto niyang ipunin ang mga nito.

Tumihaya siya inilagay ang kampilan sa kanyang dibdib. Tanghali na.


nakaramdam siya ng matinding pagod. Pumikit siya at nang dumilat ay nanlalabo
na ang kanyang mga mata kasabay ng pagdilim ng kanyang paningin ay parang
narinig niya ang dallang ni Apong Tangaden…

Ang naiipong nana ng sugat ay kakawala


At dadaloy sa sakbibi ng kulay-pulang lupa
Sa talim ng kampilan karangala’y ibabandila
Hanggang sa kahuli-hulihang hininga. Duminidallong…
duminidallang …
IV- Pagsusuri
A. Tagpuan
Sa kubo nila ni Balawed sa Asilang at sa Likurang Bahagi ng Villa ni
Senyor Carlos Magallanes sa kabayanan.
B. Tauhan:
1. Balawed- mula sa tribu Tinngiuan. Apo siya ni Apong Tangeden.
Nagkaroon ng matinding galit kay Senyor Carlos Magallanes dahil sa
pagkamkam sa kanilang lupain sa Asilang, gayundin sa maagang
pagkamatay ng kanyang dalawang kapatid at ama.
2. Senyor Carlos Magallanes- isan banyagang supling na lahing
kumamkam sa lupain ng mga Tingguian sa Asilang
3. Apong Tangaden- lolo ni Balawed. Ang nag-utos kay Balawed na
pumunta sa villa ni Senyor Carlos Magallanes.
4. Anton Gallegos-katiwala ni Senyor Carlos Magallanes sa kanyang
konsesyon
5. Atty. Salacnib Agcamcam- abogadong kababayan nila Balawed ngunit
naglilingkod kay Senyor Carlos Magallanes.

C. Tema:

“Ang pagtatanggol sa karapatan kahit pa kapalit nito ay buhay ay isang


kadakilaan.”

“Ang pang-aapi kung sumubra ay nagtuturo ng paglaban at pag-aalsa”

“Ang taong api kung magalit ay lumaban ng pilit”

D. Himig:

Ang akda ay may himig ng paghihimagsik.

E. Tunggalian
Uri ng tunggaliang makikita sa akda

Ang tunggaliang naganap sa akda ay sa pagitan ng tao laban sa tao. Si


Balawed laban kay Senyor Carlos na mapagkamkam.nagkaroon ng tunggalian sa
pagitan nila dahil sa subra-subrang pagmamalabis niSenyor Carlos na Gusto Pang
Angkinin ang natitirang Lapain ng mga Tanggiuan sa Asilang.

F. Banghay
a. Istilo ng paglalahad

Gumamit ito ng Flashback na kung saan ay nagsimula ang Kwento sa


gitnang bahagi, pagkatapos ay kagyat na binalikan ang mga nakaraan na
nagbigay linaw din sa pag-uugali at nararamdam ng pangunahing tauhan.
Pagkatapos at nagpatuloy ito hanggang sa wakas ng akda.

b. Simula

Nakatayo si Balawed sa burol na kinatitirikan ng bahay ng kubo nila ni


Apong Tangeden, ang lolo niya. Natatanaw niya ang mga bundok sa silangang
bahagi ng Asilang. Panot na ang mga bundok doon. Palagi nang nagpuprusisyon
ang malalaking trak doon simula ng magkonsesyon si Senyor Carlos Magallenes.

c. Saglit na kasiglahan

Kinausap ni Senyor Carlos Magallanes ang kanyang lolo kahapon. Gustong


ipasukat ang lupa nito sa Asilang. Naisip niya mayroon na naming piniplano ang
Senyor.

Kinausap siya ng kanyang lolong sa Apong Tangeden. Siya ang


pinapupunta sa villa ng Senyor. Ibinigay din sa kanya ang isang kampilan, bahag
at ang upit na kinalalagyan ng titulo ng kanilang lupa.

d. Tunggalian

Naalala niya ang misteryosong pagkamatay ng kanyang ama at mga


kapatid. Natuklasan niya ang dahilan ng pagkamatay ng mga ito.

Nakarating siya sa villa. Doon at nilait siya ni Senyor Carlos, ni Anton


Gallego at ng kababayang si Atty. Agcamcam. Pinilit siyang pumirma sa mga
waiver ngunit matigas ang kanyang pagtanggi.
e. Kasukdulan

Pinagbantaan siya ng papatayin kung hindi niya pipirmahan ang mga


dokumento. Di na niya napigilan ang kanyang sarili at sinugod ang Senyor at
pinagtataga. Sunod niyang binalingan ay ang kababayang si Atty. Agcamcam
tinaga niya ito sa likod ng maabutan padapa itong bumagsak . Nagbalak pang
tumakbo si Anton ngunit kanya itong hinabol binaril siya at tinamaan sa dibdib
ngunit di pa rin siya natinag. Nang akmang tatakbo pa ulit ay kanya itong hinabol
at nang maabutan ay kanyang tinaga ang tagiliran at winakwak ang sikmura.
Bumagsak si Anton.

f. Kakalasan

Noon na lamang naramdaman ni Balawed ang panghihina nalugmok siya.


Nakita niya ang nililipad ng hangin ang pira-pirasong titulo ng lupa. Gusto niyang
ipunin ang lahat mg iyon.

g. Wakas

Pumikit siya nang dumilat ay unti-unti nang dumidilim ang kanyang


paningin.

V- Bisa ng akda
Pagkatapos kong mabasa ang akda…
Nalaman ko na… Nadama ko ang…
Kung minsan ang taong inaapi ay siya Awa sa mga katulad ng tribung
pang totoong dakila sa lahat. Tingguian na sadyang nalalamangan
dahil sa kulang sa kaalaman at kung
minsan pa ay siyang nalolokong tunay.
May mga tao talagang di na Inis sa mga katulad ni Senyor Carlos
nakukuntento sa kung anung Magallanes na hindi na lamang
mayroon sila sa halip ay gusto pang makontento sa kung anong mayroon sa
magkamkam ng mas marami pa. kanya sa halip ay gusto pang kamkamin
ang pag-aari na ng iba.
Ang hindi pagsasalita kahit pa Paghanga kay Balawed dahil handa
naapakan na ang kanilang pagkatao siyang ibuwis ang sariling buhay upang
kung minsan ay umaanyaya pa para ipaglaban ang kahit maliit na bahaging
mamihasa sa ganitong gawain ang natitira sa kanilang tribu.
nang-aapi o ang nagmamalaki.
Kung minsan Ang taong may
maruming gawa at siya pang
dinadakila ng lahat,habang kung sino
pa ang api siya pa ang alipusta sa
mata ng nakararami.

VI- Kamalayang Panlipunan

Ang nangyaring sa akda ay sumasalamin nin sa kasalukuyang panahon,


ang karaniwan pagkaapi sa mga mahihirap/mahihina, ang kawalan ng hustisya at
ang pagkakaroon ng di pantay na pagtingin sa sa mahirap at mayaman.

VII- Sariling Reaksyon

Ang sobrang pang-aapi at pang-aalipusta ay nagdudulot ng galit na kung


magpapatuloy ay maaring sumabog na gaya ng bomba. Ganyan ko ilalarawan
ang akda na kung saan ang kahit sinumang tao kapag napuno na ay lalaban na,
sa ganitong sitwasyon hindi ko masisisi si Balawed sa kanyang mga nagawa
sapagkat labis na ang kanilang kaapihan, na dulot na rin ng di pagkibo ng mas
lalong nakakataas sa kanya. Ang kanyang sitwasyong kinasadlakan ay mahirap
sapagkat kung pumirma na lamang siya ay mas mamimihasa pa ang isa sa
paggawa ng ganitong kabalintunaan sa hinaharap. Kung hindi naman niya
inunahan ang tatlo ay maaring napatay siya at magpapatuloy pa ang lalong pang-
aapi sa kanilang tribu.

You might also like