Itong pag-ibig na ating nilikha Hindi ko na namalayan Nahulog na pala ng tuluyan
Sa mga matatamis mong salita
Ako'y nabihag na nga at hindi na makawala Ano bang salamangka ang ginamit mo At tila ako ay praning at baliw sayo
Sa malawak na espasyo ay may makipot na pintuan
Dito sa pintuan, tahimik ang puso kong nananahan. Mga yabag ng paa na sa akin ay nagpapakaba Dahan-dahan, unti-unti puso ko'y muling nabighani
Sa malalamig mong kamay
Dahan-dahan mong kinatok ang pintuang nalulumbay Ginising ang puso kong mahimbing na natutulog Ng iyong nanginginig na katok at nahihiyang pag-irog
Marahan kong itinapak ang mga paa
Upang sumilip sa pintuang nakasara Hinatak ako palabas ng iyong nagsusumamong pagsinta At malumanay kong binuksan ang pintuan upang ika'y masilayan na
At nang ika'y aking masilayan
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman Tila isang panaginip Na parang ayaw ko nang magising mula sa aking pagkakaidlip Ngunit ito na naman sumusulyap ang nakaraan Pilit kong kinakalimutan ang bakas ng sugat na kanyang inilaan Buhat nang pumatak ang mga luha sa daan Alak ang naging pamunas upang siya ay aking kalimutan
Kaya naman natakot ako at nag-alinlangan
Na baka maulit muli ang pait at pagdurasa na aking naranasan Kaya pasensya kana kung hindi ko pa kaya na sumubok at magsakripisyo Hindi pa siguro talaga handang ibigay ang buong pagkatao
Ngayon ay dahan-dahan ko nang isasara ang pintuan
Ihahakbang ang mga paa at handa nang lumisan Pagkat alam ko na wala itong patutunguhan Gigising na ako mula sa katotohanan
Ako ay gagapang pabalik sa aking higaan
Ipipikit ang mga mata, lilimutin na sa isipan Pero salamat sa inialay mong tsokolate at rosas Dahil ngayon ako ay babangon at maglalakbay sa panibagong bukas
Ngayo’y sa aking pag talikod tila luha agad sa mata’y umaagos
Tila ba parang nais kong mag humangos Tunay bang handa ako? Napakaraming tanong sa aking isipan Pero tama nga sila, kaya kong mapag isa katulad na lamang ng inihagis na sisidlan
Sakit na galing sa pag lisan ko, dahilan rin ng mga napagtanto
Gayunpaman salamat sa iyo, isa kang susi sa pintuang kay tagal kong kinandado Sakit at pighating siyang nag pasuko sa walang humpay na paglaban ko Kaya sinta pasensya kana kung muli kong isasara ang pintuan na ating binuo.