You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


Province of Laguna
ISO 9001:2015 Certified
Level I Institutionally Accredited

Mga Gawaing
Pangkomunikasyon at
ng mga Pilipino

:
:
:
Student Learning Strategies
Offline Activities (e-Learning/Self-Paced)

Ano ang chismis para sayo?

Para sa sarili kong pagpapakahulugan ang tsismis ay tumutukoy sa pagbibigay ng


impormasyon na batay sa kanyang obserbasyon at narinig mula sa ibang tao na maaaring totoo,
binaluktot na katotohanan, dinagdagan o binawasang katotohanan, sariling interpretasyon sa
nakita o narinig, pawang haka-haka o inimbentong kwento na walang tiyak na basihan. Ito rin ay
nagdudulot ng negatibong epekto sa tao kung saan maaring maging simula ng hidwaan o away. Sa
kasalukuyan, ang tsismis ay mabilis ng naibabahagi sa pamamagitan ng social media gaya ng
facebook, twitter, Instagram, messenger at iba pa. Kaya naman maraming tao ang nakakasagap ng
maling impormasyon sapagkat hindi nila ito sinusuri bago ito paniwaaalan. Ang tsismis ay
karaniwang nagiging libangan ng mga tao sapagkat sila ay naiintriga mula sa sikreto o baho ng iba
ngunit ito ay nagiging simpleng paraan upang makapanakit ng kapwa at makasira ng reputasyon
ng iba.

Ano-ano ang positibo at negatibong dulot ng chismis?

POSITIBO NEGATIBO
1. Ang tsismis ay isang paraan upang 1. Nakayuyurak ng reputasyon ng ibang tao
makakuha ng impormasyon. sa pamamagitan ng walang batayang
panghuhusga sa kasalanang di-umano
kanilang ginawa.
2. Nakapagbibigay sa mga tao ng sikolohikal
na koneksyon at kultural na ugnayan sa 2. Instrumento ng kapangyarihan upang
lipunang ginagalawan. linlangin ang taumbayan.
3. Nakapagbibigay ng panimulang ideya
hinggil sa mga isyung binibigyang pansin ng
mga mamamayan. Ito rin ay palatandaan na 3. Ang tsismis ay simpleng paraan upang
makapaglalantad sa malaking isyung makapanakit ng kapwa at mga kaaway
panlipunan na dapat bulatlatin ng
masinsinan.
4. Maaaring gamitin bilang social marketing
upang takamin ang mga tao hinggil sa isang 4. Ang tsismis ay pinag-uugatan ng
bagong teknolohiyang panlipunang hidwaan o away dahil sa tsismisang wala
maaring ilako para mapakinabangan ng naming sapat na batayan.
marami.
5. Nagbibigay ng panandaliang katuwaan at 5. Ang tsismis ay nakasisira ng
kaluwagan sa damdamin ng mga mahirap pagkakaibigan dahil sa pagbabahagi ng
na manggagawa ang tsismisan dahil dito sikreto nito sa iba.
nila naibubuhos ang sama ng loob nila sa
kanilang mahirap na kalagayang
panlipunan.
Ano-ano ang legal na Aksyon at mga Patakaran na Kaugnay ng Tsismis?

Mukha mang simpleng bagay ang pangtsitsismis, ito ay maaaring makasama kung sumobra.
Maaari itong makasira ng reputasyon ng isang tao at lubhang makaapekto sa kalagayan ng pinag
uusapan. Ang mga tsismis na naglalayong makasakit ng tao at nakahahamak ng dignidad ay
itinuturing na paninirang puri at may mga legal na aksyon na maaaring gawin upang labanan ito at
ipagtanggol ang sarili gaya ng pagsampa ng kasong libel o slander.

Kinilala ng ating Kodigo Sibil ang karapatan ng bawat isa na maproteksyunan ang kanyang
dignidad, personalidad, pribadong pamumuhay, at kapayapaan ng isip.

Sinasabi sa Artikulo 26 na ang mga sumusunod na magkakatulad na akto, bagamat hindi


maituturing na krimen ay maaaring makabuo ng isang dahilan ng aksyon (cause of action) para sa
mga danyos, pagtutol at iba pang kuluwagan:

1. Panunubok sa pribadong buhay ng iba;


2. Panghihimasok o pang-listorbo sa pribadong buhay o ugnayang pampamilya ng iba:
3. Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iiwasan ng kanyang kaibigan;
4. Pang-aasar o pamaahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang pangrelihiyon, mababang
antas ng pamumuhay, lugar ng kapanganakan, pisikal na depekto, at iba pangpersonal na
kondisyon.

Ayon sa Artikulo 353, ang libelo ay isang pampubliko at malisyosong mga paratang sa isang
krimen o isang bisyo o depekto na maaaring makatotohanan o kaya ay haka-haka o anumang kilos,
pagkukulang, kondisyon, katayuan, o kalagayan na naging dahilan ng kasiraang puri, pangalan o
pagpapasala sa isang likas o huridikal na tao, o upang masira ang alaala ng isang namayapa na (salin
mula sa Artikulo 353, RPC). Itinuturing na libelo ang isang akto kung ang mga paninira ay pinaraan
sa pasulat o broadcast na midyum, samantalang oral defamation naman kung ang gagamitin a
midyum ay pasalita.
Halimbawa , ang Binalonan Pangasinan ay nagpapatupad ng isang ordinansa na nagpapataw ng
multa sa mga tsismoso at tsismosa. Sa ilalim ng naturang patakaran, pagmumultahin ng mga
sumusunod na halaga Php 300, 500 at 1000 para sa una, ikalawa at ikatlong paglabag. Bukod pa
rito, ang indibidwal na magkakasala ay kailangan na magbigay ng serbisyong pangkomunidad o
community service.

You might also like