You are on page 1of 47

PANITIKAN NG

REHIYON VI
KANLURANG BISAYA
1. Aklan
2. Capiz
3. Antique
4. Guimaras
5. Ilo-ilo
6.
Negros
Occidental
KALAGAYAN
PANGKAPALIGIRAN
• Hiligaynon - Ang wikang Ilo-ilo, Antique, Guimaras, Capiz , Aklan at Negros
Occidental.

• Mga Dayalekto
① . Ilonggo - sa lalawigan ng Ilo-ilo
② . Hinaraya - sa lalawigan ng Antique
③ . Panay - sa lalawigan ng Capiz at
④ . Akianon - sa lalawigan ng Aklan

• Hinalawod - Ang pinaka mahabang epikong Panay bukod sa


Margtas, Hilaya at Lagda. Ang mga katutubong Panay ay mayroon ding
Masay na tinutula sa sayaw na ati-atihan.
Bago dumating ang mga kastila
Anyo ng Panitikan ng mga
Sinaunang Ilonggo
1. Ambahan
- Tulang pasalaysay tungkol sa buhay.
- Pinaka payak na tula, binubuo ng 2 taludtod na may 7 pantig at walang tugma ngunit
nagtataglay ng buong diwa.

2. Balak
- Awit ng pag-ibig.
- Patulang pagtatalo ng babae at lalaki

3. Sidy - Awit tungkol sa bayaning ginagamit sa pananapatan sa bahay-bahay ng mga


namamalimos

4. Awit - Tungkol sa pag-ibig at ibat-ibang gawain.


5. Griges o Haya - Panaghoy sa isang namatay.

6. Anogon - Awit sa panghihinayang sa pagyao ng minamahal

7. Bical - Masaya at mapa nuksong awit.


 Sabi - Pangkalahatang tawag sa tula ng mga nasa kanlurang bisaya

 Binalaybay - Ang tawag sa mga tulang Hiligaynon.

- Ang mga tulang Hiligaynon ay binubuo ng apat na taludtod at may


lima hanggang labindalawang sukat.

 Hurabaton at Bilisad-on - Ang pinaka maikling binabalaybay o tula

 Paktakon - Ang tawag sa kanilang mga bugtong


Panahon ng mga kastila
Mga Panitikang Limbag ng mga
kastila
1. Korido - Ang paksa ay tumatalakay sa buhay ng tao at pangyayari

2. Komposo- Ang paksa ay tumatalakay sa pangyayaring pangkasaysayan, pag-iibigan ng


tao hanggang sa kalagayang sosyal.
Inaawit ng mga pulubi at mangagawa sa tubuhan at iba pa.

3. Babai - Nabibilang sa mga akdang tradisyunal tulad ng pasyon at dulang panrelihiyon.

4. Aklat ng Kagandahang Asal- Ang manual ng kagandahang asal na lumaganap sa


buong bansa.
(Karaniwan ang mga akdang sinulat ng mga Kastila ay nagpapa laganap ng
Kristiyanismo)
Mga Sarsuwela
1. Nagahigugma sa iya Duta o Mga Kababayan
- Isinulat ni Salvador Siocon noong 1899. At isinadula rin niya ang mga
sarswelang patungkol sa buhay panlipunan at pampulitika.

2. Ang Panialay ni Cabesa Itok


- Isinulat ni Angel Magahum, isinulat din niya ang unang nobela ng
Hiligaynon at at talambuhay at nobela at ang Datu Paubare.
Mga Sikat na Nobelista sa Panahon ng
Kastila
Magdalena Jalandoni
Ramon Mosones
Canrado Norado
Jose Yap
Magdalena Jalandoni
 Nagpauso o nagpasimula
ng tulang malaya
taludturan sa Hiligaynon.

 Kinilalang pinaka popular


na manunulat sa akda
niyang tumalakay sa mga
uri ng tao sa lipunan at
nakabanghay sa pag ibig.
Ang gintong panahon
Ang pagtutol sa bagong mananakop ang
naging paksa ng mga akda sa panahong ito:
 Disyembre 1898– nagsimula ang pananakop ng amerikano.

 1900 - 1930 ay tinawag na GINTONG PANAHON ng panitikan hiligaynon .


Sa mga unang dekada inilimbag ni Jose Ingalla ang kalipuna niya ng mga tula na
pinamagatang DUTANG OLIPON(Enstaved land)

 1907–Inilimbag naman.ni Pedro Monteclaro ang MARAGTAS sa pahayagang


KADAPOG sa banwa. Ito ang nagpapatunay ng matanda na kultura at
kasaysayan ng Panay.

 Sa Kalibo Aklan naman inilimbag ni Manuel Laserna ang Pagmamahal sa


Banwa.
pagmamahal sa bayan pagnanais na makalaya sa mga mananakop at
mga bayaning nagsilbing inspirasyon ang naging paksa sa panahong
ito.

 Ang mga paksa tulad ng Bandila, Kagandahan ng Pilipinas, Likas na Ya-


man at Wika na nagsilbing sagisag ng ating inang bayan ay kabayanihan ng
mga Pilipino. Ang paksa ukol sa digmaan at kabayanihan ay ginawang
batayan sa pagsulat ng mga epiko.

 Mayroon isunulat tungkol sa Nobena, at ito ay ang ‘TAO AT VIDA’ tumata-


lakay ito sa buhay at gawain ng mga santo at santa o mga banal na tao na
binibigay diin ay ang magagandang ugali nila na maaring gayahin ng mga
mambabasa.

 Tula ukol kay Rizal ang isinulat na pumupuri sa ginawa niyang


kabayanihan,pagsasakrapisyo ng kanyang buhay at katalinuhan.
 HAIL MARY - Ito ang tula na sinulat at ang salitang ginamit kay Rizal na
humihingi ng tulong sa Panginoon para sa kalayaan ng mga Pilipino.

 1926- Nagkaroon ng patimpalak sa pagsulat ng tula na pumapaksa sa pag-


mamahal sa bayan. Ang nagkamit ng unang gantimpala ay ang 'SA
DALAGABG ILONG-ILONGANON' ni Flavio Zaragoza. ito ay isang
parangal sa kagandahan at kabutihan ng mga ilongga at ang kahandaan ng
mga tao na ipagtanggol ang inang bayan.

 Ikalawang gantimpala ay nakamit ni Delfin Gumban sa kaniyang tulang


'AMBAHON SA KALUWASAN' na nagpapahayag ng pagsalungat ng mga
pilipino sa pananakop ng mga amerikano.
 1930- Tinggap ng mga pilipino ang pagkakaroon ng
malasariling pamahalaan at pagsunod sa mga ugaling
AMERIKANO sa pag asang makaroon ng malasaril-
ing pamahalaan.

 Ang mga Aklanon ay sumulat ng mga pahayagang


Rokeanon, La Vanguardia,Ro Announcer at Ban-
haw.
 Kinilalang pinakamahusay na makata ng tulang pandamdamin na
sumulat sa sagisag na YONA.

 Ang paksa niya ay ang kalambingan ng mga dalagang


Pilipina,Kagandahan ng Pilipinas at Pananampalataya.

 Taun-taon hinihingi siyang sumulat ng papuri sa mahal na birhen.


Sa kasamang palad lahat ng akda niya ay nawala noong World-
WarII.
 Sa kabuan,ang panulaan sentimental man o poli-
tikal ay naimpluwensiyahan ng taradisyob kastila.
Lahat ng makata ay kumapit sa pagsulat ng tulang
may tugma.

 Ang mga manunulat na sina Flavio Zaragoza


Cano,Delfin Gumban at Serapinon Torre at
tinaguriang tungkol sa panulaang Ilonggo.
Balagtasan
 Unang balagtasan ay unang itinanghal noong
Disyembre 30,1926 sa Iloilo. Ang paksa ay
ang 'AMAY UKOB ILOY' pinag talunan
nina Delfin Gumban at Serapion Torre.

 Nanalo si Delfib Gumban kaya itinanghal


siya na Hari ng Balagtasan.
Free Verse o Malayang taludturan o Hiwalabay
 Sa pagbukas ng mga paaralang publiko ng mga Amerikano at
sa pagkakatuto ng panitikang ingles maraming manunulat ang
lumihis ng daab sa pagsulat ng tula.

 Pumasok ang tinatawag na Free Verse o malayang


taludturan at tinatawag na hiwaybilay sa hiligaynon.

 Ang unang sumulat ng malayang taludturab ay sina Salvador


Verroya at Isidro Escare Ebeto na naglimbag noong 1920 at
si Lorenzo Dilang Fajardo noong 1934.
Talapuanan
 Ang tawag sa katiwalian sa pulitika, sana ng
kapitalismo, pagsasamantala sa mga mahihirap
na manggagawa at kababaihan
pangangailangan ng edukasyob at kahalagahan
mga samahang manggagawa.
Ang gintong panahon sa sarswela at
drama ay noong 1903–1930.
Valante Cristobal
 ANG CAPITAN' ay siyang unang sarswela na itinanghal bagamat ang unang
sarswelang isinulat ay ' ANG NAGA NIGUGMA SA IYA YUTA' ni Salvador
Ciocon.

 Si Cristobal ang itunuturing na pinakamahusay na sarswelistang hiligaynon.

 Nagsulat siya ng 32 sarsweka at pinakahuling sarswelang isinulat niya ay 'ANG


KOLINTAS NGA BULAWAN'
Angel Magahum
 Isa sa pinakamahusay na sarswelista na
siyang kauna unahang sumulat ng nobelang
BENJAMIN.
 Sinulat niya ito noong 1894 nailimbag
noong1907. ang mga dula niya nanunuligss
sa katiwalian ng mga lokal na politika, di
pagkakaunawaan ng iba ibang antas ng tao at
duwang-alipin.
Miguela Monteribano
 Nag iisang mandudulang babae.
 Ang mga isinulat na sarsweka ay ukol sa
kamalayang sosyal.
 Queen City of the Age South - Ang suliranin
sa paggawa ang nagpababa sa ekonomiya ng
Iloilo na kilalang '
 Bodabik at pelikula - ay siyang dahilan
pagbaba sa sarswela noong 1935.
Salvador Magno
 Kaisa isang Sarswelang natira na nag
patuloy ng pagtatanghal hanggang sa
pagsiklab ng WorldWarII.
EPIKO NG MGA
BISAYA
1. Hinilawod - pinakamalapit sa epiko.

2. Lagda - isa lamang kalipunan ng mga tuntunin ukol sa mabuting pagtupad


sa tungkulin sa pamahalaan na nakapaloob sa mga salaysayin at mga pangyayari.

3. Cadigo ni Calantiao
- naglalaman ng mga batas na kailangan sundin ng mga mamamayan at namumuno.
- May walong batas.
- Hindi maituturing na isang epiko dahil hindi nakasulat sa tula.
4. Haraya
- Kalipunan ng mga tuntunin ng kabutihang asal at ng mga salaysay ng
paghahalimbawa ng nasabing tuntunin.

- Hindi nasusulat ng patula o inaawit.

- Nakasulat lamang sa matandang titik-Filipino na walang tiyak na sumulat


EPIKONG HINILAWOD
MGA TAUHAN :
Alunsina Sikay Padalugdog
Paubari Saragnayan
Makliumsa-turan Maltong Yawa
Suklang Malayon Pingganum-Pinungganum
Labaw Dingin Buyong Matanayon
Mahudapnin Aso Managa
Dumalapdap Prinsesa ng Umban Panumbaw
Angiy Ginbitnam Brigadang Rada
Manaludtad Mahuyok-huyokan
Adyang Dirlinin Banalokan
Ayutang
EPIKONG HINILAWOD
 Si Alunsina na isang dakila at banal na babae ng dagat
Silangan ay pumayag magpakasal kay Paubari na isang
karaniwang tao. Ngunit napoot at sinalanta ni Makliumsa-
turan, panginoon ng lambak at kapatagan ang kaharian nina
Paubari at Alunsina.

 Ngunit nabalaan ni Suklang Malayon na tagapag alaga ng


masayang tahanan sina Paubari. Nakaakyat sila sa Bundok
Madyaas at nakaligtas sa bagyo at baha. Pagkatapos ng
delubyo, bumaba sa kapatagan at sa pamumuhay ng payapa
nagkaanak sila ng tatlong lalake na pawang mga higante.
 Ang tatlong anak nina Alunsina ay sina Labaw Dingin ang
panganay, si Humadapnin ang pangalawa at si Dumalapdap
ang bunso. Unang nakipagsapalaran si Labaw Dingin at
humanap ng babaeng kanyang mapapangasawa. Upang matamo
ang kamay ni Angiy Ginbitinam, ang una niyang asawa, tinalo
niya ang higanteng si Manaludtad.

 Upang makuha ang ikalawang asawang si Adyang Dirlinin ay


napatay niya si Sikay Padalugdog na higanteng maraming ulo.
Nilabanan niya si Saragnayan, ang hari ng kadiliman upang
matamo ang pangatlong asawang si Maltong Yawa
Sinagmaling Diwata. Ngunit nadaig si Labaw Dingin ni
Saragnayan. Ikinulong siya ni Saragnayan at nagdusa sa
bilangguan ng mahabang taon.
 Binalak ni Humadapnin na ipaghiganti at iligtas Labaw Dingin kay
Saragnayan. Sa pagtungo sa kaharian ni Saragnayan, nakasalubong
ni Humadapnin ang mangkukulam na si Pingganum-Pinungganum.
Nagpalit ng anyo ang mangkukulam. Naging isang magandang babae
at inakit si Humadapnin. Magagayuma na sana si Humadapnin ng
kagandahan ng mangkukulam kundi siya nailigtas ng kasama at
kaibigang si Buyong Matanayon.

 Samantala, si Labaw Dingin ay nailigtas na ng anak niyang si Aso


Managa na nakipagbuno at nakapatay sa hari ng kadiliman.

 Nakarating si Humadapnin sa kaharian ng Umban Pinaumbaw at sa


tulong ng kanuyang mahiwagang kapa, naialis niya malaking bato na
nasa sentro ng kaharian.
 Bunga nito, napangasawa ni Humadapnin ang prinsesa ng Umban Pinaumbaw. Ang
ikatlong pakikipagsapalaran ni Humadapnin ay pagkakamit ni Brigadang Rada
Sumiklang Butawan na diyosa ng kasakiman.

 Si Dumalapdap naman ang nakipagsapalaran. Upang makamit niya si Mahuyok-


huyokan kinailangan niyang mapatay si Banalokan na isang higanteng may
dalawang ulo.Nakipaglaban din si Dumalapdap kay Ayutang, ang higanteng kabag.
Mahaba ang kanilang paglalaban.

 Nagtamo ng sugat sa kilikili si Ayutang, ang pinakamahinang bahagi ng katawan nito.


Sa sakit, pumalag ng pumalag si Ayutang. Sa di kawasa, ang lupang tinatapakan nito
ay biglang nahati sa dalawa. Ang mga bato ay lumubog sa dagat at pagkatapos ay
lumutang na muli at naging pulo ng Panay at Negros.
 Sa pagkabuo ng mga pulo ng Panay at
Negros, ang bagong tatag na lupa ay
ipinamahagi sa tatlong magkakapatid. Si
Labaw Dingin ang naging hari ng Irong-
Irong, si Humadapnin ang hari ng Hantik, at
si Dumalapdap ang naging hari ng Aklan. Si
Paubari at Alunsina ay nagtungo sa Bundok
ng Madyaas at doon namuhay ng tahimik.
ANG ALAMAT NG BUNDOK
KANLAON
TAUHAN:

Datu Ramilon - maunawain at mapagmahal na


ama ni Kang
Kang - anak ni Datu Ramilon, kasintahan ni Laon.
Laon - mapalad na kasintahan ni Kang.
• Datu Sabanum - masugid na manliligaw ni
Kang, karibal ni Laon.
ANG ALAMAT NG BUNDOK
KANLAON
 Natatangi sa Negros ang barangay ni Datu Ramilon dahil sa
kanyang ka hanga hangang katapangan at kabaitan. Dagdag pa
sa pagiging bantog ng nito ay ang pagkakaroon ng magandang
anak na nangangalang Kang.

 Dahil siya ay maunawain at mabait na ama, hindi siya


tumututol sa pamimintuho ng mga kalalakihan sa kanyang
anak. Sa dami ng nangingibig kay Kang, ang nagpalad ay si
Laon. Isang araw, nag lakas loob ang magkasintahan na
magtapat kay Datu Ramilon at pinahintulutan naman ito ng
Datu.
 Napag pasyahang idaraos ang kasal sa kabilugan ng
buwan. Naghandog si Laon ng dote kay Datu Ramilon
at nagdiwang ang buong barangay, subalit hindi pa man
natatapos ang seremonya ng kasal ay dumating ang
pangkat ni Datu Subanum.

 Si Datu Subanum ay isang masugid na manliligaw ni


Kang na nagpasyang lumusob ng mabalitaan ang
pagpapakasal ni Kang at Laon. Naganap ang
madugong labanan at sa kasamaang-palad ay nalipol
ang pangkat ni Datu Ramilon.
 Sa tibay ng pag iibigan nina Kang at Laon ay
natagpuan ang kanilang mga bangkay ng
magkayakap. Laking pagtataka na lamang nila
nang kinabukasan ay may nakitang munting burol
sa kinamatayan ng magkasintahan.

 Mula noon ang dating maliit na burol ay naging


isang malaking bundok. Tinawag ito ng mga tao na
bundok nina Kang at Laon. Subalit paglipas ng
panahon ito ay kinilalang Bundok Kanlaon.
Ako si Don Pepe
Aklananon
Ako si don pepe nanggaling sa espanya
Ako'y pumaroon upang lumaban sa giyera
Ang kinakain ko ay pulbura ng bala
Ang iniinom ko'y luha ng dalaga

Mataas na bundok ang aking naakyat


Mga leon at tigre ang aking kaaway
Mga kahirapan ko hindi ko pinapansin
Basta makita ko lamang ang bahay ni Inday
Ang bahay ni Inday tatlo ang bintana
Dalagang si Inday kabigha bighani
Testigo ang langit testigo ang lupa
Bantayan mo Inday kundi ka makuha.

Si Douglas McArthur nanggaling sa leyte may


dinalang sulat ibinigay sa M.P kanya itong binasa at
saka sinabi
Dimo ba alam Inday nobyo mo ay patay
Tapos nagpunta siya sa bahay ni Inday
Tapos sinabi nya kay inday

Dimo ba alam Inday nobyo mo ay patay?


Binaril ng hapon hanggang sa mamatay
SALAWIKAIN

- ay mga maiiksing pangungusap na lubhang


makahulugan at naglalayong
magbigaypatnubay sa ating pang-araw-araw
na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga
karunungan
SALAWIKAIN
1. Masarap ang ampalaya sa lahat ng may gusto.

2. Paluin mo ang kalabaw at ang latay sa iyong palad


maiiwan.

3. Walang taong duwag sa mga taong inaapakan ang


karapatan.

4. Walang naririnig ang taong galit na galit, agad-agad


itong kumikilos na di nag iisip.

5. Ang taong mahilig mandaya,sarili ang laging nadaraya.


6. Kapag luto na ang lahat maraming lumalapit pero
kapag hilaw pa ang pagkain walang
nagtatangkang lumapit.
7.
7. Walang batong matigas ang hindi mag uugat ,kung
ito ay nadidiligan ng hamog.

8. Pagkahaba haba man ng prusisyon sa simbahan


din ang tuloy.

9. Ang kalabaw na apat ang paa nadudulas pa.

10. Walang utang na di nababayaran.


MARAMING SALAMAT!

You might also like