You are on page 1of 3

Ang wikang Tagalog ay ang wikang sinasalita sa rehiyong Tagalog kasama ang Bulacan, Bataan, Batangas,

Cavite, Rizal, Laguna, Quezon, Mindoro, Marinduque, ilang parte ng Puerto Princesa, Nueva Ecija, at sa
National Capital Region o Metro Manila (Constantino, 2006) Opisyal na kinilala ni dating Pangulong
Manuel L. Quezon ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa noong 30 Disyembre 1937 sa bisa
ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 at sinimulan itong ituro sa lahat ng paaralan sa buong kapuluan
simula noong 1940. Sa isinagawang sarbey ng Ateneo de Manila University noong 1989, lumitaw na 92%
ang nakaiintindi ng Tagalog sa buong bansa. (Almario, 2014)

Sinimulang tawaging Pilipino ang Tagalog noong 13 Agosto 1959, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran
Big 7 na nilagdaan ni Jose Romero na dating Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. Ayon kay Panganiban
(1970), ang pagpapalit-tawag sa Tagalog tungong Pilipino noong 1959 ay (1) upang mapawi ang isip-
rehiyonalista, (2) ang bansa nati’y Pilipinas kaya normal lamang na tawaging Pilipino ang wikang
pambansa tulad ng mga pangunahing wika sa daigdig na kung ano ang bansa ay siya ring pangalan ng
wika, at (3) walang ibang katawagang maaaring ilapat sa wikang Pambansang Pilipinong batay sa
Tagalog.

Samantala unang nasaksihan sa Saligang Batas ng 1972 ang konsepto ng isang wikang panlahat na
Filipino gaya ng nasasaad sa Artikulo XV, Seksiyon 3, Talata 2 ng nabanggit na Saligang Batas: "Ang
Pambansang Asamblea ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adapsiyon ng
panlahat na wikang pambansang tatawaging Filipino.

Ang Bidyong aking napanood ay patungkol sa kasaysayan at kahalagahan ng wika ito ay nailathala noong
Setyembre 2, 2014 na mapapanood sa UNTV channel, kung iyong mamarapatin nais kong ibahagi ang
aking saloobin ukol sa mga kaganapan. Batay sa aking napanood, sa paksang ito tinalakay ang mga
probisyon pangwika at kung ano ang kahalagahan nito sa isang bansa. Sa panayam ni Dr. Patrocinio
Villafuerte isang propesor sa Filipino ay sinabi na nagsimula ang wika dahil kay pangulong Manuel L.
Quezon kung saan natuklasan niya na maraming mga Pilipino ang iba’t iba ang wikang ginagamit kung
kaya’t hindi sila magkaintindihan. Nagkaroon siya ng kaisipan kung saan bumuo siya ng Asembleya na
tutulong upang bumuo ng isang instistusyon na gagawa ng batas at magpoproklama na magkaroon ng
isa lamang Wikang Pambansa sa Pilipinas at ito ay ang Pilipino na ibinatay sa Tagalog dahil sa maraming
dahilan: Una ay mas mas maraming mamamayan ang gumagamit ng wikang tagalog kung kaya’t wikang
tagalog ang siyang pinili. Ikalawa maraming aklat sa panitikan ang nasusulat sa wikang tagalog.
Nagsimula ang ating pagdiriwang ng Wikang Pambansa nang italaga ni dating Pangulong Ramon
Magsaysay ang Proklamasyon Bilang 12 noong Marso 26, 1954 nang ang 29 ng Marso hanggang 4 ng
Abril ay ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Noong sumunod na taon kanya itong inamiyendahan sa
pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 186 at inilapat sa 13 hanggang 19 sa buwan ng Agosto upang
isabay sa kaarawan ni dating Pangulong Manuel Quezon, kaugnay naman ito nang maluklok si Corazon
Aquino bilang isang Pangulo ay kanyang pinagtibay ang pagdedeklara ng pagdiriwang ng linggo ng wika
mula sa ika 13 hanggang 19 ng Agosto bawat taon sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 19 taong
1986. Sa panunungkulan ni Pangulong Fidel V. Ramos ay mas pinalawig ang okasyon sa bisa ng
Proklamasyon bilang 1021 at idineklara ang buong buwan ng Agosto bilang buwan ng Wikang
Pambansa. Ngunit bakit Wikang Tagalog ang naging batayan ng ating wika?. Mayroongbsampung
pangunahing wika sa Pilipinas, isa sa nangunguna rito ay ang tagalog dahil ang tagalog ay ginagamit sa
buong NCR, sa Region 4-A CALABARZON, sa Mimaropa at naisingit ito sa Region 3 kung kaya’t maraming
Pilipino ang gumagamit ng Tagalog kaya ito nangunguna hanggang ngayon. Pumapangalawa rito ang
Wikang Cebuano kung saan hindi lamang sa Cebu ito ginagamit, ito ay ginagamit rin sa Bohol, Davao,
Surigao at iba pa. Ayon pa rin kay Dr. Villafuerte Malilinang lamang ang intelektwal

Ngunit bakit nga ba na mahalagang alamin at pag-aralan ang kasaysayan ng wika? Ano nga ba ang
kahalagahn nito sa ating buhay?. Mula sa kasaysayan tayo ay naharap sa mga problema, at minsan pa’y
nagbigay ng kaguluhan, kamatayan, at pagdurusa sa ating buhay sapagkat tayo ay sinakop ng mga
banyaga at pinagkaitan ng kalayaan na mamuhay. Ang wika ang isa sa naging dahilan kung bakit tayo
lumaya mula sa pagkaka alipin kung saan tayo ay sinakop ng mga banyaga na siyang tumapak at
lumapastangan sa ating wika ngunit dahil sa ating katapangan at pagnanais na ipaglaban at ipagtanggol
ang karapatan tayo ay lumaban kahit kapalit nito ay buhay. Mula sa pagkakabilanggo sa karahasan at
pagsasamantala tayo ay bumangon, itinaas at iwinagayway ang bandera na sumasalamin sa pagkakaisa
at pagmamahal sa bayan. Dahil sa ating kasaysayan nagkaroon tayo ng kaalaman at kaliwanagan ukol sa
mga kaganapan noong panahon ng pananakop. Nagpapasalamat din ako sa mga sumakop sa ating bansa
dahil kung hindi nila tayo sinakop hindi tayo maiimpluwensiyahan ng kanilang wika at pamumuhay, dahil
sa kanila tayo ay natuto at nagkaroon ng kaisipan at paglipas ng panahon nagkaroon tayo ng wika na
siyang ating ginagamit.

Ako’y lubos na nagagalak sapagkat mayroon tayong wikang ginagamit sa pakikipagtalastasan, sa


pakikisalamuha, sa pakikipagkaibigan, sa pag-aaral, at sa iba pang aspeto. Kulang ang mga salita upang
ihayag ang aking pasasalamat sa mga bayani na nagtanggol sa karapatang pantao at sa wikang
ipinaglalaban, at sa mga Pangulo na nagtaguyod sa ating Wika upang magkaroon ng iisang wika at
pagkakaisa sa paggamit ng iisang wika upang tayo ay magkaunawaan at magkaroon ng sariling
pagkakakilanlan. Nakakalungkot lamang isipin na mayroong mga tao na hindi pinapahalagahan at
kinikilala ang Pambansang wika mas binibigyang pansin ang paggamit ng wikang banyaga kaysa sa
paggamit ng sariling wika. Hindi masama ang gumamit ng wikang banyaga ngunit bilang isang Pilipino
dapat mong paigtingin at pagyabungin ang sariling wika sapagkat ito ang kumakatawan at sumasalamin
sa ating pagkakakilanlan.

Maraming kaganapan ang nangyari mula sa kasaysayan, hindi matutumbasan ng anumang salapi ang
ating wika sapagkat ito ang ating kayamanan na hindi maaaring angkinin ninuman. Alalahnin natin ang
sinabi ng ating Pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa
sa hayop at malansang isda Tunay ngang kay gandang pag-aralan ang kasyasayan ng wika at kung ano
ang kahalagahan at gampanin nito sa ating buhay. Bawat tao ay nagkakaisa sa paggamit ng wika
sapagkat kung hindi dahil sa mga batas at proklamasyon maaring hanggang ngayon magulo at walang
pagkaka-unawaan ang bawat tao kaya naman lubos akong ngpapasalamat sa lahat ng bumuo at
nagtaguyod ng ating wika. Sa pagsapit ng Agosto ang buwan ng wika ating ipagbunyi at ipagdiwang ang
Wikang sariling atin ang Wikang Pambansa upang gunitain ang kahalagahan ng wika sa ating bansa at
upang ipakita ang ating pagmamahal sa wika. Kaya ikaw ako at tayong mga Pilipino ay dapat na
magsama-sama at magkaisa sa paggamit ng Wikang Pambansa.
Masasabi narin natin na malayo na rin ang narating ng ating wika. Ito ay dahil na rin sa ahensya at mga
institusyon na nagtulong tulong gumawa ng programa upang mapaunlad ang ating wikang Filipino. Wika
ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao
sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Malaki
ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan.

“Ang wika ay isang likas at makataong pamaraan ng paghatid ng mga kaisipan, damdamin at

Mga mithiin” (Edward Sapir)

Kahit na anumang anyo, pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang
pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang
panahon ng mga naliko na tala. Pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan,
pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang displina. Maging ang
kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa pamamagitan ng wika.

You might also like