You are on page 1of 4

4.

Mga Yugto sa Prosesong Pagdulog sa Pagsulat

5. 1. Bago Sumulat Nagsisimula matapos ihayag ng guro ang paksa o di kaya ay matapos
mapagkasunduan ng buong klase ang paksang tatalakayin. Tumatagal ito hanggang sa paglikha at
paghanap ng mga ideya at nagtatapos kapag isinulat na ang burador. Ang mga gawaing pangklasrum sa
yugtong ito ng pagsulat ay tiyak na makakatulong sa mga mag-aaral sa paglinang ng mga ideya o di kaya
ay magpapalinaw o magpapayabong sa kanilang orihinal na mga ideya. Kadalasan ito ay mga pangkatang
gawain at makatutulong sa kanila ang mga larawan, tsart, artikulo mula sa pahayagan o magasin, audio-
video recording o film viewing upang maganyak ang mag-aaral na mag-isip at makabuo ng
makabuluhang ideya.

6. Ilan sa mga teknik na maaring gamitin sa paglikha o pagbuo ng mga ideya: A. Brainstorming
Pagbibigayan ng mga mag-aaral ng maraming ideya(salita o parirala). Lahat ng ideyang ibibigay ay
tatanggapin o lilipunin sa pamamagitan ng pagsulat sa pisara, manila paper o kwaderno. Inaasahan na
mas magbubunga ang gawaing ito ng higitna maraming ideya o kaisipan.

7. Ilan sa mga teknik na maaring gamitin sa paglikha o pagbuo ng mga ideya: B. Pagtatala (Note taking)
Bawat mag-aaral ay hikayating magtala ng mga ideya na kaugnay sa paksa hanggang sa makabuo siya ng
mahabang talaan. Ito ay pagtitiyak na hindi mawaglit ang lahat ng ideya na nasa kanilang isipan at alaala
habang naglalahad ng iba pang ideya.

8. Ilan sa mga teknik na maaring gamitin sa paglikha o pagbuo ng mga ideya: C. Mabilis na Pagsulat Sa
tulong ng pamagat at ng pambungad na pangungusap, pasulatin nang tuloy-tuloy ang bawat mag-aaral
sa loob ng limang minuto. (Kung wala siyang maisip na ideya, isusulat niya ang ganito “ Ano ang susunod
kong isusulat?” nang maraming beses hanggang sa may maisip na ideya.) Patitigilin sa pagsulat ang klase
matapos ang limang minuto. Maaaring magpalitan ang mag-aaral sa mga naisulat o talakayin ito ng
pangkatan.

9. Ilan sa mga teknik na maaring gamitin sa paglikha o pagbuo ng mga ideya: D. Mind-Mapping Tulad ng
brainstorming, maaari itong isagawa nang pangkatan o ng buong klase. Ang gawain ay pasisimulan ng
guro sa pagsulat sa pangunahing ideya sa gitna ng pisara at susundan ng pagsulat ng mga kaugnay na
ideya/salita sa paligid ng ulong salita o panginahing ideya

10. Halimbawa ng Mind-Mapping libangan pagkain inumin hindi gusto panlabas na anyo pananamit mga
gusto bilugan ang mata mahaba ang buhok matangkad panonood ng tv pag-awit pag-sayaw sando/t-
shirt shorts/pantalon rubber shoes makulit mayabang gatas menudo spagetti ice tea tanduay ice cake
pandesal buco pandan

11. Ilan sa mga teknik na maaring gamitin sa paglikha o pagbuo ng mga ideya: E. Pagbuo ng mga ideya
Ang ibat’ibang teknik tulad ng brainstorming ay makatutulong ng malaki upang makapagtipon ang mga
mag-aaral ng maraming ideya para sa kanilang sulatin. Susunod ay ang pagbuo at pagpili ng ideya
kaugnay sa paksang susulatin. Maaari itong ipagawa nang isahan upang makapagpasya kung alin ang
dapat ilagay sa unahan, sa gitna at sa katapusan. Sa dakong ito, ipaplano na ang pagsulat ng
komposisyon.

12. 2. Pagsulat Ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Dito isinasagawa ang aktawal na pagsulat kung
saan napapaloob dito ang pagsulat ng burador. Isinasaayos ang simula, katawan at pagwawakas ng
komposisyon. Sa akdang patula ito ay kinapapalooban ng pagsasaayos ng taludturan at saknong.
13. A. Pagsulat ng Burador (Draft) Isulat ang burador batay sa planong isinagawa. Kailangan ito ay
positibong saloobin upang malayang mailahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga ideya sa paraang
gusto nila ng hindi pigil o takot magkamali. Maaaring masiyahan na sila sa unang burador o di kaya’y
gumawa pa ng pagbabago habang sumusulat. Ipaalala na dapat isaisip ang layunin at kung sino ang
target na tagabasa upang makapili ng angkop na salita, istilo at anyo ng mga pangungusap para sa
sulatin.

14. B. Pidbak/Pakikipanayam Sa yugtong ito ay nabibigyan ng ibayong patnubay ang mga mag-aaral kung
paano nila mapapabuti ang kanilang mga kasanayan sa pagsulat. Sa pamamagitan ng mga tanong at
puna ng guro o ng isang kaklase, matutuklasan ng isang mag-aaral ang kahinaan at kabutihan ng
kanyang komposisyon at daan ito upang mapalinaw at mapadalisay ang kanyang sulatin. Ang
pakikipanayam ay maaaring isahan o pangkatan. Gawin itong maikli at bigyang-pokus ang nilalaman at
pakahulugan dito. Tungkulin ng guro na bumuo ng mga tanong na gaganyak at pansuporta sa mga
pagsisikap na ginagawa ng mga mag-aaral sa pagsulat.

15. B. Pidbak/Pakikipanayam Ilan sa mga tanong na maaaring gamitin sa pakikipanayam ay ang mga
sumusunod: Ano ang paksa ng iyong sulatin? Bakit gusto mo itong sulatin? Sino ang iyong target na
tagabasa? Ano ang pinakagusto mong bahagi? Sinabi mong malungkot ka nang…

16. C. Muling Pagsulat/Rebisyon Pagtatapos, isususlat na muli ng mga mag-aaral ang kanilang
komposisyon na isinasaalang-alang ang mga kaisipang natamo sa pakikipanayam. Hikayatin ang mga
mag-aaral na mag-sip habang isinusulat muli ang komposisyon at hindi lamang basta kinokopya ang
burador. Dapat bigyang pagpapabuti ang gawain sa pamamagitan ng mga wastong paglilinaw sa ideya at
pagiging kawili-wili nito.

17. C. Muling Pagsulat/Rebisyon Mga patnubay na tanong para sa muling pagsulat: Kawili-wili ba ang
pangunahing ideyang inilahad mo sa iyong burador? Sa iyong palagay, iisipin ba ng iyong target na
tagabasa na kawili-wili ang ideyang iyong inilahad, mauunawaan kaya nila ang iyong ideya, makakapulot
ba sila ng bagong kaalaman sa iyong mga ideya, matatanto kaya nila kung sino at ano ka bilang tao?
Mayroon bang bahagi sa iyong komposisyon na dapat alisin o baguhin? Nasisiyahan ka na ba sa iyong
panimula/pagwawakas? Paano mo ito mapapaganda? Mas makabubuti ba kung may bahagi
(pangungusap/talata) na ililipat mo ng lugar upang ito’y maging malinaw at kawili-wili? Maaari mo bang
palitan ang ilang salita upang gawin itong mas tiyak? Malinaw ba ang pag-uugnayan ng mga ideyang
iyong inilahad? Paano mo ito magagawang mas malinaw?

18. E. Editing/Pagwawasto Matapos maisulat muli ang komposisyon, maiwawasto na ito na bibigyang-
pansin ang nilalaman, pagbubuo, balarila at kayarian ng pangungusap. Hikayatin ang mga mag-aaral na
gumawa ng sariling pagwawasto sa kanilang komposisyon bago ito ipasa sa guro.

19. Mga Mungkahing Patnubay sa Pagtuturo ng Pagsulat

20. 1. Gawaing maluwag ang kalagayang pangklase: a. Pagpares-parisin ang mga mag-aaral sa unang
araw ng pasukan at hayaang kapanayamin ang isat’ isa. Pagkatapos, hayaang ipakilala sa klase ng bawat
isa ang kanilang kapares. B. Ganyakin ang bawat mag-aaral na magkwento tungkol sa isang karanasan na
nagpapakita ng “pagmamalaki sa sarili.” C. Magpakita ng larawan(pansarili o pampamilya) at magkwento
tungkol dito. Bigyang pansin ang mga sumusunod: Ano ang iyong naging damdamin ng kunan ang
larawang ito? Masaya o malungkot ka ba? Bakit? Ano ang kaibahan mo noon at ngayon?
21. 2. Linangin ang kasanayan sa pagmamasid sa paligid. Ang isang manunulat ay sumusulat upang
mailarawan ang mga bagay tungkol sa kanilang sarili at dpat aigdig na ginagalawan. Upang maging tapat
sa kanilang paglalarawan, kailangan maging sensitibo sila sa mga detalye- at ito’y nangangailangan ng
masugid na pagmamasid. Isang mainam na pagmamasid ay ang paglalarawan ng isang tao hanggang sa
kaliit-liitang detalye tulad ng edad, taas, buhok, mukha, pananamit, tindig, kilos o galaw, pananalita,
tinig at iba pang katangiang iyong mapagtutuunan mang pansin.

27. 3. Maging maluwag sa pagbibigay ng mga nakakaganyak na papuri Gising ang pandamdam:
“Napapagalaw mo ang iyong pandamdam” “Naging matalas din ang iyong pandinig.” Detalye:
“Siguradong makikita ko ang lugar na iyon; Nailarawan mo ito hanggang kaliit-liitang detalye.” Kapani-
paniwala: “Tunay na alam mo ang lugar na iyon.” Mga Salitang Kilos: “Kumilos… Gumalaw… tunay na
nagagamit mo nang mahusay ang mga pandiwa.” Determinasyon: “Alam kong nahihirapan ka sa
pagsulat nito pero pakinggan mo ang daloy ng iyong mga pangungusap.”

28. 3. Maging maluwag sa pagbibigay ng mga nakakaganyak na papuri Tibay ng Loob: “Nakaranas na rin
ako ng kabiguan at minsan mahirap itong sabihin sa iba. Subalit nagawa mo na ito kung kaya’t maganda
ang naging marka ng iyong papel.” Paggamit ng salita: “Pansinin mo ang pares ng salitang iyong ginamit
patak sa bitak. May bahagi bang matulain sa iyong sinulat?” Dayalog: “Nang papagsalitain mo ang iyong
tauhan, para silang mga totoong tao.” Imahinasyon: “Naramdaman kong parang totoong nandoon ako
sa planetang iyon.” Katatawanan: “Sumakit ang tiyan ko sa katatawa sa bahaging ito.”

29. 4. Sabihin: “Ipakita! Huwag sabihin.” Hindi sinasabi ng magagaling na manunulat ang kanilang naiisip
o nadarama. Ipinakikita nila ito. Narito ang ilang paraan ng pagpapakita ng iniisip o nadarama: Paano…
Ano… Laging ipaalala ang wastong gamit ng salita, bantas at kayarian ng pangungusap Gumamit ng
usapan sa sulatin. Bigyang-diin ang paggamit ng mga salitang kilos, lalo na ang mga pandiwa. Gumamit
ng mga talinghaga tulad ng simili at metapora. Bigyan ang mga mag- aaral ng babasahin at udyukin sila
sa mga tanong.

30. Pagtugon sa/at Ebalwasyon ng mga Sulatin/Komposisyon 1. Lahat ba ng sulatin ay dapat tayain?
Kapanibangang Pedagohikal Likas na Pagkukuro 2. Sino ang dapat mag-ebalweyt at ano ang tungkulin ng
ebalweytor? Kamag-aral

31. Ebalwasyon ng Guro Tagabasa ng mga likhang sulatin. Tagapayo o pagbibigay mungkahi upang
mapabuti ang sulatin. Takbuhan o dulugan nga mga salitang hindi maisip o sanggunian ng impormasyon.

32. Ebalwasyon ng isang kamag-aral Ang kaklaseng ebalweytor ang tatayong Tunay na Tagabasa upang
maging sensitbo ang mag-aaral na manunulat sa ideya ng awdyens sa sulatin. Ang talakayan sa
ebalwasyon ng isang kaklase ay magbibigay ng pagkakataon upang matutuhan ang ibat’ibang istratehiya
sa paglikha ng sulatin na ginamit ng ibang kamag-aral. Ang pag-eedit na isasagawa ng mga mag-aaral
bilang ebalwasyon ay makababawas upang bigyang-pansin ng guro ang mga pagbabantas, balarila,
pagbaybay atbp.

33. Ebalwasyon Pansarili Karaniwan binibigyang mungkahi ng guro ang mga ang mag-aaral upang
maging maganda ang kanilang komposisyon. – Nagbabasa ang tao ng kwento upang maglibang kung
kaya, ito ay dapat kawili-wili. -Kailangan malinaw na mailarawan sa isipan ng mambabasa ang tagpuan,
tauhan, at mga pangyayari sa kwentong binabasa. Kung may kamalayan ang mga mag-aaral sa ibat’
ibang mekanismo bago pa man sumulat, malamang na pipilitin niyang maisaalang-alang ang kabuuan ng
proseso ng pagsulat.

34. 3. Bakit kailangan ng guro ang mahabang oras sa pagtugon sa pagwawasto ng komposisyon? Upang
mapatnubayan ang mga mag-aaral sa rebisyon at pagpapaganda ng sulatin. Upang gumanap na
tagabasang nagtatanong para matulungan ang mga mag-aaral na maebalweyt ang kanilang sulatin.
Upang tulungan ang mga mag- aaral na mapataas ang kalidad ng kanilang mga ideya. Upang maganyak
ang mga mag- aaral na maging epektibong manunulat.

35. Ibat’ ibang Paraan ng Ebalwasyon Parmamarkang Holistik Mapamiling Pagmamarka Dalawahang
Pokus na Pagmamarka Top-Down na pananaw sa sulatin. Babasahin ng masinsinan at pagbibigay puna
(kabutihan at kahinaan). May krayteryang dapat sundin (wastong pag- uugnay ng mga ideya). Iwaksi ang
kamalian at bigyang-pansin ang target na kasanayan. Markang patitik (nilalaman) at markang bilang
(kasanayan sa wika).

36. Ang Pagtataya ng Kawastuhan Salungguhitan ang kamalian at huwag iwasto. Maaring bumuo ang
guro ng panuntunan/simbolo na gagamitin kasama ng pagsalungguhit. Halimbawa: B ---------------------
bantas MS ------- maling gamit ng salita MT----------- maling titik ? ---------- hindi malinaw X ------------------
alisin ito Kung ang pangungusap sa sulatin ay hindi mo maunawaan, mas mainam na lagyan ito ng ? at
sabihing makipagkita sa guro sa halip na burahin ito at isulat ng guro para sa mag-aaral. Hal. Kung di pa
alam ng mag-aaral ang tuntunin at/o di inaasahang alam na, hayaan na lamang ito. O di kaya sumulat ng
ganito ang isinasaad: “ Makipagkita sa akin at ipaliliwanag ko ang tuntunin.” Kung malimit at konsistent
sa mga ipinasang sulatin ang pagkakamali, kailangan maglaan ng pagsasanay upang malunasan ito bago
isagawa ang susunod na gawain sa pagsulat. (Palaro o gawaing pambalarila)

37. Maraming Salamat sa inyong matimtimang pakikinig sa akin. -Abby

38. Pagawain: Mind Mapping

About

Support

Terms

Privacy

Copyright

English

© 2022 SlideShare from Scribd

You might also like