You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


Province of Laguna
ISO 9001:2015 Certified
Level I Institutionally Accredited

Pangalan: John Rafael L. Cortez


Kurso/Seksyon: BSED 2-B Filipino
Ipinasa kay: Joshua Urrete
Performance Tasks
PT3
Panuto: Maghanap ng isang akda sa rehiyon IV-A mula sa internet o libro at suriin
ito ayon sa mga sumusunod:

Isang gabi, napakislot sa pagkakahiga ang persona ng maikling kwentong


ito o ang may akda nang marinig na naman niya ang daing ng kanyang
masakiting ama mula sa silid nito. Nagbalikwas siya para tunguhin ang silid ng
kanyang ama, subalit nagbaga na naman ang kanyang damdaming hindi
maipaliwanag. Nang buksan niya ang kanyang pinto, nakita niya ang kanyang
ina at sa pamamagitan ng tingin nito'y alam na niya ang dapat gawin. Pumunta
siya sa lansangang-bayan para tawagin si Dr. Santos. Sumama naman ang doktor
para tingnan ang kalagayan ng kanyang ama. Matagal ng may sakit ang kanyang
ama ngunit hindi rin lubusang gumaling dahil sa lagi nitong sinusuway ang bilin
ng doktor. Kung paalalahanan naman ng kanyang ina, nagagalit ang kanyang
ama dahil alam daw nito ang kanyang ginagawa. Dahil tanging lalaking sa
pamilya, ay inako na niya ang tungkuling tumawag ng manggagamot sa
anumang oras naroroon siya tuwing maririnig niya ang daing ng kanyang
ama.Iyon ay isang gawain na matapat na niyang nagagampanan matapos ibinilin
sa kanya ng mga kapatid ang kalagayan ng kanilang ina nang nagsisama ang mga
ito sa kanilang napangasawa sa Kabisayaan.
At ito nga ang kanyang ginagawa, ang tulungan ang ina sa pag-aalaga sa
kanyang ama. Lubos na lamang ang kanyang pagtataka kung bakit nasabi ng
kanyang mga nakakatandang kapatid na siya na ang bahala sa kanilang ina.
May mga bagay siyang hindi nalalaman na tanging mga kapatid lamang niyang
nakakatanda ang nakakaalam mula sa kanilang pinag-uusapan. Ngunit nabuo
na sa isip nito ang pinag-uusapan nila, sapagkat sa ibang umpukan sa maliit na
pamayanang iyon, ay narinig niya: Ang kanyang ama, si Ading at isang sanggol.
At sa isip niya, marahil ay marami pang Ading at marami pang sanggol sa
buhay ng kanyang ama.Ang mga luhang nakikita niya sa kanyang ina, ang
hinanakit ng kanyang mga kapatid sa mga luhang nakikita niya sa kanyang ina,
ang hinanakit ng kanyang mga kapatid sa ama, ang natuklasang katotohanan
tungkol sa ama at kay Ading at sa sanggol ay ang mga rason marahil kung bakit
nakakaramdam siya ng isang damdaming dayuhan. At iyon nga ang kanyang
nararamdaman sa tuwing makikita niya ang ama sa silid nito at tila ba isa
siyang dayuhan sa pook na iyon.Nang marating na niya at ni Dr. Santos ang
kanilang bahay, nakita niya ang ina at dalawang nakakabatang Dr. Santos ang
kanilang bahay, nakita niya ang ina at dalawang nakakabatang muling
nagbalikwas ng marinig ang mga hirap na paghingal at pigil na pag-iyak.
Nasalubong niya si Dr. Santos at sinabihan na maiwan nalang at huwag na
siyang ihatid dahil kakailanganin daw siya. Mula sa mga sinasabi ng kanyang
ina, iyakan ng mga kapatid hanggang sa nakaratay na ama, napagtanto niyang
nalalapit na talaga ang oras ng kamatayan ng kanyang ama. May kumurot sa
kanyang laman, at bigla ay nadama niyang kilala na niya ang silid na iyon at
lumapit siya siya sa ama.
Isang maikling kuwento na isinulat ni Buenaventura na
pinamagatang “Dayuhan” isang salita lamang ang pamagat ngunit
may malawak na kahulugan. Kuwentong mapapaisip ka kung sino
ba ang tinutukoy na dayuhan ngunit sa pag-usad ng kuwento
maiintindihan mo kung ano nga ba ang pamagat. Dayuhan, hindi
dahil sa dayo ka sa isang lugar, ito’y pinamagatang dayuhan dahil
mababasa mo sa kuwento na ang pamilya ay may hindi
pagkakaunawaan dahil sa mga rason at maling ginawa ng kanilang
ama. Ito ay naglalarawan sa nararamdaman ng isang anak, galit,
poot, pananabik, awa at pagmamahal na gusto niyang ipakita
ngunit pilit niyang pinipigilan. Kaya pinamagatang dayuhan dahil
sa bunga ng hindi pagkakaintindihan na nagdulot ng kaguluhan sa
kanilang mga isipan.
Si Buenaventura S. Medina, Jr. ay isang Pilipinong manunulat ng higit
sa 25 na libro. Karamihan dito ay mga nobela at libro sa kritisismo. At
kabilang sa kanyang naisult ang maikling kwento na pinamagatang
“Dayuhan”. Isa rin sa mga likha nito ang Saan Patungo ang Langay-
langayan? Siya ay pinanganak noong 1 Disyembre 1928. Nagtapos siya ng
BA at MA sa Ingles sa Far Eastern University at Ph. D. sa Centro Escolar
University. Sumulat siya ng mga dokumento na pinakita sa mga
internasyonal na kumperensiya sa Japan at Thailand. Naging professor din
siya sa Far Eastern University, Ateneo de Manila University, at De La Salle
University.
Kabilang sa mga nalimbag niyang gawa ay ang Pintig (1969), Gantimpala
(1972), Confrontations, Past and Present in Philippine Literature (1974),
The Primal Passion, Tagalog Literature in the Nineteenth (1976), Francisco
Baltazar's Orosman at Zafira (1991) at Moog and Alaga (1993).
Ginantimpalaan din siya kanyang mga essay at maiikling kuwento.
Nagtrabaho din siya bilang editor ng mga magasin gaya ng Free Press. Siya
ay napabilang sa Don Carlos Palanca Memorial Awards Hall of Fame noong
1996. Pinarangalan din siya ng South East Asia Writer Award (SEAWRITE)
noong 1994. Nagkaroon din siya ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas
Award for Literary Criticism.
Anak - responsable sa gawaing nakaatang sa kanya tulad ng pagsusundo
at hatid sa doktor ng ama. Nagbago ang kanyang damdamin sa ama mula
nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa babae ng kanyang ama.

Ina - matiisin at matimpi. Sa kabila ng katotohanang nambababae ang


kanyang asawa ay buo pa rin ang pagmamahal niya sa asawa. Laging
nag-aalala sa kalagayan nito sa kabila ng kalamigan ng pakikitungo sa
kanya. Lihim na iniluluha na lamang ang lahat ng sakit na
nararamdaman.

Ama - May ibang pamilya kahit na maysakit at walang gaanong pera.

Mga nakatatandang kapatid na babae - ang naghabilin sa kapatid na


lalaki na bantayan ang ina, huwag pababayaan. Nakakaalam ng
sitwasyon ng ina ang at paghihirap nito sa piling ng asawa.

Dr. Santos - ang manggagamot ng kanilang ama. Sinusundo at hinahatid


siya ng anak na lalaki sa tuwing inaatake ng sakit ang kaniyang ama nito.
Naganap ang kwento sa tahanan ng pamilya kung saan namasdan ng anak ang
lahat ng pangyayari sa pagitan ng kanyang mga magulang.

➢ PINAGGANAPAN

SA SILID- ang silid ng kanyang ama na hindi niya mapasok-pasok

Ilang hakbang lamang ang nakapagitan sa silid ng ama ko at sa akin, ilang


hakbang lamang at maaari ko nang mabuksan ang pinto at itulak iyon
upang makita ko ang nasa loob.

Sa pagbalik ko sa aming bahay, tuluy-tuloy ako sa aking silid. Ni hindi ko


tinapunan ng tanaw ang silid ni Ama.

HAGDANAN- maikling hagdanan na tinatawid ng pangunahing tauhan sa


tuwing pupuntahan niya si Dr. Santos.

Alam ko na ang aking gagawin. Sapat na sana ang tingin ni Ina subalit ang
isang matipid na galaw ng labi'y tinig pa ring narinig ko: "Si Ama..." "Opo,"
mahina kong sagot, sabay-talikod upang lundagin ang maikling hagdana't
tawirin ang gabi, hanggang sa sapitin ko ang lansangang-bayan at tawirin
iyon at magpatao po sa unang botikang matatagpuan sa hilaga at tawagin si
Dr. Santos.
Naganap ang kwento sa tahanan ng pamilya kung saan namasdan ng anak ang
lahat ng pangyayari sa pagitan ng kanyang mga magulang.

BAKURAN
Tuwina'y kakaunin ko si Dr. Santos, susundan siya sa pagpasok sa aming
bakuran, tuloy sa kabahayan hanggang silid ni Ama:

➢ PANAHON
GABI
At nang sumugat sa katahimikan ng gabi ang daing na iyon, napakislot ako
sa aking pagkakahiga.

Isang gabi'y narinig ko ang mabining tinig ni Ina: "Makasasama sa iyo ang
pagpupuyat. Kailangan mo ang pahinga." Yamot ang tinig ni Ama nang
humakbang iyon ng ilan, padako sa aking silid at maglagos sa dingding at sa
gabi. "Matanda na ako! Hayaan mo na ako sa maibigan ko!"

LINGGO
Lagi nang may ipinagbabawal si Dr. Santos, at lagi namang may sinusuway
si Ama pagkaraang makasunod nang mga ilang linggo. Saka ko maririnig
ang paalala, pakiusap, pagsusumamo ni Ina: sa silid na iyon, sa siHd ding
iyon; saka ko maririnig ang sasabihin ni Ama: "Maaari bang pabayaan mo
na ako?"
SA UMAGA
Sa umaga'y naririnig ko na ang mararahang yabag na patungo sa silid ni
Ama; alam kong si Ina, gigisingin si Ama. Hiwalay sila ng silid, si Inia'y
kasama ng dalawa kong kapatid na babaing nakababata, si Ama'y sa sarili
niya. May maliit akong silid na karatig ng sa aking ina, katapat ng sa aking
ama. Ngunit ang nakapagitang mga dinding ay ginigiba ng mga tinig:
mabini, marahas, malakas, mahina. Ang mga tinig ding iyon ang naghahatid
sa akin ng nangyayari sa maghapon; mga tinig na di ko man kusang
pinakikinggan ay naririnig ko.

BUWAN-BUWAN
May dumarating na sulat at hiro postal buhat sa mga kapatid ko buwan-
buwan. Katuwaan na ni Ina ang gay on. Ang lungkot ng ilang buwan buhat
nang umalis sina Ate ay unti-unti na sanang napapawi, subalit muling
nagkasakit si Ama. Muli kong ginampanan ang aking tungkulin: tinatawag
ko si Dr. Santos at inihahatid iyon. Muli kong natunghayan ang mukha ni
Ina at ang namamahay na lungkot doon. Gumaling si Ama, subalit di na
humihiwalay ang malungkot na katahimikan ni Ina. Gayunpaman, naririnig
ko pa rin ang mabibining yabag ni ina tuwing umaga.

IKATLONG ARAW
Naghihintay si Ina sa pinto ng silid ni Ama. Katabi niya ang dalawa kong
kapatid na nakababata. Hinihintay nila ang pagdating namin ni Dr. Santos:
hinihintay nila ang lunas kay Ama. "Ngunit ikatlong araw na ito ng
pagsumpong ng sakit ni Ama. Tatlong bahagi na ang tagpong iyon sa
pintuan ni Ama. Hanggang pintuan lamang. Sapagkat may damdaming
pumipigil sa akin sa pagtuntong sa dakong iyon ng aming tahanan:
namimigat ang mga hakbang ko.
Ang paksa/ tema ng kuwento ay tungkol sa pagmamahal
ng isang anak sa kabila ng pagiging dayuhan na
nararamdaman nito sa kanyang ama, isang pagmamahal na
kahit hindi man niya maipakita ay mararamdaman mo ang awa
at pananabik na gusto nitong ipakita.
1. TEORYANG KLASISMO
✓ Nangingibabaw ang kanilang isip na maghanap nang sariling
kabuhayan para sa kanilang pamilya
Patunay:
Magtutungo sila sa Kabisayaan upang doon hanapin ang nagkakait
na tagumpay sa pangangalakal. May katuwiran sila, naisaloob ko.
Kailangan nilang magtindig ng sariling kabuhayan. Si Ina'y walang kibo
kahit sa gitna ng kanyang mahinang pagtutol, ayaw niyang mawalay ang
mga anak, ngunit malaki ang pagnanais nina Ate na humanap ng sariling
daigdig.

✓ Sa kabila ng lungkot na nararamdaman ay nangibabaw pa rin ang


isip ng kanyang ina na kailangan niyang hayaang umalis ang
kanyang mga anak.
Patunay:
Noon ko unang nakilala ang lungkot ni Ina, ibayo pa sa luhang
namuo't nadurog sa mata, ibayo pa sa impit na hikbi, ibayo pa sa
buntunghininga. At nang yumakap ang mga kapatid ko sa aking ina, tila
naulinigan ang bilin nila: "Huwag kayong mag-aalalang mabuti ...“

✓ Sa kabila ng poot at tampo sa kanyang ama ay nangingibabaw pa rin


ang kanyang isip na gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang
anak.
Patunay:
Muli kong ginampanan ang aking tungkulin: tinatawag ko si Dr.
Santos at inihahatid iyon.
2. TEORYANG ROMANTISISMO
✓ Nangingibabaw ang pag-aalala para sa kanyang ama sa kabila ng poot
at galit.
Patunay:
Sapat na sana ang tingin ni Ina subalit ang isang matipid na galaw ng
labi'y tinig pa ring narinig ko: "Si Ama..." "Opo," mahina kong sagot, sabay-
talikod upang lundagin ang maikling hagdana't tawirin ang gabi, hanggang
sa sapitin ko ang lansangang-bayan at tawirin iyon at magpatao po sa unang
botikang matatagpuan sa hilaga at tawagin si Dr. Santos.
✓ Nangingibabaw ang pagmamahal ng isang asawa sa kabila ng hindi
magandang pag-uunawan ay nandoon pa rin ang pag-aalala.
Patunay:
Sa umaga'y naririnig ko na ang mararahang yabag na patungo sa silid
ni Ama; alam kong si Ina, gigisingin si Ama.
Alam ko ang aking ginaga..." ang narinig ko minsan. Marahil ay pinuna ni Ina
ang pag-uwi ni Ama nang malalim sa gabi. Marahil ay nasabing makasasama
iyon sa katawan nito. Kailangan ang pahinga. Sa akin man nasasabi iyon ni
Ina, kaya alam kong iyon ay isang paalala lamang.
✓ Pagmamahal ng mga anak sa kanilang ama
✓ Pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak
✓ Galit na nararamdaman ng mga anak sa kanilang ama
✓ Ang awang nangingibabaw
✓ Ang pag-aalalang nararamdaman ng isang ama at ina sa kanyang mga
anak noong kailangan na nilang umalis.
✓ Ang pananabik na Makita ang kanyang ama.
✓ Ang galit na nararamdaman ng pangunahing tauhan.
Patunay:
Noon, kaisa ako ng aking mga kapatid. Nagpupuyos ang aking kalooban
habang mabilis na nagsisitindig sa aking gunita ang mga Ading at mga
sanggol, ulit at ulit, kaya halos sumigaw na rin ako: mabuti na ngang
mamatay! Ngunit di sumilang ang mga salitang iyon pagkat narinig ko si Ina:
"Anak ... anak ..."
3. TEORYANG FORMALISMO
✓ Estilo at wikang ginamit

Ang wikang ginamit sa kwento ay antas lalawiganin dahil ito’y naglalaman ng


mga dayalekto ng Batangueṅo gaya ng “gay on” at sa Ilocano na ang salitang
ading na ginagamit rin sa Filipino na ang ibig sabihin ay nakababatang
kapatid na babae o lalaki. Ang wikang ginamit sa akda ay nasa antas ng
pamapanitikan din na kung saan ang mga salita ay payak ngunit piling-pili at
may nais na ipakahulugan at ang pangunahing tauhan ay siya rin mismo ang
nagsasalaysay.

4. TEORYANG MORALISTIKO
✓ Pagiging masunurin ng pangunahing tauhan sa kanyang ina
✓ Pagiging mapagmahal na ina

5. EKSISTENSYALISMO
Ang kwentong ito ay gumamit rin ng teoryang eksistensiyalismo. Malaya
ang taong gawin ang kaniyang kagustuhan bilang isang indibidwal.

Patunay:
"Alam ko ang aking ginagawa ang narinig ko minsan Marahil ay pinuna
ni Ina ang pag uwi ni Ama nang malalim sa gabi.. Marahil ay nasabing
makasasama iyon sa katawan nito. Kailangan ang pahinga. Sa akin man ay
nasasabi iyon ni Ina, kaya alam kong yon ay paalaala lamang Isang gabi'y
narinig ko ang mabining tinig ni Ina: "Makasasama sa iyo ang pagpupuyat.
Kailangan mo ang pahinga" Yamot ang tinig ni Ama nang humakbang iyon
ng ilan, padako sa aking silid at maglagos sa dingding at sa gabi. "Matanda
na ako! Hayaan mo na ako sa maibigan ko!"

Sanggunian
https://www.academia.edu/34908260/Dayuhan_kc_riza

You might also like