Professional Documents
Culture Documents
Panitikan ng Rehiyon
IV-B MIMAROPA
Halina’t magtampisaw
Sa karagatang bughaw
Tubig mo na ka'y linaw
Sa akin ay pumukaw
Dagat mo'y lalanguyin
Yamang dagat sisirin
Isda ma'y huhulihin
Sa gayo'y may makain
Ako'y pumailalim
Huminga ng malalim
Paningin ay nagdilim
Sakit nito'y kinimkim
Nang magalit ang alon
Ako nama'y umahon
Tila ba isang hamon
Pumalaot paroon.
Marinduque
Sa bahay pahingahan
Masayang nananahan
Puso'y nag-aawitan
Pakiramdam kay gaan
Kay halinang pagmasdan
Bundok at karagatan
Mayamang kalikasan
Ating pahalagahan
Lambak na parang hardin
Hangin ay lalanghapin
Hiwaga ma'y tuklasin
Akin ngang kilalanin
romblon
Sa berdeng kagubatan
Na kay sarap puntahan
Halama'y nagsayawan
Ibon ma'y nag-awitan
Dito ay natagpuan
Magandang kabuhayan
Kay sarap ngang pagmasdan
Nabighaning tuluyan
Galak ay di maibsan
Saksi ang kalangitan
Taglay mong kagandahan
palawan
O aking natagpuan
Perlas ng silanganan
Hindi pangkaraniwan
Akin ngang nasilayan
Magandang pangisdaan
Tayo ay maglalayag
Sakay ng balsang patag
Puerto Prinsesa'y tawag
Kagandaha'y ihayag